You are on page 1of 6

SHEPHERDVILLE COLLEGE

Talojongon, Tigaon, Camarines Sur


Basic Education Department
SY 2020-2021

COURSE GUIDE
(Ikaapat na Markahan: Pebrero 1 – 26, 2021)

GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT 7

WEEK MODULE LESSON

Week 1 Module 46-47 Paghubog Ng Pagpapahalaga, Matatamo Ko


(Feb. 1-5) Module 48 Magandang Halimbawa
Module 49 Magadang Bukas
Module 50 Pagiging Totoo, Ipakikita Ko
Paano Maisabuhay ang Pagiging Totoo at Ang Mga
Week 2 Module 51
Kilos o Gawain Laban Sa Pagiging Tootoo?
(Feb. 8-12) Module 52 Ang Maging Marangal
Module 53 Ang Tunay Na Brahmin
Module 54 Pangarap Ko, Maabot Ko
Module 55 Bakiy Mahalaga Ang Pangarap
Module 56 Pagtulong Sa Sarili
Module 57 Pamantayan Sa Mithiin, Susuriin Ko
Week 3
(Feb. 15-19) Module 58 Kilalanin: Socorro Cancio Ramos
Mga Hakbang sa Pagkamit ng Itinakdang Mithiin,
Module 59
Tukuyin Ko (Julie Yap Daza)
Module 60 Mga salik sa Pagpapasya, Uunahin Ko
4th Periodic Exam
Week 4
(Feb. 22-26)

Prepared by: Checked by:

T. EMERSON B. PACAY T. KRISTINE C. CELESTIAL


Subject Teacher JHS Coordinator

Approved by:

PTR. KATHERINE JOYCE S. CONTANTE, MA


Basic Education, Principal
MODYUL #46-47

I. PAKSA: PAGHUBOG NG PAGPAPAHALAGA, MATATAMO KO

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nasusuri ang mga paghubog ng pagpapahalaga, matatamo ko;
b. natutukoy ang mga paghubog ng pagpapahalaga; at
c. napapahalagahan ang mga paghubog ng pagpapahalaga, matatamo ko.

III. PANIMULANG SALITA


Mula sa kapanganakan hanggang sa hustong gulang, napatunayan ng tao ang pangangaila-ngan niya sa
kaniyang kapuwa at iba't ibang panlipunang institusyon sa paghubog ng kaniyang pagpapahalaga. Ang iba't
ibang mga panlabas na salik na ito ay may malaking bahagi sa paghubog ng pagkatao.
Kung ano siya ngayon, ang kaniyang pagkatao, ang kaniyang mga hilig, ang mga virtue at
pagpapahalagang taglay ay humuhubog sa buhay.
Nauunawaan niya mula sa nakaraang aralin ang paghubog ng mga panloob na salik sa kaniyang
mapanagutang pagpapasiya at kilos na nagmumula sa mga taglay na pagpapahalaga. Ngayon naman, susubukin
nating maunawaan kung paano nakaaapekto sa ating pagpapahalaga ang pamilya, guro, kapuwa tinedyer,
katayuang panlipunan, at ang media.

