You are on page 1of 21

Unemployment

at
Underemployment
Inihanda ni: Janeta A. Bolival
Pangkatang Gawain:
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa video presentation?
2. Ano-anong hamon sa paggawa na kasalukuyang
kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino?
3.Ano-ano ang dahilan kung bakit nagkakaroon
ng unemployment sa bansa?
4. Bakit may nagaganap na job-skills mismatch?
Pamantayan:
• Kasanayan sa pag-uulat- 20%
• Kooperasyon ng bawat miyembro- 10%
• Nilalaman-20%
Kabuuan- 50%
Ano ang
unemployment?
Ito ay sitwasyon kung saan
ang mga manggagawa ay
walang mapasukang trabaho
kahit sila ay sapat na ang
kakayahan at pinag-aralan.
1 million

Overseas Filipino
Workers (OFW)
• Dahil sa kawalan ng oportunidad at
marangal na trabaho, naging
patakaran na ng gobyerno ang
pagluluwas ng paggawa (labor) simula
dekada 70.
Ang OFW na ngayon ang tinagurian
na bagong bayani dahil sa kitang
ipinapasok nito sa bansa na dahilan
kung bakit hindi sumasadsad ang
ekonomiya kahit pa dumaan ito sa
matitinding krisis pampolitika’t pang-
ekonomiya.
Ayon sa Philippine Labor Employment
Plan (PLEP 2016) ang trabahong
nalilikha lamang sa loob ng bansa taon-
taon ay nasa 687,000.
Ano ang
underemployment?
Ang underemployment
ay ang pagkuha ng
trabaho na mababa sa
kursong natapos.
• Tinataya na aabot sa 1.2 milyon na college
at vocation graduates ng nagdaang taon
(2016) ang mahihirapan sa pagkuha ng mga
trabaho dahil sa patuloy na mismatch sa
kanilang kasanayan at kakayahan mula sa
kanilang tinapos na kurso sa kakailanganing
kasanayan at kakayahan na hinihingi ng mga
employer sa bansa at sa labas ng bansa
(TUCP, 2016).
• Ipinapakita sa records ng DOLE (2016)
na mula sa 4.23 milyong bakanteng
trabaho sa loob at labas ng bansa na
binuksan sa mga job fair ng DOLE para
sa mga manggagawang Pilipino ng
taong 2014 at 2015, ay umabot lamang
sa 391,000 na mga aplikante ang
natanggap agad sa iba’t ibang
posisyon mula sa 1.29 milyon na
aplikante.
• Dagdag pa sa ulat ng DOLE (2016),
ayon sa kanilang Labor Market
Information para sa taong 2013
hanggang 2020 tinataya na aabot 200
sa 275 na iba’t ibang trabaho ang
kinilala ng kanilang kagawaran na hard
to fill o mga trabaho na mahirap punan
mula sa mga major at emerging
industries.
• Isang malaking bahagi ng nasa
kategorya ng Self employed without
any paid employee ang tumutukoy sa
trabahong para-paraan o sa
sinasabing vulnerable employment ng
Labor Force Survey (2016).
• Batay sa klasipikasyon ng gobyerno, ang 22
milyon na hindi bahagi ng Labor Force
Participation Rate o LFPR ay ang mga taong
may edad 15 pataas na may kakayahan nang
magtrabaho ngunit hindi pa aktuwal na
lumalahok sa produksiyon o naghahanap ng
trabaho.
Hal: estudyante, mga full time mother,
discouraged workers
• Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng
globalisasyon sa paggawa ay ang
patuloy na pagbubukas ng bansa sa
pandaigdigang pamilihan.
• Ano ang pagkakaiba ng
unemployment at
underemployment?
MURA AT
FLEXIBLE LABOR
Ito ay isang paraan ng
mga kapitalista o
mamumuhunan upang
palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng
pagpapatupad ng
mababang pagpapasahod
at paglimita sa panahon
ng paggawa ng mga
manggagawa.
Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga
katanongan.
1. Ano-ano ang dahilan kung bakit nagpapatuloy
ang unemployment at underemployment sa
bansa?
2. Ano ang inyong maimumungkahi upang
mabawasan ang bilang ng pagkakaroon ng
unemployment?
3. Naniniwala ba kayo na ang pagdagsa ng mga
makabagong teknolohiya ay nakapagdudulot ng
umemployment?Pangatwiranan.

You might also like