You are on page 1of 16

1|P age

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nagiisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2|P age
I. ALAMIN NATIN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi


at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang-ekonomiya upang
mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang
kaunlaran.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay nakakabuo ng


pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang nakakaapekto sa kanilang
pamumuhay

Most Essential Learning Competencies:


Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon

PAKSA:
GLOBALISASYON: KOSEPTO, PANANAW AT PERSPEKTIBO

Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod:

1. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa konsepto ng gglobalisasyo


2. Naibibigay ang katuturan ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung panlipunan
3. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa salitang globalisasyon.

II. SUBUKIN NATIN

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng wastong sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang higit na naglalarawan sa globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba‟t ibang direksyon na nararanasan sa iba‟t ibang bahagi
ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa
sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at
ekonomikal ng mga bansa sa mundo.

2. Mababanaag sa mga sumusunod na gawain ang sistema ng globalisasyon


maliban sa isa, ano ito?
A. Pagsakay gamit ang Grab Car
B. Paggamit ng mga Social Media Apps
C. Panunuod sa Telebisyon at Sinehan
D. Pagtatanim sa bakuran

3|P age
3. Itinuturing na panlipunang isyu ang globalisasyon, DAHIL…
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at
mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga
mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at
pulitikal na aspekto
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na
pinaunlad ang mga malalaking industriya

4. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?


A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga
banta na magdudulot ng kapinsalaan
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng
impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa
daigdig

5. Suriin ang larawan, ano ang ipinahihiwatig nito ukol


sa globalisasyon?
A. Mabilis na dumadaloy ang mga produkto mula
sa iba‟t-ibang panig ng daigdig
B. Mayayaman ang mga bansang may ganitong
mga produkto
C. Naaapektuhan ng mga malalaking Multinasyonal na kompanya ang
mundo
D. Pinapaikot ng mga malalaking kompanya ang pamilihan sa daigdig

6. Ayon sa pananaw at perspektibo sa globalisasyon, alin ang hindi kabilang sa


mga pangyayari sa kasaysayan ng mundo na naging daan sa globalisasyon?
A. Pananakop ng Europeo nuong huling bahagi ng ika-15 siglo
B. Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa
C. Pagkakatuklas ng mga labi at kagamitan ng mga sinaunang tao
D. Pagkakahati ng daigdig sa dalawang pwersang ideolohikal partikular
ang komunismo at kapitalismo

7. Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo, aling


pangyayari sa ibaba ang naganap sa siglong ito?
A. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
B. Pagkalat ng Islam at Kristyanismo
C. Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland,
Greenland at Hilagang Amerika
D. Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa italya.

8. Ano ang patunay ng patuloy na pagtangkilik at paglago ng Sistema ng


globalisasyon?
A. Dahil walang permanente sa mundo kundi pagbabago
B. Dahil pag-unlad ang ibig sabihin ng globalisasyon

4|P age
C. Dahil ang globalisasyon ay taal o nakaugat na sa bawat isa.
D. Dahil hindi kaya ng isang bansa na magsarili.

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga posibleng pinag-ugatan


ng globalisasyon?
A. Kalakalan sa Mediterranean
B. Pananakop ng mga Romano bago pa man ipinanganak si Kristo
C. Paglaganap ng Protestantismo
D. Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe Patungong Iceland.

10. Ito ang sinasabi na pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao


sa kasalukuyan, ano ito?
A. Migrasyon C. Ekonomiya
B. Globalisasyon D. Paggawa

III. BALIKAN NATIN

Sa nakaraang modyul, napag-aralan natin ang kahulugan ng


kontemporaryong isyu at ang kahalagahan ng pag-aaral dito.
Natunghayan natin sa modyul na ito ang iba‟t ibang sakuna na nararanasan
natin sa ating bansa at kung paano ito pinaghahandaan ng pamahalaan mula sa
nasyonal hanggang sa lokal na pamahalaan.
Atin ring nalaman ang iba‟t ibang pagkilos para sa pangangalaga ng
kapaligiran na nagsisimula sa pag-unawa sa mga sanhi at bunga ng suliranin at
hamong nararanasan natin sa kasalukuyan.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, binigyang diin ang kahalagahan ng
pagsasanib ng oras, lakas, pondo, at kakayahan ng pamahalaan at ng mga
mamamayan sa pagbuo ng DRRM plan upang maging handa sa iba‟t ibang suliranin
at hamong pangkapaligiran.
Bilang isang responsableng mag-aaral, mahalaga ang iyong gampanin upang
makatulong sa paglutas ng mga suliraning pangkapaligiran. Ang pagbabago sa ating
pamayanan ay magsisimula sa ating mga sarili.

IV. TUKLASIN NATIN

Napansin mo ba ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiyang ginagamit ng mga tao?


