You are on page 1of 6

I.

Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at pagbabago sa
Pangnilalaman lipunang Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop
ng mga Hapon at ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang
kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pasasarili at pagkakakilanlang
malayang nasyon at estado.
B. Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto ,
Pagganap dahilan, epekto at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong Amerikano at
pananakop ng mga Hapon at ang pagmamalaki sa kontribusyon ng
pagpupunyagi ng mga Pilipino makamit ang kamalayang pagsasarili at
pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.
C. Mga AP6KDP-IIa-1
Kasanayang Nasusuri ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano
Pampagkatuto
D. Tiyak na a. Nasusuri ang mga pagbabago sa edukasyon sa panahon ng mga Amerikano;
Layunin b. nakabubuo ng concept map na nagpapakita ng mga pagbabago sa
edukasyon sa panahon ng Amerikano;
c. napahahalagahan ang pagbabago ng edukasyon sa pamamagitan ng slogan
na nagpapahayag ng paghanga.
II. Nilalaman
Paksa/Aralin Pagababago sa sistema ng Edukasyon sa pahanon ng Amerikano
III. Kagamitan sa
Pagkatuto
A. Sanggunian AP CG (ph. 126)
AP LM/Source Project EASE Araling Panlipunan 1 Modyul 12 (ph 34), Bagong
Lakbay sa Lahing Pilipino 6 (ph 97-99), Kultura Kasaysayan, at Kabuhayan 6 (ph
154-155)
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc
Awtor, Alma M. Dayag Koordineytor Phoenix Publishing House, Aralin 6
ph 97-99
Kultura Kasaysayan, at Kabuhayan 6, Lydia N. Agno, Rosita D. Tadena, Celinia E.
Balonso, Marvie D. dela Cruz Vibal Group, Inc. Aralin 10 ph 154-155
B. Iba pang Larawan, Hand out, Laptop, Visual Aids, popsicle sticks, Dies at Printed
Kagamitan Materials
IV. Pamamaraan
A. Balik-aral
B. Paghahabi ng
Layunin
C. Pag-Uugnay Ng Intro/Priming Activity
Halimbawa Pagganyak
Pre-Visualization
Magpapaskil ng larawan ang guro sa pisara at susuriin ito ng mga bata. Gamit
ang popsikel stick bubunot ang guro ng isa at kaninong pangalan ang sana
popsikel ay siyang sasagot sa isa sa mga tanong sa pisara na ipapaskil ng guro.

Visualization

https://sinoangpilipino.weebly.com/panahon-ng-amerikano-ulit.html
https://www.returnofkings.com/187983/why-american-education-sucks
Post-Visualztion
Gabay na Tanong:
Ano ang pagkakaiba ng unang larawan sa ikalawang larawan?
Bakit kaya nagbago ang klase ng edukasyon mayroon sa Pilipinas?

D. Pagtatalakay Sa Activity and Publishing


Konsepto At Concept Map
Kasanayan Pre-Activity
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng
Context Card, basahin at suriin ang mga mahahalagang impormasyon.
Pagkatapos ay gagawa ang mga bata ng concept map batay sa mga gabay na
tanong ibinigay.
Activity Proper

Sa panahon ng Amerikano binigyang-diin naman ang pangkalahatang


edukasyon at ang mga demokrasya na sinasabing pinakamahalagang
pamana ng mga Amerikano sa bansa. Ang edukasyon ay naging bukas
para sa lahat.

Sa ilalim pa lamang ng pamahalaang military, sinimulan nang mga


Amerikano ang pagtuturo sa mga Pilipino sa pamamagitan ng mga
sundalong Amerikano. Pinalitan ang mga sundalong Amerikano ng
Thomasites o mga gurong Amerikano na ipinadala ng US sa Pilipinas.

Nakita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng edukasyon kaya’t maraming


mga magulang at anak ang nagsakripisyo at nagkahilig sa pag-aaral. Higit
na binigyang-halaga ng mga Pilipino ang kulturang Amerikano kaya’t
hindi gaanong nabigyang-halaga ang pagmamahal sa sariling bansa at
kultura.

