You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII
ORMOC CITY DIVISION
Margen National High School
DISTRICT IX
SY 2022-2023

IKALAWANG MARKAHANG PASULIT SA ARALING PANGLIPUNAN 10

Direksyon: Basahin mabuti ang mga pangungusap at isulat ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig.


A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Urbanisasyon D. Transisyon
2. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa
3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Sosyo-kultural C. Teknolohikal D. Sikolohikal
4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa
ng mga manggagawa?
A. mura at flexible labor C. Job mismatch
B. Business Process Outsourcing D. Subcontracting
5. Ang mga sumusunod ay aspeto ng globalisasyon, maliban sa isa.
A. Kultura B. Teknolohiya C. Paniniwala D. Wala sa nabanggit
6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng globalisasyon?
A. Pagbaba ng bilihin C. Pagbilis ng pagkuha ng buwis
B. Paglaganap ng mga imported na produkto D. Pagkaroon ng di malayang interaksyon
7. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Alin sa mga
sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino?
A. Jollibee B. McDonalds C. Mang Inasal D. San Miguel
8. Alin dito ang hindi anyo ng globalisasyon?
A. Globalisasyong ekonomiko C. Globalisasyong edukasyon
B. Globalisasyong politikal D. Globalisayong teknolohikal
9. Halimbawa ng __________________ang paniningil ng utang ng isang institusyong pinansyal sa mga credit cards nito.
A. Outsourcing B. Offshoring C. Nearshoring D. Onshoring
10. Ang mga sumusunod ay uri ng outsourcing, maliban sa isa.
A. Farshoring B. Offshoring C. Nearshoring D. Onshoring
11. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Edukasyon B. Ekonomiya C. Globalisasyon D. Paggawa
12. Alin sa sumusunod ang suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka?
A. Kawalan ng asawa C. Kawalan ng kahalili sa pagtatanim at pag-aani ng mga pananim
B. Kawalan ng sapat na tulog D. Kakulangan ng patubig at pataba
13. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at
paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa?
A. Subcontracting Scheme C. Mura at Flexible Labor
B. Kontraktuwalisasyon D. Underemployment
14. Ano ang tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang
isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon?
A. Subcontracting Scheme C. Mura at Flexible Labor
B. Kontraktuwalisasyon D. Underemployment
15. Ano ang tawag sa nakamamatay at nakahahawang sakit na nagmula sa bansang China?
A. COVID-19 C. SARS-CoV
B. MERS-CoV D. SARS
16. Mula sa sagot sa ika-15 bilang, kumakalat ang sakit na ito sa mga tao maliban_____
A. sa pamamagitan ng isang metrong distansya sa mga taong may sintomas ng sakitna ito.
B. sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng isang taong may sakit na ito na hindi nakasuot ng facemask.
C. sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha sa taong may sakit na ito na walang suot na facemask.
D. sa pamamagitan ng pagsagap ng pagtalsik ng laway mula sa pagsasalita ng taong positibo sa sakit na ito.

