You are on page 1of 31

Araling Panlipunan 10

Ikalawang Markahan- Modyul 1-4

Manunulat:
Marilou A. Perdigon – Las Piñas National High School
Jadelie Q. Poblete – Las Piñas National High School
Mary Jane C. Salvador– Las Piñas National High School Rosalinda
C. Petilla– Las Piñas East National High School

Balideytor sa Nilalaman:
Ma. Eirish S. Zulueta – Las Piñas National High School
Apollo D. De Guzman – LPENHS- Equitable Village Annex
Marietta Paa –LPC Tech Voc High School
Rosalinda C. Petilla– Las Piñas East National High School

Balideytor sa Wika:
Mariella P. Balboda- LPCNSHS
Leonora L. Lustre, LPCNSHS

Balideytor sa Pagkakaangkop:
Eliza J. Camposano- Las Piñas National High School Almanza

Konsolideytor:
Eliza J. Camposano – Las Piñas National High School- Almanza

1
Paano Gamitin ang Modyul
Bago simulan ang Modyul, Kailangan isantabi muna ang lahat ng iyong mga
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang SLeM
na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa
paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng Modyul.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang
mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa Modyul.
4. Hayaang ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang Mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng
iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na
pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa
pang-araw-araw na Gawain.
6. Nawa ay maging masaya ka sa pag-aaral gamit ang Modyul.

2
Aralin Kahulugan, Kasaysayan at Dahilan
1 ng Globalisasyon

Layunin: Nasusuri ang dahilan, dimensiyon at epekto ng globalisasyon.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa paksang ito, mauunawaan ang konsepto ng globalisasyon, mga dahilan ng pag-usbong
at dulot nito sa daigdig.

I. Tuklasin

Window Shopping
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) sa bahagi ng ADD TO CART ang produkto o serbisyo na nais
mong bilihin.

1.Pinagmulan
Ano pa ang mga bansa na nag-aalok ng mga serbisyo at produkto na ito?
ng mga larawan
Pinagmulan ng mga larawan
shopping cart: https://toppng.com/shopping-cart-PNG-
shopping cart: https://toppng.com/shopping-cart-
free-PNG-Images_29973
PNG-free-PNG-Images_29973
iPhone: https://iprice.ph/compare/apple-iphone-11-pro/
Netflix logo: https://tinyurl.com/lvkotyy

3
Pinagmulan ng mga larawan Pinagmulan ng mga larawan
shopping cart: https://toppng.com/shopping-cart-PNG- shopping cart: https://toppng.com/shopping-cart-PNG-
free-PNG-Images_29973 free-PNG-Images_29973

Shawarma: http://turks.ph Crop top: https://tinyurl.com/y8s476et

Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga produkto at serbisyo na iyong napili?
2. Ano ang iyong naging dahilan sa pagpili?
3. Ano pa ang mga bansa na nag-aalok ng mga serbisyo at produkto na ito?
4. Sa iyong palagay, bakit nakilala ang mga produkto/serbiyong ito?

II. Isaisip
Ang sumusunod ay ang mahahalagang konsepto tungkol sa paksang tinalakay sa aralin.

Kahulugan ng Globalisasyon

Ang globalisasyon ay tumutukoy sa malayang paggalaw ng mga tao, produkto,


kaalaman, at ideya na mas pinabilis ng pakikipagkalakalan at pag-usbong ng mga
makabagong teknolohiya na siyang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng pagkakaugnay ng
mga bansa sa daigdig. Sinasakop ng mga ugnayang ito ang kalagayang panlipunan, pang-
ekonomiya, pampolitika at pangkultura ng mga bansa sa daigdig.
4
Maiksing Kasaysayan ng Globalisasyon

Batay sa mga iskolar, mayroong


mga pangyayari sa daigdig ang
nagbigay-daan sa pagsulong
ng globalisasyon. Noong sinaunang
kabihasnan, ang Silk Road, isang
rutang pangkalakalan na
bumabaybay mula Tsina, Central Asia
at Mediterranean na ginamit ng mga
mangangalakal mula 50 B.C.E.
hanggang 250 C.E. ay nagbigay
daan sa pagpapalitan ng mga produkto,
ideya,teknolohiya at paniniwala sa Asya
at Europa.

Kasabay ng kalakalan ng seda


ng mga Tsino, glass ng mga Romano at
pampalasa ng mga Arabian ay ang paglaganap ng kaalaman sa metallurgy, Budismo at
paggamit ng papel.

Ang palitan ng mga produkto at ideya ay lalo pang umigting sa panahon ng pananakop
ng mga Europeo na pinangunahan ni Christopher Columbus noong 1492 sa Western
Hemisphere. Sa panahong ito naganap ang Columbian Exchange o palitan ng kaalaman,
produkto, halaman, hayop, kultura, relihiyon, teknolohiya at maging ang sakit tulad ng tigdas,
syphilis, influenza at polio.

Ang pag-inog ng globalisasyon ay lalo pang bumilis sa panahon ng Rebolusyong


Politikal sa Inglatera, Amerika, Pransya at Latin Amerika kung saan kanilang ipinalaganap
ang ideya ng pagkapantay-pantay, kalayaan at kapatiran. Maliban dito, isinulong din sa
panahong ito ang pagkakaroon ng bukas na kaisipan, lohika at paggamit ng agham na
nagbigay-daan sa Rebolusyong Industriyal mula ika-18 hanggang ika-20 siglo. Sa panahon
ng Rebolusyong Industriyal lalong napaunlad ang paggamit ng steamboat, railway, kotse at
eroplano na nagpabilis sa mobilisasyon ng mga tao at produkto.

Sa pagsapit ng Information Age noong ika-20 siglo, umunlad ang pamamaraan ng


komunikasyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, napanuod sa Estados Unidos ang 1964
Summer Olympics na ginanap sa Tokyo sa tulong ng modern communication satellites.
Habang dahil naman sa World Wide Web at internet ay madaling nabasa at nalaman ng mga
tao ang mga kaganapan sa ibang panig ng daigdig. Nagbigay-daan din ito sa pagsulong ng
digital economy at paglaganap ng artificial intelligence at robotics sa kasalukuyang panahon.

