You are on page 1of 22

KONSEPTONG

PAPEL
●Ang Konseptong papel ay ang
unang mahalagang hakbang bago
magpatuloy sa pagsusulat.
●Isa rin itong gabay
upang maipakita ang
potensyal sa gagawing
pag-aaral.
PANGUNAHING BAHAGI
NG KONSEPTONG PAPEL
RASYUNAL

a. Ito ang unang bahagi ng papel.

b. Nakatala rito ang mahahalagang


impormasyon tungkol sa paksa.
c. Inilalahad ang unang bahaging ito
kung saan at paano nagsimula ang
ideya.

e. Sa bahagi ring ito babanggitin


kung sino at papano makikinabang
ang mga mambabasa sa
pananaliksik.
LAYUNIN
a. Sa bahaging ito inilalahaad at inilalarawan ang
suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus.

b. Inilalahad dito ang mga impormasyon tungkol sa


kahalagahan ng paksa.

c. Kung may mga estadistika, banggitin ito bilang


paunang datos. Kailangan laman na patunayan na
may saysay ang gagawing pananaliksik.
●Ang layunin ng papel
ang magsisilbing
lunsaran sa gagawing
pag-aaral.
Sa pagbubuo ng layunin ng
gawaing pananaliksik,
magagawa nitong :

a. Mabigyan ng pokus ang


pinakamahalagang aspeto ng pag-aaral .
b. Maiwasan ang pangangalap ng mga datos
na hindi kailangan sa pag-aaral.
c. Maorganisa ang pag-aaral.

d. Makatutulong upang
matukoy ang pinakaepektibong
metodolohiya o pamamaraan na
kakailanganin sa pananaliksik.
Paano bumuo ng mga
layunin ng
pananaliksik?
a. Tiyakin na nasasaklawan ng
layunin ang lahat ng aspeto ng
pananaliksik.

b. Sikaping maging
makatoohanan ang layunin.
c. Ilahad ng layunin sa paraang
operasyonal.

d. Tandaan na ang mga resulta ng


pag-aaral ay iaangkop sa mga layunin
kung hindi nakaayon ang resulta sa
layunin,maaaring hindi tanggapin ang
pag-aaral.
METODOLOHIYA
a. Ibigay ang overview ng
metodolohiyang nais gamitin
upang maisakatuparan ang
proyekto . Lahat ng mga
makabagong lapit, teknik o mga
proseso na maaaring gamitin.
b. Siguraduhing magkaugnay
ang mga layunin at metodo.

c. Ilagay rin ang panahong


nasasakupan ng gagawing pag-
aaral at kailan ito inaasahang
matapos.
INAASAHANG BUNGA
a. Ito ang pangkalahatang anyo
ng konseptong papel.

b. Sa bahaging ito binabanggit


ang mga dapat asahan sa
gagawing pananaliksik.
Mga Ideya Research Question?

Paano iniimpluwensyahan ng social


• Kabisaan ng Social Media media ang “decision making” ng mga
kabataan ngayon?
Ano ang saloobin ng mga magulang sa
• Implimentasyon ng K-12
implimentasyong ng K-12?
Paano nakaaapekto ang DOTA sa ugali
• Epekto ng DOTA
ng mga kabataan?
Nakasisiguro ba tayo sa makatutulong
• Green Architecture
sa kapaligiran ang Green Architecture?

Bakit marami ang nahumaling sa paglalaro ng


• Paglalaro ng Candy Crush
Epekto ng Global Warming: Isang Malaking Banta ng Seguridad ng
mga Magsasaka sa Lalawigan ng Bulacan

Isang Konseptong Papel

Bilang Bahaging Pangangailangan sa Asignaturang Komunikasyon


at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ipinasa nina:

Ipinasa kay:

Bb.Mary Rose O. Dela Villa

Oktubre, 2016
Rasyunal:
Isang malaking banta sa sangkatauhan ang
paglala ng kalagayan ng mundo. Patuloy na
lumalaki ang bilang ng populasyon at patuloy rin
ang pagtaas ng kunsumo at suplay ng enerhiya
ng mga mamamayan na ang karaniwang
pinagkukunan ay fossil fuels. Dahil sa paggamit ng
fossil fuels, pinalalala nito ang pag-init ng mundo
na nagbubunga ng pag-iiba-iba ng klima.

Ang pisikal na epekto ng global warming


katulad ng pagpapalit-palit ng panahon ay isang
mahalagang isyu, at ang potensyal na impact nito
sa seguridad ng mga bansa tulad ng sa mga
bansang nasa Third World.
Isang mahalagang bahagi ng banta sa kapayapaan at seguridad ay ang
posibleng maganap na alitan sa borders ng bawat bansang apektado.
Ang patuloy na pagtunaw ng yelo na nagiging sanhi ng pagtaas ng
bahaging tubig at unti-unting paglubog ng mababang lugar ay maaaring
magbunga ng isang malaking pagbabago sa anyong lupa. Bunsod nito
unti-unti na ring lulubog ang mga coastlines na magreresulta ng pag-iiba
ng shipping routes at magiging suliranin na rin ang pagbugso ng migration
bunga ng paglikas mula sa lugar na lumubog. May malaking impact din
ito sa kabuhayan ng mga mamamayan lalo na sa agrikultura.
Magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain at sa mga
pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang pokus ng konseptong papel na ito ay tutuon lamang sa implikasyong


pangseguridad ng epekto ng global warming bunga ng pagpapalit ng
klima. Marami nang pag-aaral ang naisagawa tungkol sa global warming
subalit ang pagiging banta sa seguridad ng isang bansa ay hindi pa
ganap na napagtutuunan ng pansin. Isang malawakang kampanya ang
kailangang palaganapin sa pamamagitan ng midyum na maaabot ang
interes ng mga mamamayan. Mahihikayat ang mga kalahok na magsuri
at magbigay ng solusyon nang sa gayon ay hindi na umabot pa sa isang
trahedya ang pagsasawalang-bahala ng mga tao.
Layunin ng papel na ito ang:

• Matukoy ang mga implikasyong


panseguridad na dulot ng global
warming.
• Makapaglahad ng mga alternatibong
pamamaraan upang hindi lumalalaang
epekto ng global warming sa
kabuhayan at teritoryal na pag-aari ng
isang bansa.
• Makabuo ng malawakang istratehiya
upang mapigilan ang bantang
maaaring ibunga ng global warming.
Metodolohiya
• Magpapakalat ng mga questionnaires
tungkol sa global warming.
Magkakaroon din ng mga panayam at
forum sa mga awtoridad tungkol sa
nasabing isyu. Sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng malawakang
talakayan ay magkakaroon ang mga
mamamayan ng ganap na kaalaman
tungkol sa napipintong panganib na
dulot ng global warming.
Inaasahang Bunga:
• Ang papel na ito ay isang panimulang
hakbang sa pagtataguyod ng adbokasi ng
pagpigil ng paglala ng global warming. Ito
ay maglalaman ng mga datos na
magbabalangkas ng mga hakbangin
upang maresolba ang global warming.
Ang lahat ng mahahalagang datos na
makakalap ay ilalathala. Ilalakip din ang
resulta ng mga sarvey bilang
karagdagang pahina.

You might also like