You are on page 1of 4

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET

ARALING PANLIPUNAN 10

2nd Quarter, Week 4, Day 1

Activity Title: Unemployment at Underemployment

Learning Target: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa


sa Bansa
Naibibigay ang pagkakaiba ng umeployment sa underemployment

References: Kayamanan: Kontemporaryong Isyu, REX pahina 91-95

Concept: Ang unemployment ay ang kawalan ng trabaho ng maraming tao.


Kabilang sa yaman ng bansa ay ang yamang tao na itinuturing na
bumubuo sa labor force o lakas paggawa na siyang tumutugon sa
pagbuo, paggawa at pagbibigay ng produkto o serbisyo sa bansa o sa
mga bansang nangangailangan ng empleyo.

Ang labor force ay ay binubuo ng 15 taon gulang pataas na nagtatrabaho


ng walong oras at nakakatanggap ng benepisyo ng kaniyang
pinaglilingkuran. Ang unemployment ay nasusukat sa pamamagitan ng
paggamit ng umemployment rate. Ito ay nakakalkula sa pamamagitan ng
paghahati ng bilang ng mga mamamayang walang trabaho sa bilang ng
mga mamamayan sa lakas paggawa.

Ang underemployment ay ang pagtatrabaho ng mga manggagawa na


may mataas na antas ng kasanayan at edukasyon na postecondary na
mababa ang trabaho kesa sa natapos o pinag-aralan. Halimbawa, ang
isang may degree sa kolehiyo ay maaaring tending bar, o nagtatrabaho
bilang isang manggagawa sa linya ng pabrika
Ang mga underemployed ay mga nagnanais na magkaroon pa ng
karagdagang oras sa kanilang kasalukuyang trabaho o magkaroon pa ng
karagdagang pagkakakitaan o mas mahabang oras.

Sa pag-aaral ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang


underemployment ay laganap sa mga rehiyon sa ating bansa lalo na sa
mga lugar na agrikultural.

Ang mga sumusunod na datos ay tungkol sa kalagayan ng paggawa sa


ating bansa.

Labor & Employment April 2019 April 2018


Total 15 years old and over (in 000) 72,538 71,015
Labor force participation rate 61.4% 60.9%
Employment rate 94.9% 94.5%
Unemployment rate 5.1% 5.5%
Underemployment rate 13.5% 17.0%
Total employed person (in thousands) 42.242 40.896
Total underemployed persons (in 5.709 6.735
thousands)
Total unemployed persons (in thousands) 2.286 2.361

PAGSASANAY: Suriin ang datos sa taas at sagutin ang tanong:


1. Batay sa datos, ano ang nakikita mong suliranin ng ating bansa
tungkol sa paggawa? Ipaliwanang ang iyong sagot sa hindi bababa sa
3 pangungusap, at magbigay ng isang mungkahi upang ito ay
matugunan ng pamahalaan.
DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET
ARALING PANLIPUNAN 10

2nd Quarter, Week 4, Day 2

Activity Title: Mga Dahilan ng Unemployment

Learning Target: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa


sa Bansa
Natatalakay ang mga dahilan ng unemployment

References: Kayamanan: Kontemporaryong Isyu, REX pahina 96-102

Concept: Mga Dahilan ng Unemployment


1. Kakulangan ng oportunidad para makapagtrabaho – batay sa
estadistika ng PSA, hindi lamang sa walang natapos o hindi
nakapag-aral ang dahilan ng kawalan ng trabaho kundi pati na rin
ang kakulangan ng oportunidad para sa kanila.
2. Kakulangan sa edukasyon – dahilan din ng kawalan ng trabaho ang
kakulangan sa akademikong paghahanda dulot ng mababang kalidad
ng Sistema ng edukasyon gaya ng wala o kulang sa maayos na
kapasidad, hindi magandang pagtuturo, at mga programa o kurikulum
na hindi angkop sa kailangan ng industriya. Ang mga employer ay
nahihirapan sa pagpuno ng kanilang mga bakante dahil sa
kakulangan ng mga aplikante na may angkop na edukasyon at
kwalipikasyon para sa trabaho.
3. Paglaki ng populasyon – sinasabing isa sa dahilan ng kawalan ng
trabaho sa ating bansa nitong nakaraang dekada ay ang mabilis na
paglaki ng populasyon.
4. Kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at pangmatagalang
plano na makalilikha ng trabaho – umaasa ang pamahalaan sa mga
dayuhang mamumuhunan sa bansapara magkaroon ng trabaho ang
mga mamamayan nito. Dahil sa maraming tao ang walang mahanap
na trabaho, nagtitiyaga sila sa anumang ibinibigay na trabaho
sakanila kahit na maliit ang sahod, kulang samga benepisyo at hindi
maganda ang kondisyon ng pinagtatrabahuan.
5. Hindi tugma ang pinag-aralan sa maaari nilang pasukang trabaho –
ayon sa PSA na tila walang kaugnayan ang pagtatapos ng pag-aaral
sa pagkakaroon ng trabaho.
6. Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa trabaho – may
malaking proporsyon ng hindi tugma o mismatch sa pagitan ng
pagsasanay at aktuwal na trabaho.
7. Hindi pagbibigay ng wastong sahod samanggagawa, kaunting
benepisyo, at hindi maayos na kondisyon ng pinagtatrabahuhan
(poor working condition) – may mga kapitalistang mayayaman na
hindi nagbibigay ng wastong sahod at benepisyo sa kanilang mga
manggagawa.
8. Pananalasa ng mga kalamidad sa bansa – nakapipinsala sa mga
manggagawa ang kalamidad.
9. Masalimuot na paraan para makapagtatag ng negosyo – ayon sa
mamumuhunan mahirap magtayo ng negosyo sa bansa.
10. Pamumulitika at katiwalian ng mga nanunungkulan sa pamahalaan –
maraming pulitiko ang sangkot sa katiwalian.

