You are on page 1of 6

SHEPHERDVILLE COLLEGE

TERM: 4th Grading Period


SUBJECT: Good Manners and Right Conduct 7

MODYUL #46

I. PAKSA: MGA DAPAT TANDAAN UPANG MAABOT ANG PANGARAP

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nasusuri ang mga dapat tandaan upang maabot ang pangarap;
b. natutukoy ang mga dapat tandaan upang maabot ang pangarap; at
c. napapahalagahan ang mga dapat tandaan upang maabot ang pangarap.

III. PAGLINANG NA GAWAIN

MGA DAPAT TANDAAN UPANG MAABOT ANG PANGARAP

1. Gawin ang mga nararapat at iwasan ang mga balakid sa iyong mga pangarap

Pagtupad sa Pangarap

Dapat Gawin Dapat Iwasan

1. magtiyaga at magsumikap 1. pagiging mareklamo pagtutumpik-


2. huwag ipagpabukas ang magagawa tumpik
ngayon 2. pagtutumpik-tumpik
3. humingi ng payo sa nakatatanda kung 3. pagwawalang bahala sa payo/gabay ng
kailangan nakatatanda

2. Damhin at pag-alabin ang pagnanasa tungosa katuparan ng pangarap.


* paggising sa umaga, asam-asamin ang magiging katuparan ng mithiin
* kumuha ng inspirasyon sa panalangin, kalikasan, at pagmamasid sa mga magaganda at malilikhaing
bagay upang mag-alab ang pagnanasang magtagumpay sa katuparan ng mga pangarap
* alamin ang pansariling kahinaan at paglabanan ito upang hindi maging sagabal
* alamin, pagyamanin, at gamitin sa wastong paraan ang mga pansariling kalakasan para sa ikauunlad at
ikadadali ng katuparan ng mga pangarap

3. Damhin ang pangangailangan para maisakatuparan ang mga pangarap.


Matindi ang pagnanasa mong matamo ang iyong mithiin kapag alam mong kailangan mo ito at ng mga
minanamahal mo sa buhay. Ang katuparan ng pangarap ay makapagdudulot ng galak, ginhawa, at kabuuan sa
iyong pagkatao. Paulit-ulit na damhin ang pangangailangang ito tungo sa lubusang tagumpay ng iyong mithiin.

4. Manalig, magtiwala at magkakatotoo ang iyong mga pangarap dahil kaya mong gawing totoo ang mga ito
sa tulong ng Diyos.
Pagtitiwala mo sa iyong kakayahang maisakatuparan ang iyong pinapangarap ay nagbibigay sa iyo ng
lakas ng loob na talagang pagsumikapan ang katuparan ng iyong pangarap. Makapagbibigay ng inspirasyon sa
iyo ang mga kababayan nating tulad nina Jovit Baldovino at Charice Pempengco sa larangan ng musika, ng
CNN hero na si Efren Penaflorida at iba pa. Hindi sila nagpatalo sa mga dinanas na balakid at nagsumikap sila
hanggang magtagumpay sa kanilang pinapangarap.
(Halaw sa 2010 DepEd Kurikulum ng Edukasyong Sekondari EP I)

STUDENT PERFORMANCE TASK


Gumawa ng “Reaction Video” Patungkol sa kung papaano mo papahalagahan ang iyong inabot na
pangarap at ipasa ito sa messenger account ng iyong guro. (50%)

IV. EBALWASYON
1. Bakit kailangang iwasan ang mga hindi nararapat para matupad ang iyong pangarap? (10%)
2. Paano damhin at pag-alabin ang pagnanasa tungo sa katuparan ng pangarap? (10%)
V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 159-160.

MODYUL #57

I. PAKSA: PAMANTAYAN SA MITHIIN, SUSURIIN KO

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nasusuriin ang mga pamantayan sa mithiin;
b. natutukoy ang mga pamantayan sa mithiin; at
c. napapahalagahan ang mga pamantayan sa mithiin.

