You are on page 1of 20

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
PANLIPUNAN 10
Ang mga Kritikal na Yugto ng
Globalisasyon

Ikalawang Markahan
Modyul 7

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng
globalisasyon.

1
PAANO GAMITIN ANG
MODYUL
Larawan mula sa: https://www.nicepng.com/maxp/u2e6y3r5e6q8y3q8

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag – aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag – aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang – araw – araw na
gawain.
6. Nawa’ y maging masaya ka sa iyong pag – aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
Larawan mula sa: https://clipartstation.com/checklist-clipart-3-2/

1. Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik – tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag – alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

2
INAASAHAN
Larawan mula sa: https://www.pinclipart.com/maxpin/hohRJ/

Matapos masaksihan ang mga aspekto at pangkaraniwang epekto ng globalisasyon


sa ating buhay, higit pa natin itong palalimin.

Ang modyul na ito ay idinisenyo sa pamamaraang replektibo gamit ang mga gawain
bilang indibidwal ukol sa mga seryosong usapin sa globalisasyon.

Isinaayos ang paksa rito sa pamamagitan ng pagtukoy sa malalim na ugat sa


usapin ng epektong pangkalahatan ng globalisasyon. Unti-unting inilalabas ang
pangkalahatang implikasyon ng globalisasyon sa lipunang ginagalawan ng bawat
tao.

Ang mga paksa sa modyul na ito ay ang mga sumusunod:

o Mga Kritikal na Usapin ng Globalisasyon


 Pribatisasyon
 Pagkawala ng Lokal na Pagkakakilanlan (Local Identity)
 Pagkadehado sa Pandaigdigang Kalakalan

Pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto:

 Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon.


(MELC Week 7 at 8)

Matapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga kritikal na usapin ng globalisasyon.
2. Naiuugnay ang pangkabuuaang implikasyon ng globalisasyon sa
buhay ng karaniwang tao.
3. Nakapagbibigay ng mga mahahalagang hakbang sa pagtugon sa mga
implikasyon ng globalisasyon.
4. Nakapagpapahayag ng pangkalahatang saloobin sa mga kritikal na
usapin at implikasyon ng globalisasyon sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Simulan natin ang iyong paglalakbay upang mapalawak pa


ang iyong kaalaman ukol sa Kritikal na Usapin ng
Globalisasyon. Tiyak akong ikaw ay handa na at nasasabik
nang sagutan ang Unang Pagsubok.

3
UNANG PAGSUBOK
Larawan mula sa:
https://www.clipartkey.com/view/hhTohR_test-clipart-multiple-
choice-test-multiple-choice-questions/

Panuto: Masusing Pagpili. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat


sitwasyon o pahayag. Matapos basahin, isulat ang titik M kung ito ay mabuting
epekto ng globalisasyon at titik DM naman kung hindi mabuting epekto ng
globalisasyon.

Tukuyin din kung anong konsepto ang tinutukoy ng mga sitwasyon o pahayag.

1. Dahil kakaunti lamang ang pumapasok na kita at hindi na sapat ang


pondo ng isang pampublikong pamantasan, ibinenta na lamang ito sa
isang pribadong indibidwal /korporasyon upang makapagbigay ito
nang kalidad na serbisyo. Ito ang dahilan upang maghangad itong
maningil ng tuition fee.

2. Nagkaroon ng pagluluwas ng produkto ng kape at mangga mula sa


probinsya ng Batangas at Guimaras. Dahil dito, mas nabigyan ng
kabuhayan ang mga haciendero at magsasaka sa nasabing mga
probinsya.

3. Dahil sa hamon ng development aggression, nakisabay ang ilang mga


politikong may negosyo ng real estate na i-convert ang mga sakahan
at kagubatan sa mga subdivision na nagresulta sa pagkonti ng mga
sakahang nagsusuplay ng bigas.

