You are on page 1of 24

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
PANLIPUNAN 10
Globalisasyon: Konsepto, Kasaysayan
at Dimensyon

Ikalawang Markahan
Modyul 1

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Nasusuri ang mga dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon

I
PAANO GAMITIN ANG
MODYUL
Larawan mula sa: https://www.nicepng.com/maxp/u2e6y3r5e6q8y3q8

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag – aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag – aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang – araw – araw na
gawain.
6. Nawa’ y maging masaya ka sa iyong pag – aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
Larawan mula sa: https://clipartstation.com/checklist-clipart-3-2/

1. Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik – tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag – alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

I
INAASAHAN
Larawan mula sa: https://www.pinclipart.com/maxpin/hohRJ/

Ang modyul na ito ay idinesenyo at isinulat upang malaman ang mga impormasyon
tungkol sa Globalisasyon. Saklaw ng modyul na ito ang mga araling kaugnay sa
nasabing paksa. Ang mga salitang ginamit sa modyul ay ibinatay sa kakayahan ng
mag-aaral na unawain ang mga teksto. Ang pagkakasunod-sunod ng mga paksa ay
nakabatay sa naaaayong bilang sa kompetensi. Nakabatay din ang pagkakasunod-
sunod ng mga paksa sa bilang ng modyul na iyong gagamitin.

Ang modyul na ito ay hinati sa tatlong paksa, ito ay ang mga:


 Paksa 1 – Konsepto ng Globalisasyon
 Paksa 2 – Kasaysayan ng Globalisasyon
 Paksa 3 – Mga Dimensyon ng Globalisasyon at Epekto nito sa Lipunan
A. Globalisasyong Pang-ekonomiya
B. Globalisasyong Teknolohikal
C. Globalisasyong Kultural
D. Globalisasyong Pulitikal

Pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto:


Nasusuri ang mga dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon

Matapos talakayin ang mga nilalaman ng modyul, ikaw ay inaasahang:

1. Naipaliwanag ang konsepto ng globalisasyon;


2. Nailahad ang maikling kasaysayan ng globalisasyon;
3. Naunawaan ang epekto ng mga inobasyon sa komunikasyon at
transportasyon sa paglago ng globalisasyon
4. Naisa-isa ang mga dimensyon ng globalisasyon at mga nasasaklawan nito;
5. Nasuri ang mga dimensyon ng globalisasyon bilang mga isyung panlipunan;
6. Napahahalagahan ang globalisasyon bilang isang instrumento sa
pangangalaga ng mundo.

Simulan natin ang iyong paglalakbay upang mapalawak pa


ang iyong kaalaman ukol sa Mga Kontribusyon ng Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig. Tiyak akong ikaw ay handa na at
nasasabik nang sagutan ang Unang Pagsubok .

1
UNANG PAGSUBOK
Larawan mula sa:
https://www.clipartkey.com/view/hhTohR_test-clipart-multiple-
choice-test-multiple-choice-questions/

Gawain: Mali ko, Itama mo!


Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat pahayag. Isulat ang salitang TAMA
sa loob ng kahon pagkatapos ng numero kung ang nakasalungguhit sa pahayag ay
tama. Kung ang salitang nakasalungguhit ay mali, isulat sa kahon ang salitang
magwawasto sa pahayag. Isulat ang iyong sagot sa isang hiwalay na sagutang papel.

Ang globalisasyon ay ang mabagal na pagdaloy o paggalaw ng


1 mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Ang globalisasyon ay tumutukoy sa paglawak, paglalim, at
2 pagbilis ng mga ugnayang pandaigdig, mula lokal, nasyonal at
rehiyonal.
Ang globalisasyon ay naganap matapos sumiklab ang Unang
3 Digmaang Pandaigdig noong taong 1914.
4 Simula ng taong 1950, ang volume ng pandaigdigang
kalakalan ay tumaas ng 10 ulit.
Ang pang-ekonomiyang globalisasyon ay binubuo ng
5 globalisasyon ng produksyon at globalisasyon ng mga
pamilihan.
6 Shipping containers ang nagpabilis ng globalisasyon sa
nakaraang 60 taon at pumasan sa ekonomiya ng daigdig.
Ang multinational corporations o MNCs ay may kalayaan na
7 magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ng mga produkto ayon
na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal.
Ang electric telephone ang unang paraan ng agarang
8 komunikasyon sa pangmalayuang distansya noong ika-19 na
siglo.
Ang globalisasyong kultural ay tumutukoy sa paghahatid ng
9 mga ideya, kahulugan, at mga pagpapahalaga sa buong
mundo sa kaparaanang nagpapalawak at nagpapalakas ng
mga ugnayang panlipunan
Ang mga kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan ng
10 mga bansa na nagbibigay daan sa epektibo at episyenteng
ugnayan ng mga bansa ay nakapaloob sa globalisasyong
pulitikal.

2
BALIK - TANAW
Larawan mula sa: https://www.vectorstock.com/royalty-free-
vector/box-question-mark-image-vector-13735934

Balikan natin ang mga natutuhan sa nakaraang paksa.

Gawain: Balikan Natin!

Panuto: Piliin lamang ang titik ng pinakawastong sagot. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na sagutang papel.