IV. PAGLINANG NA GAWAIN


Sa pagsunod sa mabubuting turo na ipinagkaloob ng pamilya, paaralan, o media, kinakailangan ang
pagtataglay ng virtue na pagpapakumbaba. Ito ang virtue na magtuturo sa ating tanggapin ang katotohanan na
kailangan natin ang ating mga magulang at kapamilya, mga guro, at iba pang tao na alam nating
nagmamalasakit sa paghubog ng ating moral at espiritwal na pagpapahalaga. Makatutulong rin ang
pagpapakumbaba upang maiwasan ang pagiging makasarili o makasakit ng kapuwa kung halimbawang hindi
binibigyang pansin ang mga turo ng pamilya, paaralan, o iba pang may kinalaman sa pag-unlad ng ating
pagkatao.
Ang pagkamasunurin ay ang virtue na magtuturo sa isang tao na isabuhay ang mga pagpapahalaga na
isinasabuhay sa pamilya tulad ng wastong ngalan. Mula rin sa pamilya at pinatotohanan ng mga guro at mga
taong nagmamalasakit ang pagpapahalaga sa edukasyon sa pamamagitan ng pag-aaral at hindi pag-aaksaya ng
panahon sa walang kabuluhang bagay.
Ang pagmamahal sa kabutihan ay tumutukoy sa mga nararapat o hindi nararapat na sundin sa mga
epektong dulot ng panlabas na salik. Pagmamahal sa kabutihan ay ang patuloy na pagsasaliksik sa mga bagay
na makabubuti sa pag-unlad ng pagkatao ng isang nilalang.
Likas sa tao ang pagiging mabait, mapagbigav, at matulungin. Ngunit ang tao ay hindi nilalang na ganap
o din siyang mga kakulangan at na nais na makamtan upang at makapaglingkod sa kapuwaSapagkat siya’y
Hindi perpektong nilalang. nakagagawa siya ng kamalian at kadalasan siya•y nagging makasarili- Isa pang
katotohanan na nakaaapekto sa kabaitan ng tao at kakayahang ßagmahal sa kapuwa ay ang umiiral na kasamaan
sa mundo. Kung kaya ang tao, lalo na ang kabataan- ay nangangailangan ng gabay tungo sa tamang
pagpapasiya at kilos sa pagsasakatuparan ng kaniyang naisin sa buhay. Kinakailangan lamang ang sapat na
kaalaman kung paano humuhubog ang mga panlabas na salik sa pagkatao. Batay sa karanasan may mga
panlabas na salik na hindi mabuti ang epekto. Dahil dito, kinakailangang maging sensitibo at matalino sa
pagsusuri sa impluwensiya ng Inga panlabas na salik Ang mga pangunahing panlabas na salik ay ang
sumusunod.

A. PAMILYA
Hindi maikakaila ang mahalagang bahaging ginagampanan ng pamilya sa buhay ng tao. Ang pamilya
ang pinakamahalang salik upang maisakatuparan ang mithiin ng tao. Ito ay ang nakikiisa sa kaunlaran at
nakikibahagi sa misyon ng simbahang kinaaaniban.
Malaki ang epekto ng pamilya sa paghubog ng pagpapahalaga ng kabataan. Ito ang kaniyang unang
paaralan. Dito unang natututuhan ang kahalagahan ng buhay, ang paggalang, at ang tamang pakikipag-ugnayan.
Dito rin natututuhan kung ano ang tama at mali, ang mabuti at masama. Higit sa lahat, sa pamilya unang
nalalaman at nauunawaan ang kahalagahan ng pananampalataya.
Ayon sa ilang teologo at sikologo, bilang karagdagan sa paghubog ng halaga sa pamiIya, kinakailangan
ang sumusunod:

Mga Dapat Taglayin ng Bukas ng komunikasyon ng magulang at anak


Pamilya Upang Mahubog
ang pagpapahalalaga Pagtanggap sa nagawang pagkakamali

Pagtutulungan ng mga miyembro ng pamilya


B. ANG HUWARAN NG KABATAAN
Ang pagkatao, kilos. uri ng pakikipag-ugnayan, ang paniniwala, mga galitang na_ mumutawi sa mga
labi ng isang tao tulad ng magulang at guro ang kabuuan ng isang taong maituturing na huwaran ng mga
kabataan.

C. MGA KASINGGULANG (PEERS)

Ayon ga pag-aaral, may iba't ibang uri ng grupo ng kabataan na may kakaibang kakayahan ng
panghihikayat sa kapuwa kabataan ng positibo at negatibong kilos:

1. POSITIBONG IMPLUWENSIYA
Malakas ang positibong impluwensiya ng kapuwa kabataan sa tamang gawain at kilos. Ang nagdadalaga
at nagbibinata ay pumipili ng kaibigan na may taglay na katangian at talento na kaniyang hinahangaan at ito ang
nagsisilbing inspirasyon sa kaniya upang matamo ang katulad na katangian at talento. Nahihikayat ng kaibigan
ang kapuwa kabataan na mag-aral na mabuti. Bago magpasiya at kumilos, humingi muna ng payo sa mga
kaibigan ukol sa mga dapat gawin.