5
Iba’t-ibang Pananaw sa Globalisasyon

Ang pagsisimula at paglaganap ng globalisasyon ay kinapapalooban ng iba’tibang


pananaw o perspektibo. Ayon kay Nayan Chanda (2007), ang globalisasyon ay nakaugat sa
bawat isa sa kadahilanan na ang mga tao ay may mga paghahangad na magkaroon ng
maayos at maginhawang pamumuhay na nagtutulak sa kanilang makipag-ugnayan. Ayon
naman kay John Aart Scholte (2005), ang globalisasyon ay maituturing na isang mahabang
siklo ng pagbabago na nagsimulang umusbong noong mga nakaraang taon at patuloy na
lumalaganap sa kasalukuyang panahon na nagtataglay lamang ng ibang anyo o mas mataas
na antas. Para naman kay Goran Therborn (2005), ito ay may tiyak na simula na makikitang
nakapaloob sa anim na wave. Ayon sa kanya, ang unang tiyak na simula ng globalisasyon ay
naganap noong ika-4 hanggang ika-5 siglo kung saan nagkaroon ng pagkalat ng relihiyong
Kristiyanismo at Islam sa daigdig. Makikita rin ang tiyak na simula nito sa pananakop ng mga
Europeo noong huling bahagi ng ika-15 siglo na itinuturing na ikalawang wave. Nagkaroon din
ng digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa noong huling bahagi ng ika-18 siglo
hanggang sa unang bahagi ng ika-19 na siglo na maituturing na ikatlong wave na nagbigay
daan sa globalisasyon. Tinitingnan din ang paglaganap ng Imperyalismong Kanluranin bilang
ikaapat na wave ng globalisasyon na naganap noong gitnang bahagi ng ika-19 na siglo
hanggang 1918. Ang pag-usbong ng dalawang ideolohiya na kapitalismo at komunismo sa
daigdig ay nakapaloob naman sa ikalimang wave. Sa huli, ang pananaig ng kapitalismo sa
daigdig ang itinuturing na ikaanim na wave na nagbigay daan sa globalisasyon.

Ayon naman kay Roland Robertson (1992), isang


propesor ng sosyolohiya sa University of Aberdeen sa
Sctoland, United Kingdom at itinuturing na kauna-unahang
sosyolohista na gumamit ng salitang globalisasyon sa isang
sosyolohikal na artikulo, ang globalisasyon ay tumutukoy sa
Roland Robertson: https://tinyurl.com/yy3e5a
proseso ng pagsasama-sama ng mga bagay sa daigdig at
pagpapataas ng kamalayan para sa mas malalim na pagkilala
dito.

Binigyang-kahulugan din ito sa aklat na The Race to the


Top: The Real Story of Globalization (2001) na isinulat ng
isang mamamahayag na Swedish na si Tomas Larsson. Ayon
sa kanya, ang globalisasyon ay isang proseso na
nakakapaglapit sa mga tao at nakatutulong para sa mas
mabilis na ugnayan ng mga ito. Binigyangdiin din niya na ang
globalisasyon ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng
malayang kalakalan, mabilis na ugnayan ng mga bansa at
pagkakaroon ng integrasyon ng mga pambansang ekonomiya
sa daigidig

6
Dahilan ng Globalisasyon

Ang pag-uugnayan ng mga


tao ang nagsilbing tulay sa
pagkakabuo ng konsepto ng
globalisasyon. Makikita sa
kasaysayan na ang
pangangailangan at kakulangan
ang pangunahing nagbigay daan
sa kalakalan at pananakop na
nagpalawig ng globalisasyon.

Ang pag-unlad ng
teknolohiya ang itinuturing na isa
sa may pinakamalaking
impluwensiya sa pagbabago ng
anyo at pag-angat ng antas ng
globalisasyon.

Nakatulong ito upang ang


mga ugnayan ay maganap sa mas
mabilis na paraan at mas maiksing
panahon. Ito ang naging dahilan
sa pag-unlad ng komunikasyon na nagpalawak at nagpabilis ng ugnayan ng mga tao sa
daigdig. Pinabilis nito ang pagdaloy ng mga bagong kaalaman sa pamamagitan ng
telebisyon, radyo, cellphone, computer, internet at social networking sites.

Bukod sa pakikipagkalakalan at pag-unlad ng komunikasyon, ang pag -unlad ng


sistema ng transportasyon ay nakapagpalawak din sa umiiral na globalisasyon. Sa
pagkakaroon ng mas maayos na sistema ng transportasyon ay mas napadali ang
paglalakbay at pagtungo ng mga tao sa mga lugar na kanilang nais sa iba’t-ibang
kadahilanan tulad ng pamamamasyal, pagtatrabaho, paglipat ng tirahan, pakikipagkalakalan
o iba pa.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang globalisasyon?
2. Paano nagsimula ang globalisasyon?
3. Sa iyong sariling pananaw, nakatulong ba ang globalisasyon sa pag-unlad ng tao?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

III. Mga Gawain


Gawain 1. Cross-Check Chart
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag na nakapaloob sa bawat kahon. Markahan ang
kahon ng tsek ( ) kung ito ay nagsasaad ng wastong paglalarawan sa iba't-ibang
pananaw sa globalisasyon at ekis ( ) kung hindi.
7
Ang globalisasyon Ang globalisasyon Ang
ay maituturing na isang ay maituturing na isang globalisasyon ay isang
mahabang siklo ng mahabang siklo ng proseso na nagtutulak
pagbabago na patuloy na pagbabago na sa mga bansa na
lumalaganap sa nagsimulang umusbong makipagdigma upang
kasalukuyang panahon noong mga nakaraang mas mapalawak ang
at nagtataglay lamang ng taon at patuloy na impluwensya at mga
ibang anyo o mas lumalaganap sa nasasakupan.
mataas na antas kasalukuyang panahon
na nagtataglay lamang
ng ibang anyo o mas
mataas na antas
Ang globalisasyon ay nakaugat Ang Globalisasyon ay may
sa bawat isa sa kadahilanan na ang tiyak na simula na makikitang
mga tao ay may mga paghahangad nakapaloob sa anim na wave, mula
na magkaroon ng maayos at sa pagkalat ng relihiyon hanggang sa
maginhawang pamumuhay na pananaig ng kapitalismo sa mundo.
nagtutulak sa kanilang hindi
makipag-ugnayan at
makipagkompitensya sa kanilang
kapwa.

Gawain 2. Unboxing Your Thoughts


Panuto: Ilahad kung paano nakatulong ang sumusunod sa pag-usbong at pag-unlad ng
globalisasyon.

Pakikipagkala Pag-unlad ng
kalan at Komunikasyon
Pananakop at Teknolohiya

Pag-unlad ng
Transportasy
on

8
Pamantayan sa Pagmamarka ng Gawain
Kraytirya 10 7 5 Puntos
Lalim ng Ang lahat ng Mayroong isang Mayroong dalawa o
Repleksiy naitalang kasagutan ang higit pang kasagutan
on kasagutan ay naglalahad ng ang naglalahad ng
naglalahad ng kaalaman na hindi kaalaman na hindi
kaalaman na naaayon sa paksang naaayon sa
naaayon sa paksang pinag-aralan paksang pinag-
pinag-aralan aralan
Organisas Naisaayos nang Mayroong isa Mayroong apat o
yon mabuti ang hanggang tatlong higit pang
pagkakasunud paliwanag ang paliwanag ang
-sunod ng mga hindi naglahad nang hindi naglahad
detalye sa lahat ng pagkakasunud- nang
nailahad na sunod at kulang pagkakasunud-
paliwanag ang detalye sunod at kulang
ang detalye
Pagkaka Wasto ang grammar, May isa hanggang Mayroong apat o higit
buo ng baybay at bantas na tatlong hindi wastong pang hindi
Pahayag ginamit sa rammar, baybay at wastong grammar,
paglalahad ng antas na baybay at bantas na
paliwanag ginamit sa ginamit sa
paglalahad ng paglalahad ng
paliwanag paliwanag

