You are on page 1of 15

3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKAAPAT NA MARKAHAN – MODYUL 3
Pag-asa: Susi Para sa Minimithing Pangarap

JULIET S. BAUZON
May-akda
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang
Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Pag-asa: Susi Para sa Minimithing Pangarap

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : JULIET S. BAUZON, TIII

Pandistritong Tagapamahala (Calasiao I)


Tagamasid Pampurok : ROBERTO Z. BARONGAN, EdD
Punongguro sa Edukasyon sa Pagpapakatao : LEONORA D. MANAOIS, EdD

Tagasuri : PERLITA P. SALAMAT, TIII


District ESP Coordinator
GEMMA M. DE VERA, MT-I
District ESP Consultant
LEONORA D. MANAOIS, EdD
PII, SH In-Charge

Tagalapat: : JULIET S. BAUZON, TIII


Pansangay na Tagapamahala

Pansangay na Tagapamanihala, OIC : ELY S. UBALDO, CESO VI


Pangalawang Tagapamanihala : MARCIANO U. SORIANO, JR., CESO VI
Punong Tagamasid Pansangay, CID : CARMINA C. GUTIERREZ, EdD
Tagamasid Pansangay, LRMDS : MICHAEL E. RAME, EdD
Tagamasid Pansangay, ESP : LALAINE C. ROSARIO, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office 1 Pangasinan


Department of Education – SDO Pangasinan 1
Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075) 522-2202
E-mail Address: pangasinan1@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalayon na maipakita ang pag-asa


sa bawat isa sa atin. Pag-asa sa lahat ng bagay. Nakapaloob dito
ang aralin ng pagkamasipag, pagkamatiyaga, at tiwala sa Diyos.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay makapagpapamalas


ng pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga
biyaya sa pamamagitan ng: pagpapakita ng kahalagahan ng
pag-asa para makamit ang tagumpay. (EsP3PD-IVc-i-9)

Subukin
Basahin at unawain ang bawat pahayag sa loob ng kahon.
Kulayan ang hugis puso kung nagpapakita ng pagkakaroon ng
pag-asa. Huwag itong kulayan kung hindi nagpapahiwatig ng
pag-asa.

1. Siya ay 2. Kahit 3.Makakabangon


palaging anong hirap din tayo, hindi
nagdarasal at kinakaya tayo pababayaan
may tiwala sa niya ito. ng Diyos.

Diyos.

4. “Matutupad 5. “Matatalo na 3
ang aking ako. Mukhang
pangarap. magagaling ang
Kaya ko ito.” aking mga
katunggali.”
Aralin Pag-asa: Susi Para sa
3 Minimithing
Pangarap

Ang pag-asa ay mahalaga sa pagkamit ng ating mga


pangarap. Kung minsan ay may mga bagay na gusto mong
mangyari pero hindi agad natutupad. Dahil ikaw ay nananalig,
nagtitiwala, at nagdarasal sa Diyos, unti-unti mo itong
makakamit at matutupad. Lalo na kung ito ay para sa ikabubuti
ng lahat. Mahal ka ng Diyos at masaya siya kapag nakikita ka
Niya na masaya at maligaya. Patuloy ka lang na manalangin sa
Diyos. Huwag mawalan ng pag-asa.

Balikan
Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang “sasali ako”
kung sa pag-unawa mo ay dapat kang sumali at “bubukod
ako” kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting


pag-uugali.
2. Makinig sa kanilang dasal kahit iba ang relehiyon mo.

3. Igalang ang pananampalataya ng ibang tao.

4. Kalugod-lugod sa Diyos ang isang batang


hindi marunong gumalang sa ibang paniniwala.

________5. Nararapat na igalang natin ang paniniwala


ng iba tungkol sa Diyos.

4
Tuklasin
Basahin at unawain ang talata. Pagkatapos, sagutin
ang mga sumusunod na tanong.

Ang Pandemya

Ang COVID19 ay isang mapanganib na virus.


Maiiwasan natin ito kung susundin lamang ang mga
protokol ng gobyerno. Ang mga ito ay isang pagsubok
lamang at unti-unti rin na mawawala na di natin
namamalayan. Sa kabila ng suliraning kinakaharap sa
buhay, hindi tayo dapat sumuko, hindi tayo dapat
mawalan ng pag-asa. Tiwala lang sa Diyos at hindi tayo
kailanman Niya pababayaan.

Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa talata.

Panuto: Sagutin mo ang mga katanungan. Isulat ang


wastong sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang COVID19?

2. Ano ano ang dapat natin gawin upang hindi na kumalat


ang COVID19?

3. Anong ugali ang dapat natin panatilihin?

4. Sa iyong palagay, malulutas na kaya ang COVID19?

5. Sa paanong paraan malulutas ito?


5
Suriin

Mahalaga ang magkaroon ng pag-asa ang bawat


batang tulad mo. Ganun pa man, hindi sapat ang
pagkakaroon lamang ng pag-asa. Kailangan mong
magsumikap at gawin ang kinakailangan upang makamit
ang iyong minimithi.

Pag-asa ang siyang nagiging gabay natin sa pagbuo


ng ating mga pangarap at pagsusumikap na makamit ito.

Kung minsan ay hindi nangyayari ang ating


inaasahan ngunit hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.
Nararapat lamang na tanggapin mo ito ng maluwag sa
puso. Kung hindi man matupad ang iyong minimithi,
may inilaan Siyang higit na makabubuti para sa iyo.

Hinahangad na maisapuso mo ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng pag-asa at maisabuhay ito upang
maging lakas sa pagbuo ng inyong mga pangarap para
makamit ang tagumpay.
6

Pagyamanin

Basahin at unawain ang dayalogo. Pagkatapos, sagutin


ang mga sumusunod na tanong.

Ang Matalik na Magkaibigan

Isang hapon sa mall, nagkita ang matalik na magkaibigan.

Karen: Kumusta ka na Ana? Narinig ko nanalo ka sa quiz bee?

Ana: Opo. Ikaw kumusta ka na?

Karen: Ito nag-aaral naman akong mabuti pero hindi pa rin


akong nananalo sa iba’t- ibang paligsahan. Tinatamad na akong
mag-aral kasi wala ring nangyayari.

Ana: Di ba ako rin noon nahirapan din sa pag-aaral. Pero


tinuloy ko pa rin ang pag-aaral ko. Salamat sa Diyos at ako ay
kanyang tinutulungan.

Karen: Ang husay mo kasi! Sana magaya rin kita.

Ana: Oo naman. Walang imposible sa minimithing pangarap.


Basta magtiwala ka lang sa sarili. Huwag kang mawalan ng pag-
asa. Sabi nga nila, “Habang may buhay may pag-asa.” Tiwala lang
sa Diyos. Kaya mo iyan!

Karen: Salamat Ana. Mula ngayon ay may matatag na loob, sikap


at tiyaga sa pag-aaral. Basta ang mahalaga ay hindi ako
kailanman mawawalan ng pag-asa, tuloy lang ang laban.

Ana: Ganiyan nga! Halika at kumain na tayo.

Masaya silang umuwi na may dalang pag-asa.

7
Panuto: Sagutin mo ang mga katanungan. Isulat ang
wastong sagot sa inyong sagutang papel.

1. Sino ang dalawang magkaibigan?

2. Kailan at saan sila nagkita?

3. Ano ang ginagawa ni Ana para manalo sa quiz bee?

4. Sa inyong palagay, mananalo rin ba sa paligsahan si Karen?

5. May pangarap ba kayo? Paano ninyo ito


mapagtatagumpayan?

Isaisip
May mga pagkakataong sinusubukan ang ating kakayahan at
pagtitiwala natin sa ating sarili. Ang pagkakaroon natin ng pag-asa
at positibong pananaw ay makatutulong upang makamit natin ang
ating minimithi.

Buuin ang tsart tungkol sa isang pangarap na nais mong

mangyari sa iyong buhay.

Ang aking mga gawain Ang aking mga gagawin


habang ako ay nasa ikatlong pagkatapos ko ng ikaanim na
baitang baitang
8
Isagawa

Paano natin mailalarawan ang salitang pag-asa?