1. Sinasabi na ang Pilipinas ay isang disaster-prone na bansa. Alin sa mga


sumusunod ang mga salik kaugnay ng pahayag na ito?
A. Topograpiya at likas na yaman
B. Kahirapan at kawalan ng edukasyon
C. Disiplina ng mamamayan at heyograpiya
D. Heyograpikal na lokasyon at socio-economic condition

2. Siya ang nagmungkahi na gumamit ng Bottom-up Approach ang pamahalaan


bilang pagtugon sa mga hamon ng suliraning pangkapaligiran matapos
maganap ang Bagyong Yolanda noong 2013.
A. Franklin Drilon
B. Francis Pangilinan
C. Miriam Defensor Santiago
D. Panfilo Lacson

3. Ito ay tumutukoy sa disaster management plan na kung saan ang proseso ng


pagpaplano, gawain at hakbang sa pagtugon sa mga sakuna, mga isyu at
suliraning pangkapaligiran ay iniaasa sa mas nakatataas na ahensiya ng ating
pamahalaan.
A. Pyramid Approach
B. Top-down Approach
C. Bottom-up Approach
D. Inverted Pyramid Approach

4. Lahat ay mga elemento ng CBDRM ayon sa workhop na inilunsad ng NDRRMC


noong 2007. Alin ang hindi kabilang?
A. Gender Sensitivity
B. Government Project
C. Community Ownership

3
D. Education and Capacity Building

5. Alin sa ibaba ang tamang kahulugan ng NDRRMC?


A. National Disaster Risk Reduction & Management Council
B. National Disaster Reduction of Risk & Management Council
C. National Development of Risk Reduction & Management Council
D. National Development Reduction of Risk & Management Council

Magaling, natapos mo nang sagutan ang mga katanungan.


Maaari mo nang hilingin sa iyong tagapagdaloy na suriin at
iwasto ang iyong gawain. Pagbati, ipagpatuloy mo pa ang
iyong pagkatuto!

MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN
Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-
transparent-background-png-clipart-mrwef

Maaaring ang suot mong sapatos sa kasalukuyan ay dinesenyo sa bansang China,


may swelas mula sa Thailand, takong mula sa South Korea, sintas mula sa Malaysia,
tinahi sa Vietnam, na inangkat at ibinenta dito sa Pilipinas hanggang sa makarating
sa inyong tahanan. Ito marahil ang sinusuot at ginagamit mo habang sinasayaw ang
bagong kanta ng Blackpink o ni Ariana Grande na nasa ibayong bahagi ng daigdig.
Ang proseso kung saan ang isang simpleng produktong tulad ng iyong sapatos ay
binuo at dumaan sa anim na bansa ay kabilang sa mga sistema ng globalisasyon.
Lahat ng ating pagkilos ay lubos na naaapektuhan ng sistemang ito. Pag-aralan natin
ito upang lumalim ang kaalaman natin sa mga epekto nito sa ating buhay..

Aralin KONSEPTO AT DIMENSYON

1 NG GLOBALISASYON

KONSEPTO NG GLOBALISASYON Image: Freepik.com

 Lahat ng proseso kung saan lahat ng tao sa daigdig ay nagsasama sama sa


mundong may isang lipunan. (Albrow; King, 1990)
 Ang globalisasyon ay ang pagpapaigting ng panlipunang ugnayan sa daigdig,
kung saan pinaglalapit ang mga malalayong lugar sa paraang ang mga
pangyayari sa isang lugar ay hinuhubog ng mga pangyayari sa ibang lugar sa
kabila ng milya milyang layo sa isa’t isa. (Giddens, 1990)

4
 Ang pagliit ng daigdig at ang pag-igting ng kamalayan ng tao sa kabuuan ng
daigdig. (Robertson, 1992)
 Sumikat din ang terminong “flat world” o patag na daigdig kung saan ang pag-
empleyo ng mga manggagawa, pagkalap ng suplay at hilaw na materyal, at mga
pwersang pulitikal ay binago at patuloy na binabago ang kalakalang pandaigdig
at lahat ng magkakatunggaling bansa, kompanya at mga tao ay may patas
nang oportunidad sa pandaigdigang pamilihan. (Friedman, 1998)
 Sa pinasimpleng kahulugan, ang globalisasyon ay tumutukoy sa paglawak,
paglalim, at pagbilis ng mga ugnayang pandaigdig, mula lokal, nasyonal at
rehiyonal. (Held,1999)
 Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,
bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon, na nararanasan sa
iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer, 2011)
Sa kabuuan, ito ay ang proseso ng pakikipag-ugnayan at integrasyon ng mga tao, mga
kumpanya, at mga gobyerno sa buong mundo. Ito ay patuloy pang lumalawig dahil sa
modernisasyon ng transportasyon at komunikasyon.

KASAYSAYAN NG GLOBALISASYON

Hindi na bago ang globalisasyon. Mula pa noong


unang panahon, laganap na ang ugnayan ng mga
tao sa pamamagitan ng kalakalan sa iba’t ibang
panig ng daigdig. Sa katunayan, marami sa
katangian ng globalisasyon sa kasalukuyan ay may
pagkakatulad sa globalisasyong naganap bago
sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig ng taong
Image: Freepik.com 1914.