III. PANIMULANG SALITA


Kaakibat ng pangarap ang mithiin sa buhay, mithiing ninanais para sa sarili. Bawat pangarap ay nag-
uugat sa minimithi at ninanais. Kadalasan, dito umiikot ang buhay ng tao. Gumagawa, kumikilos at
nagsusumikap sila upang maabot ang ninanais at minimithi sa buhay sapagkat naniniwala sila na sa katuparan
nito makakamit ang kasiyahan at tagumpay.
Nasuri mo na ba at napagnilayan ang pamantayan sa mithiin na kinakailangan? Batid mo ba na sa
mithiin ang ugat ng iyong pangarap? Ito ang nagsisilbing gabay sa wastong pagpapasiya, pagtukoy, at pagtupad
ng mga pangarap. Batay dito, kinakailangan ang pagkakaroon ng malinaw na kaalaman, pag-unawa, at
pagsunod sa mga pamantayan sa pagtatakda ng makatotohanang mithiin. Kailangan din ang disiplina sa sarili at
maingat na pagpapasiya.

IV. PAGLINANG NA GAWAIN


A. Natutuhan mo ang kahalagahan ng pangarap sa naunang paksa. Ngayon naman, kailangan mong unawaing
lubos kung bakit mahalaga ang mabuting pangarap para sa pagkamit ng itinakdang mithiin. Nagtataka tayo sa
mga taong nakuha na nila ang gusto sa buhay subalit hindi pa rin sila ganap na maligaya.
Mayroon isang taong naghangad maging isang matagumpay na negosyante. Sa pagdaan ng mga taon,
dumami at lumago ang kaniyang mga negosyo. Subalit wala siyang ganap na kasiyahan. Hindi siya
makapagretiro upang malasap nang buong tamis ang kaniyang pinaghirapan. Sige pa rin siya sa pagtatrabaho
kahit na wala siyang kasiyahan. Bakit mayroong mga taong ganito?
Ang pangarap ng tao ay marami at iba't iba. Upang magkaroon ng kabuluhan ang bawat pangarap,
nararapat na mayroong isang mithiin sa buhay ang mga pangarap na ito. Tinatawag na goal, o desire o mithiin
ang tunguhin o pakay na iyong nais na marating sa hinaharap. Sa madaling sabi, ito ang nais mong mangyari sa
iyong buhay sa hinaharap. Sa tingin mo, magiging maligaya ka na kaya kapag narating mo ang iyong tunguhin
sa buhay? Masdan ang dayagram sa ibaba:

Mga pangarap

TUNGUHIN/
2 DIREKSIYON MITHIIN

Ang tunay na makapagbibigay ng direksiyon sa iyong buhay at mithiin ay ang pagiging maka-Diyos at
ang pagbibigay halaga sa paggawa ng kabutihan. Kung may matibay kang pananampalataya sa Diyos, tiyak na
maaabot mo ang iyong mithiin at ito ang simula ng iyong makahulugang buhay. Mahalaga na ang pangunahing
konsiderasyon sa pagpili ng iyong mithiin ay ang pagmamahal sa kabutihan hindi lamang para sa sarili kung
hindi pati na rin sa kapuwa. Sa ganito, magkakaroon ng kahulugan ang iyong mithiin.
Halimbawa, gusto mong maging isang tanyag at mabuting abogado upang maipagtanggol ang karapatan
ng mahihirap sa lugar ninyo dahil naaapi at nayuyurakan ang dignidad ng walang sapat na salaping
maipagtanggol ang sariling karapatan. Higit na makabuluhan ang iyong mithiin sa layunin mong ito, kaya kapag
dumating ang panahong naging magaling kang abogado at naabot mo ang iyong mithiin, magiging lubos ang
iyong kaligayahan. Kapag ikaw ay yumaman dahil mayroon ka ring mayayamang kliyente na may kakayahang
magbayad sa mahusay at tapat mong serbisyo, ito ay malaking bonus sa iyong pinapangarap na buhay.
B. Ang Anim na Pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin. Isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan
sa pagtatakda ng mithiin:

1. Ito ay tiyak. Nakasisiguro ka na ang natatangi mong mithiin ang nais mong maabot sa iyong buhay. Aksaya
sa pera at panahon ang pabago-bago at paulit-ulit na mithiin.