4. Nalagay sa banta ng panganib ang mga Indigenous People (IP) o mga


katutubo dahil sa hamon ng modernisasyon dulot ng development
aggression.

5. Dahil sa kaparaanang outsourcing ng kumpanya sa ibang bansa,


nagkaroon ng pagkakataon ang mga walang trabaho sa Pilipinas na
makapasok sa mga Business Process Outsourcing (BPOs) o mga call
center.

Magaling, natapos mo nang sagutan ang mga katanungan.


Maaari mo nang hilingin sa iyong tagapagdaloy na suriin at
iwasto ang iyong gawain. Pagbati, ipagpatuloy mo pa ang iyong
pagkatuto!

4
BALIK - TANAW
Larawan mula sa: https://www.vectorstock.com/royalty-free-
vector/box-question-mark-image-vector-13735934

Sa nakaraang mga aralin, higit mong napalawig ang kaalaman mo ukol sa iba’t
ibang dimensyon ng globalisasyon. Bagtasin nating muli ang iyong kaalaman
partikular sa mga aspektong ito kung sila’y tiyak na alam mo na.

Gawain A: Concept Box

Panuto: Tukuyin kung anong dimensyon ng globalisasyon ang mga larawang ito.
Isulat sa kahon ang titik ng kasagutan sa bawat bilang.

A. Hallyu Wave o ang Korean B. Pagpapalaganap ng Relihiyon sa C. Bilateral na relasyon ni


Wave buong mundo Pangulong Duterte sa Tsina

Nakalap sa: Nakalap sa: https://time.com/4539911/us-


Nakalap sa: https://www.visualcapitali china-asia-diplomacy-philippines-thailand-
https://medium.com/@huyhuynh9742/how-does- st.com/the-worlds-100- japan/
korean-wave-become-so-popular-what-is-hallyu- most-valuable-brands-in-
2fde7a0ccca4 2019/

1. Globalisasyong Politikal

2. Globalisasyong Ekonomiko

3. Globalisasyong Sosyo-kultural

5
Gawain B: Larawang ‘To, Anong Say Mo?

Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang tanong tungkol dito.

Sa iyong palagay ano ang nais ipahayag ng


larawan hinggil sa kritikal na usapin ng
globalisasyon?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________.

Nakalap sa: https://www.theguardian.com/world/2017/jul/14/globalisation-the-


rise-and-fall-of-an-idea-that-swept-the-world

MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN
Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-
transparent-background-png-clipart-mrwef

Globalisasyon
Mapagpanibago ang konsepto ng globalisasyon sa ating
pandaigdigang interaksyon. Nagbago ang tahakin ng iba’t ibang sektor mula
sa pangangailangang lokal hanggang pangangailangang pandaigdigan.
Lumikha ng mga makabagong trabaho at disenyo ng mga
pinagtatrabahuan.

Sa kabilang banda, hindi maikakaila ang iba’t ibang isyu at suliraning


kinahaharap sa pag-usbong ng globalisasyon. Isa na rito ang mga kritikal
na usapin ng globalisasyon at pagsabay sa pandaigdigang kompetisyon ng
produkto at serbisyo. Ito ang tatalakayin natin sa modyul na ito. Halika na
at siyasatin natin!

