You are on page 1of 20

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
Mga Perspektibo at Pananaw sa
Konsepto ng Globalisasyon
PANLIPUNAN 10
Ikalawang Markahan
Modyul 2

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Nasusuri ang mga dahilan, dimensy on at epekto ng
globalisasyon.

PAANO GAMITIN ANG


MODYUL
Larawan mula sa: https://www.nicepng.com/maxp/u2e6y3r5e6q8y3q8

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag – aaral

i
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag – aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang – araw – araw na
gawain.
6. Nawa’ y maging masaya ka sa iyong pag – aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
Larawan mula sa: https://clipartstation.com/checklist-clipart-3-2/

1. Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik – tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag – alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

i
INAASAHAN
Larawan mula sa: https://www.pinclipart.com/maxpin/hohRJ/

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan mula sa iyo na:
1. Naunawaan ang kahalagahan ng paggamit ng perspektibo at pananaw sa
pagsusuri ng konsepto ng globalisayon
2. Napaghambing ang bawat perspektibo at pananaw sa pag-aaral ng
globalisayon
3. Nakabuo ng sariling pananaw kung paanong nagsimula ang globalisasyon
4. Naisabuhay ang kahalagahan ng pakikibahagi sa mga gawain na may
kinalaman sa globalisasyon.

Simulan natin ang iyong paglalakbay upang mapalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa
Mga Perspektibo at Pananaw tungkol sa Kasaysayan at Simula ng Globalisasyon. Tiyak
akong ikaw ay handa na at nasasabik nang sagutan ang Unang Pagsubok.

1
UNANG PAGSUBOK
Larawan mula sa:
https://www.clipartkey.com/view/hhTohR_test-clipart-multiple-
choice-test-multiple-choice-questions/

Sa puntong ito, nais kong sagutin mo ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Ihanda mo ang
iyong panulat at sagutang papel para sa iyong gagawing pagsagot. Bigyang-pansin
ang mga tanong na hindi mo nasagutan nang wasto at alamin ang sagot nito sa
pagtunghay sa aralin sa modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang


papel ang titik ng bawat sagot.
1. May limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng
globalisasyon. Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa maliban sa isa.

A. Epoch C. Siklo
B. Pananakop D. Taal o nakaugat

2. Ang unang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng


globalisasyon ay pinaniniwalaang taal o nakaugat sa bawat isa ayon kay
Nayan Chanda (2007). Ano ang nais ipahiwatig nito?

A. Ito ay kalipunan ng mga pangyayari sa kasaysayan


B. Manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na
pamumuhay
C. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring
naganap sa kasaysayan.
D. Paulit-ulit ang globalisasyon na dumaraan at ang kasalukuyang
globalisasyon ang higit na mataas na anyo.

3. Ayon kay Jan Aart Scholte, maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa


mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago
at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Ito ay
tumutukoy sa perspektibong

A. Siklo C. Taal o nakaugat


B. Wave o Epoch D. Ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan

4. Ang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng


globalisasyon na tumutukoy sa anim na wave o epoch ay pinaniniwalaan ni

A. Göran Therborn C. Mohandas Gandhi


B. Jan Aart Scholte D. Nayan Chanda

2
5. Ang pangatlong perspektibo o pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang
may anim na wave o epoch o panahon. Alin sa mga sumusunod ang
kabilang sa anim na epoch?

