You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN X (2ND QUARTER WEEK 1)

PANGALAN: _________________________________ GURO: MS. CLARISSAC. LUBUGAN


ANTAS AT SEKSYON: __________________________ ISKOR: ____________

ANYO NG GLOBALISASYON
GAWAIN 1: Guess the logo
Subukin mong tukuyin ang mga produkto o serbisyo gamit ang mga sumusunod na logo. At sagutin ang
pamprosesong tanong.

1. Sa iyong palagay, bakit sumikat ang mga produkto/ serbisyong ito?

2. Ano ang kaugnayan ng gawaing ito sa paksang globalisasyon?

Hindi na bago ang globalisasyon. Hitik ang kasaysayan sa ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng kalakalan sa iba’t
ibang panig ng daigdig. Sa katunayan, marami sa katangian ng globalisasyon sa kasalukuyan ay may pagkakatulad sa
globalisasyong naganap bago sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa
iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer,2011) Itinuturing din ito bilang proseso ng
inter-aksyon at integrasyon sa mga pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na
pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.
Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang
pamumuhay at perenbial institusyon na matagal nang naitatag. Perennial institutions ang mga pamilya, simbahan,
pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito ay matatandang institusyong nananantili pa rin sa kasalukuyan dahil sa
mahahalagang gampanin nito.
Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa mga gawaing
pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, pan-teknolohiya at pangkultural. May mga salik at pangyayari na naging
dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon sa ating mundo. Ang ilan sa mga ito ay; pagkakaroon ng pandaigdigang
pamilihan,paglago ng pandaigdigang transaksyon sa pananalapi, pag-unlad ng mga makabagong pandaigdigan
transportasyon at komunikasyon,paglawak ng kalakalan ng transnational corporations, pagdami ng foreign direct
investments sa iba’t ibang bansa, at pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya.

GAWAIN 2: Magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng salitang GLOBALISASYON.


Itinuturing ito bilang proseso ng interaksiyon sa pagitan ng mga tao, kumpanya, bansa o maging ng mga
samahang pandaigdig na pinabilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya. Kung ihahambing
sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay Thomas Friedman ay higit na ‘malawak, mabilis, mura,
at malalim.
Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa. Gamit ang
kahulugan ng globalisasyon ay maaari tayong magbigay ng karagdagang mga tanong na makatutulong sa atin upang higit
na maunawaan ito.
 Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o gumagalaw? Electronic
gadgets, makina o produktong agrikultural?
 Sino-sinong tao ang tinutukoy rito? Manggagawa ba tulad ng skilled workers at
propesyunal gaya ng guro, engineer, nurse o caregiver?

 Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy? Balita, scientific findings


and breakthrough, entertainment o opinyon?
 Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan, Media o iba pang paraan?
 Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito? Mula sa
mauunlad na bansa patungong mahihirap na bansa o ang kabaligtaran nito?
 Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino? United States, China,
Germany, Japan, Argentina, Kenya o Pilipinas? Isyu nga bang maituturing ang
globalisasyon? Bakit?
Ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasiyon o pagsanib ng iba’t ibang prosesong
pandaigdig. Suriin natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang isang halimbawa. Dahil sa mabilisang ugnayan
at migrasyon ng mga tao sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang terorismo ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking
pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan. Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa
pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na
polisiya at patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong sosyo-kultural. Nariyan ang iba’t ibang
paalala.

TAYAHIN:
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem.Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang na inilaan.

_____1. Ano ang kahulugan ng Globalisasyon?


A. Malaya at malawakang pagbabago sa Sistema ng pamamahala sa
buong daigdig.
B. Mabilis na pagggalaw ng mga tao tungo sa pagbabbagong political at
ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
C. Pagbabago ng ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sa
Sistema ng pamumuhay ngm ga mammayan sa buong mundo.
D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ngmga tao, bagay impormasyon at
produkto sa iba’t-ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t-ibang
bahagi ng daigdig.

_____2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng tao sa


kasalukuyan?
A. Ekonomiya
A. Migrasyon
C. Globalisasyon
D. Paggawa

_____3. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo o dimensyon nito
maliban sa isa.
A. Ekonomikal

B. Sikolohikal

C. Sosyo-kultural
D. Teknolohikal
_____4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng salik na naging
dahilan sa pag-usbong ng globalisasyon?
A. Pagkakaroon at paglago ng pandaigdigang pamilihan, transaksyon
sa pananalapi at pagpapalaganap ng kalakalan na transnational
korporasyon, transportasyon at komunikasyon, makabagong
teknolohiya, ideya at foreign direct investments.
B. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit
na negosyo at pagbaba ng sahod ng mga manggagawa.
C. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng
impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan
ng mga materyales na ginagamit dito.
D. Sinikap ng mapabuti ng mga lokal na kompanya ang presyo at kalidad
ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga
banyagang kompanya o mga multinasyunal.

_____5. Anong korporasyon na tumutukoy sa mga kompanya o negosyong


nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa, ang kanilang serbisyong
ipinagbibili ay batay sa pangangailangan ng lokal.
A. Del Monte Corporation
B. Multinational Companies
C. Rebisco Corporation
D. Transnational Corporation

_____6. Ano ang isa sa mga pangyayari na makapagbabago sa buhay ng tao


mula sa pagising, pagpasok sa paaralan at maging sa hapag kainan?
A. Globalisasyon
B. Lakas Paggawa
C. Migrasyon
D. Pagkamamamayan
_____7. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na nakapagdudulot ng malaking
pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan?
A. Globalisasyon
B. Lakas Paggawa
C. Migrasyon
D. Terorismo

_____ 8. Alin sa mga sumusunod na institusyon na itinuturing na perennial


institusyon?
A. Tindahan, opisina, tanggulan
B. Limbagan, paggawaan, koreo
C. Pamilya, simbahan, paaralan
D. Sandatahan, kagawaran, musuleo
_____9. Ayon sa may akda ng ‘The world is Flat’ na si Thomas Friedman, ang
globalisasyon sa kasalukuyan ay__?
A. katulad sa mga nagdaang panahon
B. mabilis, malawak, mura at malalim
C. mahirap at masalimoot
D. maraming lumalabag at may kumpetisyon
_____10. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng
mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon na
nararanasan sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Kaninong pagkahulugan
ito?

A. Cuevas (2005)
B. Nayan Chanda (200)
C. Ritzer (2011)
D. Therbon (2005)
_____11. Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa
mga pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga
samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at
pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.
A. Globalisasyon
B. Lakas Paggawa
C. Migrasyon
D. Terorismo
_____12. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, anong sistemang pang-
ekonomiya ang umiiral na nagbibigay daan sa mas malawak na
kalakalang internasyunal at pamumuhunan?
A. Kapitalismo
B. Monopolyo
C. Monopsonyo
D. Oligopolyo
_____13. Sino-sinong tao ang tinutukoy na nakakatulong o demand sa
kasalukuyang globalisasyon?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga manggagawang sumama sa rally
C. Mga online seller
D. Mga skilled workers
_____14. Ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasyon
sa iba’t-ibang prosesong pandaigdig. Ito ay isang hamong pandaigdig na
nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong
panlipunan?
A. Epidemya

B. Katiwalian
C. Pangingibang bansa
D. Terorismo

________15. Ayon kay Therborn (2005) siya ay naniniwalang ang globalisasyon ay may
ilang ‘wave’ o panahon?
A. 3
B. 4
C. 5
D. 6

You might also like