6
Aralin
Mga Kritikal na Usapin ng Globalisasyon
7
Pribatisasyon

Noong 1980’s, ang mga bansa tulad ng Japan, Europe, at United


States ay sumusubaybay sa konsepto ng ‘state-assisted capitalism’ gamit
ang gabay at prinsipyo sa ekonomiks ni John Maynard Keynes.
Naniniwala si Keynes mula sa karanasan noong 1930 kung saan
naranasan ng mundo ang economic depression, maaaring makatulong ang
pamahalaan upang maibalik ang sigla ng ekonomiya. Ibig sabihin, maaaring
kabahagi ang pamahalaan sa pagpapaunlad ng mga industriya at mga
pambansang serbisyong kinakailangan ng tao.
Hindi kalaunan, nakita ng ilang pandaigdigang institusyon ang
pagpasok ng konsepto ng ‘neoliberalismo’. Sina Margaret Thatcher at Ronald
Reagan ang mga kilalang pinuno na tumangkilik sa ideya nito dahil nakikita
nila na ang panghihimasok ng pamahalaan sa mga negosyo at industriya ay
hindi na sumasapat kung minsan sa inaasahan at ang mabigat na
pagbubuwis sa mga negosyo ay nakapagpapahina ng mga namumuhunan o
investment.
Kung kaya’t ilan sa mungkahi ng mga pandaigdigang mga institusyon,
maaaring ipagbili na lamang ng pamahalaan ang ilang negosyo nito at
industriyang pinamamahalaan sa mga pribadong sektor upang mas
episyente at epektibong mapamahalaan ito. Ito rin ang nagiging kondisyon
ng mga pandaigdigang institusyong pinansyal tulad ng International
Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at World Trade Organizaation
(WTO).
Sa kaso ng Pilipinas,, upang maging maganda ang pagkilala ng mga
pandaigdigang pinansyal na institusyon na ito at higit sa lahat ay pahiramin
o pautangin ang bansa ng pondo, sumailalim sa pribatisasyon ang ilang
pambansang industriya ng bansa. Isang dahilan nito ang Presidential
Decree 2029 at 2030 ni Pangulong Marcos na nagtatalaga sa pagkakaroon
ng Committee on Privitization (COP) at Asset Privitization Trust (APT). Mas
lalong pinalakas ang pribatisasyon sa panahon ni Pangulong Ramos sa
pagbaba niya ng Executive Order 37 at 298 at ang Batas Republika 7661 at
7886 na lahat ay sumusuporta sa pagsasapribado ng ilang mahahalagang
industriya sa bansa (Bello, 2009).
Sa bisa ng Batas Republika 8041 o ang National Water Crisis Act of 1995,
isinailalim ang dalawang mahalagang industriya ng tubig sa ating bansa –
7
ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Maynilad.
Ang nakabili ng Manila Water o MWSS ay ang mga Ayala habang ang
nakabili naman ng Maynilad ay ang Lopez group of companies na
kasalukuyan namang pagmamay-ari ni Manny V. Pangilinan. Ang mga
nakabiling ito ay mga kilalang oligarko sa bansa na malaki ang koneksyon
di lamang sa negosyo bagkus maging sa politika.

Pagkawala ng Lokal na Pagkakakilanlan

Ang isyu ng homonisasyon ng globalisasyon ang isang kritikal na usapin ng


globalisasyon. Ibig sabihin, isa sa tahakin at maaaring ibunga ng
globalisasyon ay ang pagkakaroon ng isahang kultura at pamamaraan ng
pamumuhay. Isang maaaring halimbawa nito ang pagkakaroon ng
pagtangkilik ng basketball sa United States ay maaaring tangkilikin na rin
sa buong mundo dahil nga nabibitbit ng globalisasyon ang kultura at
pamamaraan ng isang bansa sa iba pang bansa.
Bunga rin ito ng paglaganap ng cable, internet at impormasyon sa social
media. Mabilis nang naikakalat ang impormasyon at pamamaraan ng isang
taong mayroong access sa internet at access sa paglapat ng impormasyon.
Dito papasok ang isang malaking suliranin na maaaring magresulta sa
pagkawala ng sarili o lokal na pagkakakilanlan.
Kung ihahambing ang naaabot ng impormasyon, mas madaling makilala si
Lebron James kaysa sa mga lokal na manlalaro ng basketball ng ating
bansa. Gayundin, ang eksklusyon ng mga katutubo sa progreso at
pagpapakilala sa kanila ay isang mahalagang usapin din. Sila rin ang isa sa
pinakabinabago ng modernisasyon dahil ang lokal nilang pagkakakilanlan
ay yumayakap na ng modernong pagkakilala.