17. Alin sa mga sumusunod ang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa ?


A. Maraming benepsiyo C. Mababang pasahod
B. Kasiguraduhan sa trabaho D. Maunlad na ekonomiya
18. Ano ang acronym ng ILO?
A. International Labor Outcast C. International Labor Organ
B. International Labor Overseas D. International Labor Organization
19. Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa?
A. Agrikultura B.Industriya C. Impormal na sector D. Paglilingkod
20. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng sektor ng manggagawa?
A. Kultural B.Teknolohikal C. Agrikultura D. Paniniwala
21. Sino ang pangunahing naaapektuhan kapag nangibang-bansa ang parehong mga magulang?
A. Mga anak C. Mga kamag-anak
B. Mga kapitbahay D. Mga alagang hayop
22. Ano ang katuturan ng akronim na OFW?
A. Overseas Filipino Working C. Onsite Filipino Workers
B. Overseas Filipino Workers D. Wala sa nabanggit
23. Alin sa sumusunod ang maaaring maranasan ng ating mga kababayan sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa?
A. Diskriminasyon C. Parehong A at B
B. Sexual exploitation D. Wala sa A at B
23. Anong suliranin ang tumutukoy sa kondisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan sa mga pangunahing
pangangailangan na nag-uudyok sa mga tao upang mandarayuhan?
A. Kahirapan B. Polusyon C. Katiwalian D. Prostitusyon
24. Tumutukoy sa mga trabaho, empleyado, pinagkakakitaan, negosyo o gawain.
A. Paggawa B. Pag-aangkat C. Pagnenegosyo D. Lahat ng nabanggit
25. Alin sa sumusunod ang maaaring maranasan ng ating mga kababayan sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa?
A. Diskriminasyon B. Sexual exploitation C. Parehong A at B D. Wala sa A at B
26. Paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang lugar.
A. Migrante B. Dayuhan C. Migrasyon D. Lokasyon
27. Alin sa mga sumusunod ang nakikitang dahilan kung bakit umaalis ng lugar ang ilan nating kababayang
manggagawa?
A. Higit na mataas na pasahod na alok ng mga mauunlad na bansa.
B. Mas maraming trabaho ang naghihintay sa mga mauunlad na bansa.
C. A lamang
D. A at B
28. Saang lugar sa Pilipinas matatagpuang ang pinakamaraming migrante?
A. Manila B. Pasay C. Leyte D. Makati
29. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon.
A. Outflows B. Departures C. Emigration D. Flow
30. Alin ang tamang salita na maiuugnay sa pag alis at labas ng mga tao sa isang bansa?
A. Emigration, departures, inflows C. Emigration, entries, inflows
B. Immigration, departures, inflows D. Emigration, departures, outflows
31. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa epekto ng migrasyon sa karapatang pantao
A. Sakripisyo ng OFW C. Malaking demand sa skilled workers
B. Illegal recruiter D. Biktima ng sindikato
32. Ito ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso upang magtrabaho at
manirahan nang may takdang panahon.
A. Permanent migrants C. Temporary migrants
B. Standard migrants D. Irregular migrants
33. Alin sa mga sumusunod ang hindi uri ng migrante?
A. Permanent migrants C. Temporary migrants
B. Standard migrants D. Irregular migrants
34. Lahat ng sumusunod ay nagpapatunay na ang ating mga OFW ay maituturing na mga bagong bayani maliban sa isa.
Alin dito ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Dahil sa mga naipundar na ari-arian para sa kanilang mga pamilya.
B. Dahil sa kanilang lakas ng loob na magtrabaho at mangibang-bansa.
C. Dahil sa remittances nila sa Pilipinas na nakatutulong sa ating ekonomiya.
D. Dahil sa inspirasyong ibinibigay nila sa kanilang mga kababayan dito sa Pilipinas.
35. Ano ang maaaring maging epekto kapag nagdagsaan ang mga tao sa mga lungsod?
A. Paglobo ng populasyon sa mga lungsod
B. Pagbaba ng populasyon sa mga lungsod
C. Pananatili ng populasyon sa mga lungsod
D. Pagdomina ng mga taga-probinsiya sa mga lungsod
36. Lahat ng mga sumusunod ay mga dahilan ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino maliban sa isa. Alin dito ang hindi
kabilang sa pangkat?
A. Kawalan ng oportunidad sa Pilipinas.
B. Maki-uso sa mga kakilalang nangibang-bansa.
C. Manirahan kasama ang mga mahal sa buhay sa ibang bansa.
D. Mas magandang trabaho at mas mataas na sahod sa ibang bansa.
37. Mababa lamang ang tinapos ni Maria kaya napilitan siyang mamasukan bilang isangdomestic helper sa Singapore. Ito
ay bunsod ng kadahilanang wala siyang mapasukang trabaho sa Pilipinas dahil sa mababang kwalipikasyon. Alin sa mga
dahilan ng migrasyon ang naglalarawan sa kalagayan ni Maria?
A. Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.
B. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas.
C. Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal ng naninirahan sa ibang bansa.
D. Magkaroon ng trabaho dahil walang mapasukang trabaho sa bansang pinagmulan.
38. Daan-daang pamilya ang nasa gymnasium ng lungsod dahil sa pinangangambahang pag- landfall ng Bagyong
Domeng sa loob ng 48 oras. Alin sa sumusunod ang inilalarawang dahilan ng migrasyon sa ibinigay na sitwasyon?
A. Lumayo o umiwas sa kalamidad.
B. Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.
C. Magandang oportunidad gaya ng kabuhayan at kita.
D. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o urban areas.
39. Kamakailan ay naging laman ng pandaigdigang balita ang paglusob ng mga makakaliwang grupo sa lungsod ng
Marawi. Ano ang ugnayan ng paglusob ng mga grupong ito sa migrasyon?
A. Ang mga tao ay umiiwas sa kalamidad kaya nangyayari ang migrasyon.
B. Ang mga tao ay walang mapasukang trabaho kaya nangyayari ang migrasyon.
C. Ang mga tao ay nakakaranas ng malnutrsiyon kaya nangyayari ang migrasyon.
D. Ang mga tao ay naghahanap ng payapang lugar kaya nangyayari ang migrasyon
40. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
A. ang mga barkada C. ang asawang naiiwan sa pamilya
B. ang mga kaibigan D. ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa

Inihanda ni:

KENNETH ROY I. MATUGUINA


T-I

“NA SA LAHAT NG BAGAY, ANG DIYOS AY PAPURIHAN”

You might also like