You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Bicol University
COLLEGE OF EDUCATION
Daraga, Albay

Student : KYLE R. AMATOS


Course : BSED III- SOCIAL STUDIES
Professor : MARCIA CORAZON P. RICO
Term : 1st Sem., S.Y 2021-2022
Date Submitted: November 18, 2021

Lesson Script: Iba’t-ibang Dahilan, Dimensyon at Epekto ng


Globalisasyon sa Bansa
Part 1. Pagpapakilala
 Magandang-araw sa inyong lahat, kamusta na kayo mga butihin kong mag-aaral?
Masaya akong makita kayo na handang matuto at makinig sa ating magiging
leksyon. Ihanda niyo na ang inyong sarili na matuto at malaman ang iba’t-ibang
dahilan, dimensyon at epekto na dulot sa atin ng globalisasyon. Ihanda na ang
inyong mga papel, ballpen at isipan dahilan sasamahan niyo akong tuklasin ang
ating magiging bagong aralin sa Araling-Panlipunan 10.

 Ako nga po pala si Teacher Kyle, ang inyong gurong makakasamang tuklasin at
intindihin ang aralin sa araw na ito. Halina’t makinig, matuto, makiisa at sumagot sa
ating magiging talakayan. Siguradong marami kayong matutuklasan at matututunan
na makakapagpabago kung paanu ninyo tingnan ang mga isyung kinakaharap ng
ating bansa lalong lalo na ang isyu sa globalisasyon.

Part 2. Balik-Aral
 Bago natin simula ang ating magiging talakayan ay magbalik-aral muna tayo sa inyong
nakaraang aralin tungkol sa mga kontemporaryong isyu na kinakaharap ng bansa.
Magbibigay ako ng mga katanungan sa inyo upang alamin kung gaanu kalawak ang
inyong naintindihan at natatandaan tungkol sa nakaraang leksyon.
 Unang tanong, ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa
kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay
sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao kasabay o kapanahon. (Pause for 5
seconds). Kung ang sagot ninyo ay kontemporaryong isyu, tama kayo mga bata!!
Dahil diyan, itap ninyo ang inyong sarili at sabihin, mahusay ka!!

 Susunod naman na tanong ay, ayon sa inyong nakaraang leksyon, ano ang mga
natatandaan ninyong kontemporaryong isyu na kinakaharap at nilalabanan ng
Pilipinas. (Pause for 5 seconds). Tama! Kabilang sa mga isyung kinakaharap ng
bansa ay ang kontemporaryong isyung panlipunan, pangkalusugan,pangkapaligiran
at pangkalakalan. Ang gagaling niyo mga bata!!

 Sa panghuling katanungan, Bakit mahalagang may kamalayan at kaalaman kayong


mag-aaral sa mga kontemporaryong isyu na kinakaharap ng ating bansa? Sa tingin
niyo? Anu ang maidudulot nitong maganda sa ating lipunan? (Pause for 10
seconds.) Magaling!! Nakakamangha ang inyong mga sagot, makikita talaga na
lubos niyong naintindihan at naisabuhay ang mga leksyong natutunan niyo mula sa
nakaraang aralin. Palakpakan at purihin niyo ang inyong mga sarili dahil karapat-
dapat kayong bigyan ng papuri!!
Part 3. Pagganyak

 Bago magsimula ang pormal na aralin ay magbibigay muna ako ng gawaing


pagganyak. Hahatiin ko ang klase sa apat na grupo upang magawa at masimulan
niyo na ang inihandang aktibidad. Ang gagawin niyo ay ang larong "4 pics 1 word".
Simple lamang ang gagawin, may ididikit ako na tig aapat na larawan sa pisara kung
saan kailangan niyong hulaan ang isang karaniwang salita na tinutukoy ng apat na
larawan. Pagkatapos nito ay bibigyang kahulugan o explinasyon ninyo ang mga
salitang nahulaan at isusulat lamang ng lider ang inyong sagot sa papel. Sa
pamamagitan ng gawaing ito ay malalaman ko kung gaanu kalawak ang kaalaman
ninyo tungkol sa leksyong tatalakayin pa lang.