IV. Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tumutukoy sa malawak at malayang pakikisalamuha ng mga bansa sa daigdig
sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan, paglalakbay, pakikipagdigmaan, pananakop,
pagpapalago ng kalagayang pangekonomiya, at pagpapaunlad ng transportasyon at
komunikasyon?
A. Globalisasyon C. Komunikasyon
B. Industriyalisasyon D. Transportasyon

2. Sino ang sosyolohista na unang gumamit ng salitang globalisasyon?


A. Goran Therborn B. Roland Robertson C. Nayan Chanda D. Tomas Larsson

3. Komunikasyon: Information age, Transportasyon: ______________


A. Political Revolution C. Industrial Revolution
B. Scientific Revolution D. Age of Enlightenment
9
4. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan ng globalisasyon?
A. Pag-unlad ng ekonomiya
B. Pag-unlad ng transportasyon
C. Pag-unlad ng komunikasyon at teknolohiya
D. Pakikipagkalakalan at pananakop

5. Bilang isang mag-aaral na lubos na nakikinabang sa pag-unlad at pagbilis ng


komunikasyon, paano mo mahusay na magagamit ang mga social media platform tulad
ng Facebook, Twitter at Instagram?
A. Pagsunod sa mga Facebook page ng mga paborito mong artista
B. Paglalahad ng opinyon sa isang isyu na hindi nakabatay sa tamang impormasyon
C. Pagbibigay ng reaksyon sa mga post ng iyong mga kaibigan tulad ng like, heart at wow
D. Pagpopost ng mga makabuluhang impormasyon batay sa mga makatotohanan at
mapagkakatiwalaang sanggunian

V. Karagdagang Gawain
Upang mapalalim pa ang iyong kaalaman sa kasaysayan at pananaw sa globalisasyon,
magsaliksik ng iba pang pangyayari sa kasaysayan na nagbigaydaan sa pagsulong ng
globalisasyon sa daigdig. Gamiting gabay ang talahanayan.

BALIK TANAW
Petsa/Panahon
Pangyayari
Paliwanag

10
Aralin Dimensiyon at Epekto ng
Globalisasyon
2
Layunin: Nasusuri ang dahilan, dimensiyon at epekto ng globalisasyon.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa paksang ito, higit na mauunawaan ang konsepto ng globalisasyon sa pamamagitan ng
pagsusuri sa iba’t-ibang dimensyon nito.

I. Tuklasin
Panuto: Suriin ang sumusunod na larawan. Tukuyin ang konsepto na kinabibilangan ng
mga ito gamit ang mga gabay na letra.

Pinagmulan ng larawan: https://www.istockphoto.com/photos/macroeconomics

3.
E O N M Y
11
Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga konsepto na nabuo mula sa gawain?
2. Sa iyong palagay, naimpluwensyahan ba ng globalisasyon ang mga konseptong ito?
3. Bakit mahalagang maunawaan ang manipestasyon at epekto ng globalisasyon sa mga
aspetong ito?

II. Isaisip

Dimensyon ng Globalisasyon
Ang globalisasyon ay tumutukoy sa proseso
ng pagdaloy ng mga tao, bagay, ideya o kaalaman sa
iba’t-ibang panig ng daigdig. Nagdudulot ito ng
maraming pagbabago sa kasalukuyan. Ang mga
pagbabagong ito ay makikita at nakasentro sa tatlong
dimensyon. Ito ang globalisasyong ekonomiko,
sosyokultural at politikal.

Globalisasyong Ekonomiko
Ang globalisasyong ekonomiko ay tumutukoy sa pag-uugnayan ng mga tao o
bansa na umiikot sa pagpapalitan ng mga kalakal at pamumuhunan na may layuning
makapagpalago ng ekonomiya ng mga bansa.

Makikita ang manipestasyon ng globalisasyong ekonomiko sa pamamagitan ng


pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng produkto sa mga pamilihan at pagkakaroon ng malawak na
kompetisyon sa pagitan ng mga
namumuhunan. Makikita rin ito sa
pagkakaroon ng maluwag na
patakaran ng kalakalan sa
pagitan ng mga bansa tulad ng
pagkakaroon ng mga free trade
agreement na nag-alis ng mga
taripa sa mga produktong
pumapasok o lumalabas sa isang
bansa. Nagkaroon din ng
malalaking korporasyon sa iba’t-
ibang panig ng mundo na tinatawag
na Multinational Corporations at
Transnational Corporations.

Ang Multinational
Corporations ay nagbebenta ng
mga produkto o serbisyo na hindi
nakabatay sa pangangailangan ng lokal na pamilihan ng bansang pinagtatayuan ng
12
kanilang pasilidad samantalang binibigyang kalayaan naman ng Transnational
Corporations ang bawat pasilidad nito na magsaliksik at magdesisyon sa mga
produkto o serbisyo na ipagbibili na naaayon sa pangangailangan ng lokal na pamilihan.
Ang dalawang uri ng korporasyon na ito ay nagkakapareho naman sa aspeto ng
patatatag ng mga pasilidad sa iba’t-ibang bansa at nagdulot ng malawak na
impluwensya sa mga bansa dahil ang mga produkto at serbisyo na kanilang ipinagbibili
ay naging bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao, napalawak ang
kompetisyon sa pamilihan, nakapagpabago sa mga patakaran ng mga bansa at
nagkaloob ng mga oportunidad sa mga lokal na manggagawa.

Mapapansin na sa kasalukuyang panahon, gumagamit na ang mga malalaking


kompanya ng estratehiya kung saan ang ibang gawain, serbisyo at produksyon ay
ipinapasa sa isa o higit pang kompanya na mayroong kaakibat na kabayaran o
tinatawag na business outsourcing. Sa ganitong paraan ay mas napapadali at
napagagaan ang mga gawain ng kompanya. Ang pagkuha ng serbisyo sa kompanyang
mula sa malayong bansa ay tinatawag na offshoring. Ang pagkuha ng serbisyo mula sa
mga karatig na bansa naman ay tinatawag na nearshoring. Maaari ding kumuha ang
kompanya mula sa loob ng bansa ng serbisyo ng iba pang kompanya na tinatawag
naman onshoring. Ang sumusunod naman ay ang halimbawa ng mga trading block at
pandaigdigang pinansyal na institusyon na nagsisilbing sandigan ng mga bansa na
nagsusulong ng globalisasyon:

INSTITUTIONS
TRADING

INTERNATIONAL FINANCIAL
Sa pag-usbong ng mga malalaking kompanya at mga organisasyon na mahalaga
sa pandaigdigang kalakalan, mapapansin na naging madali ang pagbenta at pagbili ng
mga produkto at serbisyo saan mang bahagi ng mundo. Nakatulong din ang
makabagong mobile phone, computer application, internet at e-commerce sa pag-unlad
ng ekonomiya ng mga bansa.

