You are on page 1of 6

LETRAN DE DAVAO, INC.

Seminary Drive, Tagum City

LEARNING GUIDE
ARALING PANLIPUNAN 10
( Kontemporaryong Isyu)
SY: 2021-2022

Prepared by: MRS. ANNIEVIC H. NACARIO


AP10-Teacher

Approved by:MRS. HERMINIA P. ALABA


Academic Coordinator/ Asst. Principal

Noted by: FR. LARRY JAY PACCIAL LANTANO,CSCH.


School Director / Principal
UNANG MARKAHAN

MGA KONTEMPORARYONG ISYU : Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-


Ekonomiya

WEEK : 1 (August 16-20, 2021)

ARALIN 1: Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Kayamanan : Mga Kontemporaryong Isyu


Batayan at Sanayang aklat sa araling Panlipunan
nina : Antonio, Abulencia,Imperial, et.al.
LAYUNIN:
a.) Naipaliliwanag ang konseptong kontemporaryong Isyu.
b.) Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu.

PANIMULA:
Sa ngayon, may mga suliranin at isyung kinakaharap ang ating bansa at lipunang global na
lubhang nakaaapekto sa ating pamumuhay. Ang pagbibigay-pansin sa mga suliranin at isyung ito ay
mahalaga sa pagnanais nating makapamuhay nang maunlad at matiwasay. Ilan sa mga
mahahalagang desisyon na maaari nating gawin ay nakasalalay sa masusing pag-aaral ng mga
kontemporaryong isyu.

Sa markahang ito, inaasahang mauunawaan at maipaliliwanag ang konsepto ng


kontemporaryong isyu. Inaasahan din na masusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga
kontemporaryong isyu. Nakapaloob din sa markahang ito ang suliraning pangkapaligiran sa sariling
pamayanan, sa ating bansa, at sa buong mundo.

Inaasahang magkakaroon kayong mag-aaral ng malalim na pag-aanalisa sa mga


kontemporaryong isyu upang lubusan mong maunawaan kung paano kayo makakatulong sa paglutas
ng mga suliraning kaakibat nito.

MOTIVATING ACTIVITY:
Sagutin ang katanungang ito:

1. Ano sa palagay ninyo ang pinaka-nakapagbabagabag na suliranin ngayon na nararanasan


ng ating bansa pati na sa buong mundo?

TALASALITAAN:
Pag-aralan ang mga salitang nakalista sa kahon.
Kontemporaryo mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at
nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa
kasalukuyang panahon.
Isyu paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa lipunan
News o balita mga nagaganap o kaganapan sa lipunan, bansa, o sa mundo
LEARNING ACTIVITIES:

Activity 1 : Tara Na’t Ating Alamin! (Online/ Virtual Class)


 Subject Orientation :
 Pre-test :
Buksan ang aklat sa pahina 2, Paunang Pagtataya, at subukang sagutin ang
mga katanungan o aytem na nandoon. ( Paglilinaw sa mga sagot)

 Motivating Activity:
Tanong: Ano sa palagay ninyo ang pinaka-nakapagbabagabag na suliranin
ngayon ng lipunan?Ito ba’y makaaapekto sa mga susunod na araw o taon?

Talakayan: Ano ba ang kontemporaryong isyu?

Basahin ang Talaan na nasa baba ng kahon at isulat ito kung ito ba
ay halimbawa ng Kontemporaryong Isyu o Kasalukuyang suliranin.

Mga Kontemporaryong Mga Kasalukuyang Suliranin


Isyu

 Talaan:
Paghahanda ng mabuting menu
Ipinagbabawal na gamut
Gender discrimination
Problema sa trapiko
Pagkasira ng pananim
Kahirapan
Paggawa ng matibay na tirahan
Diborsyo

 Pamprosesong tanong:
1.) Paano naiiba ang kontemporaryong isyu sa problema o suliranin?
2.) Paano mo masasabing ang isang isyu ay kontemporaryong isyu?
Ano-ano ang katangian ng isang kontemporaryong isyu?
Activity 2 : Video Viewing / Presentation
( Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu)
 Talakayan
 Tanong/Sagot
Tanong : 1.) Mahalaga ba ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu
sa lipunan at daigdig?
2.) Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang benepisyo na makukuha
sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu para sa iyong sarili at para sa
bansa?
3.) Paano mamumulat ang mga mag-aaral na tulad mo sa mga
kontemporaryong isyu?
4.) Paano nakakatulong ang pagkamulat sa mga kontemporaryong isyu
sa pagpapaunlad ng bansa?
5.) Paano ka makakatulong upang mabigyan ng kalutasan ang mga
problemang dulot ng kontemporaryong isyu sa ating bansa?
Activity 3: Writing Activity
 Sagutin ang Tiyakin 1 (Textbook, p.11), Tiyakin 3 -A at C ( textbook, p.18) at
Pagnilayan at Unawain- A( textbook, pp. 19-20). Isulat ang inyong sagot sa
Worksheet / LMS.

