You are on page 1of 4

St.

Mary’s College of Baliuag


Baliuag, Bulacan
Taong Pampanuruan 2020-2021

ISO 9001:2015 Certified


Certificate No. 01 100 1534708 PAASCU Level III Accredited

Asignatura: Araling Panlipunan Baitang: 10 Markahan: Una


Blg. ng Modyul: 1 Paksa: Konsepto at Kahalagahan ng Kontemporaryong Isyu

I. PANIMULA
Bilang isang kabataang Pilipino, mahalagang ikaw ay mulat sa mga pangyayari at
mga pagbabagong nagaganap hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi maging sa buong
mundo. Maraming mga isyu o mga pangyayari sa iyong pamayanan ang hindi mo
namamalayang may malaking epekto na pala sa paghubog sa iyong pagkatao at maging
sa iyong kinabukasan.

Ikaw ay kabilang sa makabagong henerasyon. May mga bagay sa iyong buhay ang
hindi mo lubos na nauunawaan, at may mga ugali kang minsan ay hindi naiibigan ng
iyong mga magulang o nakatatanda sa iyo na nagiging ugat ng alitan o hindi
pagkakaunawaan. Bahagi ng iyong pagtanda ang mga bagay na dapat mong matutunan
upang ikaw ay maging handa sa pagharap sa mga hamon ng buhay sa hinaharap.

Ang mga kontemporaryong isyu tulad ng kahirapan, climate change, unemployment,


paglabag sa karapatang pantao at maging ang pagkalat ng CoViD 19 sa buong mundo
ay may malaking epekto sa ating pang araw-araw na buhay. Sa bawat pangyayaring
nagaganap, may mga bagong aral ng buhay tayong natututunan. Mga aral tulad ng
pagmamahal sa kapwa at tiwala sa Poong Maykapal na makatutulong sa atin upang tayo
ay lalo pang maging matatag at matapang sa anumang pagsubok na maaaring dumating.

II. Ang modyul na ito ay nilikha upang iyong:


 maipaliliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu
 masusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

III.TALAKAYAN

A. Dapat Mong Malaman

Konsepto ng Kontemporaryong Isyu


Kapag narinig mo ang salitang Kontemporaryo (Contemporary), anu- ano ang
mga bagay na naiisip mo? Maaari mong isulat sa loob ng kahon ang mga ito.

KONTEMPORARYO
(CONTEMPORARY)

1
THINKING OUT LOUD:
Umupo ka muna saglit. Maaari kang magpatugtog ng awitin tulad ng “Heal the World”
at “Fight Song”, o kaya naman ay pumunta ka sa isang pwesto kung saan tanaw mo ang
mga puno, halaman o ang mga ulap. Huminga ka nang malalim (inhale…exhale…). Isipin
mo ang mga pangyayari o isyu sa kasalukuyan: maaaring sa loob o labas ng bansa, na
nakatawag ng iyong pansin o nakapagpabahala sa iyo. Maaari mong isulat sa mga scroll na
nasa ibaba ang mga pangyayari o isyung iyong napag- isipan.

Pagkatapos mong gawin ang pagtatala, bumuo ka ng isang pangungusap na


magbibigay- kahulugan sa Kontemporaryong Isyu.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________
( http://www.csrmandate.org/covid-19-through-the-looking-glass)

Ano nga ba ang kahulugan ng


kontemporaryong isyu? May pakialam ka
ba rito? Mahalaga ba ang mga isyung ito?
Kailangan mo pa ba itong pag- aralan?
Magiging makabuluhan ba ang iyong buhay
kung magkakaroon ka ng kaalaman sa mga
isyung ito?

Sa pag- aaral ng kontemporaryong


isyu, ikaw ay magiging mulat sa kalagayan
ng tao at ng mundo. Kapag sinabing
kontemporaryo, saklaw nito ang
kasalukuyang panahon. Ang isyu naman ay tumutukoy sa usapin, tema, suliraning pinag-
uusapan, sinusuri at pinagtatalunan. Sa madaling sabi, ang kontemporaryong isyu ay
matatawag ding napapanahong isyu o mga usapin, tema at suliraning kinakaharap ng mga
tao sa kasalukuyan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay kahirapan (poverty), kawalang
trabaho (unemployment), climate change, globalisasyon, migrasyon (migration), paglabag
sa karapatang pantao (human rights violation), corruption, gender equality at iba pa. Ang
mga isyung ito ay laging laman ng balita sa araw- araw sa kahit anong istasyon ng
telebisyon at radyo maging sa mga social networking sites tulad ng facebook. Kahit hindi ka
mahilig manuod ng balita basta ikaw ay may internet connection, may makukuha kang
impormasyon o mga bagong pangyayari na may kinalaman sa mga isyung nabanggit.