2. NEGATIBONG IMPLUWENSIYA
"Piliin mo ang iyong kaibigan," madalas na paalala ng mga magulang at guro dahil sa laki ng
impluwensiyang idinudulot ng kapuwa kabataan sa isang tinedyer. Mula sa pagsasaliksik at pagmamasid,
natutuklasan na kadalasan, ang masamang gawain ay epekto ng grupo na kung tawagin ay clique. Ito ay kaiba
sa ibang barkada. Ito ang grupo na kailangang sumunod ka sa anumang ginagawa ng pangkat. Halimbawa ay
paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pag-inom ng alak, seksuwal na gawain, pagsusugal, at pagsisigarilyo.
Karaniwang sinasabi kapag tumanggi sa pagsunod sa masamang impluwensiya ang "makisama ka naman"

D. KATAYUANG PANLIPUNAN
Ang katayuang panlipunan (hanapbuhay, laki ng pamilya, at iba pa) ay nakakaapekto sa paghubog ng
pagpapahalaga ng isang tao. Halimbawa, ang isang batang bahagi ng isang malaking pamilya, kung saan ang
ama ng tahanan ay walang permanenteng trabaho, ay maaaring lumaking hindi alam ang konsepto ng
pagbibigay. Marahil ay mas matatandaan niya ang madalas na pag-aagawan nilang magkakapatid sa kakaunting
pagkaing nakahain sa mesa.

E. MEDIA
Maaalaala natin na ang ikaanim sa mga panlabas na salik sa pagpapahalaga ay ang media. Hindi kaila sa
atin na malaki ang impluwensiya ng media sa paghubog ng pagpapahalaga ng isang tao, lalo na sa mga
kabataan ngayon. Masdan, halimbawa ang isang ulat tungkol sa paggamit ng Internet.
Ayon sa pagsusuri na isinagawa ng Nielsen Southeast Asia Digital Consumer Report, pumapangalawa
ang Pilipinas sa mabibigat na Internet users sa rehiyon, na may average 21.5 oras online kada linggo. Patunay
ito sa dumaraming mga Pilipino na may sariling smartphones at gumagamit ng high-speed Internet access at
Wi-Fi kaysa sa traditional media gaya ng telebisyon.
Social networking ang lumilitaw na isa sa pinakamalaking ginagamit sa digital media mula sa limang
pinakapopular na online activity.
Ang talahanayan sa ibaba ay hango sa National Statistics Office, mula sa pagsusuring isinagawa noong
2010. Mapapansin natin na dumarami na ang gumagamit ng Internet sa taong 2010, habang nangunguna pa rin
ang TV sa media na ginagamit ng mga tao.

Table 2. Antas ng Populasyon (10-64 taong gulang) na nag-ulat ng iba’t ibang klase ng mass media ang
nagbibigay ng kalaalaman at impormasyon sa babae at lalaki sa Pilipinas (2003).

Uri ng Mass Media Babae’t lalaki Lalaki Babae


Mamamayang 10-64 taong gulang (sa libo) 57;588 28,947 28,641
Pahayagan 46.5 45.1 47.9
Magasin at Libro 35.7 33.1 38.4
TV 61.8 59.8 63.9
Radio 56.7 55.9 57.5
VHS/VC8.6D/DVD 9.3 9.9 8.6
Sine 9.3 9.2 9.4
Computer/Internet 20.0 18.7 21.3
Komiks 6.1 6.3 5.9

V. EBALWASYON (Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel).


1. Paanu mo mapapahalagahan ang mga dapat taglayin ng pamilya upang mahubog? (20%)
2. Paanu mo maipapakitang ang pagpapahalaga na dapat taglayin ng pamilya upang mahubog? (20%)

VI. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 144-149.
MODYUL #48

I. PAKSA: MAGANDANG HALIMBAWA

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nasusuri ang mga magandang halimbawa;
b. natutukoy ang magagandang halimbawa; at
c. napapahalagahan ang mga magandang halimbawa sa buhay ng bawat isa.

