You are on page 1of 28

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
Pagsasagawa ng mga Hakbang ng
CBDRRM Plan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Pagsasagawa ng mga Hakbang ng CBDRRM Plan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mark Anthony C. Española (Master Teacher-Marcos High School)
Editor: Amalia C. Solis, Education Program Supervisor – Social Studies
Tagasuri: Eliza O. Remanez, Head Teacher, Social Studies - Quirino High School
Allan F. Del Rosario, Head Teacher, Social Studies – Recto High School
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Cruz, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region (NCR)


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
Pagsasagawa ng mga Hakbang ng
CBDRRM Plan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Kontemporaryong


Isyu, – Baitang 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pagsasagawa ng mga Hakbang ng CBDRRM Plan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Kontemporaryong


Isyu, – Baitang 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsasagawa
ng mga Hakbang ng CBDRRM Plan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Isang pagbati! Ikaw ay nasa huling modyul na! Pagkatapos mong pag-aralan ang
iba’t ibang pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at
mga gawaing pang-ekonomiya, tutuklasin naman natin ngayon ang Community-
Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM). Sa kasalukuyan, ito ang
bumubuo ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran.

Kapag nalaman mo itong CBDRRM, tiyak makakatulong kang maibsan ang mga
suliranin at hamon pangkapaligiran sa iyong komunidad. Kaya’t simulan na natin
ang pag-aaral.

Pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto:

 Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan

Mga paksa sa modyul na ito:

 Community-Based Disaster Risk Reduction Management Plan


 Apat na yugto ng Disaster Risk Reduction Management Framework

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang makakamit mo ang mga
sumusunod na layunin:

 Nailalahad ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa ng


CBDRRM Plan;
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan;
 Naisasagawa ang mga hakbang ng CBDRRM Plan;
 Naipapahayag ng saloobin bilang mamamayan tungkol sa kahalagahan ng
kahandaan sa mga panganib dulot ng mga suliraning pangkapaligiran; at
 Nakabubuo ng isang proposal plan para sa komunidad gamit ang mga
natutunan

1
Subukin

HALO-LETRA!
Ang Disaster Readiness and Risk Reduction (DRRR) bilang paksa sa K-12
Kurikulum ng Pilipinas ay naglalayong mapadali ang pagtuturo ng kaalaman at
mamulat sa iba't ibang pananaw sa napapanahong isyu at mapag-aaral kung paano
mabuhay kasama ang mga puwersa ng kalikasan. Subukin natin kung ikaw ba ay
pamilyar sa mga terminolohiya may kaugnayan dito.

Panuto: Ayusin mo ang mga letra upang makabuo ng mga salita na akma sa
kahulugan nito. Ihanda mo na ang iyong panulat at sagutang papel.

1 P T O - W O D N
A C P H P O R A
- Tumutukoy sa sitwasyon kung saan inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o
ahensya ng pamahalaan ang pagpaplano sa mga dapat gawin hanggang sa
pagtugon sa panahon ng kalamidad

2. T B O M T O - P U
C H O A P P A R
- Tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa pamayanan ay
nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan.

3. S A S D I E T R
E N E V R P I O N T
- Tumutukoy sa tuwirang pag-iwas sa masamang epekto ng mga peligro at mga
kaugnay na sakuna sa pamamagitan ng pagtataya ng mga hazard at kakayahan
ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.

4. D I T R E A S S
T I O N I I T M G A
- Tumutukoy sa pagbawas o pag-iwas sa masamang epekto ng mga panganib at
mga kaugnay na sakuna sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga hazard, mga
risk, at kung sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng
kalamidad.

2
5. E A I D S S T R
E S N D S R A E P P R E
- Tumutukoy sa yugto ng DRRM na nagsasagawa ng mga hakbang o mga dapat
gawin bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna o hazard at kalamidad.

6. S S I D A E R T
E O N E R S P N
- Tumutukoy sa pagtataya sa lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad at
epektibong pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas
ng kalamidad.

7. I D R E S A S T
B I T A R L I E H A O N I T
- Tumutukoy sa mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga
nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang
manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang
nasalantang komunidad.

