You are on page 1of 5

PAUNANG PAGTATAYA SA ARALING PANLIPUNAN 10

Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang tamang titik sa sagutang papel.

1. Tawag sa taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga.
A.Bansa B. Komunidad C. Lipunan D. Organisasyon

2. BAWAL TUMAWID . MAY NAMATAY NA DITO. Ipinakikita ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag
sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
A. Norms B. Pagpapahalaga C. Paniniwala D. Simbolo

3. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang
mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula
din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao.
Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa
kagubatan.” Anong likas na yaman ang tinalakay sa talata?
A. Yamang-gubat B. Yamang-lupa C. Yamang-mineral D. Yamang-tubig
Para sa bilang 4, basahin ang ulat ng Senate Economic Planning Office tungkol sa epekto ng mga kalamidad sa Pilipinas.
(National Disaster at A Glance , Senate Economic Planning Office, 2013) “Impact of Natural Disasters can cause
considerable loss of lives, homes, livelihood and services. They also result in injuries, health problems, property damage
and social and economic disruption. From 2000 to 2012, natural disasters in the Philippines caused the death of 12,899
people and injury to 138,116 persons. These disasters also affected more than 71 million individuals and rendered almost
375,000 persons homeless. The socio-economic damages are estimated at US$3.37 billion with average annual damages
of US$251.58 million”.

4. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?


A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan C. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
B. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura

5. Batas na ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa
bansa.
A. Republic Act 9003 B. Republic Act 8742 C. Republic Act 7942 D. Republic Act 7586

6. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa
mga suliraning pangkapaligiran.
C. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa
lipunan.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning
pangkapaligiran nito.

7. Aling situwasyon ang nagpapakita ng top down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management
(DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non- Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga
kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano
magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara
nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang
makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t
ibang kalamidad.
8. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng “community engagement at collaboration with community and stakeholders ”?
A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo.
B. Malaki ang posibilidad na maging tagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan.
C. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mga mamamayan .
D. Mas magiging kumprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor.
9. Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Hazard Assessment
B. Disaster Response D. Recovery and Rehabilitation
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan?
A. Capability Assessment C. Loss Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment
11. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng paggalaw ng tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nananarasan sa mga bahagi ng daigdig
B. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa buong mundo
C. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa
mundo.
D. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo.
12. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Ekonomiya B.Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa
13. Maaaring suriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Inshoring B. Nearshoring C. Offshoring D. Onshoring
14. Maaring uriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal
15. Mahalaga sa isang manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang kompanya o trabaho subalit
patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting?
A. Sistema ng pagkuha ng kompanya ng ahensiya na subcontractor upang gawin ang trabaho o serbisyo
sa isang takdang panahon.
B. Iskema ng pagkuha ng ahensiya o indibiwal na subcontractor ng isang kompanya para sa pagsagawa
ng isang trabaho o serbisyo.
C. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na
buwan.
D. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas
mahabang panahon.
16. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga migrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano
ang mahihinuha rito?
A. Malaki ang oportunidad sa labas ng Asya .
B. Kakaunti ang oportunidad na makukuha ng mga mamamayan sa Asya.
C. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
D. Kinakakitaan ng malaking oportunidad ng Asyano ang ibang lugar bunga ng mga hanapbuhay na mapapasukan
na angkop sa kanilang natapos .

17. Ano ang ibig sabihin ng migrasyon?


A. Tumutukoy ito sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy ito sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan.
C. Tumutukoy ito sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar
na pinagmulan
D. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar
pansamantala man o permanente
18. Aling pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga
manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
D. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).
19. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa. Alin sa mga
ito?
A.Edukasyon B. Hanapbuhay C. Tirahan D. Turismo
20. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang
inilalarawan dito.
I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang pumupunta sa Pilipinas.
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers ng mga industriyang
nabanggit.
A. Globalisasyon ng migrasyon B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon
C. Peminisasyon ng globalisasyon D. Migration transition
21. Ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bi-sexual B. Gender C. Sex D. Transgender
22. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
A. Asexual B. Bi-sexual C. Gender D. Sex
23. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam
din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na:
A. Bakla B. Homosexual C. Lesbian D. Transgender
24. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “LGBT rights are human rights” Ban Ki – Moon, UN Secretary General
A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao. C. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao.
B. May pantay na karapatan ang lahat ng tao. D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang
pantao.
25. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. Diskriminasyon B. Pagsasamantala C. Pananakit D. Pang-aabuso
26. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang
relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan
ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
D. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.

27. Kung makakakita ka ng lalaki na naglalaba at naglilinis ng bahay, ano ang mahihinuha mo tungkol sa kanya?
A. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki.
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.
C. Ang mga lalaki ay maaaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing-bahay.
D. Mas maraming babae na ang naghahana-buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay.
28. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaon ng tradisyon sa India at sa iba pang bansa sa Timog Asya. Ang
magulang ng babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki. Ang ganitong tradisyon ay ipinagbawal
na sa India noong pang 1961. Anong batas ipinatupad kaugnay nito?
A. Anti- Dowry Law B. India Penal Code C. Nine-point checklist D. Violence – against Dowry Law
29. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations at
marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. Pakistan B. South Africa C. Uganda D. United Arab Emirates

30. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa
Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
31. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa
kababaihan at kanilang mga anak. Ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang mga
kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa
isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae.

32. Ang GABRIELA ay isang samahan ng mga kababaihan sa Pilipinas laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa
isa.
A. Pambubugbog B. Pangangaliwa ng asawang lalaki C. Sexual Harassment D.Sex Trafficking
33. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan
ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, ‘Marginalized Women’ , at
‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult
circumstances?
A. Maralitang tagalunsod C. Kababaihang Moro at katutubo
B. Magsasaka at manggagawa sa bukid D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
34. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula noong kayo ay mga bata pa
at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin ang aming pagkakaibigan.
35. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
36. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.
37. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito dahil pinagsama-sama ang lahat ng
karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang
batas.
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas C. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
B. Magna Carta ng 1215 D. Universal Declaration of Human Rights
38. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang
pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroots Organizations D. People’s Organizations
39. Ayusin ang mga dokumento batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sinaunang panahon hanggang sa
kasalukuyan.
1. Magna Carta 2. First Geneva Convention 3. Cyrus’ Cylinder 4. Universal Declaration of
Human Rights
A. 1324 B. 3124 C. 3214 D. 1234
40. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.
41. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
A. Mamamayan ng Pilipinas
B. Nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. Labing-walong taong gulang pataas
D. Nanirahan sa Pilipinas ng kahit 1 taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa
sa 6 buwan bago maghalalan.
42. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang
magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
A. Funding-Agency NGOs C. Non- Governmental Organizations
B. Grassroot Support Organizations D. People’s Organizations
43. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your
country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.
44. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
45. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban
ng bayan.
46. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
A. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang barangay.
C. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
D. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa
kanilang komunidad.
47. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang legalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

48. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:


Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang
Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa . Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya.
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kaniyang kinabibilangan.
C. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan
D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.

You might also like