A. Ang pagbagsak ng USSR


B. Ika-4 hanggang ika-5 siglo
C. Ang pagkakaroon ng pandemic ng COVID 19
D. Ang pagpapasabog ng mga terorista sa World Trade Center

6. Ang ikaapat na pananaw ay nagsasaad na ang simula ng globalisasyon ay


mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Ang mga
sumusunod ay kabilang dito maliban sa

A. Kalakalan sa Mediterranean noong gitnang panahon


B. Pananakop ng mga Romano bago pa man maipanganak si Kristo
C. Pag-usbong at paglaganap ng Kristiyanismo matapos ang pagbagsak ng
Imperyong Romano
D. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

7. Paano ipinakita ng Estados Unidos ang kayang pagiging global power


matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

A. Natalo ng Estados Unidos ang Japan at Germany sa Ikalawang


Digmaang Pandaigdig
B. Ang Estados Unidos ang naging pinakamaunlad na bansa pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
C. Ang Estados Unidos ang nagtatag ng United Nations at maraming bansa
sa buong mundo ang naging kaalyansa nito
D. Lahat ng mga malalaking Mutinational Companies na matatagpuan sa
iba’t ibang bansa ay pag-aari ng Estados Unidos

8. Ano ang naging epekto ng pagbagsak ng Iron Curtain at ng Soviet Union


noong 1991?

A. Nagbunyi at nagdiwang ang mga tao


B. Nawala ang komunismo sa buong daigdig
C. Nagbukas ang ekonomiya ng mga bansang lumaya
D. Nilukuban ng terorismo ang mga bansang nakalaya sa Unyong Sobyet

9. Ang ikalimang pananaw o perspektibo ay nagsasaad na

A. Ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20


siglo
B. Ang globalisasyon ay mga kaganapan sa kasaysayan sa
kontemporaryong panahon
C. Ang globalisasyon ay mula sa ideya ng mga makapangyarihang bansa sa
aspetong pulitikal at ekonomiya
D. Ang globalisasyon ay paulit-ulit na nagaganap, mula sa sinaunang
kasaysayan, sa makabagong panahon at magpapatuloy sa hinaharap.
3
10. Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ayon sa ikalimang
pananaw o perspektibo ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-
usbong ng globalisasyon. Alin ang hindi kabilang?

A. Paglitaw ng mga Multinational Companies


B. Ang pagsikat ng Korean Pop Culture sa buong mundo
C. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
D. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Magaling, natapos mo nang sagutan ang mga katanungan. Maaari mo nang hilingin
sa iyong tagapagdaloy na suriin at iwasto ang iyong gawain. Pagbati, ipagpatuloy
mo pa ang iyong pagkatuto!

BALIK - TANAW
Larawan mula sa: https://www.vectorstock.com/royalty-free-
vector/box-question-mark-image-vector-13735934

Inaasahan ko na naunawaan mo sa nakaraang paksa ang mga pangunahing


konsepto na tumatalakay sa globalisasyon.

Punan ang patlang ng mga kagamitan na naging mahalaga sa pagsasagawa ng mga


gawaing nakatala sa unang hanay ng tsart. Maaaring maglista ng higit sa isa.
Ihanda muli ang panulat at sagutang papel para dito. Tunghayan ang halimbawa.

Mga Gawain Makaluma Kagamitan Makabagong Kagamitan


bakuna, lazer operation,
Panggagamot (Kalusugan) halamang damo, albularyo
scanning, transplant
Pag-aaral
Komunikasyon
Paglalakbay
(transportasyon)

MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN
Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-
transparent-background-png-clipart-mrwef

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng kasaysayan upang lubos nating


maunawaan ang mga nangyayari sa kasalukuyan at magkaroon ng mas malinaw
na pananaw sa mga maaaring maganap sa hinaharap. Sa usapin ng globalisasyon,

4
naging malaking batayan ng pag-aaral nito ang pag-ugat sa mga makabuluhang
pangyayari na naghulma sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Ang mga pananaw na nakapaloob sa usaping globalisasyon ay napagtitibay sa


pamamagitan ng masusing pag-aaral at malalimang pagsusuri ng mga dalubhasa
sa larangan ng kasaysayan at edukasyon.