8 T R S E S A D I
O Y R C E R E V
- Tumutukoy sa pagpapanumbalik at pagpapabuti ng mga pasilidad,
pangkabuhayan at kondisyon ng pamumuhay ng mga komunidad na
naapektuhan ng kalamidad, kabilang ang mga pagsisikap na mabawasan ang mga
kadahilanan ng peligro sa kalamidad

3
Aralin
Pagsasagawa ng mga
8 Hakbang ng CBDRRM Plan

Balikan

KRUSIGRAMA!
Sa nakaraang modyul ay pinag-aralan mo ang disaster management,
mahalagang matandaan mo ang pagkakaiba ng mga ginagamit na termino o
konsepto. Alamin natin kung natatandaan mo pa mga ito.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang sagot sa puzzle gamit
ang iyong sagutang papel.

1 2

5 6

1. Tumutukoy sa mga banta na 4. Tumutukoy ang vulnerability


maaaring dulot ng kalikasan o sa tao, lugar, at
ng gawa ng tao. imprastruktura na may
mataas na posibilidad na
2. Tumutukoy sa mga maapektuhan ng mga hazard.
pangyayari na nagdudulot ng

4
panganib at pinsala sa tao, 5. Tumutukoy sa inaasahang
kapaligiran, at mga gawaing pinsala sa tao, ari-arian, at
pang-ekonomiya. buhay dulot ng pagtama ng
isang kalamidad.

3. Tumutukoy sa kaalaman at 6. Tumutukoy sa kakayahan ng


kalakasan ng isang pamayanan na harapin ang
pamayanan na maaaring mga epekto na dulot ng
magamit sa posibilidad na kalamidad.
pagtama ng hazard.

Mga Tala para sa Guro


Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga
mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatututo. Binigyang pansin
din sa mga Gawain ang paglinang ng 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan
(Communication); pagtutulungan (Collaboration); malikhain (Creativity);
mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at pagbuo ng pagkatao (Character
Building). Makikita rin ang aralin na ito online. Bilang tagapagpadaloy ng
modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-
aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang /guardian upang
matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa
modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay nang malinaw na instrukyon sa pagkatuto.

5
Tuklasin

Ang Pilipinas ay bahagi ng tinaguriang


Typhoon Belt at Pacific Ring of Fire. Bunsod
nito ay nalalantad ang Pilipinas sa iba't ibang
mga likas na sakuna kabilang ang mga bagyo, https://www.facebook.com/PHIVOLCS/photo
s/a.1437107853064775/1437107953064765/
?type=3&theater
https://www.facebook.com/NDRRMC/photos/a.5
46216672123489/1892916024120207/?type=3&t
heater

pagbaha, pagguho ng lupa, lindol, at


pagsabog ng bulkan. Ipinapakita sa larawan
ang ilan sa nabanggit na likas na sakuna. Ang
mga kaganapang ito ay madalas na https://www.facebook.com/NDRRMC/photos/a
.546216672123489/1997324487012693/?type=

nagreresulta sa pagkawala ng buhay at


3& h

kabuhayan. Nagiging sanhi rin ito na


mawalan ang maraming tao ng kanilang mga
tahanan. Gaano ba kahanda ang mga Pilipino https://www.facebook.com/NDRRMC
https://www.facebook.com/ManilaPIO/p
/photos/a.546216672123489/199732

na harapin ang mga kalamidad? Alamin natin


hotos/pcb.702352033582822/702350536
916305/?type=3&theater

ang mga paraan upang maging handa tayo sa


mga panganib na dulot nito.

Suriin

A. Community-Based Disaster Risk Reduction and


Management Plan
Ang Disaster Risk Reduction (DRR) ay ang konsepto at kasanayan upang
maibsan ang mga panganib na dulot ng mga kalamidad sa pamamagitan ng
pagsusuri ng mga kadahilanan ng sanhi nito. Ito ay naglalayon na mabawasan ang
pagkakalantad at pagbawas ng matinding pinsala sa mga tao at ari-arian, epektibong
pamamahala ng kapaligiran at pinabuting paghahanda para sa mga posibilidad na
masamang mangyari.