 Ito ang mga larawang inyong makikita (ipapakita sa bidyu ang mga larawan) na
gagawan niyo ng isang salita at pagkatapos ay ipapaliwanang ninyo kung ano ang
nakuha o alam ninyong ideya tungkol sa mga larawan. Galingan niyo mga bata!!

Part 4. Paglalahad

 WOW!! Ayon sa inyong ipinamalas na galing sa paghuhula at pagbibigay kahulugan


sa mga salitang natuklasan sa ating naging pambungad na gawain, ano ang
kapansin-pansin sa inyong ginawa?
 Mula sa mga larawang inyong nasaksihan, anung ideya ang tumatak sa inyong
kaisipan?
 Ano-ano ang dahilan, dimensyon at epekto na dulot ng globalisasyon sa bansa?
 Ano kaya ang maaaring gawin upang masolusyunan ang mga isyu at problemang
dulot ng globalisasyon ?
 Halina’t samahan niyo akong tuklasin at sagutin ang mga katanungang ito sa
pamamagitan ng ating magiging talakayan.

Part 5. Talakayan
 Ngayon, tiyak ako na handa na kayo sa ating aralin sa araw na ito – tatalakayin na
natin ang iba’t-ibang Dahilan, Dimensyon at Epekto na dulot ng Globalisasyon. Sa
araling ito kailangang ibigay ang inyong buong atensyon at oras sa pagtuklas at pag-alam
sa mga leksyong ituturo ko.

 Maraming dahilan o sanhi kung papaano umusbong ang globalisasyon. Malawak din
ang naging saklaw/dimensyon at epektong naidulot nito sa ating ekonomiya at uri ng
pamumuhay. Ngunit malaking hamon din sa bansa ang mga makabagong
pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng globalisasyon. Halos lahat sa atin ay
sinisikap na matutunang tanggapin at isabuhay ang mga pagbabagong dulot ng
globalisasyon. Kaakibat naman ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung
paano tutugunan ng bawat pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng
globalisasyon, mga isyu sa lipunan na nagdulot ng malaking epekto at pagbabago
sa buhay ng tao.

KAHULUGAN NG GLOBALISASYON

 Ang globalisasyon ay tumutukoy sa konsepto ng mas malawak na pagkakaugnay-


ugnay ng iba't ibang bansa sa mundo. Ang globalisasyon ay ang pagkalat ng
mga produkto, teknolohiya, impormasyon at trabaho sa iba't ibang mga bansa at
kultura. Ang globalisasyon ang dahilan ng patuloy na pagliit ng mundo sa aspeto ng
pangangalakal, komunikasyon at iba pa. Sa kabilang banda, mahalaga na
nasusuri natin ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon sa ating ekonomiya
at pamumuhay dahil isa ito sa mga paksang tinatalakay sa araling Mga
Kontemporaryong Isyu.

IBA’T-IBANG PERSPEKTIBO AT PANANAW NG GLOBALISASYON BILANG


SULIRANING PANLIPUNAN

 UNANG PANANAW
Ang globalisasyon ay nakaugat sa bawat tao. Ito ay nagmula kay Nayan Chanda (2007). Ayon sa
perspektibong ito, likas sa tao na gumawa ng mga paraan upang mapayaman at mapadali ang
buhay nito. Dito nagsimula ang pagkakaroon ng globalisasyon.

 PANGALAWANG PANANAW
Ang globalisasyon ay isang mahabang cycle. Ito ay nagmula kay Scholte (2005). Ayon sa
perspektibong ito, ang globalisasyon ay isang walang katapusang proseso o siklo ng pagbabago.

 PANGATLONG PANANAW
Ang pangatlong pananaw o perspektibo ay naniniwalang may anim na “wave” o panahon ang
globalisasyon. Ito ang binigyang-diin ni Therborn (2005). Ang anim na “wave” o panahon na ito ay
may iba’t ibang katangian.

