You are on page 1of 5

SHEPHERDVILLE COLLEGE

TERM: 4th Grading Period


SUBJECT: Good Manners and Right Conduct 9

MODULE #51

I. PAKSA: PAANO MAISASABUHAY ANG PAGIGING TOTOO AT ANG MGA KILOS O GAWAIN
LABAN SA PAGIGING TOTOO?

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nasusuri ang mga kilos o gawain laban sa pagiging totoo;
b. natutukoy ang mga kilos o gawain laban sa pagiging totoo; at
c. napapahalagahan ang mga kilos o gawain laban sa pagiging totoo.

III. PANIMULANG SALITA


Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging totoo?
Ang pagiging totoo mlng ay tumutukoy sa pagiging matapat at tunay. Ito ang nag-uudyok sa tao upang patuloy
na sa kaniyang mga sasabihin at ikikilos. Tinatalikuran nito ang
Umuunlad tayo sa ating sinumpaang tungkulin dahil sa ating pagi-ging matapat, napaglaiabanan ang
lahat ng takot, silakbo ng damdamin at pamimilit o puwersa, at pinaninindigan at sumusunod sa moral na
pagpapahalaga at prinsipyo. Ito rin ang nagiging sandata upang mapaglabanan ang anumang kabulaanan at
panloloko.
Dr. S. Ignacimuthu, S.J., Values for Life (1994), page 110

IV. PAGLINANG NA GAWAIN


Ang pagiging totoo sa isip, sa salita at sa gawa ay pagiging tapat sa tunay na sarili. Ang pagiging totoo
na nagmumula sa sarili ay madaling maisasagawa sa kapuwa. Ang paggalang sa katotohanan ay hindi lamang
sumasakop sa pagsasabi ng totoo kung hindi sinasakop din nito ang buong katauhan ng isang tao. Kung walang
katotohanan, walang kahulugan ang buhay sapagkat sa pagiging totoo lamang nagsisimula ang kaligayahan at
kapayapaan. Ang magandang layunin sa buhay ay sa katotohanan lamang nakakamit.
Ayon naman kay William Shakespeare, "Ang katapatan ay pinakamahalaga. Kung mawawala ito,
mawawala ang iyong sarili." Batid ni Shakespeare ang halaga ng katapatan. Ito ang pagiging totoo sa lahat ng
ginagawang kapasiyahan tungo sa tagumpay.
Sinasabi nga na ang natatanging katangian ng tao ay ang kaniyang salita na dapat ingatan at hindi ilagay
sa panganib sapagkat dito nag-uugat ang pagtitiwala ng kapuwa at pagkakaroon ng karangalan.
Ang ikinikilos at ibinubunga ng kilos ng tao ay salamin kung sino at ano siya, at ang mga bagay na
kaniyang pinahahalagahan. Maaaring magkaroon ng magandang buhay ang isang tao subalit hindi niya ito
magagawa nang walang karangalan.
Bakit ba nagsasabi o gumagawa nang hindi totoo ang tao? Kung pakasusuriin, nag-uugat ito sa pagiging
makasarili. Maririnig mo sa marami na napipilitan silang magsinungaling o hindi maging totoo dahil sa takot, sa
pangangailangan ng pera, pag-aalaga sa iniingatang pangalan, at iba pang kadahilanan.

Ang pagiging totoo ay tumutukoy sa sumusunod:


1. KAISIPAN — kung ano ang totoo.
2. SALITA— sinasabi ang totoo.
3. KILOS — kumikilos ayon sa totoo.

MGA KABUTIHANG NAIDUDULOT NG PAGIGING TOTOO


1. Makakamit ang pagtitiwala ng kapuwa. Minsang nakita at natuklasan ang pagiging totoo mo,
mapagkakatiwalaan ka sa maraming bagay tulad ng mga sikreto ng kaibigan at iba pa.
2. Kapag napatunayan ang iyong katapatan at paninindigan sa pagharap sa katotohanan, walang pasubaling
tatanggapin at paniniwalaan ka sa iba pang pagkakataon.
3. Inaalis ang takot na tanggapin ang pagkakamali.
4. Nagiging mapayapa ang kaisipan.
5. Walang pagkabagabag na humaharap sa kapuwa sa lahat ng pagkakataon.
6. Nahuhubog ang sarili sa pagiging matapat sa lahat ng oras at pagtataglay ng mga virtue.
7. Napananatili ang taglay na karangalan maging ang karangalan ng pamilya.
8. Natutuklasan ang mga bagay na dapat baguhin sa sarili, asal, ugali, pagpapahalaga, at virtue.
STUDENT ASSESSMENT QUESTIONS (SAQ). Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
SAQ #1. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging totoo? (10%)
SAQ #2. Ano ang naidudulot nang pagiging totoo sa kilos at gawain sa buhay? (10%)

V. EBALWASYON
1. Bakit ang pagiging totoo ay tumutukoy sa kaisipan, salita at kilos? (20%)
2. Paano mo maipapakita ang katotohanan sa pamamagitan ng kaisipan, salita at kilos? (20%)

VI. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 159-160.