2. Ito ay nasusukat. May kakayahan ka bang abutin ang ninanais mo? Halimbawa, sa kursong hinahangad mo,
may sapat bang gastusin ang pamilya mo para dito? Mataas ba ang iyong marka? Sa pagsulong ng panahon,
nasusukat mo ang progreso sa pag-usad ng pag-abot mo sa iyong minimithi.

3. Ito ay naaabot. Naaabot ang mithiin kungito ay makatotohanang hamon. Halimbawa, kung gusto mong mag-
abogado, makatotohanan ito kung kayang tustusan ang iyong pag-aaral at maipapasa mo naman ang mga
eksamen. Kaya kahit mahirap ito, at medyo may katagalan din kaysa sa pangkaraniwang kurso, pursigido ka
ring makatapos. Isang hamon para sa iyo ang pag-abot ng kursong ito.

4. Ito ay makabuluhan at mahalaga. Makabuluhan at mahalaga ang iyong mithiin kung ito ay nag-uugat sa
pagmamahal sa Diyos at pagbibigay preperensiya sa kabutihan at may layuning makatulong sa kapuwa.
Laging alalahanin kung alin ang una, ika lawa, o sumunod na mahalaga sa iyo bago ka magdesisyon sa
pagtatakda ng iyong mithiin.

5. Ito ay nasasakop ng panahon. Kailangan pag-isipang mabuti ang haba ng panahong kailangan bago matupad
ang iyong mithiin at ang iyong pakay para rito. Ang panahong gagamitin sa pagsasakatuparan ng iyong
mithiin ay may kaugnayan sa perang ipangtutustos sa pagtupad ng iyong layunin o pakay. Nararapat na pag-
ukulan ng talino ang pagpapasiya sa pag-abot ng mithiin.

6. Ito ay may angkop na kilos. Tiyaking ang pagpapahayag ng mithiin ay nasa pangkasalukuyang kilos, kaya
mong gawin at positibo, upang ang resulta o katuparan nito ay maghahatid ng ligaya at tamis ng tagumpay.

Ang mga pamantayan sa pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay makatutulong upang


magkaroon ng determinasyon tungo sa pagkamit nito.

IV. EBALWASYON
1. Paano mo mapapahalagahan at mapaptatag ang iyong mithiin? (20%)
2. Bakit kailangan maunawaan ang mga pamatayan para sa pagtatag ng mithiin? (10%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 182-184.

MODYUL #58

I. PAKSA: KILALANIN: SOCORRO CANCIO RAMOS

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nalalaman ang kwento ng isang matagumpay na Pilipino sa pagtahak niya sa buhay;
b. natutukoy ang pagiging matagumpay sa buhay ni Socorro cancio ramos; at
c. napapahalagahan ang mga tagumpay sa bawat isang nagagarap maabot ang miihiin.

III. PAGLINANG NA GAWAIN


Basahin ang talambuhay ng isang matagumpay na Pilipino sa pagtahak niya sa buhay upang maabot ang
kaniyang mithiin. Alamin ang lihim ng kaniyang tagumpay sa larangang kaniyang napili.