III. PAGLINANG NA GAWAIN


Basahin ng maikling kwento sa ibaba at alamin ang pamanang pagpapahalaga ng ama sa kanilang anak.

Magandang Halimbawa
Alfonso Sujeco

Inaahitan na lamang ni Ka Ambo ang kahuli-hulihang ginugupitan niya nang dumating ang kaniyang
kumpareng Kikoy. Inaama ni Boyet si Mang Kikoy. "Napasiyal ka kumpare," salubong na bati ni Ka Ambo at
saglit na itinaas ang hawak na labaha. "Magpapagupit ka ba?"
"Mamaya na pagkatapos niyan." Napalingon si Mang Kikoy sa dakong kalsada pagkarinig sa
naglalarong mga bata. Natanaw niya na katugisan ng kaniyang inaanak ang isang batang kasinggulang nito.
"Mabilis lumaki ang aking inaanak. Limang grado na siya sa pasukang ito, di ba?" "Matalino ang
inaanak mong iyan, kumpare," aniya. "Laging nasa honor taon-taon. Ang kalaro niyang iyon, si Bobby, ang
tanging dumadaig sa kaniya." Napatango-tango si Mang Kikoy. "Tawagin mo nga sandali at may naisip ako
para lalong magsikap ang aking inaanak."
Sumipol si Ka Ambo. Pagkarinig ni Boyet sa sipol, patakbo itong lumapit sa ama. Pagkakita sa kaniyang
ninong, ito'y lumapit at nagmano.
"May sasabihin daw sa iyo ang ninong mo. Pakinggan mong mabuti," pauna ni Ka Ambo.
"Ganito iyon, kumpare, " ani Mang Kikoy. "Mula sa taong ito, maglalaan ako ng isang baboy para sa
sinumang inaanak ko na makakuha ng first honor. Kasama ka roon, Boyet. Humigit kumulang, aabutin ng isang
libong piso ang halaga ng baboy na inilalaan ko."
"Ayan, narinig mo Boyet, ang pangako ng ninong mo," ani Ka Ambo sa anak. "Kaya sikapin mong
maging number one sa inyong klase."
Nangislap ang mga mata ni Boyet. "Hayaan ninyo itay, hindi na ako padadaig kay Bobby sa taong ito,"
matatag niyang tugon. Nakita ni Ka Ambo nang sumunod na mga araw ang ibayong pag-aaral ng leksyon ni
Boyet. Subsob-ulo ito.
Subalit sa kabila ng pagsisikap ng anak, nang magtapos ang klase, nabatid ni Ka Ambo na naging
second honor lamang si Boyet. Si Bobby din ang una.
"Sa susunod, talo mo na siya," pampasigla ni Ka Ambo at tinapik-tapik sa balikat ang anak. "Makikita
mo si Bobby naman ang maghahabol sa iyo sa taong ito."
Ngunit, isang bagay ang naging kapansin-pansin kay Ka Ambo tungkol sa anak nang sumunod na mga
araw. Naglalaro man si Boyet, iba na ang kasama. Hindi na kabilang si Bobby, yayain man ni Bobby ay hindi
sumasama. Iniiwasan ang dating kaibigan.
"Boyet, hindi na yata ninyo kalaro ngayon si Bobby?" natanong ni Ka Ambo sa anak kaharap ang ina.
"Nagkagalit ba kayo?" "Basta ayoko na siyang kalaro," nakasimangot na sagot ni Boyet. "Magdilihensya siya
ng kalaro, pero ako, huwag na lang." Isa sa mahilig na maglaro ng dama ang ama ni Bobby na kaibigan ni Ka
Ambo. Isang hapon nang makita ni Mang Ilyo na walang ginugupitan si Ka Ambo, niyaya niya itong
magpalipas ng oras sa damahan. "Teka't kukunin ko sa itaas ang dama at ang pitsa," pasintabi ni Ka Ambo saka
tinawag ang anak. "Boyet, iabot mo nga sa akin ang damahan at maglalaro kami ni Pareng Ilyo."
Si Boyet na ang nanaog at nag-abot sa hinihingi ng ama nang malamang ama ni Bobby ang
makakalaban. Hindi ito umalis. Pinanood ang kanilang paglalaro. Sa unang laro ay talo si Ka Ambo. Nakita
niyang kumulimlim ang mukha ng nanonood na anak. Kanina, naririnig niya itong kumakantyaw kung siya'y
makakain ng piyon ni Mang Ilyo at makadama. Sa sumunod na laro ay talo uli siya. Pagkaraan ng tatlong
pagkatalo, nag-ayawan na Sila. Nagkakatawanan pa.
"Araw mo ngayon, Pare. Aba'y naistreyt mo ako nang tatlong sunod na walang sagot," masayang wika
ni Ka Ambo nang paalis na si Mang Ilyo. "Baka sa pag-ulit ay makabawi naman ako."
Nang malayo na si Mang Ilyo, ang hindi makapaniwalang si Boyet ay lumapit sa ama. "Itay, tinalo kayo
ni Mang Ilyo, e di ninyo ikinagalit?" patakang usisa. "Ang kailangan ay huwag na ninyo siyang paglaruin dito!"
Nakangiting hinarap ni Ka Ambo ang anak. "Boyet ang pagkatalo sa anumang bagay ay hindi dapat na
ikasama ng loob," may pangaral na wika. "Ang kahulugan lang ng pagkatalo ay kinapos tayo ng suwerte at
nakapagpabaya. Paligsahan iyan at mananalo ang magaling, pero magkaibigan din kayo kahit na ano ang resulta.
"Nang hapong iyon, habang magkatulong na nagpapakain ng alagang mga baboy si Ka Ambo at ang
asawa, ginambala Sila ng kaingayan ng naglalarong mga bata sa kalsada. Napalingon Sila. Nakitang naglalaro
ang anak at si Bobby ang kalaro. Nagkatinginan ang mag-asawa.
IV. EBALWASYON (Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel)
1. Ano ang pangako ni Mang Kikoy? (10%)
2. Ano ang epekto ng pangakong ito kay Boyet? (10%)
3. Bakit iniwasan ni Boyet si Bobby? (10%)
4. Paano naisabuhay sa kuwento ang pagpapakumbaba, katapatan, at pagtanggap ga katotohanan? (10%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 150-151.