Globalisasyong Sosyo-Kultural
Ang globalisasyong sosyo-kultural ay tumutukoy sa integrasyon ng mga kultura
ng mga bansa sa mundo. Makikita ang manipestasyon nito sa pag-usbong ng pop
13
culture na tumutukoy sa mga gawain, ideya, kilos, paniniwala at mga bagay na
tinatanggap ng nakararami sa isang espisipikong panahon. Makikita din bilang
manipestasyon nito ang pagbabago sa paraan ng pananamit, kilos, gawi o
pagpapahayag ng sarili ng mga tao dulot ng mga impluwensya ng ibang bansa.
Umusbong din ang iba’t-ibang uri ng musika na kadalasang napapanood sa MTV tulad
ng KPop ng South Korea. Bukod dito, nagkaroon din ng iba’t-ibang palabas at pelikula
na lubos na tinatangkilik sa kasalukuyan tulad ng mga palabas mula sa Hollywood ng
United States of America, Bollywood ng India at K-drama ng South Korea.

Globalisasyong Politikal
Ang globalisasyong politikal ay tumutukoy sa malawak na ugnayan ng mga bansa
sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pandaigdigang samahan na magtataguyod ng
kapayapaan, malayaang kalakalan at pamumuhunan, kooperasyon upang matugunan
ang suliraning panlipunan at pangkapaligiran at programa laban sa kahirapan sa
daigdig.
Makikita ang manipetasyon nito sa pagkakaroon ng mga panrehiyon at
pandaigdigang samahan ng mga bansa. Ang isa sa pinakakilalang pandaigdigang
samahan ay ang United Nations. Ito ay binubuo ng 193 na mga member states na
naglalayong mapanatili ang pagkakaisa at kapayapaan sa daigdig. Naglalaan ang
United Nations ng paraan upang hanapan ng solusyon ang mga pandaigdigang labanan
at nagbabalangkas ng mga patakaran na may epekto sa pamumuhay ng mga
mamamayan. Ang isang halimbawa naman sa panrehiyon na samahan ay ang ASEAN
o Association of Southeast Asian Nations na naglalayong itaguyod ang seguridad sa
aspetong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural ng mga bansa sa Timog-Silangang
Asya.
Epekto ng Globalisasyon
Ang sumusunod ay ilan sa mabuti at hindi mabuting epekto ng iba’t-ibang anyo ng
globalisasyon:

1. Napagbuklod nito ang mga bansa dahil sa 1.. Nagkaroon ng pagkaubos ng mga propesyunal na
pag-usbong ng mga rehiyunal at manggagawa (brain drain) at skilled workers (brawn
pandaigdigang samahan na nangangalaga drain).
sa kultura, gawaing politikal, relihiyon at 2. Nalugi ang mga lokal na namumuhunan dahil mas
kapayapaan ng mundo. tinatangkilik ng marami ang mga gawang dayuhan sa
2. Pinaigting din nito ang kompetisyon sa mga paniniwala na mas maganda ang kalidad at mas
pamilihan na nagtulak sa pagpapabuti ng matibay ito kumpara sa mga lokal na produkto
kalidad ng mga kalakal ng mga namumuhunan (colonial mentality).
3. Naging makabuluhan din ang 3. Pagkasira at unti-unting pagkaubos ng mga likas
globalisasyon sa pag-unlad ng na yaman sa mga bansang kadalasang
transportasyon at komunikasyon at pinagmumulan ng mga hilaw na materyales.
pagkakaroon ng mga bagong kaalaman sa 4. Naging mabilis ang pagkalat ng mga
tulong ng mga makabagong teknolohiya. nakahahawang sakit.
4. Naging susi rin ito sa pagkakatuklas ng mga 5. Ang pagbilis ng daloy ng impormasyon at
bagong kagamitang pangkalusugan at mga komunikasyon sa iba’t-ibang social media platforms
gamot na abot kamay ng mga tao dahil sa at internet ang naging daan sa pagkalat ng mga fake
patuloy na paglago ng iba’t -ibang sangay ng news, pagpapakalat ng takot at terorismo at paglimot
agham. sa mga kinagisnang paniniwala, pagpapahalaga at
5. Ang kalidad ng edukasyon ay mas nalinang kultura.
upang makasabay sa global standard

14
Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga pagbabagong dulot ng globalisasyon sa aspeto ng ekonomiko,
sosyo-kultural at politikal?
2. Bakit mahalagang maisa-isa ang mga pagbabagong naidulot ng globalisasyon?
3. Sa kabuuan, nakabubuti ba o nakasasama ang mga pagbabagong dala ng
globalisasyon?

III. Mga Gawain

Gawain 1: Word to Word


Panuto: Suriin ang sumusunod na salita. Itala ang dalawang magkaugnay na salita sa angkop
na konsepto na kinapapabilangan nito.

K-Drama United Nations Forum

ASEAN Summit Business Process Outsourcing

Free Trade Hollywood

1. Globalisasyong Politikal = ___________________, ___________________


2. Globalisasyong Sosyo-kultural = ___________________, ___________________
3. Globalisasyong Ekonomiko = ___________________, ___________________

B.Gawain 2: The Impact


Panuto: Suriin ang kalagayan sa kasalukuyan at tayain kung ano-ano pa ang maaaring idulot
na pagbabago ng globalisasyon sa susunod na sampung taon. Ipaliwanag ang kasagutan sa
katabing kahon sa sumusunod na kategorya.

INDIBIDWAL

PAMILYA

KULTURA

EKONOMIYA

PAMAHALAAN

KAPALIGIRAN

15
Pamantayan sa Pagmamarka ng Gawain

Kraytirya 10 7 5 Puntos
Lalim ng Ang lahat ng Mayroong isa Mayroong apat o
Repleksyon naitalang hanggang tatlong higit pang
kasagutan ay kasagutan ang kasagutan ang
naglalahad ng naglalahad ng naglalahad ng
kaalaman na kaalaman na hindi kaalaman na hindi
naaayon sa naaayon sa naaayon sa
paksang pinag- paksang pinag- paksang pinag-
aralan aralan
aralan
Organisasyon Naisaayos nang Mayroong isa Mayroong apat o
mabuti ang hanggang tatlong higit pang paliwanag
pagkakasunod- paliwanag ang ang hindi naglahad
sunod ng mga hindi naglahad ng ng pagkakasunod-
detalye sa lahat pagkakasunod- sunod at kulang
ng nailahad na sunod at kulang ang detalye
paliwanag. ang detalye
Pagkakabuo Wasto ang May isa Mayroong
ng grammar, hanggang tatlong apat o higit pa na
Pahayag baybay at bantas hindi wasto ang hindi wastong
na ginamit sa grammar, grammar,
paglalahad ng baybay at bantas baybay at bantas na
paliwanag na ginamit sa ginamit sa
paglalahad ng paglalahad ng
paliwanag paliwanag

IV. Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa estratehiya kung saan ang isang kompanya ay kumukuha ng serbisyo
ng isa o higit pang kompanya na may kaukulang kabayaran upang mas mapadali at
mapagaan ang gawain?
A. Business Outsourcing C. E-Commerce
B. Job Contractualization D. Labor-only Contracting
2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na pangunahing pandaigdigang samahan ng mga bansa?
A. Asia Pacific Economic Cooperation C. Association of Southeast Asian Nations
B. European Union D. United Nations
3. Ito ang terminong ginagamit sa mga taong gumagamit ng social networking site bilang
midyum ng pagpapahayag.
A. Citizens B. Netizens C. Techno genius D. Web genius