Kapansin-pansin din ang mabilis na pagkalat at paglaganap ng samu‟t saring
impormasyon sa loob man o sa labas ng bansa dahil sa iba‟t ibang uri ng mass
media. Dahil na rin sa mabilis na paglaganap ng impormasyon, tuluyang nababago
nito ang ekonomiya, pulitikal, teknolohikal at sosyo kultural. Ang mga pagbabagong

5|P age
ito ay dulot ng tinatawag nating Globalisasyon. Ano nga ba ang globalisasyon?
Paano nakamit ng Pilipinas ang globalisasyon? At paano ito nakakaapekto sa
pang-araw araw na pamumuhay ng mga Pilipino?

Gawain 1: GUESS THE LOGO


Panuto: Hulaan kung anong mga kompanya ang ipinapakita ng bawat logo.
1. 3.

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

2. 4.

_ _ __ __ __ __ __ __ __ __ __

5.

__ __ __ __ __ __

Pamprosesong tanong:
1. Bakit gumagamit ng mga logo ang bawat kompanya?
2. Ano ang ugnayan ng gawaing ito sa paksang globalisasyon?

6|P age
Aralin Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo

Ano ang globalisasyon at paano ito nakakaapekto


sa pamumuhay ng mga Pilipino?

Gawain 2: Sa loob ng kahon isulat kung ano ang sariling konsepto o pakahulugan
sa salitang GLOBALISASYON. Sa bahaging ibaba sagutin ang tanong:

? ?

GLOBALISASYON

? ?

7|P age
Paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

GLOBALISASYON

• Ito‟y isang phenomenon na nagsimula nang matagal na


panahon subalit nagiging mahalaga ito sa mga huling dalawang
siglo.

• Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,


bagay, impormasyon at produkto sa iba‟t ibang direksiyon na
nararanasan sa iba‟t ibang panig ng daigdig. (Ritzer, 2011)

• Ito ay itinuturing din bilang proseso ng interaksyon sa pagitan


ng tao mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang
pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at
pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.

• Ang globalisasyon ay ang pagtutulungan ng mga bansa sa


buong mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at
serbisyo sa bawat bansa.
GLOBALISASYON

Pamumuhunan

Serbisyo

Migrasyon

8|P age
Limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at
simula ng globalisasyon

• Paniniwalang ang „globalisasyon‟ ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan
Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na
pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng
1 pananampalataya, mandigma‟t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.

• Ang pangalawang pananaw ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo


(cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2005), maraming „globalisasyon‟ na ang dumaan sa
mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na
mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon kung
2 kailan nagsimula ang globalisasyon kaya higit na mahalagang tingnan ang iba‟t ibang siklong
pinagdaanan nito.

• Ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o


panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula
3 ang globalisasyon at ito‟y makikita sa talahanayan na nasa kasunod na pahina.

•Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon ay mauugat
sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng maraming
4 pinag-ugatan ang globalisasyon.

•Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenong


nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong
5 ito ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon.

V. TALAKAYIN NATIN

Sagutan mo!
1. Paano nagsimula ang globalisasyon?
2. Ano ang iba‟t ibang perspektibo ng globalisasyon?
3. Magbigay ng mga halimbawa ng isang pangyayari na sa iyong palagay ay
naging sanhi ng globalisasyon.
Gawain 3: picture Analysis

9|P age
(illustrasyon ng anyo ng globalisasyon/COMICS)

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinapakita ng larawan?
2. Paano nagkakaugnay-ugnay ang bawat
anyo ng globalisasyon?

10 | P a g e
URI NG OUTSOURCING BATAY SA IBINIBIGAY NA SERBISYO

Business Process Outsourcing (BPO)


- tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya.

Knowledge Process Outsourcing (KPO)


- nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng
kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at
serbisyong legal.

URI NG OUTSOURCING BATAY SA LAYO O DISTANSYA


1. Offshoring
Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na
naniningil ng mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa ganitong uri ng
outsourcing. Sa pagnanais ng mga outsourcing companies mula United

11 | P a g e
States, at mga bansa sa Europe na makatipid sa mga gastusing kalakip
ng nasabing serbisyo minarapat nilang kumuha ng serbisyo sa mga
kompanya mula sa bansang Asyano tulad ng India at Pilipinas.

2. Nearshoring
Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na
bansa. Layunin nitong iwasan ang mga suliraning kaakibat ng offshoring
sapagkat inaasahan na ang kalapit bansang pagmumulan ng serbisyo ay
may pagkakahawig kung di man pagkakatulad sa wika at kultura ng
bansang nakikinabang sa paglilingkod nito.

3. Onshoring
Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng
serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga
ng higit na mababang gastusin sa operasyon.

VI. PAGYAMANIN NATIN

A. WINDOW SHOPPING
Layunin ng gawaing ito na maipakita sa mga mag-aaral ang realidad ng
globalisasyon sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Hahayaan silang
pumunta sa isang sari-sari store, grocery store, canteen at mga kauri nito at
paglilistahin sila ng mga produktong makikita rito. Mula dito‟y pipili sila ng
lima sa mga produkto o serbisyong makikita o ipinagbibili rin sa ibang bansa.
Isulat ang mga ito sa talahanayan sa ibaba.
PRODUKTO O KOMPANYA BANSANG
SERBISYO PINAGMULAN
1.
2.
3.
4.
5.