Pagkadehado sa Pandaigdigang Kalakalan

Isang mahalagang salik sa globalisasyon para sa iba’t ibang pamahalaan


ang pagkakaroon ng interes na mapaboran sa tinatawag na relocation of
production at pagbubukas ng ekonomiya nito sa pandaigdigang pamilihan.
Nangangahulugan lamang na isa itong pamamaraan sa globalisasyon upang
makipagsabayan sa kompetisyon.
Ayon kay Sta. Ana (1998;23), mayroong tatlong batayang kompetisyon sa
pandaigdigang pamilihan ang globalisasyon. Una na rito ang
pakikipagsabayan ng produkto ng isang bansa sa iba’t iba pang produkto ng
isa pang bansa sa katulad ding uri nito. Ikalawa ay ang pagpapanatili ng
murang paggawa o cheap labor ng iba’t ibang bansa upang higit na

8
makaakit ng iba’t ibang Transnational Corporations (TNCs) at Multinational
Companies (MNCs). Panghuli, ang pagpapahusay ng mga teknikal na
manggagawa at pagiging high-skilled labor ng mga mamamayan nito. Nang
sa gayon, kapag mahuhusay at magagaling ang mga mamamayan nito sa
kinakailangang trabaho, sila ang pangunahing tunguhin ng mga iba’t ibang
korporasyon sa daigdig.
Ang kompetisyong ito ang nagbibigay daan ngayon upang makipagsabayan
ang iba’t ibang bansa. Sa isang aspekto ng kompetisyon ay nadedehado o
napaglalamangan ang isang bansang papaunlad pa lamang – ang
pakikipagsabayan ng produkto nito sa iba pang produktong katulad nito sa
iba pang bansa. Halimbawa, ang Pilipinas kapag nagpadala ng mangga sa
bansang Japan subalit ang iniluwas naman nitong produkto sa atin ay
processed-mango chips. Hindi hamak na mas kumita ang bansang Japan sa
mekanismong ito.

MGA GAWAIN
Larawan mula sa:
https://www.pinterest.ph/pin/392024342552301210

Gawain 1.1: ‘Emo-THINK-on!’

Layunin: Nakapagpapahayag ng saloobin ukol sa iba’t ibang sitwasyong dulot ng


globalisasyon.

Panuto: Magbigay ng iyong personal na saloobin gamit ang ilang mga emojis
na maglalarawan sa damdamin mo ukol sa pahayag. Matapos lapatan ng
emojis ang mga sitwasyon, ipaliwanag ito sa inaasahang kahon.

Itugon ang mga sumusunod na emoji sa mga sumusunod na indikasyon

Nakalap sa:https://www. Nakalap sa: Nakalap sa: Nakalap sa: Nakalap sa:
iemoji.com/view/emoji/40/sy https://clipart.info/facebook- https://hotemoji.com/te https://www.pinterest.ph/pin/
https://www.clipart.emai
mbols/red-heart wow-emoji-like-png-4904 299770918941552257/
l/clipart/like-emoji- ar-emoji.html
clipart-223186.html
Love emoji – Wow emoji – Like emoji – Sad Emoji – Angry Emoji –
Itugon ito kapag Itugon ito kapag Itugon ito kapag Itugon ito kapag Itugon ito kapag
lubhang masaya napamangha ka iyong ikaw ay ikaw ay naiinis
ka at tingin mong at dapat mo pa nagustuhan ang nalungkot at sa dahil nakagagalit

9
tama ang itong alamin at pahayag, iyong tingin ay ang pahayag,
pangyayari, paglalimin sa pangyayari o mayroong hindi pangyayari o
kaganapan o iyong personal na kaganapan, o maganda ang kaganapan, o
epektong ito kaalaman ang epektong ito. pahayag, epektong ito.
pahayag, pangyayari o
pangyayari o kaganapan, o
kaganapan, o epektong ito.
epektong ito.

