You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN V

January 17, 2017 Tuesday


SECTI SCORP TAUR LIBR ARI
LEO
ON IO US A ES
4:0
4:40 5:30
12:00- 12:50- 0-
TIME - -
12:40 1:30 4:4
5:30 6:20
0

I. Layunin :
Nakakapagbigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto ng Kolonyalismo sa lipunan
ng Sinaunang Pilipino.
II. Nilalaman:
A. Paksa
Epekto ng Kolonyalismo sa Lipunan ng Sinaunang Pilipino.
B. Sanggunian
K to 12 CG AP 5 5.4
Kasaysayang Pilipino V (Batayang Aklat) pp. 73-75
Kasaysayang Pilipino V (manwal ng Guro) pp. 40-45
C. Kagamitan
Tsart, larawan/video clips, markers, puzzle, venn diagram, dyaryo

III. Pamamaraan:
A. PANIMULANG GAWAIN:
1. Balitaan
a. Sino sa inyo ang nakakaalam ng isang isyung namamagitan sa bansang Tsia at
Pilipinas?
b. Bakit kaya ginagawa ng Tsina ang ganitong bagay?
c. Sang-ayon ba kayo sa ginagawa ng Tsina sa Spratley? Bakit?
2. Balik-Aral
( Bago ang gawain magtatanong uli ang Guro)
1. Maaari ba nating ikumpara ang ginagawa ngayon ng Tsina sa ginagawa ng mga
Espanyol noong panahon ng Kolonyalisasyon?
2. Sa anong paraan sila nagkakapareho?
(Pagkatapos masagot ang mga katanngan, isa-isang ididikit sa pisara ng guro ang mga
cartolina strips at sa bawat cartolina strips na ididikit ay tatawag ang guro ng dalawa o higit pang
bata upang magbigay ng reaksyon o epekto ng pagbabagong naganap sa lipunan ng Sinaunang
Pilipino sa ilalim ng Kolonyalismong Espanyol.)
( Narito ang mga isusulat sa cartolina strips at ang posibleng maging katanungan.)
a. PAGPAPANGKAT PANGKAT SA LIPUNAN NG SINAUNANG PILIPINO.
1. Ano ang naging epekto nito sa lipunan ng mga Sinaunang Pilipino?
b. PAGBABAGONG PANG-EDUKASYON SA ILALIM NG KOLONYALISMONG ESPANYOL
1. Ano ang idinulot nito sa lipunan ng mga Sinaunang Pilipino?
c. MGA MISYONERO AT ANG KRISTYANISMO
1. Ano ang naging bunga ng kanilang ginawang pagpapalaganap ng Kristyanismo?
d. PANANAW NI GRACIANO LOPEZ JAENA
1. Ayon sa kanya, ano ang naging epekto ng pagbabago sa edukasyon sa mga kabataang
Pilipino?

( Matapos maipaskil lahat ang cartolinastrips at makasagot ang mga bata, muling
magtatanong ang guro.)

114
3. PAGGANYAK:
(Magpapakita/ magpapalabas ang guro ng larawan/videoclips ng pagdiriwang ng
kapistahan ng Itim na Nazareno (pwedeng palitan ang kapistahan)
( Pagkatapos mapanood/Makita ang larawan/video clips, muling magtatanong ang guro.)
1. Ano ang ipinakikita sa larawan/videoclips?

2. Sino sa inyo ang nakasama o nakaranas na ng ganitong pagdiriwang


3. Sa inyong palagay nakatutulong kaya ang pagsunod sa ganitong kaugalian o
tradisyon sa pag-unlad ng isang Lipunan? Paano?

B. PANLINANG NA GAWAIN:
1. PANGKATANG GAWAIN
( Sa bahaging ito ay hahatiin ng guro ang klase sa limang pangkat, ang bawat
pangkat ay bibigyan ng kanya-kanyang gawain.)
( Gabayan ng guro ang mga bata sa pamamahagi ng gagamitin sa gawain.)

UNANG PANGKAT
Panuto: Buuin ang puzzle ( larawan ng isang misyonero) pagkatapos ay sagutin ang
mga sumusunod na katanungan gamit ang marker at tsart.
1. Sino ang nasa puzzle?
2. Ano ang pinakamahalagang naging impluwensya nila sa lipunan ng sinaunang
Pilipino?
3. Sa inyong opinion, naging kapaki-pakinabang ba ang epekto nito sa lipunan ng
Sinaunang Pilipino?
IKALAWANG PANGKAT
Panuto: Ayusin ang mga titik sa tamang pagkakasunod-sunod upang makabuo ng isang
salita, pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang inyong nabuong salita?
2. Ano ang naging epekto nito sa Lipunan ng Sinaunang Pilipino?
3. Naging mahalaga ba ang epekto nito sa lipunan ng mga Sinaunang Pilipino? Bakit?
IKATLONG PANGKAT
Panuto: Magdrawing ng isang tagpo o eksenang nagpapakita ng pagkakapangkat-
pangkat ng mga tao sa lipunan sa ilalim ng kolonyalismong espanyol? Matapos
magdrawing, sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang inyong iginuhit?
2. Magbigay ngisa sa mga naging epekto ng pagbabagong ito?
3. Kung kayo ang tatanungin, may kabutihan bang naidulot ang pagpapangkat-pangkat
na ito sa kalagayan ng mga Sinaunang Pilipino sa lipunan noon?
IKAAPAT NA PANGKAT
Panuto; Gamit ang Venn Diagram, pagkumparahin ang paraang ginamit ng mga
misyonero noon at ang paraang ginagamit ng mga guro ngayon at sagutin ang mga
tanong.