KILALANIN: SOCORRO CANCIO RAMOS


Si Coring at ang kaniyang asawa ang nagtatag ng ngayon ay tanyag na National Book Store. Paano nga
ba nagsimula ang ngayong tanyag na tanyag na tindahan? Ang nasabing tindahan ay nagsimula sa isang maliit
na puwesto sa Escolta, isang tanyag na lugar pamilihan sa Maynila noong taong 1960.
Nagsimula itong magtinda ng kung anu-anong mga pangkalahatang kalakal o paninda hanggang sa
lumago ang kaniyang negosyo at naging pinakamalaking tindahan ng mga aklat sa buong Pilipinas. Bagama't
lumaki ang kompanya, nanatili ang sinimulang prinsipyo: ang magtinda ng teksbuk at mga gamit sa paaralan sa
mababang halaga na makakaya ng mga mag-aaral.
Kinakitaan na si Coring ng hilig sa pagnenegosyo sa murang edad nang sa gulang na 12 ay matanggap
siya sa pagawaan ng sigarilyo bilang tagaayos ng mga nakaimbak na kalakal at iligtas ang mga ito sa pagkasira.
Limang sentimos ang bayad sa kaniya sa bawat pakete. Naisip niyang kumuha ng mga bata na siyang tutulong
sa kaniyang alisin ang papel sa sigarilyo at binayaran niya. Sila ng limang sentimos sa bawat dalawang pakete.
Dahil sa kaniyang naisip, napadali ang kaniyang trabaho at nagtamo ng tubo.
Noong 1942, sa gulang na 19 ay nagpakasal siya kay Jose Ramos at magkasama nilang itinatag ang
National Book Store. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napanatili pa rin nila ang tindahan sa
pamamagitan ng pagtitinda ng sabon, kendi, tsinelas at mga aklat na sinensor ng mga Hapones. Nang dumating
ang panahon ng kalayaan, nasunog ang kanilang tindahan at ang lahat ng laman nito. Itinayo at binuksang muli
ng mag-asawa ang tindahan noong 1945 kung kailan simula ng klase pagkaraan ng digmaan. Subalit noong
taong 1948, dahil sa malakas na bagyo, nasira ang kanilang tindahan at ang kanilang mga kalakal.
Magsisimula ulit sila sa wala. Pinag-ibayo nina Coring at Jose ang kanilang pagsisikap. Tatlong oras
lamang ang tulog nila sa araw-araw hanggang sa sila ay nakapagpatayo ng gusaling may dalawang palapag sa
kabayanan (downtown) sa Maynila na siya nilang naging tindahan sa maraming taon.
Noong taong 1970, sa pagsususog ng kanilang mga anak, lumawak ang kanilang negosyo at nagtatag pa
ng maraming sangay.
Taong 1988, ang National Book Store ay nakabilang sa 100 nangungunang korporasyon sa bansa.
Noong 2004, ang kanilang tindahan ay nabilang rin sa Retail Asia-Pacific top 500.
Sa kasalukuyan, isa ito sa nangunguna sa Philippine book market. Mayroon na itong 2,500 empleyado at
108 na sangay sa bansa. Dahil sa pagsisikap at pagpupunyagi ni Coring, umunlad ang National Book Store. Ang
paraan niya ng pamamalakad ng negosyo ay kahanga-hanga. Maganda ang kaniyang pakikitungo sa mga
empleyado nila at ganoon din ang empleyado sa kaniya na tinawag na siyang Nanay. Naniniwala siya na ang
pag-unlad ng bansa ay nasa literacy program kung kaya itinatag niya ito sa kaniyang kompanya. Mayroon din
siyang foundation para sa mga mag-aaral. Tumutulong din sila sa Philippine Red Cross at sa Ten Outstanding
Students of the Year Program.
Ayon kay Coring, ang lihim ng kaniyang tagumpay ay matibay na pagsisikap at tapat na paggawa na
kaniyang ipinamana at itinuro sa mga anak. Idinugtong pa niya na ang pagsisikap ay hindi sakripisyo kundi
kaligayahan.
Regina Khan (2008) When She Takes the Lead http://www.
nationalbookstore.com.ph/about-us/
Isinalin ni Tanty S. Arrogante

STUDENT ASSESSMENT QUESTIONS (SAQ). Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.


SAQ #1. Batay sa kuwento, ano-ano ang naging susi ng tagumpay sa pagtamo ng mithiin ni Gng. Socorro
Cancio Ramos? (10%)
SAQ #2. Sa anong paraan mo matutularan si Gng. Socorro Cancio Ramos? (10%)

IV. EBALWASYON
1. Bakit mahalagang magtakda ng mithiin sa buhay? (20%)
2. Anu-ano ang katangian o pagpapahalaga ng mga taong makaaabot ng kanilang? (20%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 185-186.

MODYUL #59-60

I. PAKSA: MGA SALIK SA PAGPAPASYA, UUNAWAIN KO

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nasusuri ang mga salik at hakbang sa pagpapasya;
b. natutukoy ang mga salik at hakbang sa pagpapasya; at
c. napapahalagahan ang mga salik at hakbang sa pagpapasya.