Emo-THINK-on? Kaganapan at mga pangyayari


Ayon sa pag-aaral ng National Economic Development
Authority (NEDA), ang isang pamilyang Pilipino na may
limang miyembro ay kailangan ng 42,000 php upang
komportable at maginhawang makapamuhay. Isang aspekto
ito kung bakit may mga Pilipinong nangingibang bansa para
doon magtrabaho upang mabuhay ang kanilang mga
pamilya.
Paliwanag sa emoticon:

Ayon sa kay Nicco Mele sa kanyang aklat na The End of Big,


ang NBC ay nagpasimula sa Hulu.com na naghahangad na
makabuo ng mahuhusay na nilalaman na inilalabas sa mga
TV broadcasting at cable offerings. Ito rin ang nagpasimula
sa ideya nang mabigyan lisensya ng Netflix ang iba’t ibang
palabas at pelikula sa digital media.
Paliwanag sa emoticon:

Iniulat na nitong Marso 2020, nagtayo ang Tsina ng bago


nitong pasilidad pangmilitar sa Kanlurang Karagatan ng
Pilipinas (West Philippine Sea) habang ang lahat ng tao ay
nagambala ng COVID-19 sa buong mundo.
Paliwanag sa emoticon:

Sa isang panayam kay Peter Thiel, isang prominenteng


negosyante, ang higher education (kolehiyo) diumano ay
nasa isang malaking dead-end na kinakailangan pa niyang
magbayad ng isang mahusay at magaling na estudyante
upang hindi na pumasok sa paaralan at hindi na mag-aral
dahil kakailanganin niya na ang galing nito sa kanyang
negosyo. Siya rin ang tao sa likod ng PayPal, isang online
platform sa pamamaraan sa pagbabayad.

10
Paliwanag sa emoticon:

Gawain 1.2: KRITIKAL - GLOBAL

Layunin: Makasusuri ng mga mahahalagang usapin ng globalisasyon at


nakatutugon sa hamong iniiwan nito.
Panuto: Humanap ng kamag-aral na magiging kaparareha at tugunan ang
talahanayan sa susunod na pahina. Tukuyin ang mga mabuti at hindi mabuting
epekto at magbigay ng sitwasyon, pagkakataon, o suliranin bilang mga halimbawa.
(Maaaring salita o larawan ang ilagay na kasagutan bilang halimbawa)

Tala-Hambingan!
Mabuting epekto Di-mabuting epekto
Konsepto: PRIBATISASYON

Halimbawa: Halimbawa:

Konsepto: GLOBAL NA KOMPETISYON

Halimbawa: Halimbawa:

Konsepto: MODERNISASYON AT TEKNOLOHIYA

11
Halimbawa: Halimbawa:

TANDAAN
Larawan mula sa:
https://www.clipartmax.com/middle/m2H7H7
G6d3d3m2G6_freephotos-vector-images-
thinking-brain-machine-brain-clipart//
 Binago ng globalisasyon ang takbo ng karaniwang pamumuhay at
takbo ng mga produkto at serbisyo sa pandaigdigang kapaligiran.
 Pribatisasyon ang tawag sa proseso na kung saan ang mga
pampublikong pagmamay-ari ay nagiging pampribadong pagmamay-
ari na.
 Ang globalisasyon ay mayroong mabuting epekto na pinalakas at
pinalawak ang kompetisyon ng produkto at kasanayan sa serbisyo sa
buong mundo.
 Hindi rin maitatanggi na ang globalisasyon ay mayroong mga hindi
mabuting epekto na nakapagdulot sa mga bansang hindi
makasasabay sa modernisasyon at pagiging kompetitibo ng produkto
nito.

12
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-
transparent-background-png-clipart-npevr

Gawain: Natungo ba natin?