Ang steam locomotive, steamship, jet engine, at container ships ay ilan lamang sa
halimbawa ng modernisasyon ng transportasyon, samantalang ang paglaganap ng
telegrama, at ang anak nito – ang internet at mga cellphones naman ang nagpapakita
ng pag-unlad ng telekomunikasyon. Ang mga pagbabagong ito ay ang mga
pangunahing salik ng globalisasyon at nagpalawig ng pag-aasahang pang-ekonomiya
at pang-kultural sa buong daigdig. Bagamat may mga akademiko na itinuturing na
ang globalisasyon ay isang bagong konsepto, marami rin ang nagsasabi na ito ay
nagsimula na bago pa ang Panahon ng Pagtuklas at Paggalugad, at mga paglalayag sa
Bagong Daigdig.

Ang pang-malawakang globalisasyon naman ay nagsimula noong 1820’s. Noong ika-


19 na siglo at unang bahagi ng ika-20 siglo, lumago ang ugnayan sa pagitan ng mga
ekonomiya at kultura ng daigdig. Ang terminong “globalisasyon” ay kamakailan lang,
kung saan napagtibay ang kahulugan nito noong 1970’s.

5
Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay
Thomas Friedman ay higit na "malawak, mabilis, mura, at malalim". Ang nasabing
katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dalawang


dekada, marami sa mga bansa ang gumamit ng kapitalismo bilang sistemang pang-
ekonomiya na nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal at
pamumuhunan. Sa mga kaisipang nabanggit, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang
isang pangmalawakang intergrasiyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong
pandaigdig.

Noong taong 2000, ang International Monetary Fund o (IMF) ay kumilala ng apat na
pangunahing aspeto ng globalisasyon: kalakalan at mga transaksyon, pamumuhunan
at pagnenegosyo, migrasyon at paglipat ng mga tao at ang paglaganap ng kaalaman.
Dagdag pa rito, ang mga hamong pangkapaligiran tulad ng global warming, tawid-
teritoryong polusyon sa hangin at tubig, at hindi likas-kayang pangingisda sa mga
karagatan ay kaugnay ng globalisasyon.

Ang mga prosesong kaakibat ng globalisasyon ay nakaaapekto at naaapektuhan ng


mga samahang pang negosyo, osganisasyon sa paggawa, ekonomiks, sosyo-kultural
na gawain, at ng likas na kapaligiran. Ang mga akademikong pag-aaral naman ay
kadalasang hinahati ang globalisasyon sa tatlong mga dimensyon: globalisasyong
pang-ekonomiya, globalisasyong kultural at globalisasyong pulitikal.

MGA DIMENSYON NG GLOBALISASYON

Globalisasyong Pang-ekonomiya

Saklaw ng globalisasyon ang ekonomiya dahil sa mabilis na pagbabago at pag-unlad


sa paraan ng pagdaloy ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa, lalo na
sa huling siglo. Ito ay makikita sa pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang
operasyon ay nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang
bansa.

Ang globalisasyong pang-ekonomiya ay Image: Chinadaily.com.cn


ang tumitinding pag-aasahan ng mga
ekonomiya ng mga bansa sa daigdig sa
pamamagitan ng mabilis na paglaganap
ng palitan ng kalakal, serbisyo,
teknolohiya at kapital. Kung ang
globalisasyon sa pagnenegosyo ay
nakatuon sa pag-alis ng mga regulasyon
sa kalakalan, kota, taripa, buwis at iba
pang mga hadlang sa pandaigdigang kalakalan, ang pang-ekonomiyang globalisasyon
naman ay tumutukoy sa proseso ng integrasyon ng ekonomiya ng mga bansa na
nagbubunsod ng isang pandaigdigang pamilihan o global marketplace. Batay sa

6
pananaw na ito, maaring ituring ang globalisasyon bilang isang positibo o negatibong
pangyayari.

Ang pang-ekonomiyang globalisasyon ay binubuo ng: globalisasyon ng produksyon; na


tumutukoy sa pagkuha ng mga produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang lokasyon sa
daigdig upang makatipid at makuha ang kalidad na ninanais. Gayundin, binubuo rin
ito ng globalisasyon ng mga pamilihan, na inilalarawan bilang pagsasanib ng
magkakaiba at magkakahiwalay na pamilihan ng bawat bansa tungo sa isang
malaking pandaigdigang pamilihan.

Ang kasaluyang takbo ng globalisasyon ay maiuugnay din natin sa integrasyon ng


mga mauunlad na bansa sa mga papaunlad na bansa sa pamamagitan ng FDI o
foreign direct investment, ang pagkawala ng mga hadlang sa pakikipagkalakalan, mga
repormang pang-ekonomiya at pandarayuhan ng mga manggagawa, kadalasan mula
sa mga mahihirap tungo sa mayayamang bansa.

Ang pagkakaroon ng mga internasyunal na pamantayan


Image: Freepik.com
ay nagdulot ng episyenteng palitan ng kalakal at
serbisyo. Isang magandang halimbawa ng pamantayang
ito ay ang intermodal container o shipping containers.
Dahil sa mga malalaking kahon na ito, sa tulong ng mga
barko, riles, at mga trak na naghahatid nito sa iba’t
ibang bansa, ito ang naging balikat na pumasan sa
ekonomiya ng buong mundo. Ang bilis ng globalisasyon
sa nakaraang 60 taon ay pinabilis ng mga shipping
containers na ito, tulad na lamang ng pagpapabilis ng mga kanal at riles sa unang
yugto ng pag-unlad ng pandaigdigang ekonomiya.