Karaniwang nangangailangan ng pangmatagalang pagpaplano sa buong sektor


at dapat isama sa pambansa at rehiyonal na tunguhin ang mabawasan ang mga
hazard na dulot ng mga sakuna. Ang mga estratehiya ng DRR ay karaniwang
nagsisimula sa pagtataya ng mga sumusunod: (a) ang mga hazard at mga risk sa
isang lugar, (b) ang saklaw ng pinsala na maaring mangyayari sa komunidad at
imprastraktura, at (c) ang kakayahan ng mga tao upang mabawi at makabangon
mula sa isang posibleng sakuna.

6
Ang National Disaster Risk Reduction and Management Plan (NDRRMP) ay
tumutugon sa nilalaman ng Republic Act 10121 ng 2010 (RA 10121), na nagbibigay
ng ligal na batayan para sa mga patakaran, plano at programa upang mabawasan
ang malaking panganib na dulot ng mga kalamidad. Ang NDRRMP ay may apat na
yugto: (1) Disaster Prevention and Mitigation; (2) Disaster Preparedness; (3) Disaster
Response; at (4) Disaster Rehabilitation at Recovery, na siya naman tugma sa
istraktura ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Bago ang pagpapatupad ng umiiral na batas ng Pilipinas tungkol sa pagbabawas sa
peligro dulot ng mga kalamidad, ang sistema ng pamamahala ng sakuna ng bansa
ay top-down approach na nakaangkla sa lubos na reaktibong pamamaraan ng
Presidential Degree 1566 (PD 1566). Ang RA 10121 ang siyang nagbibigay daan sa
bottom-up approach ang siyang bumuo sa mga kasalukuyang patakaran, plano at
pagpapatupad ng mga aksyon at hakbang na nauukol sa lahat ng aspeto ng
pagbabawas ng peligro at pamamahala sa mga panganib, pagtataya sa mga
posibleng peligro at maagang babala dito, pagbuo ng kaalaman at pagpapalaganap
nito, at paghahanda para sa epektibong pagtugon at agarang pagkakabangon mula
sa masamang epekto nito.

PD 1566 RA 10121

Bottom-up Approach
Top-down Approach
Ang lahat ay tulong-tulong
Sentralisadong pamamahala
mabasawan ang mga panganib
ng kalamidad
na dulot ng mga kalamidad

Ang mga kalamidad ay parte Isinasa-alangalang ang


lamang ng mga pisikal na kahinaan at kakayahan
panganib. harapin ng mga tao ang mga
possibleng dulot ng sakuna

Pinagsasama-sama ang
Tumutok sa pagtugon sa kakanyahan ng tao at lipunan
kalamidad at muli pagbangon. na sugpuin ang mga panganib
dulot ng mga kalamidad

B. Disaster Risk Reduction Management Framework


1. Disaster prevention and mitigation
2. Disaster preparedness
3. Disaster response
4. Disaster rehabilitation and recovery

7
Disaster prevention - ang tuwirang pag-iwas sa masamang epekto ng mga peligro
at mga possibleng mga sakuna kaugnay nito. Ito ay naglalayon na ganap na
maiwasan ang mga potensyal na masamang epekto tulad ng maagang pagtatayo ng
imprastraktura upang maalis ang ilang mga panganib, regulasyon sa paggamit ng
lupain na walang pahintulot lalo na sa mga high-risk zones at paggamit ng mga
desenyong akma at matibay sa pagkakataong lumindol.

Disaster mitigation - ang pagbawas o paglilimita ng hindi mabuting epekto ng mga


hazard at iba pang mga kalamidad. Ang disaster mitigation ay sumasaklaw sa
engineering techniques at mga hazard-resilient construction pati na rin ang
pinabuting patakaran sa kapaligiran at kamalayan ng mga tao sa epekto ng
kalamidad sa kanilang pamumuhay.

Disaster preparedness - ang kaalaman at kakayahan ng pamahalaan, mga


organisasyon, pamayanan at indibidwal na epektibong tumugon mula sa epekto
nang napipinto o kasalukuyang panganib o kundisyon.

