You are on page 1of 2

School Cawayan High School Grade Level 7

Teacher Learning Area

Grades 1 to 12 Teaching Date June 7, 2019 Quarter 1st Quarter


Daily Lesson Log

OBJECTIVES
Content Standards Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
Performance Standards Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang
kakayahan at kilos1 (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata.
Learning Competencies/Objectives  EsP7PSIa-1.1: 1.1. Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9
(Write the LC Code for each) hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:
CONTENT MODYUL 2: TALENTO MO, TUKLASIN, KILALANIN AT PAUNLARIN
LEARNING RESOURCES
References Edukasyon sa Pagpapakatao
Teacher’s Guide pages Pahina 1-17
Learner’s Materials pages Pahina 35-61
Textbook pages
Additional Materials from Learning
Resource (LR) portal
Other Instructional Materials Magasin na may mga larawan
Pandikit o glue
Gunting
Worksheet ng, “Profayl Ko, Noon at Ngayon”
Post-it notes
PROCEDURES
Reviewing previous lesson and Panuto: Sa iyong kuwaderno, itala ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong sarili
presenting the new lesson ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng limang pagbabago sa sarili.
Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang larawan na sa iyong palagay ay nagpapakita ng mga
kategoryang ito. Idikit ito sa kuwaderno. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang
halimbawa sa unang kategorya.
Establishing a purpose for the lesson Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1- 2. Isa-sahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Modyul
1 na nasa loob ng kahon.
Presenting examples/instances of the Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2-5. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang
new lesson sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1.
Discussing new concepts and ANG MGA INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT
practicing new skills #1 PAGBIBINATA
 Ang yugto ng pagdadalaga o pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi lamang para sa iyo
kundi maging sa mga taong nasa sapat na gulang sa iyong paligid.
 napakaraming pagbabago sa iyong sarili sa yugtong ito ng iyong buhay, sa iyong
pangangatawan, sa iyong damdamin, at sa iyong pakikitungo sa kapwa.
 Mahalagang maunawaan mo na ang bawat tao ay may mga inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan o gampanan.
May tatlong mahalagang layunin ang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
bawat yugto ng pagtanda ng tao.
 Una, nagsisilbing gabay ang mga ito kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng
buhay.
 Pangalawa, nagsisilbing pangganyak o motibasyon ang mga ito sa binatilyo o dalagita upang
gawin niya ang mga inaasahan sa kaniya ng lipunan.
 Pangatlo, malilinang ang kakayahang iakma ang kaniyang sarili sa mga bagong sitwasiyon;
kaya’t maiiwasan ang stress o nakahihiyang reaksiyon dahil makapaghahanda siyang
harapin ang mga ito.
Discussing new concepts and Walong Inaasahang Kakayahan at Kilos na Dapat Malinang sa Panahon ng Pagdadalaga at
practicing new skills #2 Pagbibinata:
1. pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing
edad
2. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
3. pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga ito
4. pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
5. pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
6. paghahanda para sa paghahanapbuhay
7. paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
8. pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal

Developing mastery TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA


(Leads to Formative Assessment 3) 1. Ano ang mga mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
bawat yugto ng pagtanda ng tao?
2. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?
3. Paano tunay na maipakikita ang pagiging mapanagutan sa iyong pakikipagkapwa?
4. Paano masasanay ang sarili na magkaroon ng positibong pag-iisip?
5. Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata?
Finding practical application of Tukuyin ang isang aspeto kung saan itinuturing mong mababa ang tingin mo sa iyong sarili
concepts and skills in daily living (Halimbawa: hindi sapat ang iyong lakas ng loob na lumapit sa mga kamag-aral upang
makipagkaibigan). Mag-isip ka ng positibong pakikipag-usap sa sarili (self-talk) o mga bagay na
sasabihin mo sa iyong sarili upang malampasan o unti-unting mawala ang mga nararamdaman mong
mababang pagtingin sa iyong sarili. Pagkatapos, isulat ang mga positibong pakikipag-usap sa sarili, sa
mga makulay na papel o post-it notes at ipaskil ang mga ito sa salamin o dingding na madali mong
makita. Maaari ring gawin itong screen saver ng iyong computer, ipad o tablet. Gabay ang halimbawa
sa kanan ng isang tinedyer na mababa ang tingin sa sarili at ang kanyang positibong pakikipag-usap sa
sarili.
Making generalizations and Ano-ano ang mga inaasahang kilos mula sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata?
abstractions about the lesson Bakit mahalagang malaman ang mga kakayahan at kilos na naayaon sa yugtong ito?
Paano mo maisasabuhay ang mga mahahalagang aral mula sa araling ito?
Evaluating learning Tunghayan ang Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang ng mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at
Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata sa ibaba. Gumawa ng ganitong tsart sa iyong
kuwaderno. Punan ito. Sundin ang panuto sa ibaba.

Panuto:
a. Lagyan ng tsek ( ) ang bawat araw kung nagawa ang itinakdang gawain at ekis ( x) kung
hindi. Gumawa ng sariling listahan ng mga gawain. Gawin ang mga gawaing inilista sa loob
ng dalawang linggo.
b. Kailangang mayroong nakahanandang mga patunay ng pagsasabuhay, maaaring mga
larawan, sulat mula sa iyong magulang, kapamilya o kaibigan at iba pa.
c. Pagkatapos ng dalawang linggo, bilangin ang lahat ng tsek at isulat ito sa kolum ng
“Kabuuan”. Kunin ang porsyento ng iyong pagtupad sa bawat gawaig inilista mo. Gamiting
gabay ang nasa unang bilang sa talahanayan sa ibaba.
d. Pagkatapos, gumawa ng pagninilay at ilarawan ang pagbabagong naganap mula sa
pagsasagawa ng mga itinakdang gawain sa loob ng dalawang linggo. Isulat ang maaari
mong gawin upang paunlarin ang mga gawaing may mababang porsyento.
Additional activities for application or
remediation
REMARKS
REFLECTION
No. of learners who earned 80% in the
evaluation
B. No. of learners who require
additional activities for remediation
who scored below 80%
C. Did the remedial lessons work? No.
of learners who have caught up with
the lesson
D. No. of learners who continue to
require remediation
E. Which of my teaching strategies
worked well? Why did this work?
F. What difficulties did I encounter
which my principal or supervisor can
help me solve?
G. What innovation or localized
materials did I use/discover which I
wish to share with other teachers?
Annex 1B to Deped Order No. 42, s. 2016

You might also like