Habang ang distansya ang pinakamalaking hadlang sa pagsasama-sama ng mga


bansa, ang mga sunod sunod na inobasyon sa pagpapabuti ng transportasyon ay
patuloy na ginagawang mas maliit ang mundo. Ito ay tinatawag ng mga geographers
bilang space-time convergence.

Mayroon ding mga tinatawag na Multinational Corporations, mga organisasyon na


nagmamay-ari o kumokontrol sa produksyon ng mga produkto at serbisyo sa isa o
higit pang bansa maliban sa kanilang bansang pinagmulan. Tinatawag din itong
international corporation o transnational corporations. Ang TNCs ay tumutukoy sa
mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang
serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. Binibigyang kalayaan na
magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi
ng kanilang pamilihang lokal. Samantala, ang MNCs ay ang pangkalahatang
katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit
ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang
lokal ng pamilihan. Ilang halimbawa nito ay ang Unilever, Mc Donald’s, Coca-Cola,
Google, at iba pa.

7
Ang isang free-trade area naman ay isang rehiyon na sumasaklaw sa isang trade bloc
kung saan ang mga miyembrong bansa ay lumagda ng isang kasunduan tungo sa
malayang kalakalan (free trade agreement o FTA). Ang nasabing mga kasunduan ay
kinapapalooban ng pagtutulungan sa pagitan ng hindi bababa sa dalawang bansa
upang mabawasan ang mga hadlang sa kalakalan – gaya ng kota at taripa sa mga
angkat – upang lumaki ang palitan ng mga kalakal at serbisyo ng bawat isa. Kung ang
mga tao ay may kalayaang tumawid sa pagitan ng mga bansa, bilang karagdagan sa
isang kasunduan sa malayang kalakalan, maituturing din itong bukas na hangganan
o open border agreement.

Ang pinaka sikat na free-trade-area sa daigdig ay


ang European Union. Isang unyon pampulitika-
ekonomiya ng 27 na mga kasaping bansa na nasa
Europa. Ang EU ay bumuo ng European Single
Market sa pamamagitan ng isang sistema ng mga
batas na may pamantayang nailalapat sa lahat ng
mga kasaping bansa. Nilalayon ng mga patakaran
ng EU na matiyak ang libreng pagdaloy ng mga tao,
kalakal, serbisyo, at kapital sa loob ng panloob na Image: Freepik.com
pamilihan. Layunin din nito ang pagpapadali sa
pangangalakal, pagpapabuti ang mga pamamaraan
at kontrol sa pamamahala ng daloy ng mga kalakal sa pagitan ng mga pambansang
hangganan upang mabawasan ang mga dagdag pasaning gastos habang
pinangangalagaan ng mga regulasyon ang kanilang mga produkto. Makabuluhan din
ang pandaigdigang kalakalan ng mga serbisyo. Halimbawa, sa India, ang proseso ng
pag-outsource ng negosyo ay inilarawan bilang "pangunahing makinarya ng
kaunlaran ng bansa sa susunod na mga dekada, malawak na nag-aambag sa paglago
ng GDP, pagdami ng mga trabaho, at pagsugpo sa kahirapan".

Globalisasyong Teknolohikal

Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng globalisasyon.


Mababanaag din ito sa aspetong teknolohikal ng mga bansa sa daigdig.

Bago ang mga elektronikong komunikasyon, ang mga malalayong komunikasyon ay


umaasa sa koreo (courier) o sistemang postal. Ang bilis ng mga pandaigdigang
komunikasyon ay limitado ng bilis o bagal ng mga serbisyo ng koreo (mga kabayo at
mga barko) hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Ang electric telegraph ang
unang paraan ng agarang komunikasyon sa pangmalayuang distansya. Halimbawa,
bago ang unang transatlantic cable, ang mga komunikasyon sa pagitan ng Europa at
ng Amerika ay nagtagal ng mga linggo dahil
kailangang dalhin ng mga barko ang mga sulat
sa karagatan. Dahil sa unang trans-
atlantikong kable ay malaki ang nabawas sa
oras ng komunikasyon dahil maaaring

Image: Freepik.com
8
tumawid ang mensahe at tugon sa parehong araw. Ang unang pang matagalang trans-
atlantikong koneksyon sa telegrapo ay nakamit noong 1865–1866.

Ang unang wireless telegraphy transmitters ay naimbento noong 1895. Ang Internet
sa kasalukuyan ay ang pangunahing instrumento ng ugnayan ng mga tao sa pagitan
ng mga bansa. Ito ay nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang uri ng serbisyo tulad
ng e-mail. Napabibilis din nito ang pag-aaplay sa mga kompanya, pag-alam sa resulta
ng pagsusulit sa mga kolehiyo at pamantasan, pagkuha ng impormasyon at balita,
pagbili ng mga produkto at serbisyo na mas kilala sa tawag na e-commerce.
Halimbawa, ang Facebook ay isang social networking site na mayroong higit sa 1.65
bilyong buwanang aktibong gumagamit noong buwan ng Marso, 2016. Mayroon na rin
itong sariling pamilihan, ang Facebook Marketplace.

Ang paggamit ng cellular phones o mobile phones na nagsimula sa mauunlad na


bansa ay mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries.
Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng pamumuhay nila. Sa paggamit
nito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng
kalamidad. Isa rin dito ang mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao.

Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at


computers ay ang mabilis na pagdaloy ng mga
ideya at konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng
mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized
form. Ang mga ideyang ito ay nakapaloob sa
iba’t ibang anyo tulad ng musika, pelikula,
videos, larawan, e-books at iba pa na makikita sa
iba’t ibang social networking sites at service
providers.

Globalisasyong Kultural Image: Freepik.com Image: Freepik.com

Ang globalisasyong kultural ay tumutukoy sa


paghahatid ng mga ideya, kahulugan, at mga
pagpapahalaga sa buong mundo sa kaparaanang
nagpapalawak at nagpapalakas ng mga ugnayang
panlipunan. Ang prosesong ito ay kakikitaan ng
pagkonsumo ng mga kulturang laganap sa Internet,
tanyag na media, at pagnanais na maglakbay sa
ibang bansa. Ito ay maaaring ituring na isang uri ng
kolonisasyon at palitan ng kalakal na may
mahabang kasaysayan ng pagkalat ng kultura sa
buong mundo.

Ang pagkalat ng mga kultura ay nagbibigay-daan sa mga indibidwal na makibahagi sa


mga ugnayang panlipunan na lampas sa hangganan ng kanilang bansa at rehiyon.
Ang paglikha at pagpapalawak ng naturang ugnayang panlipunan ay hindi lamang

9
makikita sa materyal na aspeto. Ang globalisasyong kultural ay kaakibat sa
pagbabahagi ng mga kaugalian at kaalaman kung saan iniuugnay ng mga tao ang
kanilang indibidwal at kolektibong pagkakakilanlan sa isang kultura.

Ang globalisasyon ay nagpalawak ng mga oportunidad sa libangan sa pamamagitan


ng pagpapalaganap ng pop culture, lalo na sa pamamagitan ng Internet at telebisyon.
Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng Koreans sa
anyo ng pop culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean novela, K-pop music, at
mga kauri nito. Ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa
pananamit, pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa
kasalukuyan.

Ang mga relihiyon ay kabilang rin sa mga pangunahing elemento ng kultura na


nagsulong ng globalisasyon, na ipinalaganap sa pamamagitan ng lakas, dahas,
migrasyon, indoktrinasyon, ng mga imperyalismo, mangangalakal at mga
taagapagpalaganap ng ebanghelyo. Ang Kristiyanismo, Islam, Budismo, dagdag pa ang
mga bagong sibol na mga sekta ay kabilang sa mga relihiyon na kumalat at
nakaimpluwensya sa mga lugar na malayo sa kanilang bansang pinagmulan.

Ang palakasan o sports ay may malakas ding impluwensya sa globalisasyon.


Halimbawa, ang ang mga modernong Olympics ay may mga atleta mula sa higit sa
200 bansang lumalahok sa iba't ibang mga kumpetisyong pampalakasan.

Globalisasyong Pulitikal

Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong pang-ekonomiya at kultural ay ang


paglakas ng globalisasyong pulitikal. Ang globalisasyong pulitikal ay tumutukoy sa
paglaki ng pandaigdigang sistemang pampulitika, kapwa sa laki at lalim nito. Kasama
sa sistemang ito ang mga pambansang pamahalaan, ang mga samahan sa loob ng
kanilang pamahalaan, mga samahang rehiyonal at maging ng mga pandaigdigang
organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.

Globalisasyong pulitikal na maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga


bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na
kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan. Ayon kay William R. Thompson sa
kanyang aklat na Globalization as Evolutionary Process: Modeling Global Change
(2007), ito ang "pagpapalawak ng isang pandaigdigang sistemang pampulitika, at ang
mga institusyon nito, kung saan ang mga transaksyon sa pagitan ng rehiyon, kasama
ang kalakalan ay pinamamahalaan".

Ang globalisasyong pulitikal ay isa sa tatlong pangunahing dimensyon ng


globalisasyon na karaniwang matatagpuan sa akademikong panitikan, kasama ang
dalawang iba pang globalisasyong pang-ekonomiya at globalisasyong kultural.

Ang mga kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa ay nagbigay


daan sa epektibo at episyenteng ugnayan ng mga bansa na nagdulot naman ng

10
mabilis na palitan ng mga produkto, ideya, kahusayang teknikal at maging ng
migrasyon ng kani-kanilang mamamayan.

Ang intergovernmentalism ay isang termino sa agham pampulitika na may dalawang


kahulugan. Ang una ay tumutukoy sa isang teorya ng pagsasama-sama ng rehiyon na
orihinal na iminungkahi ni Stanley Hoffmann (1991); ang pangalawa ay itinuturing
ang mga estado at ang pambansang pamahalaan bilang mga pangunahing dahilan ng
integrasyon. Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinakitaan ang mga
bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mas
maigting na ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa nagbigay daan sa mabilis na
pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon. Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga bansang
kaanib nito ang ASEAN Integration sa taong 2030 na naglalayong mapaigting ang
koordinasyon ng bawat isa upang higit na maging maayos ang pamumuhunan,
kalakalan, at pagtutulungang pulitikal.

Ang ilang mga tao ay mamamayan ng maraming bansang-estado. Ang maramihang


pagkamamamayan, na tinawag din na dual citizenship o dual nationality, ay katayuan
ng pagkamamamayan ng isang tao, kung saan siya ay itinuturing bilang isang
mamamayan ng higit sa isang estado.