Ang mga kontemporaryong isyung ito ay nakaaapekto sa ating pang araw- araw na
buhay. Maging ito man ay positibo o negatibo siguradong naaapektuhan nito ang ating mga

2
ginagawang desisyon sa araw- araw. Ang pinakabagong kontemporaryong isyu na patuloy
na sumusubok sa katatagan, pagkakaisa at pananampalataya ng halos lahat ng bansa sa
buong mundo ay ang pagkalat ng CoViD-19 o Corona Virus Disease.

Dahil sa CoViD-19, nararanasan mo ngayon ang tinatawag na “New Normal”. Dapat


ngayon ikaw ay nasa classroom at nag- aaral, ngunit dahil sa panganib na dulot ng CoViD-
19 ikaw ngayon ay nasa bahay at nakikinig na lamang sa online classes o maaaring
nagsasagot ng mga printed self-learning modules na ipinadala ng iyong guro mula sa
SMCB.

Kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay maaari mong matamo


ang mga sumusunod:

 Ikaw ay magkakaroon ng malalim na pang- unawa sa mga nangyayari sa iyong


paligid at magiging mapagmatyag na mamamayan ng ating bansa.

 Ikaw ay maaaring maging bahagi hindi lamang ng ating lipunan kundi maging ng
buong mundo (global citizens). Sa bawat pagbabagong nagaganap sa ating mundo
nararapat lamang na ikaw ay magkaroon ng bukas na isipan sa pagtanggap sa mga
pagbabagong ito.

 Ikaw ay maaaring makabuo at makapagpahayag ng iyong sariling opinyon o ang


tinatawag nating freedom of expression sapagkat ikaw ay magiging maalam at mulat
sa mga nangyayari sa iyong paligid.

 Ikaw ay maaaring magmungkahi, makiisa at gumawa ng maaaring solusyon sa isang


isyu.

Gamitin nating halimbawa ang pandemyang CoViD-19, ikaw bilang responsableng


mamamayan ay mas pinili mong manatili sa loob ng bahay bilang pag- iingat sa
iyong sarili at upang maiwasan ang pagkalat ng virus at makatulong sa iyong sariling
paraan.

(https://digitalagencynetwork.com/memorable-stay-home-ad-campaigns-by-brands-for-covid-19/ ) (http://www.publichealthnewswire.org/articles/2020/04/03/please-stay-home )

Para sa mga karagdagang impormasyon at pagpapaliwanag maaari mong


bisitahin ang mga sumusunod na link para sa mga videos:

 https://www.youtube.com/watch?v=SZ2WtTXRLLo
 https://www.youtube.com/watch?v=vu3ns0xWKVA

3
IV. IYONG TANDAAN!

 Ang Kontemporaryong Isyu ay napapanahong mga usapin, tema at suliraning


kinakaharap ng mga tao sa kasalukuyan.

 Ang ilan sa mga halimbawa ng kontemporaryong isyu ay kahirapan (poverty),


kawalang trabaho (unemployment), climate change, globalisasyon, migrasyon
(migration), paglabag sa karapatang pantao (human rights violation), corruption,
gender equality at iba pa.

 Sa pamamagitan ng pag- aaral ng kontemporaryong isyu ay maaari mong matamo


ang mga sumusunod:

 maging mapagmatyag na mamamayan


 maging bahagi hindi lamang ng ating lipunan kundi maging ng buong
mundo
 makapagpahayag ng iyong sariling opinion
 magbigay, makiisa at gumawa ng mungkahing solusyon

VI. SANGGUNIAN:

Bete, J. (2020, May 11). ARALING PANLIPUNAN ONLINE LEARNING: Ang Kahalagahan
ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=SZ2WtTXRLLo

Patrick Aye. (2020, May 31). ARPAN 10 ONLINE LECTURES: "Aralin 1: Kahalagahan ng
Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu" Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=vu3ns0xWKVA

Imchen, A. (2020, May 20). COVID-19: Through the Looking Glass. Retrieved from
http://www.csrmandate.org/covid-19-through-the-looking-glass/

You might also like