You are on page 1of 7

MARY JANICE FABON APACIONADO

10 SIERRA MADRE
WEEK 1-2 2ND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN

GAWAIN 1
Para sa akin, ito ang mga salitang may kaugnayan sa globalisasyon:
 Internet
 Mga Kumpanyang Multinasyunal
 Kalakalan
 Pagkakaisa
Ang internet ang nagbigay sa atin ng pagkakataon na makamusta ang
ibang mga tao sa kabilang panig ng mundo sa tulong ng social media, at
malaman ang nangyayaring mga balita saan man ito nagaganap. Pinaliit
ng internet ang daigdig at mas naging madali ang komunikasyon.

Ang mga kumpanyang multinasyunal naman ay matatagpuan sa iba't-


ibang panig ng mundo, at kumakatawan sila sa paglago ng ekonomiya
ng mga bansang pinupuntahan nila.

Ang pandaigdigang kalakalan ay nagbago at napabuti dahil sa


globalisasyon. Ang mga bagay na nais mong bilhin sa kabilang dako ng
mundo ay maaaring maideliver sayo sa loob lamang ng maikling
panahon.
Ang globalisasyon ay kumakatawan din sa pagkakaisa ng mga tao na
magkaroon ng konektadong mundo.

GAWAIN 2
Globalisasyon: Pananaw, Detalye, at Susing Salita
Pananaw o Perspektibo:

Politikal
Ekonomikal
Social
Environmental
Technological
Detalye:

Magkakaroon ng pagkakaisa ang bawat bansa dahil sa malalim na


ugnayan ng bawat isa. Maiiwasan din ang pagsiklab ng mga
madudugong digmaan.
Magkakaroon ng mas malakas na kalakalan sa buong mundo na siyang
magiging susi sa kaunlaran ng bawat bansa. Mas maraming produkto
ang pwedeng ibenta sa malalayong mga bansa.
Mas magiging malapit ang mga tao sa kanilang mga mahal sa buhay at
maging sa mga kultura ng mga banyaga. Mawawala ang pagkatakot ng
ilan sa mga ibang lahi.
Mas mapapalawig ang pakiusap na alagaan ang kapaligiran.
Mas lalong magiging advanced ang teknolohiya.
Mga Susing Salita:

Pagkakaisa
Malakas na kalakalan
Mas magiging malapit
Mapapalawig
Advanced

GAWAIN 3
CULTURAL- Ito ang uri ng Globalisayon na kung saan ay niyayakap ng
isang bansa ang pang kultural ng paniniwala, gawi at pananamit ng
ibang mga bansa.
Halimbawa: Chinese New Year
ECONOMIC-Ito ang pag unlad ng pangkalakaran ng mga kumpanya
nagpapatakbo ng pangkabuhayan.
Halimbawa: Foreign Exchange
POLITICAL- Ito ang pagkakaroon ng kakayahan na makaapekto sa mga
pang bansang desisyon ng mga grupo ng eksperto na mula sa iba't ibang
panig ng mundO
Halimbawa: WHO - World Health Organization
ENVIRONMENTAL- Ito ang pagpapalawig at pagyayakap ng ideya sa
pagpapaganda,pagrereserva at pagsasa ayos ng likas yaman.Maari ring
ito ay isang kondisyon pangkalikasan na nararansan ng mga tao sa iba't
ibang panig ng mundo.
Halimbawa: Climate Change
TECHNOLOGICAL-Ito ang uri ng pagbabago na kung saan maaring
magpalitan o pagsamahin ang mga teknolohiyang pamamaraan ng ibat
ibang bansa.
Pagsasama-sama ng mga eksperto upang makabuo ng isang
teknolohiyang
makababago ng buhay ng tao sa mundo.
Halimbawa: Inventions