Disaster response - Ang pagkakaloob ng agarang serbisyo at tulong o maaring


pagkatapos ng isang sakuna. Layunin nitong makapagligtas ng buhay, matiyak ang
kaligtasan ng lahat at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga
taong naapektuhan.

Disaster rehabilitation and recovery - Ang pagpapanumbalik at pagpapabuti ng


mga pasilidad, kabuhayan at kondisyon ng pamumuhay ng mga komunidad na
naapektuhan ng kalamidad, kabilang din ang pagsisikap na mabawasan na
maganap muli ang mga peligrong dulot nito.

Ang mga konsepto ng apat (4) na yugto ng DRRM ay magkakaugnay at kapwa


pinagtitibay nito ang bawat isa. Hindi magiging matagumpay ang DRRM kung hindi
tutugunan ang lahat ng yugto nito. Walang malinaw na simula at pagtatapos ang
DRRM. Matutunghayan sa talahanayan sa ibaba ang mga gawain na overlapping sa
pagitan ng iba't ibang mga yugto ng DRRM.

PREVENTION AND Ang mga plano at proyekto


MITIGATION ng pambansa at local na
pamahalaan may kaugnayan
PREPAREDNESS sa DRRM

RESPONSE Mga gawain upang matiyak na ang


mga tao ay may paghahanda at
pagtugon sa mga naapektuhan ay
naisasagawa nang mahusay at mabisa
REHABILITATION Pagpapanumbalik ng mga basikong
AND RECOVERY pangangailangan ng tao at imprastraktura

PREVENTION AND Pangmatagalan pagbangon at pagsisikap na


MITIGATION mabawasan na maganap muli ang mga peligrong dulot
nito.

8
Upang mas maunawaan kung paano ang sistematikong at kolektibong
pagpaplano ng kalamidad, ang mga sumusunod ang mga tungkulin at
pangkalahatang layunin ng ilang mga ahensya ng gobyerno sa konteksto ng apat (4)
na yugto ng DRRM.

DISASTER
DISASTER
PREVENTION AND MITIGATION
PREPAREDNESS

Department of
Department of
Science and Technology
Interior and Local Government

Layunin: Maibsan ang mga panganib at Layunin: Makapagtaguyod at


mapagaan ang potensyal na epekto nito mapalakas ang kapasidad ng mga
sa mga possibleng makaranasan ng komunidad na makapag-antabay,
kalamidad at mapagbuti ang makayanan at makabawi mula sa
kakayahan ng komunidad na aksyunan negatibong epekto ng mga kalamidad
ang anuman kalamidad.

•Magdagdagan ang antas ng kamalayan


•Mabawasan ang posibilidad na ng komunidad sa mga banta at epekto
makaranas ng panganib at ng lahat ng panganib
pagkakalantad ng mga komunidad sa
masamang banta nito sa kalusugan
•Magkapagbigay ng tamang kaalaman
sa komunidad tulad ng mga
•Mapagtibay ang kakayahan ng mga kinakailangang kasanayan upang
komunidad upang makayanan nilang makayanan ang mga negatibong epekto
sagupain ang posibleng kalamidad na ng isang sakuna
sumalanta sa kanila.

•Madagdagan ang kapasidad ng isang


komunidad

•Mapaunlad at mapatupad ang mga


patakaran at pagplaplano sa
paghahanda sa sakuna

•Mapalakas ang pakikipagtulungan sa


lahat ng mga pangunahing stakeholder

9
DISASTER
DISASTER
REHABILITATION AND RECOVERY
RESPONSE

National Economic
Department of
and Development Authority
Social Welfare and Development

Layunin: Mabigyan ng pangunahing Layunin: Maibalik at mapagbuti ang


pansin ang buhay ng bawat indibidwal mga pasilidad, kabuhayan at mga
at matugunan ang mga pangunahing kondisyon ng pamumuhay ng mga
pangangailangan ng mga naapektuhan apektadong komunidad, at mabawasan
ng sakuna batay sa katanggap-tanggap ang mga panganib sa kalamidad
na mga pamantayan sa panahon o alinsunod sa prinsipyo na “build back
pagkatapos ng isang kalamidad better”