III. PANIMULANG GAWAIN


Araw-araw ay gumagawa tayo ng mga pagpapasiya. Paggising sa umaga, nag-iisip at nagpapasiya tayo
tungkol sa mga kinakailangang gawin sa maghapon, mga mumunting bagay na kinakaila-ngan din ang pasiya
tulad ng kung ano ang uunahing gawin sa araw na ito. Subalit may mga malaki at mahalagang bagay na dapat
pagpasiyahan, lalo't batay ito sa itinakdang mithiin, kung saan nakasalalay ang maganda at masaganang
kinabukasan.
Ang pagpapasiya ay dapat pag-isipan at pagtuunan ng pansin sapagkat anuman ang kahihinatnan ng
ginawang kapasiyahan ay kailangang tanggapin at kung sakali ay panagutan. Dito napagtitibay ang halaga ng
matalino at maingat na paggamit ng isip at kalooban sa pag-unawa sa batayan at mga salik sa pagpapasiya. Sa
pamamagitan ng mga ganitong pagkakataon nalilinang ang ating kakayahan na isiping mabuti ang kahihinatnan
ng ating mga kapasiyahan.

IV. PAGLINANG NA GAWAIN


Sa paggawa ng kapasiyahan, kinakailangan ang maguging pag-iigip gapagkat anurnang pagpapasiya ang
gagawin mo, may pananagutan ka. Handa mong tanggapin ang kahihinatnan ng iyong kapasiyahan sa tulong ng
Diyos.
Ang pagiging maka-Diyos ay mahalagang salik sa pagpapasiya sapagkat ang pagmamahal sa Diyos ay
ang pagkakaroon ng preperensiya sa kabutihan na siyang kailangang maging batayan sa pagpapasiya.
Kailangan rin ang pagiging mahinahon at hindi pabigla-biglang pagpapasiya upang hindi magsisi.
Kapag napagpasiyahang matapos ang masusing pag-iisip, humingi ng tulong sa Diyos sa pagkakaroon ng lakas
ng loob o katatagan sa pagsasagawa ng kapasiyahan.

ANG ANIM NA HAKBANG SA PAGPAPASIYA

1. Tukuyin ang tunay na sitwasyon o suliranin. Suriing mabuti ang pinagmulan ng problema at alamin ang
epekto nito.
2. Alamin ang mga alternatibo na makalulutas sa suliranin. Mayroon bang mga taong makatutulong sa solusyon?
Sinu-sino sila?
3. Pagtuunan ang mga kahihinatnan ng bawat alternatibo. Magandang itala ang kalalabasan ng bawat alternatibo
upang masiguro ang kahihinatnan ng pasiya. Sa ganito, maiiwasan ang pagsisisi.
4. Isaalang-alang ang mga pagpapahalagang pansarili at pampamilya. Sa pagpapasiyang gagawin, hindi lamang
ang kabutihan at kasiyahan ng sarili ang isinasaalang-alang kung hindi ang mga taong malalapit din sa iyo:
pamilya, kaibigan, at marami pang iba.
5. Magpasiya at isagawa ito. Kung naisagawa na ang lahat ng naunang hakbang, isagawa na ang pagpapasiya.
Huwag mag-alala sapagkat tiyak na pinag-isipan mo ito nang mahusay, pinakasuri-suri at binigyang halaga.
Manalangin ka na magkaroon ng katuparan ang binigyang halaga.
6. Timbangin ang kalakasan ng pasiya. Anu-ano ang kabutihang dulot nito sa iyo at sa mga taong mahalaga sa
iyo? Kung kailangan ang pagbabago dahil may kulang o hindi pa gaanong handa para isagawa ang
pagpapasiya, komunsulta sa higit na nakaaalam at may karanasan na may malasakit sa iyong kapakanan.

Basahin ang sumusunod na kuwento tungkol sa isang batang dating mahirap ngunit nang lumaon ay
nnging bantog. llasahin ang kuwento ibaba.