Kung ang pag-asa ay isang lutuin, gumawa ng


recipe para dito. Isipin mo ang mga kakailanganin
upang ang isang tao ay magkaroon ng pag-asa.
Halimbawa, lakas ng loob. Ilang kutsara nito ang
kakailanganin? Bigyan ito ng pamagat na Recipe ng Pag-
asa. Ilagay ang recipe sa kahon sa ibaba.

Recipe ng Pag-asa

9
Tayahin
Ang isang batang tulad mo ay maraming pangarap.
Ang pagkakaroon ng pag-asa ay makatutulong upang
ang pangarap na ito ay iyong makamit.

Basahin mabuti at unawain ang akronim na pag-asa.

P – Panginoong Diyos

A – Alalayan po ninyo kami at

G – Gabayan sa

A – Araw-araw na gawain.

S – Sa inyo lang po

A – Ako kumukuha ng lakas, pag-asa at tiwala


upang ang aking mga pangarap ay matupad.

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasa niyong


akronim. Isulat ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang hinihiling natin sa Panginoong Diyos?

A. Alalayan at gabayan sa mga gawain araw-araw.


B. Makakuha ng mataas na marka.
C. Maging mayaman ako.

D. Tulungan sa pag-aaral.

2. Ano ang dapat natin gawin upang ang ating mga


pangarap ay matupad?

A. Kailangang may lakas, pag-asa at tiwala sa Diyos.


B. Mag-aral mabuti upang makamit ang iyong
pangarap.
C. Magdasal palagi at hilingin ang kailangan.
D. Pumunta palagi sa simbahan. 10
3. Kanino tayo kumukuha ng lakas, pag-asa at tiwala?

A. Panginoong Allah

B. Panginoong Diyos

C. Sa mga magulang

D. Sa mahal natin sa buhay

4. Ikaw ay palaging nagdarasal ngunit hindi pa Niya


binibigay ang hinihiling mo. Ano ang gagawin mo?

A. Hihinto na ako sa pagdarasal.

B. Magagalit na ako sa kaniya.

C. Magtatampo ako sa kaniya

D. Magtiwala lang sa kaniya.

5. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng pag-asa? Bakit?

A. Hindi po, sapagkat ang pag-asa ay walang saysay.

B. Hindi po, sapagkat ang pag-asa ay paaasahin ka


lang.

C. Opo, sapagkat ang pag-asa ay gusto ko lang.

D. Opo, sapagkat ang pag-asa ang susi sa pangarap.

11
Sumulat ng isang pangungusap sa loob ng hugis puso na
nagpapakita ng pagkakaroon ng pag-asa sa sumusunod na
pagsubok:

1.Nasalanta ang inyong bayan ng isang malakas na bagyo.

Pangungusap na may pag-asa:

2.Di ako pumasa sa isang pagsusulit/quiz.

Pangungusap na may pag-asa:


Subukin
1.
2.
3.
4.
5.
Tayahin
Karagdagang 1. A
Gawain Isagawa Isaisip
2. A
Ito ay nakadepende sa Ito ay nakadepende sa
Ito ay nakadepende
3. B sagot ng mga mag- sagot ng mga mag-
sa sagot ng mga
4. D aaral. aaral.
mag-aaral.
5. D
Tuklasin
Ito ay nakadepende sa sagot
Pagyamanin
ng mga mag-aaral
1. Karen at Ana
Mga posibleng sagot
2. isang hapon at sa mall Balikan
1. mapanganib na virus
Ito ay nakadepende sa 1. sasali ako
2. sumunod sa protokol ng
sagot ng mga mag-aaral
gobyerno 2. sasali ako
Mga posibleng sagot
3. tiwala sa Diyos 3. sasali ako
3. matiyaga, masipag
4. Opo 4.bubukod ako
nag-aaral, tiwala sa
5. manatili sa bahay 5. sasali ako
sarili at sa Diyos
4. Opo, basta maging lamang kung walang
Susi sa Pagwawasto
12
13

Sanggunian

K to 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon sa Pagpapakatao 3 p. 21

Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3

 Patnubay ng Guro pp. 86- 88

 Kagamitan ng Mag-aaral (Pilipino) pp. 222- 232

google.com images

 Pixtastock.com

 123RF

 VectorStock.com

 Dreamstime.com

14

You might also like