16
4. Sa paanong paraan lubos na makatutulong ang pamahalaan sa kanyang mga
manggagawa?
A. Magpatupad ng batas na mangangalaga sa kapakanan at karapatan ng mga manggagawa
B. Gawing sampung oras ang paggawa upang maging produktibo ang mga manggagawa
kada araw
C.Magbigay ng bitamina sa mga manggagawa upang maiwasan ang pagkakasakit at
pananamlay ng katawan
D. Hikayatin ang mga manggagawa na magpatuloy na lang sa small- medium enterprise
para magkaroon ng kabuhayan ang mga mamamayan
5.. Alin sa sumusunod ang naging dulot ng globalisasyon sa paggawa?
A. Pagkawala ng katutubo o indigenous na kultura
B. Pagdami ng mga estudytanteng nakapag-aral sa ibang bansa
C. Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa iba’t-ibang panig ng mundo
D. Pagkakaroon ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala Sa
pandaigdigang pamilihan

V. Karagdagang Gawain
Upang mas lalo pang mapalalim ang kaalaman sa dahilan at epekto ng
globalisasyon, suriin ang editorial cartoon at sagutin ang mga gabay na tanong.

Pinagmulan ng larawan: https://tinyurl.com/y875jkjz


Gabay na tanong:
1. Ano ang mabuti at masamang epekto ng pagdagsa ng imported rice sa pamilihan sa
bansa?
2. Bakit patuloy na umaangkat ang bansa ng imported na bigas sa pandaigdigang
pamilihan?
3. Masasabi ba na may kinalaman ang globalisasyon sa di-mabuting kalagayan ng mga
lokal na magsasaka sa kasalukuyang panahon?
4. Paano natutulungan ng ating pamahalaan ang mga lokal na magsasaka na malaki ang
ginastos para makapagprodyus ng magandang ani?
5. Sa iyong palagay, ano ang nararapat gawin upang maiwasan ang pagbaba ng kita ng
mga Pilipinong magsasaka?

17
Aralin Kalagayan at Suliranin ng Paggawa
sa Bansa sa Konteksto ng
3 Globalisasyon

Layunin: Naipaliliwanag ang kalagayan at suliranin sa paggawa sa bansa.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa aralin na ito, ipapaliwanag ang kalagayan at suliranin sa paggawa sa bansa.

I. Tuklasin
Panuto: Tukuyin ang mga kompanyang mapag-uugnayan ng mga sumusunod na logo.

1. ________________ 3. ________________ 5. ________________

https://tinyurl.com/2nvpwd9t https://tinyurl.com/8h6jy5wz https://tinyurl.com/asu8ztrt

2. ________________ 4. ________________

https://tinyurl.com/f8ph6dsf https://tinyurl.com/3bc8fxw7

Pamprosesong Tanong:
1. Sa anong paraan nagkakatulad ang mga tinukoy na kompanya?
2. Anong epekto ang inihatid ng mga kompanyang ito sa ekonomiya ng bansa?
3. Paano nakaapekto sa sektor ng paggawa sa bansaang pagkakaroon ng mga tinukoy na
kompanya?

II. Isaisip

Kalagayan ng Paggawa sa Bansa sa Konteksto ng Globalisasyon


Ang globalisasyon ay naghatid ng malaki at maraming pagbabago sa iba’t ibang
aspekto ng pamumuhay ng mga bansa sa daigdig. Sa sektor ng paggawa, ito ay lumikha ng
mga sitwasyon o kalagayan na humamon sa mga mamamayan at pamahalaan na bigyan ng
18
kaukulang tugon, upang makalikha ng maayos at maunlad na pamumuhay. Ipinakikita sa
ilustrasyon sa ibaba ang kalagayan ng Sektor ng Paggawa na nalikha bunsod ng mga
kaganapang hatid ng globalisasyon.

Alinsunod sa mga detalye ng ilustrasyon sa itaas, ang globalisasyon ay nagtulak sa


Pilipinas na pumasok sa mga kasunduan sa iba’t ibang mga bansa. Ito ay bunga rin ng pagiging
kasapi ng ating bansa sa iba’t ibang samahang pandaigdigan gaya ng World Trade Organization
(WTO), International Monetary Fund (IMF), Asia Pacific Economic Conference (APEC),
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang katulad na samahan. Ang mga
kasunduang nabuo ay nagsilbing instrumento o susi ng pagbubukas ng ekonomiya ng ating
bansa sa mga dayuhang bansa.
Ang pagpasok ng mga dayuhang produkto at industriya (imported products & industries),
ay nakaapekto sa iba’t ibang sektor ng ating ekonomiya. Mayroong tinatangkilik na mga
produktong banyaga dahil mas mura ang presyo nito kumpara sa mga lokal na produkto.
Nagdulot ito ng pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal na nagsilbing mahigpit
na kakompetensiya ng mga lokal na produkto. Isa sa mga halimbawa nito, ay ang ilang
produktong agrikultural gaya ng bawang (garlic) mula Taiwan at China, na mas murang
binebenta kaysa sa mga bawang na mula sa La Union at Ilocos Norte dahil mas mura at mas
mababa ang gastos sa produksyon (costs of production) nito sa mga pinanggalingang bansa. Sa
kabilang banda, nagdulot naman ito ng patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na
iniluluwas sa ibang bansa na nagnanais din ng malaking kita o benta. Ito ay isa sa mga dahilan
kung bakit nagkakaroon ng kakulangan ng suplay (shortage) ng lokal na produkto sa ating lokal
na pamilihan.
Kaugnay nito, ang pagpasok ng mga industriya bunsod ng globalisasyon ay nakaapekto sa
sektor ng paggawa. Ito ay lumikha ng mga trabaho o hanapbuhay at nagpataas ng ating
employment rate o bahagdan ng mga mamamayang may hanapbuhay. Kabilang sa tumaas ang
pangangailangan sa manggagawa ay yaong may kinalaman sa pananalapi, komersiyo, insurance,
kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal,
turismo, Business Process Outsourcing (BPO), at edukasyon. Kaalinsabay ng pagtaas ng
pangangailangan ng mga manggagawa ay ang pagtatakda ng mga global standards. Ito ay
naglalayong matiyak na may sapat na kaalaman at kakayahan ang mga manggagawa upang

19
maging angkop sa trabahong kanyang papasukan. Upang makaangkop sa mga global standards
na ito, nagtakda ang pamahalaan ng mga probisyon na naglalayong paunlarin ang mga
kakayahang may kinalaman sa Media and Technology Skills, Learning and Innovation Skills,
Communication Skills at Life and Career Skills o yaong mga tinatawag na 21st Century Skills. Ang
mga paaralan at iba pang mga training institutions ay sinisiguro na magtataglay ang
mamamayang Pilipino ng mga kaalaman at kasanayan upang maging globally competitive na
manggagawa sa hinaharap.
Sa kabilang dako, bagaman maituturing
na may kapakinabangan ang globalisasyon sa
Sektor ng Paggawa, hindi maitatanggi na
lumikha rin ito ng mga hamon sa mga
manggagawa na nagbunsod ng mga suliraning
may kinalaman sa paggawa.