SYNTHESIS /CLOSURE:
“Stay Connected to keep the pace of the changing world”, ang sabi ng isang eksperto at
mamamahayag ng CNN na si Anderson Cooper. Well, kailangan nating makibahagi at makialam sa mga
pangyayari sa ating palibot. Pakialam at pakikibahagi na angkop sa isang sibilisado at edukadong
mamamayan ng ating lipunan at bayan. Kailangan tayong konektado kaugnay sa ating palibot, sa mga
pangyayari upang tayo ay mas may alam at makaiiwas sa mga hindi dapat. “Lamang ang may alam” ika nga ni
ka Ernie Baron. Kaya kayong mga kabataan dapat lang na makialam at pag-aralan ang mga bagay bagay na
natural nangyayari sa inyong buhay.

PURPOSIVE ASSIGNMENT:
Basahin ang aralin 2, “Mga Suliraning Pangkapaligiran:
Sa Harap ng Mga Kalamidad”

_____________________________________________________________________________________

WEEK : 2 & 3 (August 23-28 to August 31-September 4, 2021)

PAKSA: Mga Suliraning Pangkapaligiran


Aralin 2: Sa Harap ng mga Kalamidad
LAYUNIN:
a.) Natatalakay ang kalagayan, suliranin, at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran ng Pilipinas;
b.) Natutukoy ang mga ahensya ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng mamamayan
sa panahon ng kalamidad.
PANIMULA:
Taon-taon ay nakararanas ng kalamidad ang iba’t-ibang bahagi ng mundo, pati na ang ating bansa.
Napakalaking pinsala ang dulot nito sa ating buhay, ari-arian, kalusugan, ekonomiya, at kapaligiran.
Nasaksihan natin kung paano magalit ang kalikasan. Maraming kalamidad ang naranasan ng buong mundo,
lalo na sa Pilipinas: bagyo, baha, drought, lindol, landslide, flashflood, pagputok ng bulkan at storm surge. Ang
lahat ng ito ay mga suliraning pangkapaligiran na ngayon ay ating pag-aralan upang ito’y ating lubos na
maunawaan lalo na ang mga epekto nito at mapaghandaan para maiwasan ang mas malaking pinsala sa ating
buhay.

PAGBABALIK-ARAL / REVIEW :
*Muli nating balikan ang ating leksyon noong isang linggo. Ang kontemporaryong isyu ay ang mga
pangyayari na bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o
mundo sa kasalukuyang panahon. Ibig sabihin, ito ay mga naganap noon na nakaaapekto pa rin sa mga
pangyayari sa kasalukuyan.
Ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay mahalaga lalo na sa mga kabataan ngayon tulad ninyo,
dahil kayo ang magmamana sa mga ginagawa ng tao ngayon. Maraming hamon ang susuungin natin sa
buhay, sa kalusugan, na tayong lahat, buong mundo ay may kinakaharap na mga hamon tulad ng
pandemya_COVID 19. Paano tayo magiging handa sa hamong ito kung wala tayong alam? Paano natin
mabibigyang proteksyon ang ating mga sarili, pamilya, at mga kaibigan kung tayo ay isang pabaya at walang
alam. Ang pandemyang ito ay siguradong makaaapekto sa lahat ng aspekto sa buhay. Kaya ang pagiging
mulat at may alam ay may lamang.
MOTIVATING ACTIVITY:
 Pre-Test : (Recitation)

I. Identification:
Panuto: Basahin at ibigay ang hinihingi sa bawat aytem.

1. Ano ang tawag sa matinding tagtuyot na nagiging sanhi ng problema ng kabuhayan?


2. Ang matagal na tag-ulan na nagiging sanhi ng pagbaha ay tinatawag na_.
3. Ano ang tawag sa abnormal na pagtaas ng tubig ng dagat mula sa normal na lebel nito dulot
ng matinding pagbaba ng atmospheric pressure at hanging dala ng bagyo?
4. Ano ang pangkalahatang kondisyon ng panahon sa isang lugar?
5. Ano ang pisikal na kapaligiran; likas na tanawing gawang Diyos?

 Tanong:
 Sa anong kalamidad ka mas pamilyar?
 May karanasan ka ba tungkol dito?