Panuto: Mula sa mga natutuhan tungkol sa globalisasyon, sagutin ang


talahanayan

Gabay na ideya at tanong Iyong inaasahang Iyong tugon dahil sa


pagbabago o epekto pagbabago o epekto
Sa pagpasok ng ika-21
siglo, puno ng
transpormasyon o
pagpapanibago ang
mundo. Bilang mag-
Larawan mula sa: http://clipart- aaral, ano ang iyong
library.com/thinking-animated-
cliparts.html
inaasahan sa dapat mong
matutuhan sa paaralan?

Ano ang inaasahan mong


dapat matutunan sa
paaralan na
kakailanganin mo sa
hamon ng makabagong
mundo?
Ang impormasyon ang isa
sa
pinakamakapangyarihang
armas sa panahon
ngayon. Ano ang
inaasahan mo?
Ano ang inaasahan mo sa
pagtalakay ng
globalisasyon?

Ano ang iyong


inaasahang magiging
epekto ng globalisasyon
sampung taon mula
ngayon sa iyo bilang
indibidwal?
Pamprosesong tanong:
1. Kamusta ang iyong mga napagtantong ideya mula sa gawain?

13
2. Ano ang mga bagay na naihanda mo na sa iyong sarili upang
maihanda ito sa hamon ng globalisasyon? Higit na ipaliwanag.

3. Ano naman ang mga bagay na dapat mong maihanda sa iyong sarili
upang higit na makatugon sa hamon ng globalisasyon? Higit na
ipaliwanag.

PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
Larawan mula sa: https://www.hiclipart.com/free-
transparent-background-png-clipart-ogrow

Masusing Pagpili. Basahin mabuti ang bawat pahayag at tukuyin ang titik ng
tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na kadahilanan ang nagbunsod sa mga dayuhang
kumpanya na magtungo sa mga Third World o developing countries?
a. Cheap Labor c. Cultural Interaction
b. Distance-Country d. Technological Development
Incentive

2. Ayon sa pag-aaral ni Sta. Ana III (1998) ukol sa kompetisyon ng


pandaidigang pamilihan sa globalisasyon, alin sa mga sumusunod ang
hindi kabilang?
a. Kompetisyon sa kalidad ng manggagawa
b. Kompetisyon sa kalidad ng produkto
c. Kompetisyon sa layo ng isang bansa
d. Kompetisyon sa murang paggawa o cheap labor

3. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na mabuting epekto ng


globalisasyon?
a. Nagkaroon ng pribatisasyon sa mga dapat ay pampublikong
serbisyo.
b. Naging bukas ang pamilihan sa lahat ng tao kung sinuman ang
nais magsimulang magnegosyo saan mang lugar.
c. Naisantabi ang pagkakakilanlan ng mga katutubo sa isang bansa
dahil mas kinikilala ang ibang lahi.

14
d. Nahirapan ang mga papaunlad na bansa sa pagsabay sa kalidad
ng produkto at serbisyong mayroon ang ibang maunlad na bansa.

4. Alin sa mga sumusunod na kadahilanan ang maituturing na


mabuting epekto ng mga pandaigdigang mga organisasyon at
samahan?
a. Dumarami ang butaw na ibibigay ng bansa at kaltas nito sa
pambansang budget.
b. Magkakaroon ng institusyong sasandalan ang mamamayan sa
oras na manganib ang interes ng bansa sa lider nito
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga malalaking bansa na
makontrol ang desisyon ng mga maliliit na bansa.
d. Tutulungan nito na magkaroon ng higit pang pribatisasyon ang
mga serbisyo publiko ng isang bansa.
5. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na negatibong dulot ng
pribatisasyon?
a. Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng inobasyon sa serbisyo at
inilulunsad na produkto
b. Pagkakaroon ng episyente at epektibong pamamalakad sa
serbisyo
c. Pagkakaroon ng mataas na bayarin dahil hindi na ito sinasagot
ng gobyerno.
d. Teknolohikal na pagbabago sa mga kumpanya na nagdulot ng
hindi pagsabay ng ilang nakatatanda.