Mga Suliranin sa Paggawa Bunsod ng


Globalisasyon

Isa sa mga manipestasyon ng epekto ng


globalisasyon sa ekonomiya ay ang malayang
pagpapasok ng mga Multinational o
Transnational Corporations na naglalaan ng
pamumuhunan o investments sa ating
bansa. Ang mga ito ay may pamantayang
pangkasanayan at kakayahan, pagpili,
pagtanggap, at pasahod sa mga manggagawa
na naaayon sa kanilang mga polisiya. Kaakibat
nito, ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa
karapatan ng mga manggagawa tulad ng
mahabang oras ng pagpasok sa trabaho,
mababang pasahod, hindi pantay na
oportunidad sa pagpili ng mga empleyado,
kawalan ng sapat na seguridad para sa mga
manggagawa tulad sa mga minahan,
konstruksyon, at planta na nagpoprodyus ng
lakas-elektrisidad kung saan may mga
manggagawa na naaaksidente o namamatay.

20
Maliban pa rito, mayroong tatlong
isyu sa sektor ng paggawa na maituturing
na suliranin o hamon: (a) unemployment at
underemployment; (b) subcontracting; at (c)
pagkakaroon ng mura (cheap) at flexible
labor. Nakatala sa ilustrasyon sa kanan ang
mga detalye ukol sa mga ito.

Samantala, isa sa mga


pangunahing suliranin na patuloy na
binibigyang pagtutol mula sa hanay ng
mga manggagawa ay ang
kontraktuwalisasyon (contractualization).
Maaring ilarawan ang
kontraktuwalisasyon, bilang iskema na
pinatutupad sa mga kompanya kung saan
temporary o pansamantala lamang ang
posisyong itinatakda sa isang
manggagawa sa loob ng itinakdang
panahon, karaniwan ay hindi umaabot sa
anim na buwan. Ito ay ginagawa ng mga
kompanya upang makaiwas sa mga
benepisyo o pribelehiyo na dapat
tanggapin ng isang regular na
manggagawa. Hindi sila binabayaran ng
karampatang sahod at mga benepisyong
ayon sa batas na tinatamasa ng mga
manggagawang regular. Naiiwasan ng
mga may-ari ng kompanya ang
pagbabayad ng separation pay, SSS,
PhilHealth at iba pa. Sa ganitong paraan,
ang mga manggaggawang kontraktuwal
ay walang seguridad sa kanyang
hanapbuhay. Maliban pa rito, hindi rin nila
natatamasa ang mga benepisyo ayon sa
Collective Bargaining Agreement (CBA),
dahil hindi sila kasama sa bargaining unit. Hindi rin sila maaaring magbuo o sumapi sa unyon
dahil walang katiyakan o pansamantala lang ang kanilang security of tenure. Maliban pa rito,
hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong employee-employer sa mga
manggagawang ang tumanggap ay ang mga labor agency at hindi mismo ang tuwirang
kompanya. Iginigiit ito ng mga kapitalista kahit ang mga ito ay itinuturing na labor only
contracting na ipinagbabawal ng batas.

Sa tuwing natatalakay ang usapin ng labor contractualization, ang mga manggagawa ay


naglulunsad ng mga pagkilos upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Ang pana-

21
panahong pagkilos na ito ang lumilikha ng atensyon at nakatawag-pansin sa pandaigdigang
komunidad. Ito ay nagbunsod upang bigyang pansin o tugunan ng ating pamahalaan ang mga
isyu at suliraning may kinalaman sa sektor ng paggawa.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano mo mailalarawan ang kalagayan ng paggawa at suliraning kaugnay nito bunga ng
globalisasyon?
2. Paano nakaaapekto sa mga mangaggawa ang mga tinukoy na suliranin na may kinalaman
sa paggawa?
3. Bakit mahalagang tugunan o bigyan ng kaukulang solusyon ang mga suliranin sa
paggawa.

III. Mga Gawain


Gawain 1: Tapatan Na!
Panuto: tukuyin sa Hanay B ang terminong inilalarawan sa Hanay A sa pamamgitan ng
pagsulat ng letra ng tamang sagot sa nakalaang patlang.
Hanay A Hanay A
_____ 1. Pagkontrata ng isang kompanya sa serbisyo na maaaring A. Bargaining
ibigay ng isang ahensiya o indibidwal B. Cheap Labor
_____ 2. Mababang pagpapasahod ng mga kompanya sa mga C. Contractualization
manggagawa upang makatipid sa gastos
D. Globalization
_____ 3. Pagkakaroon ng job-mismatch sa pagitan ng mga E. Subcontracting
natapos na kurso at mga oportunidad para sa
F. Underemployment
trabaho
_____ 4. Kinapalolooban ng pagbubukas ng ekonomiya ng
isang bansa sa mga dayuhangng industriya o mga
patakarang global
_____ 5. Iskema na pinatutupad sa mga kompanya kung saan
temporary lamang ang posisyong itinatakda sa isang
manggagawa sa loob ng itinakdang panahon,
karaniwan ay hindi umaabot sa anim na buwan.

Gawain 2: Nakabuti ba o Hindi?


Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagtukoy sa kabutihan at di-
kabutihang hatid ng globalisasyon sa konteksto ng sektor ng paggawa.
Matapos ito, bumuo ng konklusyon batay sa mga tinukoy na sagot.

22
GLOBALISASYON
Kabutihan Di-kabutihan
1. 3.

2. 4.
Konklusyon:
5.

IV. Tayahin
Panuto: Sagutin ang bawat tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng bilog sa letra ng
tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang isang
kompanya ay kumokontrata sa isang ahensiya upang gawin ang isang trabaho?
A. Contractualization C. Subcontracting
B. Flexible Labor D. Underemployment
2. Aling termino ang maiuugnay sa iskema na pagtatakda ng pansamantalang trabaho sa
isang empleyado sa loob ng itinakdang panahon, na karaniwan ay hindi umaabot sa
anim na buwan?
A. Cheap labor C. Contractualization
B. Flexible Labor D. Subcontracting
3. Sa pananaw ng manggagawa, bakit hindi makatwiran para sa kanila ang
contractualization na ipinatutupad sa mga kompanya?
A. Ang contractualization ay nakapagpapayaman lamang ng husto sa mga kapitalista o
sa mga may-ari ng mga negosyo.
B. Ang contractualization ay armas ng mga kolonyalista upang muling maangkin ang
bansa mula sa lehitimong pamahalaan nito.
C. Instrumento ng pamahalaan ang contractualization upang mapanatiling hawak ng
mga pulitiko kapwa ang mga negosyante at mga manggagawa
D. Inaalisan ng contractualization ng pagkakataon ang mga mangagawa na matamasa
ang mga benepisyong nararapat para sa mga regular na empleyado, alinsunod sa
batas.
4. Alin ang hindi maituturing na kabilang sa pangkat kung pag-uusapan ang epekto ng
globalisasyon sa kalagayan ng paggawa?
A. Paglikha ng oportunidad sa trabaho para sa mga manggagawa
B Paglinang sa kasanayan ng mga manggagawa upang maging globally competitive
C. Pagkakaroon ng mga insidente na kaugnay ng pagmamalabis laban sa mga
manggagawa
D. Pagpapaunlad sa kakayahan ng mga manggagawa upang makasabay sa mga
global standard
5. Ang globalisasyon ay nagbukas sa bansa sa mga dayuhang kompanya upang makapagtayo
ng mga industriya na lumikha naman ng oportunidad para sa trabaho. Sa kabilang banda,

