You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Agusan del Norte
LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10 (Q2)
Pangalan: Grade/Sec: Score:
Guro: Petsa:

Test I - Multiple Choice :Panuto: Basahin, unawain at suriing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng may
tamang sagot.
1. Ayon kay Thomas Friedman ang globalisasyon sa kasalukuyan ay higit na;
A. maliit, mabagal at mura C. malawak, mabilis, mura at malalim
B. malaki, mabilis, mahal at mababaw D. malawak, mabagal at mura
2. Ito ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa
iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
A. teknolohiya B. ekonomiya C. globalisasyon D. komunikasyon
3. Ang pagsikat ngayon sa mga dayuhang tele-nobela sa Pilipinas ay kabilang sa anong anyo o aspekto ng globalisasyon?
A. Ekonomiya B. politikal C. sosyo-kultural D. teknolohiya
4. Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa.
A. ekonomiya B. teknolohiya C. komunikasyon D. globalisasyon
5. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. ekonomiya B. migrasyon C. paggawa D. globalisasyon
6. Ang paggamit ng internet, facebook at twitter ay kabilang sa anong anyo o aspekto ng globalisasyon.
A. politikal B. ekonomiya C. teknolohiya D. sosyo-kultural
7. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa, ano ito?
A. sikolohiya B. ekonomiya C. politikal D. teknolohiya
8. Ang online selling ay isa sa mga patok ngayon na paraan ng pagbibinta ng mga produkto at serbisyo. Ito ay
kabilang sa anong aspekto o anyo ng globalisasyon?
A. ekonomiya B. politikal C. sosyo-kultural D. teknolohiya
9. Ano ang ibig sabihin ng OFW?
A. Overseas Filipino Workers C. Overseas Family Worker
B. Oversea Filipinos Worker D. Oversea Families Worker
10. Ang mga sumusunod ay ang positibong epekto ng globalisasyon maliban sa isa, ano ito?
A. pagkasira ng kalikasan
B. pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa sa daigdigal
C. Pagtatag ng demokrasya sa mga dating komunistang bansa
D. Pag-unlad ng pamamaraan sa paggawa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng teknolohiya.
11. Ano ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing
pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya at pangkultural.
A. global B. globalisasyon C. migrasyon D. immigrasyon
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa negatibong epekto ng globalisasyon?
A. pagbaba ng kapital ng mga lokal na industriya na hindi kompetitibo
B. paglaganap ng teknolohiya at kaalaman sa tulong a transportasyon at komunikasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig
C. pagkasira ng kalikasan
D. Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa
13. Ang mga sikat na awitin, pelikula, palabas sa telebisyon, viral videos at pictures, hashtag at memes ay
ilan lamang sa kinokonsumo gamit ang electronic device na may internet access.
A. globalisasyong politikal C. globalisasyong ekonomiko
B. globalisasyong sosyo-kultural D. globalisasyong teknolohikal
14. Aspekto ng globalisasyon na maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang
rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon.
A. Ekonomiko B. Teknolohikal C. Politikal D. Sosyo-kultural
15. Ano ang tawag sa dagdag na dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral upang sanayin sa
kasanayang pang-ika-21 siglo upang maging globally competitive?
A. Special Educ. B.Tertiary Educ. C. Madrasah Education D. Senior High School
16. Ito ang lakas ng ating ekonomiya kung saan dito kinukuha ang lakas-paggawa o labor force.
A. Yamang lupa B. Yamang tao C. trabaho D. kontraktor
17. Ano ang tawag sa mga manggagawa na may mataas na antas ng kasanayan at edukasyon na
nagtatrabaho sa medyo mababa at kulang sa oras ang trabaho?
A. kontraktuwal B. regular C. underemployed D. unemployed
18. Mga uri ng paggawa na madalas kinabibilangan ng mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aral o hindi
kaya ay walang sapat na karanasan na tugma sa kinakailangang trabaho.
A. potensyal na lakas paggawa C. flexible force
B. Job-skill mismatch D. mura at flexible labor
19. Ito ay nagbibigay sa atin ng kailangan at tinuturuan tayong makilahok sa ating mundong ginagalawan
upang makatulong tayo sa ating kapwa at bayan.
A. trabaho B. unemployment C.suliranin D. problema
20. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga epekto ng kawalan ng trabaho?
A. kahirapan C. mataas na literacy rate sa bansa
B. pagsulong sa ekonomiya D. magandang samahan ng mga bansa
21. Anong departamento ng pamahalaan ang tumutugon sa mga isyung hinaharap ng mga manggagawang Pilipino?