•Mabawasan ang bilang ng mga •Maibalik ang mga kabuhayan at


namatay at pinsala nito makapagpatuloy sa kanilang mga
hanapbuhay

•Makapagbigay ng mga pangunahing


pangangailangan sa mga apektadong •Maibalik ang tahanan nasira at iba
pamayanan pang mga kagamitan

•Mapanumbalik ang mga pangunahing •Mabuo muli ng imprastraktura at iba


serbisyo sa pamayanan pang mga istrakturang pampubliko

•Makatulong sa pisikal at sikolohikal na


rehabilitasyon sa mga taong matinding
naapektuhan ng kalamidad

10
Pagyamanin

GAWAIN 1. DUGTUNGAN MO!


Panuto: Buuin ang konsepto ng mga pahayag tungkol sa paksa sa pamamagitan
ng pagdurugtong ng mga angkop na salita o parirala sa loob ng ulap upang
mabuo ang konsepto ng pangungusap.

Ang pagsasanib ng Top-


Ang Community-Based down at Bottom-up
Disaster Risk Reduction and Approach ay
Management Plan ay makatutulong sa
tumutukoy sa pamayanan dahil
________________________ ______________________
_________________. ___________________.

Pinagkunan ng larawan: https://encrypted-


tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTei3xi6SGx2wAUXmpgD5vsaLZ0xxKmpQVoqqP44HoVFzs
FQHhz&usqp=CAU

GAWAIN 2. SURVIVAL KIT


Ang emergency / disaster supply kit ay bag na naglalaman ng mga suplay na
kakailanganin ng isang tao upang mabuhay lalo na kung kailangan lumikas mula
sa kalamidad. Ang unang 72 oras pagkatapos ng isang sakuna ay kritikal. Ang
supply ng tubig, pagkain, kuryente, linya ng komunikasyon ay maaaring hindi
magagamit. Ang mga serbisyong pampubliko, mga klinika o ospital ay maaaring
hindi parin naisasaayos. Samakatuwid, dapat maging handa upang mabuhay ng
hindi bababa sa 3 araw o 72 oras. Ang mga pangunahing gamit sa emergency /
disaster survival kit ay karaniwang matatagpuan sa tahanan tulad ng flashlight,
baterya, pagkain, tubig, gamut at kumot. Ano pa ang iba pang mahahalagang bagay
para saiyo na dapat laman ng isang survival kit.

11
Panuto: Iguhit ang mga importanteng laman ng iyong survival kit at ipaliwanag
kung bakit ito ang mga mahahalagang laman nito.

Hikayatin din ang miyembro ng pamilya na maghanda ng survival kit para sa


buong pamilya. Magpatulong sa kanila sa paggawa nito.

SURVIVAL PANSARILI

KIT
https://pixabay.com/vectors/shopping-bag-orange-empty-big-308552/

SURVIVAL PAMPAMILYA

KIT
https://pixabay.com/vectors/shopping-bag-orange-empty-big-308552/

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
Isaisip

GAWAIN 3. ISIP-SURI!
Panuto: Magbalik-tanaw sa paksa at mga isinagawang gawain. Naisakatuparan
mo ba ito ng tama?

Para sa akin… OO HINDI NAGING RESULTA

1. Naunawaan ko ba ng
buong husay ang paksa?

2. Kailangan ko pa ba ng
karagdagan kaalaman sa
paksa sa tulong ng
teknolohiya?

3. Sapat na ba ang aking


kaalaman ngunit nais ko
pa itong pagyamanin?

Kahalagahan ng paksa sa aking buhay:

13
Isagawa

GAWAIN 4. POLISIYA KO!


Naunawaan mo ba ang ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga mamamayan
at lahat ng sektor ng lipunan sa pagbuo ng DRRM plan. Bilang kabataan, dapat
kang maging aktibong kabahagi ng pagbubuo ng plano sa inyong pamayanan upang
maging handa ang inyong lugar sa pagtama ng iba’t ibang hazard at kalamidad.
Tunghayan mo ang isang scenario na maaring mangyari sa hinaharap. Ano kaya ang
iyong gagawin kung ito ay maganap?