May magandang dulot ang globalisasyong pulitikal kung ang layunin nito ay tulungan
ang mga bansa upang higit na maisakatuparan ang mga programa at proyektong
mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan nito, ngunit maaari rin itong maging
sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang pansariling interes lang ng bawat
bansa ang bibigyang pansin.

Image: Freepik.com

11
MGA GAWAIN
Larawan mula sa:
https://www.pinterest.ph/pin/392024342552301210

Gawain 1.1: SWOT ANALYSIS


Layunin: Nasusuri ang mga dimensyon ng globalisasyon ayon sa kanilang kalakasan,
kahinaan, mga oportunidad at mga banta.
Kagamitan: SWOT chart o worksheet, internet
Panuto: Basahin ang sumusunod artikulo at gumawa ng isang SWOT analysis batay
sa teksto. Ito ay ang pagsusuri sa Strengths (mga kalakasan); Weaknesses (mga
kahinaan); Opportunities (mga oportunidad o pagkakataon); at Threats (mga banta o
hamon). Maari rin magsaliksik sa internet.

Will Covid 19 Sink Globalization?

Watching the news, it is easy to think that the COVID-19 pandemic will sink globalization. The number of
cargo ships setting off for the United States declined by 10% in March compared to the previous year, the
seventh consecutive month of declines. The flow of people has plummeted, too, with many countries
restricting foreign visitors due to the virus. News that President Donald Trump is suspending immigration
into the U.S. might seem like the final blow to globalization.

Now, countries worldwide are scrambling to limit the movement of people, order factories at home to
produce ventilators, ban exports of face masks, and bring home pharmaceutical supply chains. The world’s
COVID response could be read as the vindication of Trump’s argument that borders matter, control over
supply chains matter, and China can’t be trusted.

But that is probably not the right interpretation. One reason is that COVID is a temporary shock, but
globalization has persisted, in different forms, for decades. Within two years, we will likely either have a
vaccine, or COVID will have infected much of the world.

Economic globalization evokes images of massive container ships moving manufactured goods from
Rotterdam to Shanghai. But even as fewer ships plod the oceans with goods, the quantity and value of data
whizzing between countries is increasing. Is this globalization or deglobalization?

Pinagkuhanan: https://www.fpri.org/article/2020/04/will-covid-19-sink-globalization/

12
Dito ilalagay ang Dito ilalagay ang Dito ilista ang mga Dito ilalagay ang
mga mga KAHINAAN OPORTUNIDAD mga HAMON o
KALAKASAN ng ng globalisasyon ng globalisasyon banta ng Covid 19
globalisasyon laban sa Covid 19 mula sa Covid 19 sa globalisasyon
laban sa Covid 19

Gawain 1.2: Nice-Need-Want Chart


Layunin: Natataya ang antas ng pagkatuto at pag-unawa ukol sa paksa
Kagamitan: Graphic organizer
Panuto: Punan ang graphic organizer batay sa mga sumusunod na kategorya:

•_______________________________________________________
NICE to KNOW •_______________________________________________________

•_______________________________________________________
NEED to KNOW •_______________________________________________________

•_______________________________________________________
WANT to KNOW •_______________________________________________________

NICE TO KNOW – Mga bagong natutuhan na iyong ikinatuwang malaman


NEED TO KNOW – Mga kaalaman na tingin mo ay mahalagang malaman ng lahat
WANT TO KNOW – Mga katanungan sa iyong isipan na nais mo pang masagot

13
Gawain 1.3: A Day in My Global Life
Layunin: Nasusuri ang mga dimensyon ng globalisasyon bilang isang isyung personal
at isyung panlipunan
Kagamitan: Orasan, chart o worksheet
Panuto: Sa isang hiwalay na sagutang papel,
ilista ang bawat gawain, kilos, pagkonsumo o
ideya mo kada oras na may kinalaman sa
globalisasyon sa loob ng isang araw. Suriin
kung anong dimensyon ng globalisasyon ito
kabilang at kung anong isyung panlipunan ito
Image: Freepik.com
nakapaloob. Bigyan ito ng repleksyon.

ORAS Gawain, Pagkonsumo o Ideya Dimensyon ng Globalisasyon

Repleksyon: Ano ang kahalagahan ng globalisasyon sa iyong buhay?


Sagot:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

TANDAAN
Larawan mula sa:
https://www.clipartmax.com/middle/m2H7H7

 Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,


bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon, na nararanasan sa
iba’t ibang panig ng daigdig.
 Ang steam locomotive, steamship, jet engine, at container ships ay ilan lamang
sa halimbawa ng modernisasyon ng transportasyon, samantalang ang

