You are on page 1of 2

ISAHANG MALAKAS NA PAGBASA (ORAL) – BAITANG 8

MAGKALAHI, MAGKALABAN
Kamay na bakal, ito ang ibibigay ng pamahalaan sa mga rebeldeng komunista. Magagawa nga kayang tapusin ang
labanang ito na nalaos na sa daigdig?
Itinuturing na pinakamatagal na rebelyong komunista sa daigdig ang ginagawang pakikipaglaban ng mga kasapi ng
Communist Party of the Philippines (CPP) at ang mga armado nitong hukbo na New People’s Army (NPA) sa
pamahalaan ng Pilipinas.
Sa kabila ng pagbagsak ng komunismo, nanatili pa rin ang mga komunista sa Pilipinas sa kanilang pakikipagbaka
na maitupad ang hinihingi nilang mga reporma. Sa loob ng halos tatlong dekada, nakipaglaban ang mga rebelde sa
layuning makapagtatag ng isang komunistang estado. Umabot na sa mahigit 40, 000 tao ang namatay sa
pakikipaglabang ito.
Ayon sa AFP, naitala ng mga komunista ang pinakamataas nitong bilang nang umabot sa 25, 000 ang mga kaanib
ng NPA noong 1987. Nang nabuwag ang komunismo sa paglipas ng tinatawag na Cold war, bumagsak ang bilang ng
mga komunista sa 6, 020 noong 1995. Nakakalat ang pwersa ng mga komunista sa 65 ng Tanggulang Pambansa
(Department of National Defense - DND) ang NPA dahil sa pagtanggap niyo ng mga kabataang may gulang pa lamang
na 13 taon.
Binago ng pamahalaang Estrada ang pagharap sa mga komunista. Matapos ang taning para isang kasunduan
noong ika-31 ng Disyembre 1999, ipinatigil ng dating Pangulo ang pakikipagusap sa mga komunista. Isasagawa na
lang ng pamahalaan ang usapang pangkapayapaan sa mga lokal na pinunong kilusan. Ngunit tinanggihan ito ng mga
komunista sapagkat naniniwala silang isang paraan lamang ito ng pamahalaan upang magkawatak- watak ang pwersa
ng mga rebelde.
Ayon sa Pangulong Joseph Estrada na wala nang dahilan upang naisin ng mga rebelde na pabagsakin ang
pamahalaan sapagkat ipinaglalaban din nito ang karapatan ng maralitang Pilipino. Hinamon ng pangulo si Jose Maria
Sison na umuwi ng Pilipinas at dito makipag- usap.
Pagod na ang pamahalaan. Tuluyan nang lumabo ang mga pag- asa na malutas sa mapayapang paraan ang isyu
ng mga rebeldeng komunista sa bansa. Tapos na ang pakikipagmabutihan ng pamahalaan sa mga rebelde, handa na
nitong tapusin ang labanang matagal nang nagpappahirap sa maraming Pilipino.
ISAHANG MALAKAS NA PAGBASA (ORAL) – BAITANG 7
PAGPAPALA SA PANGINGISDA
Ang ating bansa ay napapaligiran ng malawak na karagatan. Sagana ito sa iba’t- ibang uri ng
isda. Kaya marami sa mga Pilipino ay pangingisda ang ikinabubuhay. Sa pakikipagtulungan ng mga
pribadong kumpanya ng pangingisda, ang ating pamahalaan ay nag- eeksport sa Hong Kong at
Taiwan. Iba’t- ibang uri ng isda ang dinadala natin sa mga bansang ito tulad ng tuna at lapu- lapu.
Malaki ang naitulong nito sa hanapbuhay ng ating mga mangingisda. Subalit ang kasaganahang
ito ay malimit na inaabuso. May mga mangingisdang gumagamit ng mga pampasabog at lasong
kemikal para makahuli ng maraming isda. Namamatay ang maliliit na isda na dapat sana ay
lumalaki at dumadami pa. Ang iba naman ay sinisira ang mga coral reefs na tirahan ng mga isda.
Ang Kagawaran ng Agrikultura sa pangunguna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource
(BFAR) ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang para masugpo ang mga mangingisdang
lumalabag sa batas pagdating sa paraan ng pangingisda. Ang BFAR ay nagsasagawa ng mga
proyekto na magpapaunlad sa produksyon ng isda. Kasama rito ang pagbabawal ng pangingisda
na nakasisira sa coral reefs, ang pagbubuo ng mga artificial reefs, at pagmomonitor ng red tide sa
iba’t- ibang karagatan sa buong bansa.
Malaking bahagi ng ekonomiya ang nagbubuhat sa sector ng mga mangingisda. Maraming tao
rin ang nakikinabang sa pagtatrabaho sa industriya ng pangingisda tulad ng fsh marketing, fsh
processing, net making, boat- building at fsh trading. Ito ang mga dahilan kung bakit kailangang
alagaan ang industriyang ito.

Bilang ng mga salita: 212


(Inocencio, et. Al Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino 6 (2006). Wizard Publishing Haws, Inc. Tarlac, Tarlac)

You might also like