MODULE #52

I. PAKSA: ANG MAGING MARANGAL

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nasusuri ang pagiging marangal;
b. napahahayag ang maging marangal; at
c. napapahalagahan ang maging marangal sa anuman aspeto ng buhay.

III. PAGLINANG NA GAWAIN


Basahin ang kuwento sa ibaba at tuklasin ang halaga ng pagiging totoo.

ANG MAGING MARANGAL


Tanty S. Arrogante

Kailangang-kailangan ni Lydia ng trabaho upang matulungan ang naghihirap na pamilya. Hindi


nakatapos ng kolehiyo si Lydia dala ng kahirapan. Sa kadahilanang ito ay nahirapan siyang makahanap ng
mahusay na trabaho. Nilapitan niya ang lahat 6 ng kaniyang mga kaibigan subalit sawimpalad pa rin siya. Isang
araw, natagpuan niya si Lina na dating kamag-aral noong high school. Nabanggit niya ang kaniyang problema
dito.
"Hindi problema 'yan,” ang sagot ni Lina. "Tingnan mo ako, hindi rin ako nakatapos ng kolehiyo, pero
nakakuha ako ng magandang trabaho,” patuloy ni Lina.
"Ano ang ginawa mo?” tanong ni Lydia.
"Gusto mo talagang malaman? Tutulungan kita,” ani Lina. "Nagpagawa ako ng pekeng diploma, mura
lang.”
"Naku, di ba mali 'yon?” ang tanong ni Lydia.
"Maraming gumagawa niyan at hindi naman sila nahuhuli tulad ko," ang paliwanag ni Lina.
"Sasamahan kita kung gusto mo,” ang pangako ni Lina.
"Pag-iisipan ko" ang tugon ni Lydia. "Text mo 'ko kung gusto mo," sabi ni Lina.
Hindi nakatulog si Lydia. Matama niyang pinag-isipan ang sinabi ng dating kamag-aral.
Kinabukasan, naibahagi ni Lydia sa magulang ang sinabi ni Lina. "Anak, iyan ay isang pagsisinungaling.
Maaaring makalusot ka sa gagawing panloloko subalit kaya bang dalhin ng konsiyensiya mo iyan?" ang
tanong ng ina ni Lydia.
"Magiging mapayapa ka ba sa gagawing panloloko?” ang dugtong ng ama.
"Hindi baleng mahirap tayo, marangal naman,” ang sabi ng ina ni Lydia. "Tandaan mo na ang pagiging
totoo ang tunay na kayamanan,” ang sabay na bigkas ng mga magulang ni Lydia.
Humanap ka ng trabaho, hindi baleng hindi White collar job basta't marangal," ang pagtatapos ng ama ni
Lydia.
Masayang-masaya si Lydia sa narinig sa mga magulang. Higit niyang hinangaan ang pag- natııtuhan sa
pamilya.

STUDENT PERFORMANCE TASK


Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “Nasa pagiging totoo ang tunay na kayamanan”. Ilahad ang
iyong sagot sa pamamagitan ng pagkuha ng bidyu sa iyong sarili at ipasa ito sa messenger account ng iyong
guro. (50%)
IV. EBALWASYON
1. Ano ang suliranin ni Lydia? (10%)
2. Ano ang ginawa ni Lina upang magkaroon ng magandang trabaho? (10%)
3. Bakit hindi tinularan ni Lydia si Lina upang magkaroon din ng magandang trabaho? (10%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp. 161.

MODULE #53

I. PAKSA: ANG TUNAY NA BRAHMIN

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nalalaman ang tunay na brahmin;
b. natutukoy ang paninindigan para sa katotohanan; at
c. napapahalagahan ang paninindigan para sa katotohanan sa buhay.

III. PAGLINANG NA GAWAIN


Tunay na mahalaga ang paninindigan para sa katotohanan. Basahin ang sumusunod na maikling anekdota.

ANG TUNAY NA BRAHMIN


Nang nakalipas na panahon may isang Brahmin, isang nabibilang sa mataas na angkan sa India.
Minamahal ng kaniyang anak ang isang kaakit-akit na dalaga na anak ng isang magsasaka. "Hindi makapapayag
ang aking ama na pakasalan ko ang anak ng isang magsasaka," nabanggit ng lalaki sa kaniyang kaibigan.
"Bakit hindi mo siya dalhin sa iyong ama at sabihing siya'y isang Brahmin," ang sabi ng kaibigan.
Nagkaroon ng ideya ang binata. Dinala ang kaniyang nobya sa ama at sinabing,
"Ama, siya ay anak ng isang mahirap na Brahmin. Hihingin ko po ang inyong pahintulot na siya ay
pakasalan."
Subalit nagsalita ang dalaga at sinabing, "Huwag mong bigyan ng maling impresyon ang iyong ama.
Ako po ay anak ng isang magsasaka.” Ngumiti ang ama at sinabing, "Anak, anuman ang gawain ng iyong ama,
ikaw ay Brahmin. Ang tunay na Brahmin ay ang taong hindi marunong magsinungaling." Tumingin siya sa
kaniyang anak at sinabing, "Ang problema ay bagama't anak ka ng isang Brahmin, ikaw ay hindi tunay na
Brahmin," ang sabi sa anak. Tumingin siya sa dalaga at sinabing, "ipinagmamalaki kong maging manugang ka
kung wala kang tutol na pakasalan itong anak kong hindi Brahmin."

