You are on page 1of 38

MODYUL 4:

UNANG
MARKAHAN
MINERVA DC. FABIAN
Dalawang Approach sa Disaster
Management:
1. Top-down - mula sa National Government
pababa sa mga communities. Maari din naman
kung ang nasalanta ay isang barangay, sila ay aasan
sa lungsod na nakakasakop sa kanila.
2. Bottom-up - mula sa mga communities papunta
sa national government or local government.
 Katangian ng Bottom-up Approach:
1. Ang mga mamamayan ay may kakayahang
simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang
komunidad
2. Bagama’t mahalaga ang tungkulin ng lokal na
pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs,
nanatiling pangunahing kailangan para sa
grassroots development ang pamumuno ng lokal
na pamayanan.
3. Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan
sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa
pagbuo ng desisyon para matagumpay na bottom-
up strategy.
4. Ang responsableng paggamit ng mga tulong-
pinansyal ay kailangan.
5. Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay
na bottom-up approach ay ang pagkilala sa mga
pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito
6. Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa
kamay ng mga mamamayang naninirahan
sa pamayanan.
7. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan
ay maaaring may magkakaibang pananaw
sa mga banta at vulnerabilities na
nararanasan sa kanilang lugar.
Suliranin sa Top-down Approach:
1. Hindi natutugunan ng top-down approach ang mga
pangangailangan ng pamayanan at napababayaan
ang mga mamamayang may mataas na posibilidad
na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad.
2. Limitado ang pagbuo sa disaster management plan
dahil tanging ang pananaw lamang ng mga
namumunoang nabibigyang pansin sa pagbuo ng
plano.
3. Mga pagkakataon nahindi nagkakasundo
ang Pambansang Pamahalaan at ng Lokal

na Pamahalaan tungkol sa mga hakbang


na dapat gawin sa panahon o pagkatapos
ng kalamidad kung kaya’t nagiging
mabagal ang pagtugon sa
pangangailangan ng mga mamamayan.

You might also like