Perspektibo at Pananaw Tungkol sa


Aralin Kasaysayan at Simula ng
2 Globalisasyon

Inaasahan ko na naunawaan mo sa nakaraang paksa ang mga pangunahing


konsepto na tumatalakay sa globalisasyon. Ang susunod na paksa na bahagi ng
araling ito ay magbibigay sa iyo ng kaalaman at susuriin ang mga perspektibo at
pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon.

Malawak ang usapin tungkol sa globalisasyon. Ang pagsusuri nito ay mas


mauunawaan sa pamamagitan ng pagtalakay sa limang perspektibo at pananaw
tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. Ityo ay binubuo ng mga
sumusunod: Taal, Siklo, Epochs, Mga Pangyayaring Naganap sa Kasaysayan at
Mga Pagbabago sa Kasalukuyang Panahon.

Ang unang perspektibo ay pinaniniwalaang ang


globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay
Nayan Chanda (2007), noon pa man ay nagaganap na
ang globalisasyon dikta ng pagnanais ng tao ng mas
maalwan na pamumuhay. Ito ang nagtulak sa kanya
upang makipagkalakalan, magtuklas, magpakalat ng
pananampalataya at manakop. Dito nagsimulang
magsulputan ang mga mangangalakal, mamamahayag,
adbenturero at mga mandirigma. Epekto nito ang
pakikipagsalamuha ng mga kultura at pagpapalitan ng
Nayan Chanda kuru-kuro tungkol sa iba’t ibang gawain.

Ang pangalawang perspektibo ay nagsasaad na ang


globalisasyon ay isang mahabang proseso at siklo ng
pagbabago. Ayon kay Jan Aart Scholte (2005), noon pa
mang mga nakalipas na panahon ay may nagaganap
nang ‘globalisasyon’ at ang kasalukuyang globalisasyon
ay makabago at higit na mataas ang anyo na maaaring

Jan Aart Scholte


magtapos sa hinaharap. Ngunit ito naman ay mapapalitan ng panibagong siklo
habang lumalaon. Ayon sa kanya, mahirap tukuyin ang panahon kung kailan
nagsimula ang globalisasyon kung kaya higit na mahalagang tingnan ang iba’t
ibang siklong pinagdadaanan nito.

Ang pangatlong perspektibo ng globalisasyon ay


binigyang diin ni Therborn (2005). Siya ay naniniwalang
may anim na wave o epoch o panahon ng globalisasyon.
Para sa kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon
at ito ay makikita sa isang flow chart kasunod nito.

Göran Therborn

• Globalisasyon ng relihiyon
Ika- 4 hanggang (Pagkalat ng Islam at
ika-5 siglo Kristiyanismo)

Huling bahagi ng • Pananakop ng mga


ika-15 siglo Europeo

Huling bahagi ng ika- • Digmaan sa pagitan


18 siglo hanggang bansa sa Europa na
unang bahagi ng ika- nagbigay-daan sa
19 na siglo globalisasyon

6
Gitnang bahagi ng •Rurok ng Imperyalismong
ika-19 na siglo Kanluranin
hanggang 1918

•Pagkakahati ng daigdig sa
Post World dalawang puwersang
War II ideolohikal partikular ang
komunismo at kapitalismo

•Pananaig ng kapitalismo
Post Cold bilang sistemang pang-
War ekonomiya. Nagbigay-daan
sa mabilis na pagdaloy ng
mga produkto, serbisyo,
ideya, teknolohiya at iba
pa.