23
ang pagbubukas na ito ay kaalinsabay din ng pagpasok ng mga dayuhang produkto na
naging banta sa mga lokal na industriya na maaaring humantong sa kanilang pagkalugi. Ang
pagkalugi na ito ay maaari rin namang maghatid ng pagkawala ng trabaho sa mga
manggagawa. Buhat sa mga nabanggit, ano ang mahihinuha mula sa mga ito?
A. Ang globalisasyon ay naghahatid ng iba’t ibang uri ng produkto na maaaring mapagpilian
ng mga consumer
B. Ang globalisasyon ay nakaaapekto hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa
kalagayan ng sektor ng paggawa sa bansa
C. Puro kabigatan ang hatid ng globalisasyon para sa ekonomiya, dahilan kung kaya’t
marapat lamang na ihinto na ang iskemang ito
D. Malaking tulong ang hatid ng globalisasyon sa ekonomiya ng isang bansa dahil sa
oportunidad sa trabaho na nililikha ng mga ito.

V. Karagdagang Gawain
Sa anyo ng isang pormal na liham, bumalangkas ng isang panawagan sa lokal na
pamahalaan hinggil sa mga hakbang na maaaring magawa ng mga tanggapan nito upang
matulungan ang mga mangaggawa, partikular yaong mga naapektuhan ng pandemya.

RUBRIK
Kraytirya 4 3 2 1
Nilalaman (60%) Lahat ng Tatlo sa Dalawa sa Isa sa mga
• Nakatuon ang liham sa isang mga mga mga Indikeytor
tanggapan ng pamahalaang indikeytor indikeytor ay indikeytor ay makikita
lokal na nagsasaad ang liham ng ay makikita makikita sa ay sa awtput
sa awtput awtput makikita sa
mungkahing hakbang upang
awtput
tulungan ang mga manggagawa
• Ipinaliliwanag sa liham ang
detalye hinggil sa mungkahing
hakbang
para sa mga manggagawa
• Nailalahad ang mga detalye ng
liham sa malinaw at lohikal na
paraan
Teknikalidad (40%) Nakasulat Lahat ng Tatlo sa Dalawa sa Isa sa mga
ang awtput mga mga mga indikeytor
• sa anyo ng isang liham indikeytor indikeytor indikeytor ay ay makikita
• nakikiita sa awtput ang mga ay makikita ay makikita sa awtput
bahagi ng isang liham sa awtput makikita sa awtput
• kakikitaan ng kawastuhan sa sa awtput
balarila(grammar) kawastuhan
ss baybay (spelling)

24
Aralin Pagtugon sa Isyu sa Paggawa sa
Bansa
4
Layunin: Naipaliliwanag ang pagtugon sa isyu sa paggawa sa bansa.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa aralin na ito, ipapaliwanag ang karapatan at institusyong tumataguyod sa mga
manggagawa.

I. Tuklasin
Panuto: Tukuyin ang mga karaniwang hanapbuhay na nililikha ng mga sumusunod na
kompanya sa bansa.

KOMPANYA HANAP-BUHAY

1.

2.

3.
https://tinyurl.com/j7ubedjw
1.

2.

https://tinyurl.com/2npd76xr
3.

Pamprosesong Tanong:
1. Sa aspektong pangkabuhayan, anong pakinabang ang hatid ng mga tinukoy na
kompanya sa kanilang mga manggagawa?
2. Ano-anong mga hakbang ang dapat isakatuparan ng mga pamunuan ng mga
kompanyang ito upang matiyak na mapangangalagaan ng mga ito ang kanilang
mga manggagawa na instrumental sa paglago ng kanilang mga negosyo?

25
II. Isaisip

Ang globalisasyon ay lumikha ng mga sitwasyon at isyu na lubhang naging


mapanghamon para sa kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Sa kabila nito, may
mga umiiral na probisyon para sa mga manggagawa sa bansa na kumikilala sa kanilang
mga karapatan. Ang mga ito ay ipinatutupad ng mga lokal na institusyon batay sa mga
pandaigdigang kasunduan at batas na nagbibigay direktiba na pangalagaan ang mga
karapatan ng mga manggagawa.

MGA MANGGAGAWA BILANG TAGAPAGTAGUYOD NG KANILANG KARAPATAN


Ang mga manggagawa ay nagtataglay ng mga karapatan na tinitiyak ng
estado. Dagdag pa rito, may mga samahang nilikha para sa layuning maprotektahan
ang mga karapatang ito.

Mga Karapatan ng Manggagawa


Isang karaniwang probisyon
para sa mga karapatan ng mga
manggagawa ay ang pagtiyak sa
kanilang trabaho o security of
tenure. Bukod dito, may iba pang
karapatan ang mga manggagawa
na mahalagang malaman at
maitaguyod ang mga ito. Nakatala
sa ilustrasyon sa kanan ang ilan sa
mga karapatang ito.

26
Ang Unyon ng Manggagawa
Bukod sa mga nabanggit, isa pang
karapatang taglay ng mga manggagawa ay
ang kalayaang bumuo ng kanilang unyon.
Ang unyon ay isang samahan, o pangkat ng
mga manggagawa na nilikha sa layuning
protektahan at isulong ang interes ng mga
manggagawa.Mayroong dalawang uri ng
unyon sa Pilipinas: (a) unyon sa sektor
pampubliko opublic employes’ organization
at (b) unyon sa sektor na pribado o labor
organization. Anupaman ang uri nito,
nagkakatulad ang dalawa sa gawaing
katawanin ang mga empleyado upang
isulong ang kanilang karapatan at
kapakanan. Nakatala sa ilustrasyon sa ibaba
ang mga pakin abang na hatid ng isang
unyon sa mga kasapi nito.

MGA INSTITUSYON BILANG


TAGAPAGTAGUYOD NG
KARAPATAN NG MGA
MANGGAGAWA

Ang mga karapatan ng


mga manggagawa sa Pilipinas ay
pawang ibinatay sa mga
pandaigdigang panuntunan na
binuo ng iba’t ibang samahang
pandaigdig. Ito ay nagsilbing
inspirasyon sa mga bansa gaya ng
Pilipinas upang magbalangkas at
magpatupad ng mga batas o
kautusan na magbibigay
kasiguraduhan sa mga karapatan
ng manggagawa.
Pandaigdigang Institusyon
Sa mga pandaigdigang
institusyon, nangunguna ang
United Nations (UN) sa
pagtataguyod ng mga
Karapatang Pantao, kabilang na

27
ang Karapatan ng mga Manggagawa. Pangunahing manipestasyon nito ay ang pagbalangkas
ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR), na nagtatadhana ng mga karapatang laan
para sa mga manggagawa. Buhat dito, inatasan ng UN ang ahensiya nito na International
Labor Organization (ILO) ng bumalangkas ng mga tiyak na kasunduan na magbibigay
proteksiyon sa mga manggagawa sa iba’t ibang bansa. Nakatala sa ilustrasyon sa kanan ang
mga tiyak na probisyon ng UN at ILO para sa sektor ng paggawa.