Paraan ng Pagtuturo
Noon Ngayon

115
1. May pagkakaiba ba ang paraan ng pagtuturong ginagamit ng mga misyonero noon at ang
paraan ng pagtuturo ng mga guro ngayon?
2. Alin kaya sa dalawang paraan ang mas epektibo? Bakit?

3. Sa inyong pananaw, kung ang makabagong paraan kaya ng pagtuturo ang ginamit ng mga
misyonero, naging mas kapaki-pakinabang ang naging epekto nito? Bakit?

IKALIMANG PANGKAT
Panuto: Pumili kayo ng isa sa mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng Kolonyalismong
Espanyol na nagkaroon ng matagal na impluwensya sa ating kultura.
1. Ano ang inyong napili? Bakit?
2. Naging mahalaga ba ang mga epekto nito sa lipunan sa Sinaunang Pilipino?
3. Sa inyong palagay, bakit ganon kalaki ang naging impluwensya ng pagbabagong ito sa
ating lipunan?

2. PAGSUSURI/ ANALISIS
1. Para sa inyo, kailangan ba talaga ang mga pagbabagong ginawa sa lipunan ng
sinaunang Pilipino noong panahon ng Kolonyalismong Espanyol/
2. Sa inyong opinion, ang lahat ban g pagbabago sa lipunan noong panahon ng
Kolonyalismong Espanyol, ay nagkaroon ng magandang epekto? Bakit?
3. Kung kayobang tatanungin alin kaya sa mga pagbabagong ito ang nagdulot ng
hindi maganda epekto? Bakit?
4. Alin naman kaya sa mga ito ang nagbigay ng positibong epekto? Bakit?
3. PAGHAHALAW
1. Sa inyong pananaw, naging kapaki-pakinabang ba ang mga epekto ng mga
pagbabagong ito sa lipunan ng sinaunang Pilipino?
2. Ano ang naging bunga ng mga epekto ng mga pagbabagong ito sa lipunan ng
mga Sinaunang Pilipino?
4. APLIKASYON
( Gagabayan ng guro ang mga bata sa gawain.)
Panuto : Gumawa ng isang talatang binubuo ng sampong pangungusap base sa
sumusunod na tanong.
1. Magbigay ng inyong sariling pananaw sa naging epekto ng Kolonyalismo sa
lipunan ng Sinaunang Pilipino.

IV. PAGTAYA
Panuto: Isulat sa ikaapat na bahagi ng papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ang naging pag-abuso at pagsamantala sa mga Pilipinong nasa mababang antas ng lipunan sa
panahon ng kolonyalismong espanyol ay sanhi ng
a. Pagbabagong pang-edukasyon
b. Pagpapangkat-pangkat sa lipunan
c. Kristyanismo
d. Mga misyonero
2. Ang maluho at walang saysay na paggastos sa mga pagdiriwang na tulad ng kasal, binyag, at
mga kapistahan ay

116
a. May kapaki-pakinabang na epekto sa pamilya.
b. Nagdudulot ng mabuting epekto sa ekonomiya ng bansa.
c. Nagbibigay ng magandang imahe sa naghanda.
d. Maaaring magdala ng problemang pinansyal sa mag-anak.
3. Ang mga sumusunod ay mga pananawsa naging epektong kristyanismo sa lipunan ng mga
sinaunang Pilipino maliban sa isa
a. Ito ay bumago sa maraming paniniwala at pananaw ng mga sinaunang Pilipino.
b. Pananampalatayang naging permanenteng bahagi ng kanilang pamumuhay.
c. Nagbigay sa mga Pilipino ng pagkakataong umunlad at umasenso sa buhay.
d. Nag-iwan sa mga Pilipino ng malalim na impluwensya ng makikita hanggang sa
makabagong panahon.
4. Ang pagbabago sa edukasyon sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol ay
a. Nakatulong ng malaki sa kaunlaran ng bamayanan ng sinaunang Pilipino.
b. Naging instrumento sa pagsulong ng katayuan sa lipunan ng maraming Pilipino.
c. Nagbunga ng kapakipakinabang na resulta.
d. Wala halos naiambag sa kaunlaran ng sinaunang lipunan.
5. Sa inyong palagay, ano kaya ang naging bunga ng pagbabagong ginawa sa lipunan ng sinaunang
Pilipino?
a. Naging payapa at matiwasay ang kanilang lipunan.
b. Mabilis ang naging pag-unlad at pag-asensi ng lipunan ng sinaunang Pilipino.
c. Natuwa ang mga Pilipino sa naging epekto ng mga pagbabago sa kanilang lipunan.
d. Iilan lang ang nakinabang sa mga pagbabagong ito, ang mga mahihirap na Pilipino ay
patuloy na naghirap at inabuso.
V. TAKDANG-ARALIN
PANUTO: Magbigay ng paniniwala o kaugaliang nagmula sa mga Espanyol na nagdudulot
ng negatibong epekto sa lipunan. Magbigay ng sariling suhestyon upang itoy maging
kapaki-pakinabang.

117

You might also like