 PANG-APAT NA PANANAW
Ang ikaapat na pananaw o perspektibo ay hawig sa ikatlong pananaw. Naniniwala ito na ang
simula ng globalisasyon ay galing sa partikular na pangyayari mula sa kasaysayan at maaaring
marami ang pinag-ugatan o ang naging sanhi ng globalisasyon. Halimbawa ng mga pangyayaring
ito ay ang kalakalan sa Mediterranean noon gitnang panahon, ang pagsisimula ng pagbabangko
sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 na siglo, at ang paglalakbay ng mga vikings mula
Europa patungong Iceland, Greenland at Hilagang Amerika.

 PANGLIMANG PANANAW
Ang pang-limang pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay nagsimula sa
kalagitaan ng ika-20 na siglo, kung saan ang tatlong pangyayaring ito ay may direktang kinalaman
sa pag-usbong ng globalisasyon. Pag-usbong ng kapangyarihan ng Estados Unidos pagkatapos
ng World War II. Paglipana ng mga multinational corporations (MNCs) at transnational
corporations (TNCs). Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War.

IBA PANG SANHI O DAHILAN NG PAG-USBONG NG GLOBALISASYON


Ang primaryang dahilan ng globalisasyon ay ang mga sumusunod:
 Isa sa itinuturing na naging sanhi o dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon ay ang
paglaganap ng digmaan.
 Pagpapalitan ng mga pananaw, produkto, ideya, at iba pang mga aspeto ng kultura
ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa.
 Isa sa mga pangunahing dahilan o salik sa globalisasyon ang paglago ng
teknolohiya, partikular ang pagkakaroon ng mga makabagong kasangkapang
pantransportasyon (gaya ng eroplano) at pangkomunikasyon (gaya ng smart phones
at Internet). Sa paggamit sa mga ito, nagkakaroon ng mabilis at madaling
pagpapalitan at pagtutulungan (interdependence) sa mga gawaing pangkultura,
panteknolohiya, at pang-ekonomiya.
 Dahilan din ng paglaganap ng globalisasyon ang bumabang gastos (reduced cost)
sa paglikha ng mga transaksiyon o palitan (exchange), pati na rin ang pinabilis na
pagkilos ng kapital (increased mobility of capital)

DIMENSYON NG GLOBALISASYON
 PANG-EKONOMIYANG DIMENSYON NG GLOBALISASYON
Ang pang-ekonomiyang dimensyon ng globalisasyon ay tumutukoy sa pagpapaigting,
pagdaragdag, at pagpapalawak ng mga ekonomikong ugnayan sa buong mundo. Ang
pagnanasa para sa kapayapaan at seguridad sa kabuhayan ang nagtulak sa paglikha ng
pandaigdigang sistemang pang-ekonomiya.
Nagbigay daan sa globalisadong ekonomiya sa daigdig ang malayang daloy ng
kalakal, teknolohiya, kapital at mga kasanayan. Mula pa sa panahon ng Silk Road
hanggang sa paglikha ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) at pagsilang
ng World Trade Organization (WTO), gumaganap na ang kalakalan ng mahalagang
papel sa pagsuporta sa kaunlarang pang-ekonomiya at pagtaguyod ng mapayapang
relasyon sa mga bansa. Ang globalisasyon sa ekonomiya ay sanhi ng paglitaw ng
malalaking korporasyong transnasyunal, mga makapangyarihang internasyunal na
ekonomikong institusiyon, at malalaking sistemang pangkalakalan sa mga rehiyon sa
mundo.

