You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

1O Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 1:
Konsepto ng Globalisasyon

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marirose E. Breto


Editor: Florence S. Gallemit
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: James Reymart E. Breto
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Florence S. Gallemit
Jr Simed Joseph B. Saguin
Alamin

Sa modyul na ito ay susuriin ang mga isyung pang-ekonomiya tulad ng globalisasyon.


Hangarin sa pag-aaral ng mga aralin na nakapaloob sa modyul na ito na maunawaan ng mga
mag-aaral ang mga hamon at tugon sa isyung nabanggit tungo sa pagpapabuti ng kalidad ng
pamumuhay. Makatutulong ang pag-unawang ito sa pagpapanatili ng dignidad ng buhay ng
isang indibidwal.
Mahalagang maunawaan na hindi lamang ang kapaligiran ang patuloy na nagbabago
kundi maging ang takbo ng lipunan na kinabibilangan ng bawat isa. At isa sa mga
pagbabagong ito ay tinatawag na globalisasyon.
Halina’t suriin at unawain ang mga kaugnay na konsepto nito. Makatutulong sa iyo ang
mga gawain upang lubusang maunawaan ang mga esensyal na kaisipan patungkol sa
globalisasyon. Halina at simulan ang pagsusuri nito.
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

 Nasusuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung


panlipunan.

Balikan

Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag/katanungan. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin upang maging handa sa panahon ng
bagyo?

A. Tiyakin na walang sira ang laptop.


B. Mag-isip ng mga ibat ibang uri ng sasakyang pandagat
C. Pag-usapan ng iyong pamilya ang tungkol sa emergency plan.
D. Tandaan ang mga emergency hotline gaya ng Bantay bata 123.

2. Ano ang nararapat gawin kapag inabutan ng baha sa daan?

A. Maglaro sa baha
B. Lumangoy sa baha
C. Humanap ng ibang daan
D. Subukan tawirin ang baha

3. Paano muling makababangon kung nasalanta ng kalamidad?

A. Kumilos ng mabilis. Huwag maging balisa.


B. Takpan ang ilong ng basang tela kung may ashfall.
C. Sundin ang payo ng PHIVOLCS, lalong lalo na kung pinalilikas na kayo.
D. Siguruhing maayos ang inyong tahanan. Mag-ingat sa mga naputol na kawad ng
kuryente na nakakalat sa daan.

4. Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad?

A. Kulang sa tamang impormasyon.


B. Pagyanig ng lupa at pagkasira ng mga gusali
C. Pagkakaroon ng malaking hagupit ng alon mula sa baybaying dagat
D. Maaaring makaranas ng matinding kalamidad ang mga lugar malapit sa dagat

5. Paano makapagtutulungan ang mga mamamayan at pamahalaan para mabisang


maharap ang hindi mabuting epekto ng mga kalamidad?

A. Pangalagaan ang buhay ng tao at hayop


B. Maaaring puntahan ang mga website upang makita ang mapa.
C. Gumamit ng makina upang maobserbahan at matukoy ang galaw ng tubig.
D. Magsagawa ng seminar at workshop para maturuan ang mga opisyal
ng local na pamahalaan at mga mamamayan.

6. Tinatawag din itong Human-Induced Hazard. Mga hazard na bunga ng mga gawain ng
tao tulad ng maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan.

A. Disaster
B. Vulnerability
C. Natural Hazard
D. Anthropogenic Hazard

7. Tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan tulad ng bagyo, lindol, tsunami,


thunderstorm, storm surge at landslide.

A. Disaster
B. Resilience
C. Natural Hazard
D. Anthropogenic Hazard

8. Tumutukoy sa tao, lugar at imprastruktura na may mataas na posibilidad na


maapektuhan ng mga hazard.

A. Disaster C. Natural hazard


B. Vulnerability D. Anthropogenic hazard

9. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.

A. Risk C. Disaster
B. Hazard D. Vulnerability

10.Tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na


dulot ng kalamidad.

A. Disaster C. Natural hazard


B. Resilience D. Anthropogenic hazard
Aralin
Konsepto ng Globalisasyon
1

Tuklasin

Alamin ang mga produkto o serbisyo gamit ang mga sumusunod na logo.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.
Suriin
Basahin at matuto.

Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan ay


ang globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa paaralan, panonood ng telebisyon at maging sa
hapag-kainan ay mababanaag ang manipestasyong ito. Ngunit, kailan at paano nga ba
nagsimula ang pandaigdigang penomenon na ito? Paano nito binago ang ating pamumuhay?