Panuto: Nahalal kang Sangguniang Kabataan Chairman sa inyong pamayanan


na madalas na makaranas ng ibat ibang sakuna. Sa kasamaang palad, ang iyong
lugar ay walang pamamaraan o protocol na dapat sundin kapag may sakuna.
Bilang tugon ay kailangang makabuo ka ng mga patakaran dapat isagawa sa
inyong lugar. Pumili ka ng hazard na nais mong bigyan ng solusyon. Iangkop
mo ito sa pangangailangan ng inyong komunidad. Maaari kang
makipagtulungan sa iyong magulang o kapatid.

MGA HAZARD

1. Lindol 3. Sunog
2. Bagyo 4. Baha

GABAY SA PAGSULAT NG ISANG POLISIYA

I. Bilang ng Polisiya
II. Petsa ng pagsasagawa
III. Pamagat
(Isang agaw-pansin na pamagat patungkol sa polisiya)
IV. Layunin
(Maikling paliwanag ng tunguhin ng polisiya na nais ipatupad)
V. Sanggunian
(Mga batas, ordinasa o kautusan may kaugnayan sa polisiya)
VI. Saklaw
(Sino at Saan ipapatupad ang polisiya)
VII. Komite
(Mga taong magpapatupad ng polisiya)
A. Panimula
(Nagsasaad ng rationale ng polisiya at kahalagahan nito)
B. Pamamaraan
(Hakbang na kinakailangan sa pagpapatupad ng polisiya)

14
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa sitwasyon kung saan inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o


ahensya ng pamahalaan ang pagpaplano sa mga dapat gawin hanggang sa
pagtugon sa panahon ng kalamidad
A. Bottom-up Approach B. Back-Front Approach
C. Down-Front Approach D. Top-Down Approach
2. Tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa pamayanan ay
nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan.
A. Bottom-up Approach B. Back-Front Approach
C. Down-Front Approach D. Top-Down Approach
3. Tumutukoy sa sistematikong proseso ng pamamahala, pagpaplano, pagoorganisa,
pagtukoy sa mga kasapi, pamumuno at pagkontrol sa mga isyung
pangkapaligiran.
A. Disaster Management B. Disaster Mitigation
C. Disaster Operation D. Disaster Risk

15
4. Tumutukoy sa proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad. Ang
katuwang ang tao at pamayanan na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto
ng mga hazard at kalamidad na nakakapinsala sa kanilang pamayanan.
A. Community-Based Disaster Risk Reduction Management
B. Disaster Prevention and Mitigation
C. Recovery and Rehabilitation
D. National Disaster Risk Reduction Management Framework
5. Upang maging epektibo ang pagbabalangkas ng plano ng DRRM dapat
magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at
makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at
hazard, Sinu-sino ang ang maaring maging kaagapay sa pagbalangkas ng
disaster risk reduction management plan?
A. Mga mamamayan B. Mga Pribadong sektor
C. Mga Pampublikong sektor D. Lahat ng nabanggit
6. Tumutukoy sa yugto ng DRRM ang proseso ng pagtataya sa mga hazard at
kakayahan ng pamayanan na harapin ang iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran.
A. Disaster Prevention and Mitigation B. Disaster Preparedness
C. Disaster Response D. Disaster Rehabilitation and Recovery
7. Tumutukoy sa yugto ng DRRM na nagsasagawa ng mga hakbang o mga dapat
gawin bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna o hazard at kalamidad.
A. Disaster Prevention and Mitigation B. Disaster Preparedness
C. Disaster Response D. Disaster Rehabilitation and Recovery
8. Tumutukoy sa yugto ng DRRM na pagsasaayos ng mga tahanan nasira ng
kalamidad at unti-unting napapanumbalik na ang sistema ng komunikasyon,
transportasyon, suplay ng tubig at kuryente.
A. Disaster Prevention and Mitigation B. Disaster Preparedness
C. Disaster Response D. Disaster Rehabilitation and Recovery
9. Bakit kinakailangan na magkaroon ng tuwiran, paulit-ulit at walang patid na
pagsubaybay at pagsusuri sa isang komprehensibong disaster risk reduction
management plan?
A. Para maitama ang mga hindi akmang plano at upang maisaayos ang mga
pagkukulang sa disaster risk reduction management plan.
B. Para maging basehan ang nagawang disaster risk reduction management plan
sa mga komunidad sa buong bansa upang maisalba din nila ang kabuhayan
ng mga mamamayan.
C. Para maunawaan ng mga mamayan ang dapat nilang gawin sa oras ng
pagsalanta ng kalamidad at ng maibsan ang matinding pinsalang kaakibat
nito.
D. Para mapatunayan na ang disaster risk reduction management plan ay dumaan
sa kritikal proseso at pinag-iisipan ng bawat kasapi na bumubuo nito.
10. Bakit dapat na handa ang mga mamamayan sa pagdating ng mga kalamidad?
A. Dahil sa pamamagitan ng paghahanda sa mga kalamidad ay maaaring daan
ito sa mas ligtas at masaganang pamumuhay
B. Dahil isang matibay na pundasyon ang paghahanda upang maibsan ang
anumang pinsala na dulot ng kalamidad