Ayon naman sa pang-apat na perspektibo, ang simula ng globalisasyon ay


mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa katunayan,
posibleng maraming pinagmulan ang globalisasyon. Ilan dito ang mga sumusunod:

 Ang pananakop ng mga Romano bago pa man maipanganak si Kristo


 Pag-usbong at paglaganap ng Kristiyanismo matapos ang pagbagsak ng
Imperyong Romano
 Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
 Paglalakbay ng mga Vikings mula Europa patungong Iceland, Greenland at
Hilagang Amerika
 Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
 Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12
siglo
 Ang paglalakbay ni Marco Polo at ng mga mangangalakal na tinahak ang
Silk Road patungong Tsina noong ika-13 siglo
 Ang pagkatuklas ni Christopher Columbus sa Amerika at ang iba pang
mahahalagang paglalayag nina Vasco Da Gama (Cape of Good Hope, 1498)
at Ferdinand Magellan noong 1522
 Ang kolonyalismo ng mga Europeo lalo noong ika-19 siglo
 Ang Spanish Flu Pandemic noong unang bahagi ng ika-20 siglo
 Ang dalawang Digmaang Pandaigdig

Ang pagsisimula ng globalisasyon ay maaari ring naganap sa kalagitnaaan ng


ika-20 siglo nang unang ginamit ang telepono noong 1956, at ang unang biyahe ng
Pan Am’s flight mula New York hanggang London noong 1958. Sinundan din ito ng
pagpapasinaya ng satellite Telstar noong 1962 na naging simula ng unang
transatlantic television broadcast, pati na ang paglabas ng unang larawan ng

7
daigdiggamit ang satellite noong 1966. Pinaniniwalaan din na nagpatingkad sa
globalisasyon ang pagpabagsak ng mga terorista sa Twin Towers sa New York
noong 2001. Ang pangyayaring ito ay naging daan upang mapukaw ang
kahalagahan ng mas malaliman pang pag-aaral upang maihanda ang
sangkatauhan para sa isang global na daigdig.

Ang panlimang perspektibo ay nakatuon sa mas malawak ngunit


pangkasalukuyang kaganapan. Ito ay nagsasaad na ang globalisasyon ay
penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Tatlo sa mga
makasaysayang kaganapang lumikha ng pagbabago sa daigdig ay tinukoy ng mga
dalubhasa na nagpasimula sa globalisasyon. Ito ay ang mga sumusunod:

 Ang pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang


Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ipinamalas ng Estados Unidos ang
kanilang lakas-militar sa buong mundo nang talunin ang Japan at
Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gayundin ang kanilang
paghahari sa mga digmaan laban sa Korea (1950) at Vietnam (1960s –
1970s). Pati sa usaping pang-ekonomiya ay hindi nagpatalo ang
Estados Unidos nang maungusan nila ang mga bansang France at
Great Britain.
 Ang paglitaw ng mga multinational corporations (MNCs). Bagama’t ang
mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig ay nagsimula noong
ika-18 hanggang ika-19 na siglo mula sa Germany, Great Britain at
United States, marami sa mga ito ay kasalukuyang nagtutuon ng
pansin sa ibang bansa particular sa mga papaunlad pa lang. Isa sa
mga halimbawa nito ay ang Ford at General Motors na kung saan dati
ang kanilang merkado ay nakatuon lamang sa kanilang lokal na
mamimili. Subalit sa kasalukuyan ay laganap sa buong mundo ang
kanilang merkado particular sa Asya at Latin America kung saan
nanggagaling ang malaking bahagdan ng kanilang kinikita.
 Ang pagbagsak ng Soviet Union at ang pagwakas ng Cold War.
Sinasabing ang globalisasyon ay nangyari sa makabagong panahon at
nagsimula lamang nang bumagsak ang “Iron Curtain” at ang Soviet
Union noong 1991. Dahil sa pangyayaring iyon, mabilis na nabura ang
marka sa pagitan ng mga bansang komunista at kapitalista. Nagbukas
ang ekonomiya ng mga bansang dating sakop ng USSR. Pumasok ang
mga MNCs at nagbukas ang kanilang bansa sa migrasyon, media,
turismo at ugnayang panlabas.

8
MGA GAWAIN
Larawan mula sa:
https://www.pinterest.ph/pin/392024342552301210

Gawain 1.1: Tuklasin


Layunin: Makabuo ang mag-aaral ng ideya tungkol sa globalisasyon.
Kagamitan: Panulat, kuwaderno
Panuto: Suriin ang larawan at sagutan ang ilang katanungan.