14
paglaganap ng telegrama, at ang anak nito – ang internet at mga cellphones
naman ang nagpapakita ng pag-unlad ng telekomunikasyon. Ang mga
pagbabagong ito ay ang mga pangunahing salik ng globalisasyon at nagpalawig
ng pag-aasahang pang-ekonomiya, teknolohikal, kultural at politikal sa buong
daigdig.
 Ang globalisasyong pang-ekonomiya ay ang tumitinding pag-aasahan ng mga
ekonomiya ng mga bansa sa daigdig sa pamamagitan ng mabilis na paglaganap
ng palitan ng kalakal, serbisyo, teknolohiya at kapital.
 Ang bilis ng globalisasyon sa nakaraang 60 taon ay pinatindi ng mga shipping
containers, tulad na lamang ng pagpapabilis ng mga kanal at riles sa unang
yugto ng pag-unlad ng pandaigdigang ekonomiya bago sumiklab ang Unang
Digmaang Pandaigdig ng taong 1914.
 Ang globalisasyong teknolohikal ay ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at
konsepto sa digitized form patungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa
pagdami ng mobile phones at computers.
 Ang globalisasyong kultural ay tumutukoy sa paghahatid ng mga ideya,
kahulugan, at mga pagpapahalaga sa buong mundo sa kaparaanang
nagpapalawak at nagpapalakas ng mga ugnayang panlipunan.
 Ang globalisasyon ay nagpapalawak ng mga oportunidad sa libangan sa
pamamagitan ng pagpapalaganap ng pop culture, lalo na sa pamamagitan ng
Internet at telebisyon.
 Ang globalisasyong pulitikal ay tumutukoy sa paglaki ng pandaigdigang
sistemang pampulitika, kapwa sa laki at lalim nito. Kasama sa sistemang ito
ang mga pambansang pamahalaan, ang mga samahan sa loob ng kanilang
pamahalaan, mga samahang rehiyonal at maging ng mga pandaigdigang
organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
 Globalisasyong pulitikal na maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng
mga bansa, samahang rehiyonal at maging ng pandaigdigang organisasyon na
kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-


transparent-background-png-clipart-npevr
Gawain: Pros & Cons
Panuto: Mag-interview ng tatlo o apat na kapamilya (maaring magulang o kapatid),
maaari rin ang mga kapitbahay (thru calls or online), sila man ay propesyunal o
teknikal na manggagawa. Ipaliwanag sa kanila ang globalisasyon, at tanungin ang
mga bentahe at disbentahe nito sa kanilang trabaho.

15
Mula sa iyong mga nakalap na impormasyon Images: Freepik.com
sa iyong mga kapamilya o kapitbahay,
sagutin kung paano mo gagamitin ang
globalisasyon para mapakinabangan mo ito
sa iyong pipiliing karera (career) o negosyo sa
hinaharap.

16
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
Larawan mula sa: https://www.hiclipart.com/free-
transparent-background-png-clipart-ogrow

Panuto: Piliin lamang ang titik ng pinakawastong sagot. Isulat ang iyong sagot sa
isang hiwalay na sagutang papel.

1. Masusuri ang globalisasyon sa mga sumusunod na dimensyon maliban sa isa.


A. Politikal
B. Sikolohikal
C. Teknolohikal
D. Pang-ekonomiya

2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng modernisasyon ng transportasyon na


nagpabilis sa globalisasyon maliban sa isa.
A. Steamship
B. Container ships
C. Steam locomotive
D. Electrical telegraph

3. Alin sa mga pangungusap ang hindi kabilang sa negatibong epekto ng


globalisasyon?
A. Pagtangkilik ng mga tao sa paggamit ng mobile phones
B. Pagkalat ng iba’t ibang uri ng mga matitinding viruses
C. Pagkakataon na mangopya ng intellectual properties
D. Pagpapalaganap ng terorismo na isang isyung panseguridad

4. Anong termino ang nangangahulugang ng patas na oportunidad para sa mga


manggagawa, pagkalap ng suplay at patas na oportunidad sa pandaigdigang
pamilihan?
A. Fair Map B. Flat World C. Round Globe D. Square Space

5. Ito ang konsepto ng mga geographers ukol sa tila pagliit ng mundo dahil sa mga
sunod sunod na inobasyon sa pagpapabuti ng transportasyon.
A. Time-space warp
B. Time-space traveling
C. Space-time divergence
D. Space-time convergence

6. Ito ang pinakasikat na free-trade-area sa daigdig na isa ring unyon pampulitika-


ekonomiya ng 27 na mga kasaping bansa na kinabibilangan ng Belgium, France at
Germany.
A. European Union
B. World Trade Organization

17
C. North Atlantic Treaty Organization
D. Organization of Petroleum Exporting Countries

7. Ito ay tumukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang


bansa at ang serbisyo o produktong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal
ng bansa.
A. Multilevel corporations C. Multinational corporations
B. Transnational corporations D. Transformational corporations

8. MNC o multinational corporations ang tawag sa mga namumuhunang kompanya sa


ibang bansa ngunit ang mga produkto at serbisyo ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan. Alin sa mga pagpipilian ang hindi kabilang sa
tinatawag na MNC?
A. Nestle B. Coca-Cola C. McDonald's D. Seven-Eleven

9. Naramdaman ang pagpasok ng impluwensiyang kultural ng mga South Koreans


dahil sa globalisasyon. Ang kanilang katangi-tanging genre ng musika na may mga
kalakip na makukulay na biswal na elemento ay tinatawag na...
A. K-Pop B. Amazing Korea C. Korean Novela D. Hallyu o Korean Wave

10. Ito ang pandaigdigang samahan ang kumilala ng apat na pangunahing aspeto ng
globalisasyon noong taong 2000: kalakalan at mga transaksyon, pamumuhunan at
pagnenegosyo, migrasyon at paglipat ng mga tao at ang paglaganap ng kaalaman.
A. World Bank
B. International Monetary Fund
C. Asia Pacific Economic Cooperation
D. Association of South East Asian Nations

18
SANGGUNIAN
Larawan mula sa
https://www.pngkit.com/view/u2q
8w7y3e6y3a9r5_books-clip-art-

Mga Aklat:

 Albrow, Martin; King, Elizabeth (1990). Globalization, Knowledge and Society.