Exercises: Ipaliwanag kung bakit ang sumusunod ay dahilan sa kawalan ng trabaho


o unemployment sa hindi bababa sa tatlong pangungusap.Pumili ng isa
lamang sa mga dahilan.
1. Paglaki ng populasyon
2. Pagkukulang ng pangmatagalang plano ng pamahalaan
3. Kakulangan sa kwalipikasyon ng mga mamamayan
DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET
ARALING PANLIPUNAN 10

2nd Quarter, Week 4, Day 3

Activity Title: Implikasyon ng Unemployment sa Pamumuhay ng Tao

Learning Target: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa


sa Bansa
Natutukoy ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay

References: Kayamanan: Kontemporaryong Isyu, REX pahina 103-106

Concept: Implikasyon ng Unemployment sa Pamumuhay ng Tao


1. Tumitinding kahirapan – ang kawalan ng trabaho ay nagdudulot ng
matinding kahirapan ng mga tao.
 Walang mapagkukunan ng pera ang mga tao para sa
kanilang ikabubuhay at mga pangangailangan
 May mga gumagawa ng krimen tulad ng pagnanakaw at
panghoholdap
 Nagkakaroon ng malnutirsyon ang mga tao dahil walang
pambili ng pagkain
 Hindi makapag-aral ang mga bata dahil hindi matustusan
ng mga magulang ang pangangailangan sa paaralan
 Napipilitang magtrabaho ang mga bata upang matulungan
ang magulang
 Dumadami ang bilang ng mga babaeng pumapasok sa
prostitusyon
 Bumababa ang standard of living ng mga tao
 Dumarami ang mga informal settelr
 Dumarami ang mga taong umaasa sa gobyerno
2. Naapektuhan ang mental health o kalusugan ng pag-iisip ng mga tao
 Bumababa ang tiwala at pagtingin nila sa sarili
 Dumaranas sila ng depresyon at pagkawala ng pag-
asa sa buhay
 Nagkakaroon ng negatibong pag-uugali
 Tumataas ang bilang ng nagpapakamatay
 Nagkakaroon ng stigma o masamang tingino husga sa
kapwa

Exercises: Pumili ng isang katanungan. Ipaliwanag ang iyong sagot sa hindi bababa
sa tatlong pangungusap.

1. Paano nakakaapekto sa ating bansa ang pagkakaroon ng


unemployment at underemployment?
2. Batay sa iyong sariling karanasan o pag-aaral, alin ang totoong sanhi
ng unemployment at underemployment sa Pilipinas? Bakit mo ito
nasabi?
DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET
ARALING PANLIPUNAN 10

2nd Quarter, Week 4, Day 4

Activity Title: Implikasyon ng Unemployment sa Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansa

Learning Target: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa


sa Bansa
Natutukoy ang implikasyon ng unemployment sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa

References: Kayamanan: Kontemporaryong Isyu, REX pahina 106

Concept: Implikasyon ng Unemployment sa Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansa


1. Nagpupunta sa ibang bansa ang mga manggagawa upang
maghanapbuhay at iniiwan nila ang kanilang pamilya.
 Nasisira ang pagkakabukold ng pamilya
 Maymga napapariwarang anak dahil walang gumagabay nang
maayos sa kanila
 Nagkakaroon sila ng brain drain
2. Dumami ang mga dayuhan at dambuhalang local na negosyante kaya
nalugi ang napakaraming maliliit na negosyo na nakapagbibigay ng
trabaho sa ating bansa
 Temporary o contractual employment lamang ang inaalok
ng mga dayuhan
 Maliit ang sweldong binibigay ng malalaking local na
negosyante
3. Humihina ang ekonomiya ng bansa dahil sa mas mahina ang
produksiyon ng bansa at marami ang mahihirap.
4. Mabagal ang pag-unlad ng bansa dahil mahina ang ekonomiya nito.

Exercises: 1. Ano ang maimumungkahi mong solusyon para sa bawat suliranin na


kaugnay ng unemployment sa ating bansa. Buuin ang problem-solution
idea map.

Kawalan ng Trabaho

Mga Problema Solusyon

You might also like