You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of City Schools
Sta. Maria District
SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL
Zamboanga City
Linggo 01 Hunyo , 2019
Araw 01 Lunes
Banghay Aralin sa ArPan 6
Unang Markahan

I. LAYUNIN:
 Naiisa-isa ang mga bahagi ng globo at mapa.
 Natutukoy ang mga kinalalagyan ng mga bahagi ng globo at mapa.
II. PAKSANG-ARALIN: Mga Gabay na Linya sa Mapa at Globo
PAMATAYAN SA PAGTUTURO: Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo sa globo at mapa batay sa
”absolute location” nito (longitude at latitude) AP6PMK-Ia-1
KAGANDAHANG-ASAL: Pagmamahal sa kalikasan at sa KAGAMITAN: Mapa, Globo, Larawan, Visual
mundo Aids

III. PAMAMARAAN (PROCEDURE):


A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral (Review)
- Ano ano ang inyong natutunan tungkol sa Pilipinas?
2. Pagganyak (Motivation)
Tukuyin ang mga gamit na ipinapakita.

Ano ang mga bagay na ito?


Ano ang gamit ng mga ito?
Ano ang pagkakaiba ng globo sa mapa?
B. Pamaraan sa Paggawa ng Gawain (Procedure)
Paghahatiin ang klase sa apat na pangkat. Bibigyan ang bawat grupo ng mga materyales. Sa
bawat pangkat ay tutukuyin ng mga bata ang mga bahagi ng globo at mapa sa pamamagitan ng pagdikit ng
mga bahagi sa ibinigay na larawan. Pagkatapos ay ipapakita nila ang kanilang sagot sa pisara.
Rubrics sa Pagbabalita:
-Pananalita -5
-Kakayahan -3
-Boses -2

C. Pagsasagawa ng Gawain (Activity)- Jigsaw strategy

Mga bahagi ng Globo at Mapa


- Guhit longitude- ang mga patayong guhit na sumusukat sa distansiya ng isang lugar pakanluran
o pasilangan mula sa 0 ◦ tinatawag ding meridian.
- Guhit latitude- ang mga pahalang na linya na sumusukat ang distansiya ng isang lugar pahilaga
o patimog mula equator, tinatawag ding parallel.
- Equator- linya na hinahati ang hilagang hating-globo at timog hating-globo.
- Prime Meridian- linya na hinahati ang silangang hating-globo at kanlulang hating-globo.
- Grid- ay ang mga espasyo sag lobo na nabuo mula sa pagtatagpo ng gutit latitude at longitude.
-Tropic of Cancer- Ito ay ang guhit latitude na ngkalatag sa 23.5◦ hilaga ng equator.
- Tropic of Capricorn- Ito ay ang guhit latitude na nakalatag sa 23.5 timog ng equator.
- Arctic Circle- Ito ay matatagpuan sa 66.5◦ hilaga ng equator.
- Antartic Circle- Ito ay matatagpuan sa 66.5 timog ng equator.

D. Pagsusuri (Deepening)
- Ano ano ang mga bagahi ng Globo at Mapa?
- Papaano mo masasabi na ang guhit ang longitude?
- Papaano mo masasabi na ang guhit ang latitude?
- Bakit nagsisismula ang isang araw sa bansang nasa Prime Meridian?
E. Paghahalaw (Reflection)
- Sa panahon ngayon ang mundo ay unti-unti ng nasisira dahil sa polusyon at dikaaya-ayang
ginagawa ng mga ato. Bilang isang bata ano ang inyong magagawa utang matigil ang pagsira ng
mundo?

F. Paglalapat (Application)
Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng Globo o Mapa. Piliin lamang ang inyong sagot sa kahon.

Guhit longitude Guhit latitude Equator Prime Meridian Grid

Tropic of Cancer Tropic of Capricorn Arctic Circle Antartic Circle

G. Paglalahat (Evaluation)
Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng Globo at Mapa na ipinapaliwanag. Piliin lamang ang inyong
sagot sa kahon.

Guhit longitude Guhit latitude Equator Prime Meridian Grid

Tropic of Cancer Tropic of Capricorn Arctic Circle Antartic Circle

_______________1. linya na hinahati ang silangang hating-globo at kanlulang hating-globo.


_______________2. Ito ay matatagpuan sa 66.5 timog ng equator.
_______________3. ang mga patayong guhit na sumusukat sa distansiya ng isang lugar pakanluran o
pasilangan mula sa 0 ◦ tinatawag ding meridian.
_______________4. Ito ay ang guhit latitude na nakalatag sa 23.5 timog ng equator.
_______________5. ay ang mga espasyo sag lobo na nabuo mula sa pagtatagpo ng gutit latitude at
longitude.
_______________6. ang mga pahalang na linya na sumusukat ang distansiya ng isang lugar pahilaga o
patimog mula equator, tinatawag ding parallel.
_______________7. linya na hinahati ang hilagang hating-globo at timog hating-globo.
_______________8. Ito ay ang guhit latitude na ngkalatag sa 23.5◦ hilaga ng equator.
_______________9. Ito ay matatagpuan sa 66.5◦ hilaga ng equator.

Prepared by:
MR. JERRY A. ALEJANDRIA
San Roque Elementary School

You might also like