London: Sage. ISBN 0-8039-8323-9.
 Araling Panlipunan 10 - Modyul para sa Mag-aaral, 2016
 Babones, Salvatore (2008). "Studying Globalization: Methodological Issues" In
Ritzer, George (ed.). The Blackwell Companion to Globalization. Malden:
John Wiley & Sons. p. 146. ISBN 978-0-470-76642-2.
 Friedman, Thomas L. "The Dell Theory of Conflict Prevention". Emerging: A
Reader. Ed. Barclay Barrios. Boston: Bedford, St. Martins, 2008. P. 49
 Giddens, Anthony (1990). The Consequences of Modernity. Cambridge: Polity
Press. p. 64. ISBN 0-7456-0793-4.
 George Modelski; Tessaleno Devezas; William R. Thompson (20 December
2007). Globalization as Evolutionary Process: Modeling Global Change. Routledge.
p. 59. ISBN 978-1-135-97764-1.
 Held, David; Goldblatt, David; McGrew, Anthony; Perraton, Jonathan (1999).
Global Transformations Cambridge: Polity Press. ISBN 978-0-7456-1498-4
 Joshi, Rakesh Mohan. (2009) International Business, Oxford University Press,
New Delhi and New York ISBN 0-19-568909-7.
 O'Sullivan, Arthur; Sheffrin, Steven M. (2003). Economics: Principles in Action.
Upper Saddle River, NJ: Pearson Prentice Hall. p. 453. ISBN 978-0-13-
063085-8.
 Robert A. Keohane and Stanley Hoffmann, The New European Community:
Decisionmaking and Institutional Change (Boulder: Westview Press, 1991
 Pitelis, Christos; Roger Sugden (2000). Nature of the Transnational Firm
 Riley, T: "Year 12 Economics", p. 9. Tim Riley Publications, 2005
 Ritzer, George (2011). Globalization: The Essentials. NY: John Wiley & Sons.
 Robertson, Roland (1992). Globalization: Social Theory and Global Culture
(Reprint. ed.). London: Sage. ISBN 978-0-8039-8187-4.
 Roy D. Voorhees, Emerson L. Seim, and John I. Coppett, "Global Logistics and
Stateless Corporations," Transportation Practitioners Journal 59, 2 (Winter
1992): 144–51.
 Stever, H. Guyford (1972). "Science, Systems, and Society". Journal of
Cybernetics. 2 (3): 1–3. doi:10.1080/01969727208542909

Online Sources:

 European Commission. "The EU Single Market: Fewer barriers, more


opportunities" (http://ec.europa.eu/internal_market/index_en.htm)

19
 "Globalization: Threat or Opportunity?"
(http://www.imf.org/external/np/exr/ib/2000/041200to.htm). International
Monetary Fund.
 "Imagining the Internet" (http://www.elon.edu/e-
web/predictions/150/1830.xhtml). History of Information Technologies. Elon
University School of Communications.
 Levinson, Marc. "Sample Chapter for Levinson, M.: The Box: How the Shipping
Container Made the World Smaller and the World Economy Bigger"
(http://press.princeton.edu/chapters/s9383.html).
 Ang modyul na ito ay dinesenyo mula sa mga larawan ng Freepik.com

Management and Development Team


Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor: Allan F. Del Rosario, Head Teacher III

Writer: Anniel C. Carpio – Teacher III

20
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: _____________

Paaralan: _________________ Petsa:____________ Guro sa AP: ________________

Kwarter Blg:2 Modyul Blg.:1 Linggo Blg.:1

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga dahilan, dimensyon


at epekto ng globalisasyon

Layunin: Masuri ang mga kultural dimensyon ng globalisasyon bilang isang isyung
panlipunan;
Paksa: Globalisasyong Kultural

Gawain: Ang globalisasyong kultural bilang isang isyung panlipunan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang iyong pagpapakahulugan sa salitang kultura?

Maghanap ng mga dyaryo o mga artikulo mula sa internet. Sa isang sagutang papel,
gumawa ng dalawang kolum. Sa unang hanay, isulat ang “tradisyunal na kultura” at
sa ikawalang hanay naman ay “makabagong kulturang dala ng globalisasyon.” Suriin
ang mga arikulong nahanap, at uriin ito batay sa nilalaman. Ilagay ang headline sa
karampatang kolum o hanay. Salungguhitan sa artikulo ang mga pangungusap na
naging dahilan upang ilagay mo ito sa isang kategorya.
Karagdagang mga tanong:
2. Ano ang pagkakaiba ng tradisyunal sa makabagong kultura?
3. Paano mo maiuugnay ang globalisasyon sa mga makabagong kultura na ito?
4. Ang globalisasyon ba ay kumikitil, o nagpapatatag sa isang kultura? Bakit?

21
Susi sa Pagwawasto
Larawan mula sa
https://www.clipartmax.com/middle/m
2i8i8b1H7d3G6N4_lock-clipart-open-

Unang Pagsubok Balik – tanaw Pangwakas na


1. mabilis 1. D Pagsusulit
2. tama 2. D 1. B
3. bago 3. B 2. D
4. 20 ulit 4. B 3. A
5. tama 5. A 4. B
6. tama 5. C
7. TNCs 6. A
8. telegraph 7. B
9. tama 8. A
10. tama 9. A
10.B

22

You might also like