B. Tukuyin ang mga sumusunod na korporasyon kung ito ba ay multinasyonal o


transnasyonal.

1.
2.

12 | P a g e
3.
4.

5. 6.

7.
8.

9. 10.

C. Pagsulat ng Editoryal
Gumawa ng isang editorial na tumatalakay sa positibo at negatibong dulot ng
globalisasyon.

13 | P a g e
VII. TANDAAN NATIN

 Ito‟y isang phenomenon na nagsimula nang matagal na panahon


subalit nagiging mahalaga ito sa mga huling dalawang siglo.
Implikasyon ng TNCs at MNCs
1. pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na
nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa
kalaunan ay nagpapababa ng halaga ng mga nabanggit na produkto.
2. nakalilikha rin ito ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
Suliranin na dala ng TNCs at MNCs
• Pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong
dala ng mga multinational at transnational corporations na may napakalaking
puhunan. Sa kalaunan, maraming namumuhunang lokal ang tuluyang
nagsasara.
• Kakayahan ng mga ito na impluwensyahan ang polisiya na ipinatutupad ng
pamahalaan ng iba‟t ibang bansa tulad ng pagpapababa ng buwis, pagbibigay
ng tulong-pinansyal, at maging ang pagpapagaan ng mga batas patungkol sa
paggawa at isyung pangkapaligiran. Nakukuha ang mga nasabing pabor sa
pamamagitan ng pananakot na ilipat ang kanilang pamumuhunan patungo sa
ibang bansa. Nagbubunga ito sa kalaunan ng higit na pagyaman at
paglakas ng mga nasabing MNCs and TNCs nagdudulot naman ng
paglaki ng agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap.

VIII. ISABUHAY NATIN

Be Informed!
Gumawa ng isang infomercial hinggil sa paksang globalisasyon.
Mga kinakailangang Makita:
- Konsepto ng globalisasyon
- Anyo ng globalisayon
- Mga hamong kinakaharap ng mga mamamayan dahil sa globalisasyon

14 | P a g e
IX. TAYAHIN NATIN

Paano nagsimula at lumaganap ang globalisasyon? Buuin ang timeline


sa ibaba.

X. GAWIN NATIN

Gawain 4: MAG-INTERBYU KA!


- Maghanap ng mga sumusunod: Isang propesyonal, normal na
manggagawa at isang college student sa pamamagitan ng social media.
- Alamin ang kanilang konsepto hinggil sa globalisasyon at kung paano sila
naaapektuhan ng globalisasyon.

SANGGUNIAN

Modyul ng pagkatuto Grade 10 pahina 144 - 186

Para sa mga larawan

 https://fineart.ha.com/itm/paintings/james-flora-american-1914-1998-globalization-fortune-magazine-cartoongouache-
and-ink-on-board22-x-1875/a/5245-71286.sand-ink-on-board22-x-1875/a/5245-71286.s
 https://www.google.com/search?q=mataas+na+sahod&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiyzKaou7rqAhXSBogKHfg
3DwEQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1517&bih=694#imgrc=9qOZ5q7yDefNUM
 https://www.google.com/search?q=influence+of+the+family&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjxu7KjvLrqAhWHyY
sBHSl2DXcQ_AUoAXoECA8QAw&biw=1517&bih=694#imgrc=KVNp1EUSj0iL3M
 https://www.google.com/search?q=war&tbm=isch&ved=2ahUKEwiBgbOZvLrqAhXSx4sBHaOlBMQQ2cCegQIABAA&oq=war&gs
_lcp=CgNpbWcQAzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgUIABCxAzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgUIABCxAzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgUIABCx
AzIICAAQsQMQgwE6AggAOgQIABBDOgcIABCxAxBDUMnMDViO0A1gp9wNaABwAHgAgAHbAYgB3AOSAQUxLjEuMZgBAKABAao
BC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=ZRAEX8G6DtKPr7wPo8uSoAw&bih=694&biw=1517#imgrc=RUr7Pwxi6o5ZmM
 https://www.google.com/search?q=education&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjhfnCvrrqAhWSHHAKHQkDB8oQ
_AUoAXoECBkQAw&biw=1517&bih=694#imgrc=VjIZz24tAdYhBM
 www.canva.com

Sumulat ng modyul: GERMALYN T. CABICO (SRCCMSTHS)/ MARINA B. BIÑAS (GABHS)

15 | P a g e
Development Team of the Module

Writers: GERMALYN T. CABICO


MARINA B. BIÑAS
Editor:
Content Evaluators: JOSEPH R. SOGUILON
FRENCEL T. PASCUA

Reviewers: JOSEPH R. SOGUILON


FRENCEL T. PASCUA
JENIFFER C. VERSOZA
ADELYNE T. PALAS
GINA D. BORJA
JENNIFER A. MANALO
MYRNA G. ALONZO
NELSON AGNAS

Layout Artist: ROBERT MARQEZ VALERA


Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, OIC-SDS
DR. QUINN NORMAN O. ARREZA, Asst. SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS- AP
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

16 | P a g e

You might also like