MODYUL #49

I. PAKSA: MAGANDANG BUKAS

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nasusuri ang mga magandang halimbawa;
b. natutukoy ang mga magandang halimbawa; at
c. napapahalagahan ang mga magandang halimbawa sa buhay ng bawat isa.

III. PAGLINANG NA GAWAIN

Magadang Bukas
Tanty S. Arrogante

Isang magandang bukas ang sa iyo'y nakalaan


Kung ang payo ng magulang at guro 'y pakikinggan
Bagamat mahirap ang maaaring tahaking daan
Pagpapakasakit at tiyaga hindi pagsisisihan

Mga pagpapahalagang inilahad ng lipunan


Suriin at isabuhay para sa buhay na makahulugan
Mga tapat na kaibigan iyong gawing huwaran
Sa mabuting pagpapahalaga iyo silang tularan

Kung iyong pagmamasdan ang kapaligiran


May mga kabutihang sa iyo'y nakalaan
Kinakailangan lamang matamang pagnilayan
Mga bagay na huhubog sa iyong katauhan.

STUDENT PERFORMANCE TASK


Pumili ng isa o dalawang saknong na iyong nagustuhan. Bakit mo napili ang mga saknong na ito?
Ipaliwanag ang sagot sa pamamagitan ng pagkuha ng bidyu sa sarili at ipasa ito sa messenger account ng iyong
guro. (50%)

IV. EBALWASYON (Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel).


1. Sang-ayon ka ba sa sinasabi ng ikatlong saknong? Bakit? (10%)
2. Anu-anong panlabas na salik ang humuhubog sa pagpapahalaga? (10%)
3. Paano makatutulong ang mga panlabas na salik na nabanggit sa tula sa paghubog ng katauhan ng
isang tao? (10%)
4. Anu-ano ang nararapat gawin ng isang tinedyer na tulad mo para mahubog nang tama ang iyong
pagpapahalaga? (10%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 152.
MODYUL #50

I. PAKSA: PAGIGING TOTOO, IPAKIKITA KO

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nasusuri ang pagiging totoo;
b. natutukoy ang kahalagahan pagiging totoo; at
c. napapahalagahan ang pagiging totoo, ipapakita ko sa bawat tao.