A. Department of Education C. Department of Labor and Employment
B.Department of Social Works and Development D. TESDA
22. Ang mga sumusunod ay epekto ng unemployment, maliban sa:
A. kahirapan C. maraming turista ang bibisita sa ating bansa
B. mataas na antas ng krimen D. mababang ekonomiya ng bansa
23. Ito ay nagbibigay sa atin ng kailangan at tinuturuan tayong makilahok sa ating mundong ginagalawan
upang makatulong tayo sa ating kapwa at bayan.
A. trabaho B. unemployment C.suliranin D. problema
24. Ano ang tawag sa pagka-ubos ng mga propesyonal na may angking kasanayan o talento dulot ng
kanilang pangingibang-bayan upang maghanap ng mas magandang oportunidad sa paghahanapbuhay?
A. brain gain B. brain drain C. kontraktor D. specialists
25. Haligi ng DOLE kung saan tinitiyak ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na
oportunidad sa paggawa at maayos na workplace.
A. workers Rights Pillar C. Social Dialogue Pillar
B. Social Protection Pillar D. Employment Pillar
26. Tinitiyak nito na ligtas at pantay na pagtrato sa mga manggagawa.
A. Social dialogue pillar C. Social Protection Pillar
B. Employment Pillar D. Workers right pillar
27. Saan karaniwang nagmumula ang mga nandarayuhan?
A. Sila ay mula sa mas mahirap na bansa patungo sa mas mayamang bansa
B.Sila ay mula sa mayamang bansa patungo dinsa mayamang bansa
C.Sila ay mula sa mahirap na bansa patungo sa mahirap din na bansa.
D.Sila ay mula sa mas mayamang bansa patungo sa mahirap din na bansa.
28. Ano ang tawag sa proseso kung saan ang isang kultural na kaugalian, materyal na bagay, ideya, o behavior
pattern ay kumakalat mula sa isang lipunan patungo sa isa pa?
A. Brain drain B. Cultural diffussion C. Patronage politics D. Cultural values
29. Ano ang tawag sa mga positibong salik o dahilan para mandarayuhan o tumungo ang mga tao sa isang pook?
A. boluntaryong migrasyon C. pull factor
B. hindi boluntaryong migrasyon D. push factor
30. Alin sa mga sumusunod na mga dahilan ng migrasyon ang maituturing na push factor?
A. kagandahan ng kilma C. maayos na pamumuhay
B. matatag na gobyerno D. digmaang sibil
31. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na ibig sabihin ng salitang migrasyon?.
A. proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa isang pook upang doon
manirahan, ito man ay pansamantala o di kaya’y pangmatagalan.
B. pag-alis ng magulang para magtrabaho
C. pag-ikot ng tao sa bansang kanyang gustong punatahan
D. Paghahanap ng trabaho upang makapagbigay ginhawa sa pamilya.
32. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
A. migrasyon B. paglisan C. brain drain D. paglipat
33. Ano ang isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng dayuhang pondo ng bansa?
A. OFW B. pera C. yaman D. ginto
39. Isa sa mga bansang nangunguna sa pageeksport ng mga manggagawa sa buong daigdig.
A. Pilipinas B. Amerika C. China D. Hongkong
40. Ang mga ito ay tumutukoy o dahilan para umalis ang mga tao sa isang lugar
A. push factor B. pull factor C. slave trade D. trafficking
41. Ano ang bagay na minana ng mga Pilipino sa Amerikano na siyang umiiral ngayon na prinsipyo ng gobyerno.
A. political dynasty B. demokrasya C. epidemya D. digmaan
42. Ano tawag sa mga migrants sa pinuntahang bansa?
A. emigrants B. Immigrants C. foreigner D. emmigrante
43. Ano ang tawag sa mga migrants sa iniwang bansa?
A. Immigrants B. Emigrants C. Immigrante D. foreigner
44. Anong bansa ang nangunguna batay sa dami ng migrants ayon sa ulat ng United Nations sa taong 2019.
A. Mexico B. India C. China D. Russia
45. Anong bansa naman ang nangunguna batay sa dami ng Immigrants ayon sa ulat ng United Nations sa taong 2019.
A. Saudi Arabia B. Germany C. United States D. China
46. Ito ang nakatutulong nang malaki sa pagpapatatag ng ekonomiya ng Pilipinas sa kanilang
pinanggalingang bansa.
A. dirham remmitance B. Peso C. Dollar remmitance
47. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
A. migrasyon B. paglisan C. brain drain D. paglipat
48. Ano ang bagay na minana ng mga Pilipino sa Amerikano na siyang umiiral ngayon na prinsipyo ng
gobyerno.
A. Demokrasya B.political dynasty C. epidemya D. digmaan
49. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga epekto ng kawalan ng trabaho?
A. kahirapan C. mataas na literacy rate sa bansa
B. pagsulong sa ekonomiya D. magandang samahan ng mga bansa
50. Ano ang ibig sabihin ng OFW?
A. Overseas Filipino Workers C. Overseas Family Worker
B. Oversea Filipinos Worker D. Oversea Families Worker

PERFORMANCE TASK - GRAPHIC ORGANIZER


PANUTO: Punan ng tamang sagot ang bawat kahon. ( 5 puntos kada kahon)

SANHI NG KAWALAN
NG TRABAHO

You might also like