Globalisasyon
Noon Ngayon

https://www.dw.com/en/magellan-and-the-worlds-first-circumnavigation-500-years-ago/a-
49946044

https://www.seidenbergantiques.com/blog/technological-revolution-globalization.html

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang mensahe na iyong mahihinuha mula sa mga larawan?
2. Sa paanong aspekto magkatulad at magkaiba ang dalawang larawan?
3. Paanong naiimpluwensyahan ng unang larawan ang pangalawang larawan?

9
Gawain 1.3: Sa Aking Palagay
Layunin: Naitatala at naipaliliwanag ng mga pangyayaring nagpasimula sa
globalisasyon.

Kagamitan: Internet (opsyunal), module, kuwaderno o sagutang papel


Panuto: Punan ang talahanayan.

Mga pangyayari na sa aking


palagay ay nagpasimula sa Katuwiran/Paliwanag
globalisasyon

10
TANDAAN
Larawan mula sa:
https://www.clipartmax.com/middle/m2H7H7

Ang pagsusuri sa usapin ukol sa globalisasyon ay mas mauunawaan


sa pamamagitan ng pagtalakay sa limang perspektibo at pananaw tungkol
sa kasaysayan at simula nito. Ito ay binubuo ng mga sumusunod: Taal,
Siklo, Epochs, Mga Pangyayaring Naganap sa Kasaysayan at Mga
Pagbabago sa Kasalukuyang Panahon.

 Ang unang perspektibo ay pinaniniwalaang ang globalisasyon


ay taal o nakaugat sa bawat isa.
 Ang pangalawang perspektibo ay nagsasaad na ang
globalisasyon ay isang mahabang proseso at siklo ng
pagbabago.
 Ang pangatlong perspektibo ng globalisasyon ay binigyang diin
ni Therborn (2005). Siya ay naniniwalang may anim na wave o
epoch o panahon ng globalisasyon.
 Ang pang-apat na perspektibo, ang simula ng globalisasyon ay
mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan
na posibleng maraming pinagmulan ang globalisasyon.
 Ang panlimang perspektibo ay nakatuon sa mas malawak
ngunit pangkasalukuyang kaganapan. Ito ay nagsasaad na ang
globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-
20 siglo.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-
transparent-background-png-clipart-npevr

Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga perspektibo at pananaw ng mga


eksperto tungkol sa pinagmulan ng globalisasyon, ngayon ay iyong
ibabahagi kung paanong nakaaapekto sa iyong buhay ang globalisasyon.

Gawain : Maipagmamalaki ko, Atin Ito


Panuto: Magtala ng mga produktong gawa sa Pilipinas ayon sa kategorya.
Tukuyin ang brand name at ang kompanya nito. Isulat naman sa huling
hanay ang mga katangian nitong iyong maipagmamalaki sa buong mundo,

2
patunay na ang ating lokal na produkto ay kayang makipagsabayan sa
tawag ng globalisasyon. Gamitin ang panulat at sagutang papel para rito.

Pangalan ng Natatanging Katangian


Kategorya
Produkto/Kompanya na Maipagmamalaki

Natatanging panlasang
1. Fast Food Jollibee pinoy na pasado sa
pandaigdigang pamantayan

2. Cell Phone

3. Damit

4. Sapatos

5. Pagkain

6. Kendi

PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
Larawan mula sa: https://www.hiclipart.com/free-
transparent-background-png-clipart-ogrow

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang


papel ang titik ng bawat sagot.
1. Sa perspektibong siklo, maraming ‘globalisasyon na ang dumaan sa mga
nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at
higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Ito ay ayon sa
perspektibo ni:

A. Göran Therborn C. Marco Polo


B. Jan Aart Scholte D. Nayan Chanda

2. Ang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng


globalisasyon na pinaniniwalaan ni Göran Therborn ay

A. Makabago B. Siklo C. Taal D. Wave o epoch

3. Ayon kay Nayan Chanda, ang unang perspektibo o pananaw tungkol sa


kasaysayan at simula ng globalisasyon ay pinaniniwalaang taal o nakaugat
sa bawat isa na nangangahulugang
3
A. Ito ay kalipunan ng mga pangyayari sa kasaysayan
B. Manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na
pamumuhay
C. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring
naganap sa kasaysayan.
D. Paulit-ulit ang globalisasyon na dumaraan at ang kasalukuyang
globalisasyon ang higit na mataas na anyo.

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa limang perspektibo o


pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon?

A. Epoch B. Pananakop C. Siklo D. Taal o nakaugat

5. Pinaniniwalaan ni Göran Therborn na may anim na wave o epoch o panahon


ng kasaysayan ng globalisasyon. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy
nito?

A. Ang pagbagsak ng USSR


B. Ika-4 hanggang ika-5 siglo
C. Ang pagkakaroon ng pandemic ng COVID 19
D. Ang pagpapasabog ng mga terorista sa World Trade Center

6. Pinaniniwalaan na ang ikaapat na pananaw ay nagsasaad na ang simula ng


globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa
kasaysayan. Alin ang hindi kabilang sa mga talata?

A. Kalakalan sa Mediterranean noong gitnang panahon


B. Pananakop ng mga Romano bago pa man maipanganak si Kristo
C. Pag-usbong at paglaganap ng Kristiyanismo matapos ang pagbagsak ng
Imperyong Romano
D. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

7. Ang mga sumusunod ay mga patunay ng pagiging global power ng Estados


Unidos. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang higit na nagpakilala
sa Estados Unidos sa kayang pagiging global power matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?

A. Natalo ng Estados Unidos ang Japan at Germany sa Ikalawang


Digmaang Pandaigdig
B. Ang Estados Unidos ang naging pinakamaunlad na bansa pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
C. Ang Estados Unidos ang nagtatag ng United Nations at maraming bansa
sa buong mundo ang naging kaalyansa nito
D. Lahat ng mga malalaking Mutinational Companies na matatagpuan sa
iba’t ibang bansa ay pag-aari ng Estados Unidos

8. Ang isinasaad ng ikalimang pananaw o perspektibo tungkol sa pinagmulan


ng globalisasyon.
4
A. Ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20
siglo
B. Ang globalisasyon ay mga kaganapan sa kasaysayan sa
kontemporaryong panahon
C. Ang globalisasyon ay mula sa ideya ng mga makapangyarihang bansa sa
aspetong pulitikal at ekonomiya
D. Ang globalisasyon ay paulit-ulit na nagaganap, mula sa sinaunang
kasaysayan, sa makabagong panahon at magpapatuloy sa hinaharap.

9. Ang mga sumusunod ay mga pagbabagong naganap ayon sa ikalimang


pananaw o perspektibo na sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-
usbong ng globalisasyon. Alin ang hindi kabilang?

A. Paglitaw ng mga Multinational Companies


B. Ang pagsikat ng Korean Pop Culture sa buong mundo
C. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
D. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

10. Ang pagbagsak ng Iron Curtain at ng Soviet Union noong 1991 ay naging
daan upang mabilis na mabura ang marka sa pagitan ng mga bansang
komunista at kapitalista. Ano ang idinulot ng pangyayaring ito?