15
SANGGUNIAN
Larawan mula sa
https://www.pngkit.com/view/u2q
8w7y3e6y3a9r5_books-clip-art-
4-books-clipart/

Mga Aklat:

Bautista, Cynthia Rose B. (1997). Reaksyon sa mga Papel ukol sa Globalisasyon at


Nasyonalismo sa Conference Proceedings (College of Social Sciences and
Philosophy). CSSP Publications, University of the Philippines Diliman. p. 33-
34
Bello, Walden. (2009). The Panacea of Privitization in The Anti-Development State
(The Political Economy of Permanent Crisis in the Philippines). pp. 189-216.
Anvil Publishing. Manila
De Guzman, John Rex. (2013). They Who Worship: Profiling the Fandom of Asian
Celebrities. In the East Asian Popular Culture (Philippine Perspectives) Edited
by: Michiyo Yoneno-Reyes.pp157-187.Quest Printing Press. Asian Center,
University of the Philippines
Friedman, Thomas L. (2005). The World is Flat (A Brief History of the Twenty-first
Century). Farrar, Straus and Giroux, New York, United States of America.
Gealogo, Francis A.(1997).Globalisasyon , Nasyonalismo at Kasaysayan. 1997
Conference Proceedings (College of Social Sciences and Philosophy). CSSP
Publications, University of the Philippines Diliman. p. 9-18
Magee, Paul. (1987). Focus on Society (A Telecourse Guide 2nd Edition). Worth
Publishers, Inc. New York, New York. p.125-127
Mele, Nicco. (2014). The End of Big (How the Digital Revolution Makes David the
New Goliath). Picador St. Martin’s Press New York. p.108,190
Miller, Barbara D. (2007). The Anthropology of Culture (3rd Edition). Pearson
Education South Asia Pte. Ltd. Philippines
Sta. Ana III, Filomeno S. (1998). The State and the Market (Essays on A Socially
Oriented Philippine Economy). Ateneo De Manila University Press, Katipunan
Avenue, Loyola Heights Quezon City, Philippines

Online Sources:

Buckley, Peter J. 2010. Transnational Corporations. Volume 19. No. 2. August


2010. United Nations (New York and Geneva).
Nakalap sa: https://unctad.org/en/Docs/unctaddiaeia2010v192_en.pdf
Nakalap noong: Mayo 16, 2020
Collier, Paul. 2007. The Bottom Billion (Why the Poorest Countries are Failing and
What Can be Done About It). Oxford University Press. United States.
Nakalap sa: https://www.sfu.ca/content/sfu/dean-
gradstudies/events/dreamcolloquium/SpringColloquium/Readings/Reading
s/_jcr_content/main_content/download_47/file.res/Paul%20Collier
Nakalap noong: Mayo 19, 2020
David, Randy. 2017. The Reality of Global Public Opinion. Inquirer.net.
Nakalap sa: https://opinion.inquirer.net/102748/reality-global-public-
opinion#ixzz6MdZ7tAzZ
16
Nakalap noong: Mayo 17, 2020
Macairan,E.,Sy,M.,&Tupas,E.(2018).NEDA: A Family of 5 needs 42,000 a month to
survive. Philippine Star. Nakalap sa:
https://www.philstar.com/headlines/2018/06/08/1822735/neda-family-5-
needs-p42000-month-survive
Nakalap noong: Mayo 10, 2020
Mangosing, Frances. 2020. China launches new facilities in West PH Sea just as
world’s eyes fixed on COVID-19. Philippine Daily Inquirer. Nakalap
sa: https://globalnation.inquirer.net/186253/ china-launches-new-
facilities-in-west-ph-sea-just-as-worlds-eyes-fixed-on-covid-
19#ixzz6LzOegveC
Nakalap noong: Mayo 10, 2020
Murphy, Chris B.(2019). Knowledge Process Outsourcing. Investopedia.com
Nakalap sa: https://www.investopedia.com/terms/k/knowledge-process-
outsourcing.asp
Nakalap noong: Mayo 16, 2020
_____________.2020. Call Center Representative Salaries in the Philippines.
Indeed.com. Nakalap sa: https://www.indeed.com.ph/salaries/call-center-
representative-Salaries
Nakalap noong: May 15, 2020
_____________.2020. The World Bank in China.
Nakalap sa: https://www.worldbank.org/en/country/china/overview
Nakalap noong: May 15, 2020