LEARNING ACTIVITIES:
Activity 1 : Angat Ang May Alam! (Online / Virtual Class)
 Balikan ang Tanong:
 Sa anong kalamidad ka mas pamilyar?
 May karanasan ka ba tungkol dito?
 Talakayan ng Aralin 2 gamit ang aklat.(p.25-34)

Activity 2 : Video Clips Presentation


 “Ten Most Insane Natural Phenomena Caught on Camera”
 “Isyung Pangkapaligiran: Kalagayan, Suliranin, at Tugon”
 Talakayan tungkol sa video na pinapakita
 Paglilinaw sa mga isyu o katanungan
 Pakikibahagi ng opinyon o ideya tungkol sa aralin

Activity 3 : Writing Activity ( worksheet / LMS)


 Tiyakin1-A, B, pp 34-35
 Pagsasanay : Bumuo ng fish bone graphic organizer na nagpapakita ng
mga dahilan at epekto ng mga kalamidad.
 Problem-Solution Organizer (PSO): Malala ang mga suliraning dulot ng mga
kalamidad. Ano-ano ang maimumungkahi mong solusyon sa mga suliraning ito?
Buuin ang PSO.

Suliranin Solusyon

Activity 4 : Learning while Working (Pangkatan)


 Ang bawat pangkat o grupo ay maghanda ng Powerpoint Presentation na
magtatalakay sa paksang nakatalaga sa grupo. Ito ay ipepresenta / ibabahagi sa
klase sa mga susunod na talakayan o araw o ilagak sa LMS.
 Group 1 : Bagyo
*Pamprosesong tanong:
1.) Ano ang bagyo?
2.) Ano-ano ang mga uri ng bagyo?
3.) Ano ang mapanganib na bagyo?
4.) Anong ahensya ang responsable sa pagbibigay babala o
ulat ukol sa bagyo?
5.) Ano ang mga babala, abiso, klasipikasyon, at sukat ng
ulan mula sa kinauukulang ahensya?
6.) Ano ang storm surge? Bakit nagkakaroon ng storm surge?

 Group 2 : Lindol / Pagputok ng Bulkan


*Pamprosesong tanong:
1.) Bakit may lindol?Ano ang dahilan ng lindol?
2.) Ilang bulkan ang nasa Pilipinas at ilang porsiyento o bahagdan
ang aktibo dito?

 Group 3: Mga Epekto ng mga Kalamidad


*Pamprosesong tanong:
1.) Paano nakaaapekto ang kalamidad sa tao at sa ekonomiya?
2.) Ano-ano ang mga epekto ng ilang pangunahing kalamidad
sa bansa: (Magbigay ng maikling pagtatalakay sa mga ito)
a.) Super typhoon Yolanda, b.) Bagyong Ondoy
c.) Bagyong Uring d.) Pagputok ng Pinatubo

 Group 4 : Mga Gawain at Desisyon ng Tao na may Kaugnayan sa


Pagkakaroon ng Kalamidad
*Pamprosesong tanong:
1.) Ano ang kaugnayan ng tao sa mga nagyayaring kalamidad?
2.) Ano-ano ang mga gawain at desisyon ng tao na may
kaugnayan sa pagkakaroon ng mga kalamidad?
3.) Ano naman ang koneksyon ng climate change sa aspektong
panlipunan?
4.) Ano ang mga suliraning pangkapaligiran sa inyong sariling
pamayanan?
5.) Bakit kaya tayo nagkakaroon ng mga suliraning
pangkapaligiran ngayon? O pangkalusugan?
6.) Anong desisyon o gawain ng tao ang may pinakamalaking
kaugnayan sa pagkakaroon ng kalamidad? Mababago pa ba
natin ito?
SYNTHESIS / CLOSURE:
Bakit kaya lahat ng mga kalamidad na nangyayari sa mundo ay masasabing 90 % nito ay dahil
sa kagagawan ng mga tao sa buong mundo? Totoo ba ito? Ano sa palagay mo? Well, kung ano man ang
iyong kasagutan, ito ay iyong pagnilaynilayan at tanungin mo ang sarili mo nito: “Ano ba ang nagagawa ko sa
usaping ito? At ano ba ang magagawa ko bilang isang tagapagmana sa binigay ng Dios Ama?”

PURPOSIVE ASSIGNMENT
1.) Mangalap ng mga datos at ipakita sa tsart ang mga dapat gawin bago, habang, at
pagkatapos ng kalamidad bilang paghahanda upang maiwasan o mababawasan ang
maaaring pinsalang dulot ng mga kalamidad.

2.) Basahin ang araling: Paghahanda sa mga Kalamidad Likha ng Kalikasan at maghanda
ng isang larawan ng uri ng kalamidad na personal na naranasan.

REMINDER:
Ang mga dapat na ipapasa:
 Week 1: Activity 3

 Week 2 & 3 : Activity 3, 4

You might also like