16
C. Dahil maaring mahihirapan ang rescue team sa pagpunta sa kabahayan
kung maraming sirang gusali at daan.
D. Dahil maaring walang ibang tao na magbigay ng agarang tulong sa oras ng
kalamidad

Karagdagang Gawain

GAWAIN 5. BASA-SURI!
May mga mahuhusay na inisyatibong nagawa sa iba't ibang bahagi ng mundo
may kinalaman sa Disaster Risk Reduction Management. Ang mga ito ay itinuturing
na mabuting kasanayan at nagbibigay ng isang indikasyon na matagumpay ang mga
hakbang na isinagawa sa pagtugon sa anumang panganib.
Panuto: Basahin ang artikulo sa ibaba. Alamin ang mga pangunahing punto
kung bakit itinuturing ito na isa sa pinakamahusay na DRRM sa mundo sa
pamamagitan ng pagsagot sa graphic organizer. Isa-isahin ang naging epekto
ng pagkakaroon ng DRRM sa nasabing paaralan at ang naging kahalagahan nito
sa kanilang pamumuhay.
Magtungo sa site na ito:
https://www.adrc.asia/publications/TDRM2005/TDRM_Good_Practices/PDF/PDF-
2005e/Chapter3_3.2.4-1.pdf . Basahin ang teksto at unawain.

Disasters and Education: Maiko High School in Japan

It is said that more than 90% of the people killed by the Great Hanshin-Awaji (Kobe)
Earthquake lost their lives within 30 minutes. It is also said that more than 80% of
the people who were saved were rescued by their neighbors, not by the Japan Self-
Defense Force or Fire Service rescue teams. The most important lesson of this
disaster is that the citizens noticed for the first time that they should protect each
other's lives themselves. It was a crucial event that made citizens realize how little
they were aware of and prepared for disaster.

Japanese people naturally regard schools as a refuge during the disaster. For
example, during the Great Hanshin-Awaji Earthquake 310,000 people escaped from
the collapsed and burning city to the schools. Schools also have another important
function, in that that they offer the only place where disaster mitigation education
can be carried out systematically. Schools thus have two functions: a place of refuge
and a place of disaster mitigation education.

In disaster mitigation education so far, we have focused on emergency management


just after a disaster has occurred place, such as training in evacuation and
extinguishing fires. During the process of moving from emergency management to
recovery, the students will come to notice that not only concrete aspects such as
building codes, reconstruction of railroads and expressways, a reliable water and
supply, and so on are important, but also that less tangible aspects, such as the
importance of the community, help from neighbors, the importance of human life, and
welfare and human rights are also closely related to disaster mitigation. This shows

17
that disaster mitigation is closely related to every aspect of school studies. It is
therefore is possible for the teachers to offer disaster mitigation education in every
subject if they so wish.

Maiko High School started its environment and disaster mitigation course in April,
2002, seven years after the Great Hanshin-Awaji (Kobe) Earthquake. The purpose
of establishing this course was to convey the lessons we learned from the Great
Hanshin-Awaji Earthquake to the world and prepare citizens to cope with disaster.
The educational goal of the course is to have the students think about how we live
in a symbiotic society. It provides the students with disaster mitigation education
concerning both the natural and the social environment.