 PAMPULITIKANG DIMENSYON NG GLOBALISASYON


Ang globalisasyong pampulitika ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng mga
ugnayang pampulitika sa buong mundo. Nakapaloob sa dimensyong pampulitika ng
globalisasyon ang mga aspetong makakatulong upang mas pagtibayin at pagandahin
ang samahan ng mga bansang handang makipagkalakalan at maghatid ng pagbabago o
makabagong teknolohiya.
 SOSYO-KULTURAL NA DIMENSYON NG GLOBALISASYON
Ang Sosyo-Kultural na Dimensyon ng Globalisasyon o ang pangkulturang
globalisasyon ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng mga daloy ng kultura sa buong
mundo. Halimbawa ng Sosyo-Kultural na Dimensyon ng Globalisasyon ang paglaganap
ng ilang mga cuisine tulad ng mga fast food ng Amerika. Ang dalawang
pinakamatagumpay na pangdaigdaigang fast food outlet, ang McDonald’s at Starbucks,
ay mga kumpanyang Amerikano na may libu-libong sangay sa iba’t ibang panig ng
mundo.
Ang pangkulturang globalisasyon ay nagaganap sa kasalukuyan sa pamamagitan
ng mass media, social media, at iba pang mga aplikasyon ng computer and internet
technology, at maging sa anyo ng mga streaming platform kung saan napapanuod ang
kultura ng iba’t ibang bansa. Gamit ang mga ito, napakadali para sa isang Pilipino,
halimbawa, na malaman at maisabuhay ang kultura o paniniwala ng mga tao sa Korea o
Amerika.
 ANG EKOLOHIKAL NA DIMENSIYON NG GLOBALISASYON
“Nakatuon ang ang ekolohikal na dimensiyon ng globalisasyon sa mga epekto ng
mga pandaigdigang unyon sa mga isyung pangkapaligiran. Kinikilala ng dimensiyong ito
na mayroong hindi maiiwasang ugnayan sa pagitan ng sangkatauhan at ng ating planeta
o ng mundo.’ “Tumutukoy ang ekolohikal na globalisasyon sa mga pandaigdigang isyung
pangkapaligiran na kinabibilangan ng paglaki ng populasyon, akses sa pagkain,
pagbaba ng pandaigdigang biodiversity, pagbabago ng klima na dulot ng tao, at
pagkasira ng pandaigdigang kapaligiran.’ “Isang katotohanan na nakakaapekto ang
globalisasyon sa ekolohiya. Halimbawa, dahil sa pagtaas ng antas ng globalisasyon,
hindi sinasadyang naipakilala o nadala ng mga tao ang ilang uri ng mga hayop, halaman,
at maging mga sakit sa ibang lokalidad.’
“Sinasabi rin na ang proseso ng globalisasyon ay nagpapataas sa hindi mapigilang
paglaki ng populasyon, labis na padron ng pagkonsumo sa mayayamang bansa,
kakulangan sa pagkain, pagbaba ng biodiversity, global warming, at pagbabago ng
klima.”

EPEKTO NG GLOBALISASYON
 MGA EPEKTONG PANG-EKONOMIYA
Dahil sa globalisasyon, nabuwag ang mga hadlang sa kalakalan, nagsama-sama ang
pangunahing mga stock market sa daigdig, at naging mas mura at madali ang
paglalakbay. Naging pare-parehong interes ng mga bansa na padaliin ang pagtatawid ng
mga kalakal at serbisyo dahil na rin sa pangangailangan sa mga internasyunal na
transaksiyon bunsod ng globalisasyon. Ang mga ito ay nagbunga ng pagkakalikha ng
maraming paggawaan, merkado, oportunidad sa trabaho, mga produktong kalakal at
negosyo, at mga transaksiyong pangnegosyo.
 MGA EPEKTONG PANG-ESTADO O PAMBANSA
Dahil na rin sa globalisasyon, ang mga bansa ay naengganyong sumapi sa mga
internasyonal na organisasyon tulad ng International Monetary Fund (IMF) o ng World
Bank (WB). Ito ay nagbibigay sa mga member-state ng ilang mga uri ng proteksiyon sa
kanilang ekonomiya lalo na kapag dumaan sa problemang pinansiyal.
Ngunit sa kabilang dako, ang pagkakaugnay (interconnectedness) na ito ay maaari ding
magkaroon ng negatibong epekto tulad ng naobserbahan kamakailan nang magkaroon
ng economic crisis.
 MGA EPEKTONG PANG-GOBYERNO O PAMPAMAHALAAN
Mapapansing nagkaroon ng mga bago at mas kumplikadong gampanin ang mga
gobyerno o domestikong pamahalaan dahil sa globalisasyon. Bunga ng globalisasyon,
dumami rin ang mga kaso o sigalot sa pagitan ng mga partido sa mga kontrata o
kasunduan (contracting parties) na dapat dinggin o ayusin ng pamahalaan.
Naging bahagi ng pananagutan ng mga gobyerno ng mga legal na sistema na
poprotekta sa pribadong pagmamay-ari ng ari-arian (private ownership of property).