Itinatag din ang Kagawaran ng Pagtuturong Pampubliko o Department of


Public Instructuion noong 1902. Sa taon ding ito, itinayo ang Paaralang
Normal ng Pilipinas na kilala ngayon bilang Pamantasang Normal ng
Pilipinas.

Itinakda rin ang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan.


Natutuhan ng mga Pilipino ang kulturang Amerikano na higit nilang
pinahalagahan kaysa sa sariling kultura.

Bagong Lakbay sa Lahing Pilipino 6 (ph 97-99), Kultura Kasaysayan, at


Kabuhayan 6 (ph 154-155)
Post Activity

Gabay na tanong:
*Ano ang pinahalagahan o binigyang diin sa systema ng edukasyon sa
panahon ng Amerikano?
*Sino ang pwedeng mag-aral sa panahong ito?
*Sino ang nagsilbing mga guro sa mga Pilipino?
* Sa papaanong paraang naipakita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng
edukasyon?
* Anong naging negatibong epekto ng systema ng edukasyon sa mga
Pilipino?
* Magbigay ng halimbawa ng mga paaralang at ang garawang itinayo ng mga
Ameikano?
* Anong wika ang gamit sa pagtuturo sa mga aralin?

Rubrics sa paggawang Concept Map


Pamantayan 5 4 3
Konsepto Nasasagot ang Di-gaanong Walang gaanong
mga tanong o nasasagot ang sagot o walang
naipapakita ang lahat ng tanong detalye ang
lahat ng detalye o hindi lahat ng nakikita batay sa
na konsepto. detayle ay konsetpong
nakikita sa bibigay.
kosepto.
Kalinisan Kaaya-aya ang Di-gaanong Ang daming
gawa. malinis ang pagkakamali o di
gawa. kanaisnais ang
gawa.

Pagpupuntos ng gawa batay sa rubrics na ibinigay.

E. Pagtatalakay Sa Analysis/Processing
Konsepto At Reporting
Kasanayan Sa pagtatalakay ang bawat pangkat ang pipili ng isa o dalawa na magbabalita o
magtatalakay sa gawa ng kani-kanilang pangkat.

Gabay na tanong:
*Ano ang pinahalagahan o binigyang diin sa systema ng edukasyon sa
panahon ng Amerikano?
*Sino ang pwedeng mag-aral sa panahong ito?
*Sino ang nagsilbing mga guro sa mga Pilipino?
* Sa papaanong paraang naipakita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng
edukasyon?
* Anong naging negatibong epekto ng systema ng edukasyon sa mga
Pilipino?
* Magbigay ng halimbawa ng mga paaralang itinayo ng mga Ameikano?
* Anong wika ang gamit sa pagtuturo sa mga aralin?

Rubrics sa pagbabalita
Pamantayan 5 4 3
Pananalita Malakas ang Di gaanong Di naiintindihan
boses at bigkas kalakasan ang ang sinasalita at
ng pananalita. boses ngunit itoy bigkas nito.
naiintindihan.
Tindig Nakatayo ng Nakatayo ng Naipapakita ang
maayos at tuwid. maayos ngunit gawa habang
Naipapakita ang may mga binabasa ang
gawa habang galawan. mga tio. Hindi
binabasa ang Naipapakita ang nakikita ng gawa
mga ito. gawa habang sa pagbabasa ng
binabasa ang Gawain.
mga tio.
Kabuuan

Pagpupuntos ng gawa batay sa rubrics na ibinigay.

F. Paglinang Sa Abstraction + Input


Kabihasaan Cubing
Gabay para sa Guro( Magbibigay ng die sa bata. Ipapasil ang mga gabay na
tanong sa pisara)

Gabay: Gamit ang popsikel stick tatawag ang guro ng pangalan. Ang sinong
tinawag ay mag ro-role ng die na ibinigay. Ang anumang numero lalabas ay
ang tanong na sasagutin ng bata.