ANG BATANG MAHIRAP NA NAGING BANTOG


Simplicio P. Bisa

Hindi hadlang ang kahirapan sa pag-unlad ng isang nilalang, manapa'y katapatan at kasigasigan sa
anumang uri ng tungkulin o hanapbuhay ang daan sa magandang kinabukasan. Kung tatanungin ang USA kung
sinu-sino ang mga pangunahing pilantropo noong ikalabinsiyam na siglo, tiyak na ang isa sa mga hindi
malilimutang banggitin ay ang pangalan ng isang dating grocery boy na nag-iwan ng kulang-kulang na siyam na
milyon para sa sangkatauhan—si George Peabody.
Isinilang si George sa isang mahirap na pamilya sa Denver, Massachusetts noong Pebrero 18, 1895. Sa
gulang na labing-isang taon ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang maghanap-buhay. Nagsimula
siyang magtrabaho sa isang maliit na groserya na pag-aari ni Mr. Proctor. Apat na taon siyang namasukan dito,
at sa buong panahong iyon ng kaniyang pagtatrabaho, lahat ng kaniyang kinita ay ibinigay niya sa kaniyang ina.
At sa buong panahong ding iyon, ni minsan ay hindi siya nahuli sa pagpasok. Gayon din, siya ay matapat sa
gawain, kaya nakagiliwan siya ng may-ari ng tindahan, pati na ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho.
Ngunit sa gulang na labinlimang taon, si George ay nagsimulang magkaroon ng ambisyon. Ang
pangarap niya ay makapagtrabaho sa isang malaki at malawak na tindahan. Siya ay sumama sa kaniyang lolo sa
ina sa Thetford, Vermont. Doon, pagkaraan ng isang taong paninirahan sa kaniyang lolo ay natanggap siya sa
isang malaking tindahan ng dry goods. Maligaya na sana siya dahil natupad na ang kaniyang pangarap, ngunit
ang nasabing tindahan ay nasunog, dahilan upang siya ay mawalan ng trabaho.
Sa bayang ito ay nagtrabaho siya ng dalawang taon. Dito ay nagkaroon siya ng maraming kaibigan at
pakikitungo sa mga kostumer. Ang taktika ni George na mainam. Ni minsan ay hindi niya sinaktan ang
damdamin ay hindi kinahahalataan ng pagkainip. Gayon din, iniiwasan walang kakuwenta-kuwenta. At ang isa
pang magandang katuwalidad. Ang isang taong nahuhuli sa tipanan ay nawawalan magtatagumpay sa negosyo.
Ang katangiang ito ni George ay matagal na palang goods dealer. Si Mr. Riggs ay naghahanap noon ng
makakasosyo na negosyo. At kay George ay nakita niya ang isang katangian. Kaya inalok niya ito upang
sumosyo sa kaniya na ang tanging sikap, at katapatan. Ang salaping puhunan ay kay Mr. Riggs.
Ang magandang alok na ito ni Mr. Riggs ay sinang-ayunan taon ay inilipat ng dalawa ang kanilang
negosyo sa Baltimore. maglakbay sa Pennsylvania, Maryland, New York, Virginia, ng kabayo at ipinagbili ang
kanilang tindang dry goods. tahanan ng magsasaka kapag inaabutan ng gabi sa daan. nayong negosyo ng dalawa
ay umunlad kaya sila ay nagpatayo at New York. Nang magretiro si Mr. Riggs, si George ang gulang niyang
tatlumpu't limang taon.
Pagkaraan ng ilang beses na pagdalaw niya sa London, hay. Naniniwala siyang sa lungsod na ito kikita
ng salapi negosyo. Siya ay nagpatayo ng isang bangko. At dito, anteng Amerikano ay sa kaniya
nakikipagtransaksiyon ni George.
Sa paglipas ng mga taon ay lalo nang lumaki ang apagtinda at clerk sa groserya ay isa nang tinitingala sa
makakapamuhay na siya ng tulad ng isang prinsipe dahil ay namalaging payak sa kaniyang pamumuhay.
Nagpapayaman sarili lamang. Siya ay may ibang layunin. At iyon ay kung ng mga tao. Mahal niya ang
sangkatauhan.
Minsan, nang ipagdiwang ang sandaang taong sinilangan niya, siya ay inimbitahan upang maging
panauhin. nagpadala siya ng liham. Nang buksan iyon ay nakasaad kailangang iukol ngayon at sa darating pa na
henerasyon." libong dolyar para sa pagpapatayo ng isang paaralan. Diing 25 libong dolyar. Tunay na hindi
nakalilimot ang dating batang mahirap sa kaniyang bayang sinilangan. Kaya bilang pagtanaw naman ng utang
na 1oob ng kaniyang mga kababayan sa Denver, ang itinatayong paaralan ay pinangalanang Peabody Institute.
Nang siya ay magtungo naman sa USA, pagkaraan ng 20 taong pagkawala rito, ang New York at iba pang
lungsod ay nagnais mag-alay ng kanilang resepsyon, ngunit tinanggihan niya ang mga ito, maliban sa Denver.
Pagkaraang dumalo sa parangal na inihandog sa kaniya ay naghandog siya ng mahigit na tatlong
milyong dolyar sa Baltimore na gagamitin din sa pagpapatayo ng paaralan.
Sa London naman ay nagbigay siya ng mahigit na tatlong milyon para sa pagpapagawa ng mga tirahan
para sa mahihirap na naninirahan sa lungsod. Mahal niya ang mga dukha dahil naranasan niya ang gayong uri
ng pamumuhay.
Bilang pagkilala sa kaniyang kabutihan at pagtulong, isang bronseng estatwa ang itinayo malapit sa
Royal Exchange. Ninais naman ni Reyna Victoria na gawin siyang baron, ngunit siya'y tumanggi. Gayunman,
siya ay binigyan ng malaking larawan ng reyna at isang liham na hinihingi niya upang magsilbing alaala para
kay George.
Samantala ay hindi nakalimutan ng pilantropo ang kaniyang mga kababayang Negro. Naisip niyang
kailangan ng mga ito ang edukasyon, kaya siya ay nagbigay ng tatlong milyon para sa pagpapatayo rin ng
paaralan.
Ang Harvard University, Yale, Newberyport Library, at marami pang iba't ibang institusyon sa USA ay
tumanggap din ng tulong mula sa kaniya. Pinamanahan niya ang kaniyang mga kamaganak ng apat na milyon.
At para sa kaniyang mahal na ina na namatay na, siya ay nagpatayo ng isang simbahan para sa alaala nito.
Noong Nobyembre 5, 1969, si George Peabody, ang batang mahirap na napabantog dahil sa
pagmamahal sa sangkatauhan, ay binawian ng buhay.