 MGA EPEKTONG PAMPOLITIKA AT PANLIPUNAN


Epekto ng globalisasyon ang pagkakaroon ng mga tensiyon sa pagitan ng mga estado.
Sapagkat mas dumami at dumalas ang interaksiyon sa pagitan ng mga bansa dahil sa
globalisasyon, ang natural na epekto ay ang mga hindi pagkakaunawaan sa maraming
bagay, bunga na rin ng mga nagbabanggaang mga interes. Nagkaroon din ng mga
suliranin na may kinalaman sa karapatan sa paggawa, karapatang pantao, mga
karapatan ng mga mamimili, at iba pang kayuri ng mga ito.

Bilang halimbawa, ang kompanyang NIKE ay siniyasat nuon ng mga NGO dahil sa
diumano ay may poor labor condition sa mga pabrika nito sa ilang mga bansa.
 MGA EPEKTONG PANGKULTURA
Mahalaga ang ginagampanang papel ng globalisasyon, gamit ang media, sa
amalgamasyon o tila pag-iisa ng mga bansa. Lalo na kung popular ang isang media
event at malakas o makapangyarihan ang gamit na media format, mabisang nalilikha
ang isang global na komunidad o ang pakiramdam na ang mga tao, saanman naroroon,
ay tila nabibilang sa iisang komunidad lamang.
 MGA EPEKTONG PANG-EDUKASYON
Ang globalisasyon ay salik sa pagrebisa sa mga nilalaman at uri ng edukasyono kurikula
na iniaalok ngayon ng mga paaralan. Mapapansin na maraming eskwelahan sa ngayon,
lalo na ang mga pribado, ang kumikiling sa pag-aalok ng edukasyong internasyonal.
Dahil pinabilis at pinadali ng globalisasyon ang migrasyon, ang mga akademikong
institusyon ay mayroon na ring mga programa para sa mga banyagang mag-aaral.

Dahil sa globalisasyon, nagkaroon din ng distance education at ng iba pang bagong


anyo ng edukasyon.
 MGA EPEKTONG PANG-EKOLOHIYA
Bilang epekto ng globalisasyon, ang mga likas na yaman sa mga papaunlad na bansa ay
tila agarang napagsasamantalahan ng mga makapangyarihang nasyon. Pinaluwag kasi
ng globalisasyon ang mga hadlang (barrier) sa cross-border na kalakalan. Masasabi rin
na dahil sa globalisasyon, nagkaroon ng paglilipat-lipat o pagkalat ng ilang species at
mga sakit sa maraming bahagi ng mundo. Maibibigay na halimbawa nito ang
paglaganap ng mga invasive na species at pathogens, tulad ng mga fire ants mula sa
Timog Amerika, at ang mga virus na SARS at Covid-19 mula sa Tsina.
Ngayon, tapos ko nang ipaliwanag at ibahagi sa inyo ang iba’t-ibang dahilan, dimensyon
at epekto ng globalisasyon.
Part 6. Paglalahat
 Natalakay na din natin sa araw na ito ang kahulugan globalisasyon, ito ay
naglalarawan sa lumalawak na ugnayan ng mga ekonomiya, kultura at
populasyon ng mundo bunsod ng mabilis na palitan ng mga produkto at serbisyo
sa pagitan ng mga bansa, pag-unlad ng teknolohiya, daloy ng salapi, migrasyon
at mabilis na palitan ng impormasyon. Maging ang iba’t-ibang sanhi, dimesyon at
epekto nito sa atin ay natalakay na rin. Isang hamon sa ating lipunan kung paano
natin masosolusyunan ang mga ganitong problema. Kaya una sa lahat ay
mahalagang maunawan natin ang kahulugan ng mga terminolohiyang ito upang
lubos na maintindihan ang ating lipunan at kung ano ang ginagampanan nilang
gampanin sa lipunan.
 Napaghambing na natin at natukoy ang iba’t ibang dahilan, dimensyon at naging
epekto ng globalisasyon sa ating ekonomiya Ngayon, ang maaari nating gawin
ay ipaliwanag at buksan ang isipan ng kapwa natin mamamayan sa kung anu
ang mga isyung dulot nito sa ating ekonomiya at kung papaano natin maiiwasan
at mas mapapaganda ang ating bansa.
 Alam narin natin ang kahalagahan ng pagkatuto ng mga mga leksyong ito.
Nabubuksan nito ang ating kamalayan at isipan sa mga isyung kinakaharap ng
ating bansa.

