You are on page 1of 3

Department of Education

Region 4-A CALABARZON


Division of San Pablo
San Francisco District
ATISAN INTEGRATED SCHOOL
IKALAWANG MARKAHAN
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN
KONTEMPORARYONG ISYU
BAITANG 10
PANGALAN: _______________________________ PUNTOS: ___________
PANGKAT: ________________________________ PETSA: _____________

PANUTO: BASAHIN AT SURIING MABUTI ANG MGA TANONG SA IBABA. ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA IYONG
SAGUTANG PAPEL.
_____1. Ano ang kahulugan ng Globalisasyon?
A. Malaya at malawakang pagbabago sa Sistema ng pamamahala sa buong daigdig
B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at ekonomikal ng mga bansa sa mundo. Aralin 1
C. Pagbabago ng ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sa sistema ng pamumuhay ng mga mammayan sa
buong mundo.
D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
_____2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Ekonomiya B. Migrasyon C. Globalisasyon D. Paggawa
_____3. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo o dimensyon nito maliban sa isa.
A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal
_____4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng salik na nagging dahilan sa pag-usbong ng globalisasyon?
A. Pagkakaroon at paglago ng pandaigdigang pamilihan, transaksyon sa pananalapi at pagpapalaganap ng kalakalan na
transnational Corporation, transportasyon at komunikasyon, makabagong teknolohiya, ideya at foreign direct investments.
B. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na negosyo at pagbaba ng sahod ng mga
manggagawa.
C. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at
pagdami ng pamilihan ng mga materyales na ginagamit dito.
D. Sinikap ng mapabuti ng mga local na kompanya ang presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging
kompetitibo laban sa mga banyagang kompanya o mga multinasyunal.
_____5. Anong korporasyon na tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa, ang kanilang
serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangan ng lokal.
A. Del Monte Corporation C. Rebisco Corporation
B. Multinational Companies D. Transnational Corporation
_____6. Ano ang isa sa mga pangyayari na makapagbabago sa buhay ng tao mula sa pagising, pagpasok sa paaralan at maging
sa hapag kainan?
A. Globalisasyon C. Migrasyon
B. Lakas Paggawa D. Pagkamamamayan
_____7. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong
panlipunan?
A. Globalisasyon B. Lakas Paggawa C. Migrasyon D. Terorismo
_____ 8. Alin sa mga sumusunod na institusyon na itinuturing na perennialinstitusyon?
A. Tindahan, opisina, tanggulan C. Pamilya, simbahan, paaralan
B. Limbagan, paggawaan, koreo D. Sandatahan, kagawaran, musuleo
_____9. Ayon sa may akda ng ‘The World is Flat’ na si Thomas Friedman, ang globalisasyon sa kasalukuyan ay__?
A. Mahirap at masalimoot C. Katulad sa mga nagdaang panahon
B. Mabilis, malawak, mura at malalim D. Maraming lumalabag at may kumpetisyon
_____10. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t
ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Kaninong pagkahulugan ito?
A. Cuevas (2005) C. Ritzer (2011)
B. Nayan Chanda (200) D. Therbon (2005)
_______ 11. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang manipestasyon ng globalisasyon sa aspektong ekonomiko?
A. Mabilis na tinangkilik ng mga developing countries ang paggamit ng cellular phones.
B. Mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng mundo.
C. Mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad.
D. Mabilis na nagbago ang paraan ng palitan ng mga produkto sa pagitan ng bansa sa daigdig.
_______ 12. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng patuloy na pag-angat ng Pilipinas sa larangan ng Business Process
Outsourcing?
A. Dahil sa sa mataas na English Proficiency ng mga manggagawang Pilipino.
B. Dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa.
C. Dahil sa mataas na sahod na ibinibigay sa mga manggagawang Pilipino.
D. Wala sa nabanggit
_______13. Ano ang katuturan ng transnasyonal na kompanya?
A. Mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan.
B. Mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.
C. Mga Kompanay na nagtatatag ng pasilidad sa loob ng bansa.
D. Mga produkto at serbisyo na hindi nakabatay sa lokal na pamilihan.
______14. Sentro ng globalisasyon kung saan ang mundo'y umiikot sa iba't ibang produkto at serbisyo
A. Politiko
B. Kultura
C. Ekonomiko
D. teknolohiya
______ 15. Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino Firms Building Asean Empires, ilan sa mga MNCs at TNCs sa Vietnam,
Thailand at Malaysia tulad ng Jollibee, URC, Unilab, International Container Terminal Services Inc. at San Miguel Corporation.Sino
ang nagmamay-ari ng mga naturang kompanya?
A. Amerikano
B. Aleman
C. Hapon
D. Pilipino

You might also like