GAWAIN 4
Dimensyon ng Globalisasyon
Dimensyon: Globalisasyong Teknolohikal
Katangian: Ipinapakita nito ang malaking pagbabago sa antas ng
teknolohiya ng buong mundo. Sa kasalukuyan, malaki ang impluwensya
ng internet sa pagpapalakas sa globalisasyon.
Dahilan: Nais ng mga tao na mas mapabilis ang komunikasyon, kaya
naman sa paglipas ng maraming panahon ay iba't-ibang paraan na ng
pakikipag-komunikasyon ang nagawa. Ang mga sulat noon ay naging
tawag sa telepono, na sa ngayon ay naging pakikipag.cha-t o video call
na gamit ang ating mga smartphone.
Epekto: Mas bumilis ang komunikasyon at transportasyon, at mas
lumakas pa ang globalisasyon.
Halimbawa: Mas marami ng Pilipino ang nakakonekta sa internet at
gumaganda ang mga negosyong naka-angkla dito.
Paliwanag: Ang pagdami ng mga Pilipinong online ay dahil sa
pagpapaganda sa signal ng internet sa bansa.
GAWAIN 5

Google

 Mabuting naidudulot: Nahahanap natin ang lahat ng sagot sa ating


mga tanong sa loob lamang ng isang segundo.
 Hindi mabuting naidudulot: Hindi na natututo ang mga estudyante
na maghanap ng sagot sa mga aklatan. Ang iba naman ay
nasasanay na lamang magcopy at paste ng sagot.
Facebook
 Mabuting naidudulot: Mas mabilis nating nakaka-usap ang ating
mga kaibigan at mahal sa buhay.
 Hindi mabuting naidudulot: Grabe itong makaubos ng oras, at
mabilis din ditong kumalat ang mga fake news.
Louis Vuitton
 Mabuting naidudulot: nagkakaroon ng pagkakataon ang mga may-
ari ng mga produktong ito na maipakita ang kanilang yaman.
Kalimitang mga wallet at bag ang binibili mula sa brand na ito, at
talaga namang masasabi na matibay ang kanilang mga produkto.
 Hindi mabuting naidudulot: Masyadong mahal ang kanilang mga
produkto at maaari itong maging agaw-pansin lalo na sa mga
matataong lugar na maaaring ikapahamak ng gumagamit nito.

GAWAIN 6
Tatlong (3) konsepto na natutunan ko mula sa Aralin:
1. Naipapaliwanag ang mga salik kung saan lumalago at makikita ang
globalisasyon. Dahil dito ay nakikita ang mga pagbabago at paggalaw ng
tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba't-ibang panig ng daigdig.
2. Natutukoy ang mga dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon
globalisasyon. Ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng mga iba't-ibang
bansa gamit ang teknolohiya ang dahilan ng palitan ng produkto at
serbisyo na nagiging sanhi ng pagtanggap at pagiging bahagi ng
kanilang pamumuhay ang kultura ng ibang tao o lahi.
3. Nasusuri ang epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao sa isang
lipunan na kung saan nahahati sa dalawang bahagi: ang mabuting dulot
ng globalisasyon at di-mabuting dulot ng globalisasyon.
Dalawang (2) mahahalagang bagay na ayaw kong makalimutan mula sa
Araling ito:
1. Kung gaano kalaki ng naitutulong ng mga makabagong teknolohiya sa
pag-usbong ng globalisasyon. Dulot nito ang pagkakaroon ng
magandang pagbabago sa buong daigdig.
2. Ang mga iba't-ibang pananaw kung paano at saan nagsimula ang
globalisasyon lalo na ang pananaw na ang globalisasyon ay jsang
mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
Isang (1) gawin na gusto kong subukan mula sa aking natutunan sa
Araling ito:
1. Gustong kong gumawa ng mga teknolohiyang makapagpapabago, at
paunlad sa buong mundo. Sa pamamagitan nito ay mababawasan at
magiging madali ang mga iba't-ibang gawain sa pangaraw-araw.

GAWAIN 8
1. Mali
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama

You might also like