Ano ang globalisasyon?

Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,


impormasyon at produkto sa ibat ibang direksyon na nararanasan sa ibat ibang panig ng
daigdig (Ritzeer, 2011).

Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao,
kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas
at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.

Hindi na bago ang globalisasyon. Hitik ang kasaysayan sa ugnayan ng mga tao sa
pamamagitan ng kalakalan sa ibat ibang panig ng daigdig. Sa katunayan, marami sa katangian
ng globalisasyon sa kasalukuyan ay may pagkakatulad sa globalisasyong naganap bago
sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig ng taong 1914.

Higit na pinabilis ng pag-unlad ng teknolohiya at mga polisiyang ipinatupad sa nagdaang


mga taon ang palitan ng mga kalakal at serbisyo, pamumuhunan at maging ng migrasyon.
Simula taong 1950 halimbawa, ang volume ng pandaigdigang kalakalan ay tumaas ng 20 ulit at
mula taong 1997 hanggang 1999 ang dayuhang pamumuhunan ay dumoble mula sa $468
bilyon patungong $827 bilyon.

Batay sa inilabas ng World Trade Statistical Review ng World Trade Organization sa taong
2016, ang halaga ng mga produktong naipagbili noong 2015 ay umabot ng $16 na trilyon
samantalang nakapagtala ng humigit na $4 na trilyon naman sa serbisyong komersyal.
Bagamat bumaba ng kaunti kung ihahambing sa taong 2014, ito ay halos doble naman sa
naitala noong 2005.

Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay


Thomas Friedman ay higit na malawak, mabilis, mura at malalim. Ayon sa kanyang aklat na
pinamagatang The World is Flat, na nailathala noong 2006, Any job-blue or white collar-that can
be broken down into a routine and transformed into bits and bytes can now be exported to other
countries where there is a rapidly increasing number of highly educated knowledge workers who
will work for a small fraction of the salary of a comparable American worker.

Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga


bansa. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dekada, marami
sa mga bansa ang gumamit ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan
sa mas malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan.

Sa mga kaisipang nabanggit, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang


pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng ibat ibang prosesong pandaigdig. Ngunit hindi
nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon sapagkat may mga pangyayaring nakapagpapabagal
nito.
Suriin natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang halimbawa. Dahil sa
mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa ibat ibang panig ng daigdig, ang terorismo ay
mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong
panlipunan.

Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan ng palitan ng


mga impormasyon at kolaborasyon na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na
polisiya at patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong sosyo-
kultural. Nariyan ang ibat ibang paalala o advisories na ipinalalabas ng mga bansa sa mga
turista nito sa ilang mga bansa tulad ng Pilipinas.

Pagyamanin

Gawain 1. Alamin ang tamang salita o pangungusap na may salungguhit na angkop sa tanong.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Anu-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o gumagalaw?

Electronic gadgets makina produktong agricultural

2. Sinu-sinong tao ang lumikha nito?

Skilled workers guro caregiver

3. Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy?

Balita showbiz scientific findings

4. Paano dumadaloy ang mga ito?

Kalakalan media industriya

5. Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito?

Mula sa maunlad na bansa patungong mahirap na bansa.

Mula sa mahirap na bansa patungong maunlad na bansa.


Gawain 2. Kumpletuhin ang talata. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang (1) ____________ ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa ibat ibang direksyon na nararanasan sa ibat ibang panig ng
daigdig.

Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao,
kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas
at pamumuhunan sa tulong ng (2)_____________ at (3) ______________.

Hindi na bago ang globalisasyon. Hitik ang kasaysayan sa ugnayan ng mga tao sa
pamamagitan ng(4) _______________ sa ibat ibang panig ng daigdig. Sa katunayan, marami sa
katangian ng globalisasyon sa kasalukuyan ay may pagkakatulad sa globalisasyong naganap
bago sumiklab ang (5)________________ Digmaang Pandaigdig ng taong (6)______________.

Batay sa inilabas ng World Trade Statistical Review ng (7)__________________ sa taong


2016, ang halaga ng mga produktong naipagbili noong 2015 ay umabot ng $16 na trilyon
samantalang nakapagtala ng humigit na $4 na trilyon naman sa serbisyong komersyal.
Bagamat bumaba ng kaunti kung ihahambing sa taong 2014, ito ay halos doble naman sa
naitala noong 2005.

Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay


(8)________________ ay higit na malawak, mabilis, mura at malalim. Ayon sa kanyang aklat na
pinamagatang (9)__________________, na nailathala noong (10)____________________, Any job-blue
or white collar-that can be broken down into a routine and transformed into bits and bytes can
now be exported to other countries where there is a rapidly increasing number of highly educated
knowledge workers who will work for a small fraction of the salary of a comparable American
worker.

Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga


bansa. Matapos ang (11)________________ Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dekada,
marami sa mga bansa ang gumamit ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya na
nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan.

Sa mga kaisipang nabanggit, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang


pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng ibat ibang prosesong pandaigdig. Ngunit hindi
nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon sapagkat may mga pangyayaring nakapagpapabagal
nito.

Suriin natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang halimbawa. Dahil sa
mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa ibat ibang panig ng daigdig, ang
(12)_________________ ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian
at institusyong panlipunan.
Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan ng palitan ng
mga (13) ________________ at (14) _________________ na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga
mahigpit na polisiya at patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong
(15)_________________. Nariyan ang ibat ibang paalala o advisories na ipinalalabas ng mga bansa
sa mga turista nito sa ilang mga bansa tulad ng Pilipinas.

Isaisip

Ilarawan ang globalisasyon sa pamamagitan ng isang salita. Pumili ng tamang sagot mula
sa kahon at isulat sa sagutang papel.

GLOBALISASYON

1. 2. 3.

Malawak pag-unlad teknolohiya

Masinop malinis dahas

Tayahin

Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.


1. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya,
produkto at paggawa sa bansa. Anong konklusyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
B. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa
BPO.
C. Mababa ang pagpasweldo at ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika
na madali sa mga Pilipino.
D. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling
makasabay ang mga Pilipino sa mga serbisyong on-line.

2. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?

A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.


B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
C. Dahil sa globalisasyon nagkaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at
kolaborasyon ang mga bansa.
D. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na
magdudulot ng kapinsalaan.

3. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?

A. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo.


B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga
bansa sa mundo.
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo.
D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa ibat
ibang direksyon na nararanasan sa ibat ibang bahagi ng daigdig.

4. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?

A. Paggawa B. Migrasyon C. Ekonomiya D. Globalisasyon

5. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?

A. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan


B. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng mga tao.
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto
D. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga
malalaking industriya.

6. Sino ang may-akda ng ‘The World is Flat’?

A. Thomas Edison C. Nayan Chanda


B. Thomas Friedman D. Gibbon Therndorn

7. Sa anong taon nagsimulang tumaas ang volume ng pandaigdigang kalakalan?

A. 1950 C. 1960
B. 1955 D. 1965

8. Kailan nailathala ang aklat na pinamagatang ‘The World is Flat’?

A. 2005 C. 2008
B. 2006 D. 2009
9. Suriin ang sumusunod na diyagram at piliin ang angkop na interpretasyon.

ekonomikal

Globalisasyon

Sosyo-kultural pulitikal

A. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.


B. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
C. Magkaugnay ang ekonomiya, pulitika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.
D. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, political at sosyo-kultural.

10.Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dekada, marami sa


mga bansa ang gumamit ng sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan sa mas
malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan. Anong sistemang pang-
ekonomiya ito?

A. Sosyalismo C. Komunismo
B. Kapitalismo D. Globalisasyon
Karagdagang Gawain
Ilista ang mga produktong mabibili sa loob at labas ng bansa. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

PRODUKTO

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.
Susi sa Pagwawasto

Balikan

1. C 6. D
2. C 7. C
3. D 8. B
4. A 9. B
5. D 10. B

Tuklasin
1. Tiktok
2. Mcdonalds
3. Facebook
4. YouTube
5. Nike
Pagyamanin

Gawain 1
1. Electronic gadgets
2. Skilled workers
3. Balita
4. Media
5. Mula sa mahirap na bansa patungong maunlad na bansa
Gawain 2
1. globalisasyon 6. 1914 11. Ikalawang
2. teknolohiya 7. World Trade Organization 12. terorismo
3. impormasyon 8. Thomas Friedman 13. impormasyon
4. kalakalan 9. The World is Flat 14. kolaborasyon
5. Unang 10. 2006 15. sosyo-kultural
Isaisip Tayahin
1. Malawak
2. Pag-unlad
3. Teknolohiya

Karagdagang Gawain
maling crude oil
nutella cars
spam appliances
maggi Samsung products
milo Sony products
Sanggunian:

Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan (Set 1)

 Learner’s Module (draft)

 Teacher’s Guide (draft)


Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why? A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?” Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was Poems are made by fools like me,
only one (1) set of footprints in the But only God can make a tree.
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!

You might also like