III. PANIMULANG SALITA


Batid nating lahat na sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at virtue nagiging ganap ang pagkatao ng
isang nilalang. Isa sa mga pagpapahalagang ito ay ang pagiging totoo sa isip, sa salita, at sa gawa. Ito ay
makatutulong sa iyo upang maging mapanuri at mapanindigan ang tamang pasiya at kilos sa gitna ng mga
nagtutunggaling impluwensiya.
Ano ang kaugnayan ng pagiging totoo sa pagkamit ng anumang minimithi ng isang tao?
Kung pagmamasdan ang lipunan at ang mundong ating ginagalawan, maaaring naiisip ng karamihan na
hindi na natin makita o maramdaman ang totoo. Sa wari ay hindi na "uso" ang taong may paninindigan, matapat,
at laging nasa panig ng kung ano ang tama. Tila napalitan na lahat ng paghahangad sa mga materyal na bagay.
Tila unti-unti na itong naglalaho.

IV. PAGLINANG NA GAWAIN

Ang pagiging totoo sa lahat ng oras at pagkakataon ay isang hamon. Hindi madaling tumanggap ng
katotohanan katulad din ng hindi pagiging madaling magsabi o gumawa ng nararapat ayon sa katotohanan.

1. PAGMAMAHAL SA KATOTOHANAN AT KABUTIHAN, KATAPATAN AT LAKAS NG LOOB.


-Ito ang mga virtue na makatutulong upang tanggapin ang hamon ng pagiging totoo. Ang mga virtue na
ito ang magbibigay ng lakas sa isang tao na panindigan at yakapin ang katotohanan kahit ang maging kapalit
nito ay ang pagkawala ng kaibigan o ang pagdulot ng sama ng loob.
Halimbawa:
Ikaw ay naanyayahang tumestigo sa isang hindi magandang pangyayari na sangkot ang iyong matalik na
kaibigan. Batid mong ang iyong kaibigan ang tunay na may sala. Kailangang panindigan mo ang nalalaman
mong katotohanan na mayroon kang kahinaan subalit mayroon ding lakas na magagamit upang panindigan at
magkaroon ng lakas ng 1oob na maging totoo.

2. DETERMINASYON — Ito ang virtue na nagbibigay lakas na abutin ang anumang layunin na ninanais sa
buhay. Halimbawa, kung tunay na nais mong kumilos o magsalita batay sa katotohanan, magkaroon ng
determinasyon na gawin ang nararapat at mahalin ang katotohanan.

3. KATAPATAN — Ito ay isang virtue na tumutukoy sa pagiging tapat at pagiging totoo sa mga ikinikilos at
sinasabi. Ang taong kumikilos na may katapatan ay pinagtitiwalaan ng kapuwa.

STUDENT ASSESSMENT QUESTION (SAQ). (Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel).
SAQ #1. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa katotohanan at kabutihan, katapatan at lakas ng loob?
(10%)
SAQ #2. Paano mo maipapamalas ang iyong determinasyon sa sarili mo? (10%)
SAQ #3. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng katapatan? Bakit? (10%)

IV. EBALWASYON
Bisitahin ang Facebook page ng Bicol Assembly. Manood ng JLS Online Worship Service sa darating
na Linggo (9:00 AM). Gumawa ng REFLECTION sa iyong kuwaderno patungkol sa iyong natutunan mula sa
preaching sa online service. Paano mo maikokonekta ang mga tinuro at natutunan mo sa iyong personal na
buhay- bilang kristiyano, estudyante at anak? (100%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 156-158.

You might also like