A. Nagbunyi at nagdiwang ang mga tao


B. Nawala ang komunismo sa buong daigdig
C. Nagbukas ang ekonomiya ng mga bansang nakalaya
D. Nilukuban ng terorismo ang mga bansang nakalaya sa Unyong Sobyet

5
SANGGUNIAN
Larawan mula sa
https://www.pngkit.com/view/u2q
8w7y3e6y3a9r5_books-clip-art-

http://www.theinternationalchronicles.com/2019/12/29/chained-to-globalization-why-its-too-late-
to-decouple/

https://www.pinterest.ph/pin/446982331740986985/

https://www.indiatoday.in/magazine/society-the-arts/story/20070723-bound-together-book-by-
nayan-chanda-talks-about-globalization-of-human-nature-748094-2007-07-23

http://www.clmeconomia.jccm.es/pdfclm/scholte.pdf

http://medien.ubitweb.de/pdfzentrale/978/047/065/Leseprobe_l_9780470655610.pdf

Management and Development Team


Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor: Allan F. Del Rosario-Head Teacher III

Writer: Ericjones M. Salongcong, Teacher II

6
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: _____________

Paaralan: _________________ Petsa:____________ Guro sa AP: ________________

Kwarter Blg: 2 Modyul Blg.:2 Linggo Blg.: 2

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga dahilan,


dimension at epekto ng globalisasyon.

Layunin: Nasusuri ang kahalagahan ng kalidad ng mga produktong global sa


pamumuhay ng tao
Paksa: Perspektibo at Pananaw tungkol sa Kasaysayan at Simula ng Globalisasyon

Gawain 1: Produktong Global, Kalidad Global.

Panuto: Maghanap sa loob ng inyong bahay ng ilang produkto o serbisyong


ginagamit ng inyong pamilya. Maaaring hingin ang tulong ng mga magulang o
buong pamilya sa pagsasagawa nito. Alamin kung ito ay produkto ng Multinational
Companies at punan ang talahanayan sa ibaba. Gawin ito sa isang sagutang papel.

PRODUKTO/SERBISYO KOMPANYA BANSANG PINAGMULAN

1. Shampoo Procter & Gamble Estados Unidos

2.

3.

4.

5.

6.

Mga Gabay na Tanong:

7
1. Paano naging mahalaga ang mga produkto o serbisyong iyong naitala sa
inyong pamumuhay?
2. Kung ang produktong iyong naitala ay gawa sa ibang bansa, mayroon ba
tayong katumbas na lokal na produkto rito? Kung oo, kaya ba nitong
makipagsabayan sa mga produktong gawa ng ibang bansa?
Pangatuwiranan.
3. Batay sa gawaing ito, ano ang iyong naunawaan sa papel ng globalisasyon
sa ating pamumuhay?

Gawain 2: Bentang-Benta

Panuto: Manood ng dalawang TVCs o advertisements sa Youtube. Isang patalastas


na nagtatampok sa produktong dayuhan at ang isa naman ay nagtatampok ng
produktong lokal. Paghambingin ang dalawa sa pamamagitan ng isang Venn
Diagram na nagsasaad ng kanilang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga katangian.

Kalakasan Kalakasan
Magkatulad na
katangian

TVC #1___ TVC #2___


Kahinaan Kahinaan

Mga Gabay na Tanong:


1. Alin sa dalawang advertisements ang mas naibigan mo? Bakit?
2. Alin sa dalawang advertisements ang sa iyong palagay ay mas naging
epektibo sa pagganyak ng mga mamimili para ito ay bilhin? Bakit?
3. Sa iyong palagay, nagagawa bang tapatan o sabayan ng mga Pilipino ang
mga advertisements na ginagawa ng mga banyaga kaugnay sa pagbebenta
at pagtangkilik ng mga produkto? Patunayan ang sagot. Maaaring
magbigay ng isang tiyak na halimbawa.

Sanggunian:

 ADM, Quarter 2, Module 2, Week 2; Perspektibo at Pananaw tungkol sa


Kasaysayan at Simula ng Globalisasyon
 Youtube.com

8
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN TAYAHIN

1. B 1. B
2. B 2. D
3. A 3. B
4. A 4. B
5. B 5. B
6. D 6. D
7. A 7. A
8. C 8. A
9. A 9. B
10. B 10. C

You might also like