You are on page 1of 2

DR.

PANFILO CASTRO NATIONAL HIGH SCHOOL


DETAILED LESSON PLAN

IKALAWANG MARKAHAN
IKALAWANG LINGGO
DATE: August 28, 2019

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Naiuugnay ang iba’t-ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon bilang suliraning
panlipunan.

MGA LAYUNIN:
1. Naiisa-isa ang limang perspektibo at pananaw ng globalisasyon bilang suliraning
panlipunan
2. Nakapagbibigay ng halimbawa ng bawat perspektibo at pananaw ng globalisasyon bilang
suliraning panlipunan
3. Naiuugnay ang limang perspektibo at pananaw ng globalisasyon sa suliraning panlipunan

II. Nilalaman
A. Paksa: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo
1. Ikatlo,ikaapat at ikalimang Perspektibo at Pananaw
B. Sanggunian: Kontemporaryung Isyu: Modyul para sa mag-aaral pp. 159-162
C. Kagamitan: Laptop at projector

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Pamukaw Siglang Gawain
Gawain 1. READ IT, WHISPER IT, ANSWER IT
Babasahin ng unang miyembro ang tanong at ipapasa ito sa kasunod na kamiyembro
hanggang sa makarating sa dulo na siyang magsusulat ng sagot sa pisara. (dalawang
minuto bawat grupo)
1. Ano ang globalisasyon? (MABILISANG PAGDALOY O PAGGALAW NG MGA
TAO………SA IBA’T-IBANG PANIG NG DAIGDIG)
2. Ayon sa kanya, manipestayon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na
pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan at maging manlalakbay?
(NAYAN CHANDA)
3. Ayon sa kanya, maraming globalisasyon ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at
ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na
maaaring magtapos sa hinaharap. (SCHOLTE)
4. Para sa kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon , sino ito? (THERBORN)
5. Kailan maaaring nagsimula ang globalisasyon sa ika-apat na pananaw o perspektibo
ng globalisasyon?(KALAGITNAAN NG IKA-20 SIGLO)

B. Paglinang ng Aralin
1. Paglalahad
Gawain 2: Sasagutin ng limang grupo ang mga sumusunod na
katanungan.
a. Bakit nasabi na may katiyakan ang globalisasyon sa ikatlong pananaw o perspektibo
ng globalisasyon?
b. Naging suliranin panglipunan ba ang mga perspektibong ito?Kung oo, bakit at paano?

2. Pagtatalakayan
Gawain 3: Iuulat ng limang grupo ang mga naggin kasagutan sa mga tanong na
ibinibigay ng guro.
Pagbibigay ng ibat-ibang impormasyon tungkol sa ikatlo hanggang ikalimang pananaw o
perspektibo nito.

3. Paglalahat:
Mula sa tatlong perspektibo at pananaw na tinatalakay, alin sa inyong palagay ang
mas naging dahilan ng suliraning panglipunan?

4. Pagpapahalaga:
Sa inyong palagay, ano ang mga epekto ng tatlong perspektibo at pananaw na ating
tinalakay sa lipunang ating ginagalawan?
5. Paglalapat:
Mula sa inyong naunawaan sa talakayan, gumawa ng graphic organizer na nagpapakita
ng pagkakaiba-iba ng limang pananaw o perspektibo ng globalisasyon.

IV. Karagdagang Gawain:


Ibigay ang tatlong pagbabagong naganap sa panahon ng globalisasyon.

Prepared by:
Mary Ann R. Peni
Grade 10-AP Teacher

You might also like