Part 7. Pagtataya
 Ngayon, natatandaan niyo ba lahat ng napag-aralan natin tungkol sa
globalisasyon at ang iba’t-ibang dahilan, dimensyon at epekto na dulot
nito?(Pause for 3 Seconds) Magaling mga bata!
 Bago natin tapusin ang araling ito, magkakaroon muna tayo ng pagtataya kung
saan susubukin ang inyong kaalaman at kahusayan sa pag-alala at pag-intindi sa
naging leksyon natin.
 Parte ng aralin ang pagkakaroon ng pagtataya, ang pagtatanong o pagsusuri kung
nakakasunod ang mga mag-aaral. Inaasahang makakasagot sila sa mga susunod na
tanong.

1. Bilang mag-aaral ano ang magagawa mo upang mas lubos pang maunawan
ang mahalagang impormasyon tungkol sa mga dahilan, dimensyon at epekto
ng globalisasyon sa ating bansa?
2. Paano mo ipapakita ang pakikiisa upang masolusyunan ang isyung
kinakaharap natin dulot ng globalisasyon?
3. Ikaw bilang kabataan, sa tingin mo, ano ang maaari mong gawin o maiambag
upang mas mapaganda at umunlad ang ating ekonomiya?

Part 8. Takdang-Aralin
 Bago matapos ang klase ay mag-iiwan ako sainyo ng takdang-aralin upang mas
lumawak pa ang inyong kaalaman.
 Sa pamamagitan ng internet, magsaliksik at mangalap ng iba't ibang sitwasyon o
pangyayareng naganap sa Pilipinas na dulot ng Globalisasyon. Pagkatapos nito ay
gumawa ng malikhaing gawain tulad ng poster o painting na nagpapakita ng maaaring
maging solusyon sa sitwasyon ng globalisasyon ng ating bansa. Sa ganitong paraan
ay maipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain.

Part 9. Pagtatapos/Paalam
 Ngayon ay tapos na natin ang lahat ng aralin, masaya akong makasama at
maturuan kayong lahat, lubos ang galing na inyong ipinakita sa ating naging
talakayan at sa mga ginawang pagsubok kaya naman lubos ko kayong binabati
at ipinagmamalaki! Sabay-sabay niyong sabihin, ako ay batang pilipino na
aktibo at may pakialam sa bayang sinilangan!! Lakasan niyo pa class, ako ay
batang pilipino na aktibo at may pakialam sa bayang sinilangan!! Di papatinag
at sisikaping matuto at pagbutihin ang sariling kamalayan.

 Paano ba ‘yan, kailangan ko nang magpaalam, sana may natutunan kayo sa


ating naging talakayan ngayon at sana ay inyong maisabuhay ang mga aral o
leksyong inyong nalaman. Maraming salamat at sana ay patuloy kayong
maging masisipag at magagaling na mag-aaral. Paalam, sa muli ako si
Teacher Kyle na nagpapaalalang ang batang may alam at pakialam ay malayo
ang mararating sa buhay!

You might also like