Practical experience is the keyword of the environment and disaster mitigation


course. Many people are invited to school to talk about their experiences during and
after the disaster. These guest teachers come from universities, police stations, fire
stations, life-line related companies, the city and prefectural governments, volunteer
organizations, and so on.

The students visit the Disaster Reduction and Human Renovation Institute, the
Museum of Nature and Human Activities, and Hokudan-cho Earthquake Memorial
Park. They go to Mount Rokko to investigate the faults, dangerous streams of debris
flow, and the raised riverbeds that were the cause of floods in Kobe.

While studying disaster mitigation, the students do not only attend lectures to obtain
knowledge, but are also set problems or give themselves tasks to solve by
themselves or in cooperation with other students. The students use computers to
make reports, give presentations, and obtain information from the Internet. Through
these activities the students master fundamental computer skills. Maiko High School
works together with an elementary school to do the disaster mitigation education.
The students make a regional map together with third-grade pupils. Through this
task, they become serious about disaster mitigation for the community if the map is
full of places they like and are proud of. The students talk about their experiences of
the Great Hanshin-Awaji (Kobe) Earthquake to the fourth-grade and sixth-grade
pupils. Maiko High School students themselves were first- or second-graders at the
time. To teach the mechanism of the earthquake and the importance of preparedness
they use a “Wall Newspaper”. To the fifth-graders the high school students show an
experiment concerning flooding and teach the history of heavy flooding in Kobe
through a newspaper they produced themselves.

Maiko High School has started an international exchange with Nepal with the help
of the UNCRD Hyogo Office and NSET-Nepal. The purpose of the exchange is
international friendship and the exchange of disaster experiences. The students
learn a lot from the activities of NSET-Nepal.

18
This disaster mitigation education has just started and we don’t have sufficient
materials, nor a concrete approach to this type of education. Many teachers seem to
be at a loss when carrying out disaster mitigation education. We published our
results and information on the Maiko High School Web site to support teachers who
are interested in or must offer disaster mitigation education but don’t know how or
what to do. Our task is to build a network for disaster mitigation education among
schools.

PAMAGAT

Disasters and Education: Maiko High School in Japan

EPEKTO KAHALAGAHAN

19
Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Tayahin


1. Top-down 1. Hazard 1. D
Approach 2. Disaster 2. A
2. Bottom-up 3. Capacity 3. A
Approach 4. Vulnerability 4. A
3. Disaster 5. Risk
5. D
Prevention 6. Resilience
6. A
4. Disaster
Mitigation 7. B
5. Disaster 8. D
Preparedness 9. A
6. Disaster 10. A
Response
7. Disaster
Rehabilitation
8. Disaster
Recovery

20
Sanggunian

2005. Total Disaster Risk Management - Good Practices. [ebook] Kobe, Japan.: Asian
Disaster Reduction Center. Available at:
<https://www.adrc.asia/publications/TDRM2005/TDRM_Good_Practices/PDF/PD
F-2005e/Chapter3_3.2.4-1.pdf> [Accessed 20 May 2020].
2011. The National Disaster Risk Reduction And Management Plan. [ebook] Manila,
Philippines: Department of Interior and Local Government. Available at:
<https://www.dilg.gov.ph/PDF_File/reports_resources/DILG-Resources-2012116-
420ac59e31.pdf> [Accessed 2 May 2020].

2011. National Disaster Risk Reduction And Management Plan 2011-2028. [ebook]
Manila, Philippines: National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Available at:
<http://www.ndrrmc.gov.ph/attachments/article/41/NDRRM_Plan_2011-
2028.pdf> [Accessed 2 May 2020].
National Disaster Risk Reduction and Management Council website.
http://www.ndrrmc.gov.ph
Philippine National Disaster Response Pillar. http:// www.reponseops.ph

Policy and Procedures Writing Guide. Boise State University.


http://policy.boisestate.edu/policy-writing-guide/
Republic Act No. 10121. Official Gazette . http://www.gov.ph/
2010/05/27/republic-act-no-10121

21

You might also like