STUDENT ASSESSMENT QUESTIONS (SAQ). Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.


SAQ #1 Ano ang layunin ni George sa buhay? (10%)
SAQ #2. Ipaliwanag ang mga balakid o hamon sa kaniyang layunin o mithiin. (10%)
SAQ #3. Banggitin ang ginamit niyang hakbang sa hindi pag-aaksaya ng oras at panahon. (10%)
SAQ #4. Ano-ano ang mga pagpapahalagang naging instrumento sa kaniyang tagumpay? (10%)

IV. EBALWASYON
A.1. Ano ang itinakda mong mithiin (goal)? (10%)
2. Anu-ano ang mga tunay mong layunin sa pagtatakda ng mithiin (purpose)? (10%)
3. Masaya ka ba sa iyong tunay na layunin at itinakdang mithiin? (10%)
4. Paano matitiyak na ang itinakdang mithiin ay tama at mabuti? (10%)
B. Bisitahin ang facebook page ng Bicol Assembly. Manood ng JLS Online Worship Service sa darating na
Linggo (9:00 AM). Gumawa ng REFLECTION sa iyong kuwaderno patungkol sa iyong natutunan mula sa
preaching sa online service. Paano mo maikokonekta ang mga tinuro at natutunan mo sa iyong personal na
buhay- bilang kristiyano, estudyante at anak? (100%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 213-218

You might also like