17
Management and Development Team
Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/s: Imee A. Mutia , HT III


Roland C. Ralloma, HT III
Writer: Christian George Eppie, Teacher III

18
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: _____________

Paaralan: _________________ Petsa:____________ Guro sa AP: ________________

Kwarter Blg: 2 Modyul Blg.: 7

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon.

Layunin: Maipaliliwanag ang kritikal na epekto ng globalisasyon sa usapin ng


Globalisasyon na tinatawag na ‘Bottom Billion’
Paksa: Ang Bottom Billion: Ang Bakod na Nakakubli sa Globalisasyon

Gawain: Basahin! Palawakin!


Panuto: Basahing mabuti ang maikling pananaw ukol sa ‘Bottom Billion’ ni Paul
Collier. Mula rito, tugunan ng pananaliksik at sagutin ang mga pamprosesong
katanungan.

Ang Bottom Billion


Hango sa aklat ni Paul
Collier
Kung papansinin ang mga bansang
mayroong mga datos ng Bottom
Billion, ito rin ang mga bansang
tumatanggap ng mga murang
paggawa at mayroong tala ng mga
kaso ng ‘unfair labor practices’.
Makikita sa mapa ng mga bansang
may tala ng Bottom Billion,
nandiyan ang Tsina, Vietnam at Mapa ng mga Bansa na mayroong tala ng Bottom Billion
Indonesia. Kung makikita ang ilang
ulat ukol sa Gross Domestic Product ng mga bansang ito, mataas kung maituturing ang kanilang
productivity rate at kabuuang kita ng bansa. Isang dahilan dito ay ang kakayahang makalikha ng
produkto at kita sa mismong bansa.

19
Kung ihahambing naman
sa Social Progress Index (SPI),
dito itinatala ang pagtamo ng
karaniwang mamamayan ng mga
basic social services tulad ng
edukasyon, kalusugan, at iba
pang batayang pangangailangan
ng mga mamamayan, makikita na
taliwas ang mga bansang may
mga kinasanayang murang
paggawa o cheap labor.

Kung titingnan at
susuriin ang mga larawan, ang
mga bansang mayroong murang
paggawa ay sila ring mga bansa Tala ng Social Progress Index ng iba’t ibang bansa sa buong Mundo
na may tala ng mababa o
papaunlad pa lamang na SPI. Ayon sa tala ng United Nations ukol sa poverty incidence, noong 2005,
halos 80% ng nabubuhay na tao sa buong mundong ay nabubuhay lamang na mayroong 2.50 US $.
Katumbas ito ng halos isang daang piso lamang.
Kung itatala naman ang mapa ng mga bansang mayroong mga bilyonaryong tao sa buong
mundo, mapapansin na taliwas ang larawang ito sa mapa ng mga bansa na nagtala ng mga Bottom
Billion. Tanging Bansang Tsina lamang ang naiiba ang konteksto subalit kapag tiningnan ang income
inequality sa bansang Tsina, patuloy itong tumataas ayon sa mga makabagong tala.

Gabay na tanong:

1. Ano ang konsepto ng ‘Bottom Billion’ ayon sa teksto?

2. Ano-ano ang mga tinutukoy na kaugnay na dahilan kung bakit


mayroong ‘Bottom Billion’?

3. Saliksikin kung paano makatutulong ang pagkakaroon ng ‘Fair Trade


at Guarded Globalization’ sa pagtugon sa usapin ng ‘Bottom Billion’?

20

You might also like