KATANUNGAN:
1. Paano naepekto ng mga Amerikano ang sistema ng edukasyon ng mga
Pilipino?
2. Ito ba ay nagkaroon ng mabuting kinalabasan? Bakit?
3. Sa inyong palagay magkaparehas ba ang Sistema ng edukasyon noon sa
ngayon? Papaano?
4. Ibigay ang kahalagahan ng Sistema ng edukasyon sa panahon ng
Amerikano?
5. Paano naaapektuhan ng wikang gamit sa pamumuhay ng isang tao?
6. Bakit mas maganda ang sistema ng edukasyon ng panahon ng Amerikano
kaysa sa panahon ng Espanyol?
G. Paglalapat Ng Application
Aralin Slogan
Pre-Activity
Sa bawat pangkat ay gagawa ang mga bata ng slogan na may mga gabay na
salita na magagamit upang makabuo ng pangungusap. Dapat may 8 salita ang
gagawing paghahalaw.

Gabay na mga salitang magagamit:


Edukasyon Mahalaga Kinabukasan Gumawa Buhay Trabaho Sikap
Pahalagahan Sayang Mabuti Kailangan Maipagmalaki Pamilya

Activity Proper
Ang mga pangkat ay itataya gamit ang rubrik na ito.

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamnatayan 4 3 2 1
(Kahanga- (Magaling) (Naipasa) (Nangangaila
hanga) ngan ng
paggabay)
Kaangkupan Binubuo ng Mayroong Mayroong May isa
walong salita lamang anim lamang apat hanggang
ang hanggang hanggang tatlong salita
pangungusap pitong salita limang salita lamang ang
ang sa nabuo.
pangungusap pangungusap
ang nabuo

Kabuuang Nakaka akit Malikhain Katanggap- May


Gawa ang gawa na ang gawa tanggap ang pinakitang
may kalinisan ngunit hindi gawa. gawa.
at gaanong
malikahain. kaakit-akit.
Kabuuan

Pagpupuntos ng gawa batay sa rubrics na ibinigay.

Post Activty
Ipapakita at ipapaliwanag ang gawa ng bawat grupo sa hanap.

H. Paglalahat Ng Ang edukasyon sa panahon ng Amerikano ay masasabing _________________


Aralin Dahil_______________
I. Pagtataya Ng Panuto: Basahin at unawain ang tanong. Piliin lamang ang TITIK ng tamang
Aralin sagot.

1. Sa pagdating ng mga Amerikano maraming pagbabgo ang ginawa sa


sistema ng edukasyon. Bakit na naging bukas o nagpatayo ng mga
Pampublikong paaralan ang mga Amerikano para sa mga Pilino?
a. Upang ang mga matalinong mag-aaral ay maipa-aral sa Amerika.
b. Upang mabigyang pagkakataon ang lahat ng batang mag-aral.
c. Para sa kinabukasan at kapakaan ng mga batang Pilino.
d. Para mabigyang halaga ang edukasyon at pamumuhay.
2. Sino ang naging mga guro ng mga Pilipino?
a. Mga sundalong Amerikano
b. Mga Amerikanong ipinadala ng Amerika
c. Ang mga Thomasites
d. LAHAT ng nabanggit

3. Paano naepektuhan ang mga Pilipino ng sistema ng edukasyon sa


panahon ng mga Amerikano?
a. lumuwas ng bansa ang mga Pilipino.
b. nagsakripisyo para sa pag-aaral.
c. higit na tumangkilig sa kulturang Amerikano.
d. naghirap sa pag-aaral ang mga Pilipino.

4. Nagbigay daan ang edukasyon noong panahon ng Amerikano para ang


Pilipinas ngayon ay __________________.
a. naging magaling sa panananalita o paggamit ng wikang Ingles
b. naggakaron ng mga lahing Amerikano.
c. nagkaroon ng modernong pamumuhay.
d. nangibang bansa para doon mamuhay.

5. Bilang mag-aaral na Pilipino, ano ang maging kabutihan ng sistema ng


edukasyon na ipinatupad ng mga Amerikano?
a. Maraming Pilipino ang naging propesyonal at yumaman.
b. Maraming mga dayuhan ang nag-aaral na ngayon sa Pilipinas.
c. Naging magaling tayo sa larangan ng Agham at Matematika.
d. Naging magaling tayo sa Ingles kaysa sa ibang bansa sa Asya.
V. Kasunduan

Prepared by:

Mr. Jerry A. Alejandria


Teacher 1
San Roque Elementary School

You might also like