Lokal na Institusyon
Sa Pilipinas, ang mga direktibang nilikha ng UN at ILO ay naging batayan sa paglikha ng
mga batas na nagsusulong ng interes ng mga manggagawa. Pangunahin rito ang Labor Code
of the Philippines, na siya ring panuntunan ng ahensiya ng pamahalaan na Department of
Labor and Employment (DOLE) sa mga polisiya na ipinatutupad nito para sa mga lokal na
manggagawa. Nakatala sa ilustrasyon sa kanan ang mga detalye ukol sa mga probisyon ng
mga lokal na institusyon para sa mga manggagawa.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang papel ng mga unyon at mga pandaigdigan at lokal na institusyon sa pagtugon
sa mga isyu sa paggawa sa bansa?
2. Bakit mahalaga na mabatid ng mga manggagawa ang kanilang mga karapatan?
3. Paano makatutulong sa isang bansa ang pagbibigay nito ng kaukulang proteksiyon sa
mga karapatan ng mga manggagawa?

28
III. Mga Gawain

Gawain 1: Karapatan Mo, Alamin Mo!


Basahin ang bawat pahayag at lagyan ng tsek (√) ang aytem na tumutugon sa karapatan ng
isang manggagawa, at ekis (X) naman sa hindi.
_____ 1. Pagbibigay kalayaan sa mga empleyado na bumuo ng kanilang unyon
_____ 2. Pagbabayad ng overtime pay ng negosyante sa kanyang mga employee
_____ 3. Pagbabawal sa isang empleyado na mag day-off dahil may kinakailangang
ipatapos na trabaho ang amo
_____ 4. Pagkakaroon ng hiwalay na pasilidad para mapagpahingahan ng mga lalaki at
babaeng empleyado
_____ 5. Dagliang pagtatanggal sa isang empleyado dahil sa kanyang pagkuwestyon sa
patakaran sa kompanya.

Gawain 2: Patunayan Mo!


Panuto: Bumuo ng mga suportang pangungusap upang mapatunayan ang pahayag na
nakasaad.

Pahayag:
Mahalaga ang mga unyon sapagkat isinusulong ng mga ito ang mga karapatan ng mga
manggagawa.

Mga Patunay:
1.______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3.______________________________________________________________________
________________________________________________________________________

IV. Tayahin
Panuto: Sagutin ang bawat tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng bilog sa letra ng
tamang sagot.
1. Alin ang higit na maiuugnay sa konsepto ng unyon?
A. Ang unyon ay ang pagsasanib ng mga mangagagwa at may-ari ng kompanya.
B. Ang mga unyon ay inaasahang lumikha ng kaguluhan sa loob ng isang kompanya.
C. Ang mga unyon ay samahan ng mga manggagawa na naglalayong isulong ang
kanilang mga interes at karapatan.
D. Ang paglikha ng mga unyon ay labag sa mga patakarang ipinatutupad sa mga
mangaggawa, alinsunod sa batas.

29
2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kalipunan ng mga batas sa bansa na
nagtatakda ng probisyon upang protektahan ang mga mangaggawang Pilipino?
A. Labor Code of the Philippines C. Revised Penal Code
B. Omnibus Election Code D. Universal Declaration of Human Rights

3. Si Makisig ay sapilitang pinagtrabaho ng kanyang amo ng higit sa walong oras, bagaman at


wala itong katumbas na karagdagang bayad o overtime pay. Dahil dito, inireklamo niya sa
kinauukulan ang kanyang employer. Makatwiran ba ang ginawang ito ni Makisig?
A. Opo, dahil bahagi ng kanyang karapatan ang tumanggap ng overtime pay.
B. Opo, dahil mahigpit ang kanyang amo, kung kaya at kinatatakutan ito ng iba pang
empleyado.
C. Hindi po, dahil pagpapakita ito ng kawalang utang na loob ni Makisig sa kanyang amo
nagbigay sa kanya ng trabaho.
D. Hindi po, dahil panahon naman ng pandemya at marapat lamang na sundin niya ang
kanyang amo upang hindi siya mawalan ng trabaho.

4. Si Mayumi ay kinakaltasan ng kanyang amo ng halagang PhP200 kada buwan, bagaman


wala siyang anumang obligasyong pinansiyal o pagkakautang dito. Anong ahensiya
maaaring lumapit si Mayumi upang maituwid ang ginagawa ng kanyang amo?
A. Bureau of Internal Revenue
B. Department of Labor and Employment
C. Department of Social Welfare and Development
D. Social Security System

5. Anong pakinabang ang hatid sa mga empleyado ng mga batas na nagbibigay proteksiyon
sa kanila?
A. Naipakikita ng pamahalaan na mayroon silang malasakit sa lahat ng mga manggagawa
B. Nakatitiyak ang mga pulitiko ng boto mula sa mga mangagawa sa panahon ng halalan
C. Nababatid ng mga empleyado ang mga probisyon ng mga batas hinggil sa kanilang
mga karapatan
D. Naisusulong ang mga karapatan ng mga manggagawa upang makapamuhay sila ng
disente at may dignidad

V. Karagdagang Gawain
Bilang bahagi ng pagtataguyod sa karapatan ng mga mangagawa, bumuo ng isang
malikhaing awtput na nagsasaad ng maikling pagtalakay sa isang tiyak na karapatan ng mga
manggagawa. Ang awtput ay maaaring sa anyo ng tula, patalastas, deklarasyon o anumang
angkop na anyo na ilalapat sa isang dokumento na may sukat na 8.5 x11 in. Mahalaga na
malapatan ito ng kaukulang disenyo upang makahikayat ng iba. Ang mabubuong awtput ay
ibabahagi gamit ang social media platform upang mapagyaman ang kamalayan ng publiko
patungkol sa mga karapatang ito.

30
RUBRIK
Kraytirya 4 3 2 1
Nilalaman (60%) Lahat ng mga Tatlo sa mga Dalawa sa Isa sa mga
• Naglalaman ng tukoy na indikeytor ay indikeytor ay mga indikeytor ay
karapatan ng mga makikita sa makikita sa Indikeytor ay makikita sa
manggagawa awtput awtput makikita sa awtput
• Naglalahad ng pagtalakay awtput
sa isang tukoy na
karapatan ng mga
manggagawa
• Ang paglalahad ay
makatutulong upang
mapaunlad ang kamalayan
hinggil sa
karapatan ng mga
manggagawa
• Nailalahad ang mensahe sa
malinaw at lohikal na
paraan
Teknikalidad (40%) Lahat ng mga Tatlo sa mga Dalawa sa Isa sa mga
• Nakatala ang awtput sa indikeytor ay indikeytor ay mga indikeytor ay
isang dokumento namay makikita sa makikita sa indikeytor ay makikita sa
sukat na 8.5 x11 in awtput awtput makikita sa awtput
• Nalapatan ng kaukulang awtput
disenyo ang awtput
• Naka-upload ang
awtput sa isang social
media platform
• Kakikitaan ang awtput ng
kawastuhan sa baybay
(spelling) at balarila
(grammar)

31

You might also like