Dr. S. lgnacimuthu, Values for Life, (1994) page 110 isinalin ni Tanty S. Arrogante

STUDENT ASSESSMENT QUESTIONS (SAQ). Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.


SAQ #1. Ano ang nagtulak sa anak ng Brahmin na magsinungaling sa ama? (10%)
SAQ #2. Paano ipinakita ng dalagang anak ng magsasaka ang pagiging totoo? (10%)

IV. EBALWASYON
Kung ikaw ay kaibigan ng anak ng Brahmin, ano ang iyong ipapayo sa kaibigan? Bakit? (20%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp. 162.
MODULES #54-55

I. PAKSA: PANGARAP KO MAABOT KO: BAKIT MAHALAGA ANG PANGARAP?

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nauunawaan ang kahalagahan ng pangarap;
b. natutukoy ang kahalagahan ng pangarap; at
c. napapahalagahan sa buhay ang mga pangarap ng bawat tao sa kanilang buhay.

III. PANIMULANG SALITA


Ang natutuhan mo sa nakaraang yunit ay nagbigay sa iyo ng mga kaalaman, kasanayan, at saloobing
kailangan ng tinedyer sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Kaakibat ng mapanagutang pagpapasiya at
pagkilos na natutuhan mo sa katatapos na yunit, bibigyang-diin sa yunit na ito ang kahalagahan ng pagiging
maka-Diyos sa pagtatakda ng mithiin ng isang kabataang tulad mo. Isasaalang-alang din sa anumang balakin sa
buhay ang pagkakaroon ng preperensiya sa kabutihan.
Anuman ang iyong naising gawin sa iyong buhay, mahalaga na sa Diyos ito nakatuon at kumukuha ng
gabay at inspirasyon. At dahil pagiging maka-Diyos ang pokus, dapat lang na tukuyin ang kabutihan sa kapuwa
at sa sarili ay pangunahing nais na gawin. Sa ganitong paraan, masasabi mo na ang iyong pagpapasiyang
ginawa ay tama at hindi naliligaw.
Panoorin ang bidyu “Ano ang pangarap mo?” galing sa youtube gamit ang link na ito:
https://youttu.be/AlPXxoUSdgg.

IV. PAGLINANG NA GAWAIN


Karanasan na rin ang makapagpapatotoo, na sa ikatutupad ng pangarap, may mga katangian at virtue na
kailangan ang tao. Ang determinasyon, sikap at tiyaga, katatagan, tiwala sa sarili, at pananampalataya sa Diyos
ay mga pagpapahalagang makatutulong sa isang kabataan upang maisakatuparan ang pinapangarap.
Ang taong may determinasyon ay may matatag na paninindigan na isakatuparan ang kaniyang minimithi.
Hindi siya natitinag ng mga hadlang sa kaniyang nais na marating.
Ang pagsisikap at pagtitiyaga ay nagbibigay lakas upang ipagpatuloy ang anumang gawain kahit gaano
pa man ito kahirap. Ang matiyaga at masipag na tao ay masigasig sa pagsasakatuparan ng mithiin, gaano man
ito kahirap. Masipag, mapagpaumanhin, at matiisin siyang mapagtagumpayan ang minimithing layunin.
Matatag ang taong matibay ang paniniwalang sa kabila ng unos ay may araw na sisikat. Ganyan din ang
taong may tiwala sa sarili.
May pananalig siya na mayroon siyang pansariling kaangkinan at kalakasan na nagbibigay sa kaniya ng
positibong pananaw sa buhay, at paniniwalang kaya niya ang mga pinagdadaanan. Higit sa lahat, ang maigting
na pananampalataya at pagmamahal sa Diyos ang pinagkukunan niya ng pag-asa at lakas na tahakin ang landas
tungo sa katuparan ng pinapangarap.

BAKIT MAHALAGA ANG PANGARAP


Nang likhain ang tao, nabiyayaan siya ng mga kaangkinan upang mabuo ang kaniyang pagkatao. Isa na
rito ang pag-iisip kung saan mahalagang tungkulin ang pagpapagana ng imahinasyon. Sa imahinasyon
nagmumula ang mga pangarap. Tulad ng bahaghari, makukulay ang mga pangarap na ipinipinta ng imahinasyon
sa iyong isip. Matinding kasiyahan ang nararamdaman mo kapag binabalik-balikan ang mga pangarap sa iyong
isip. Sa tuwing mangangarap wari ba'y iyong-iyo ang mundo at parang lumulutang ka sa ligaya.
May kaibahan ang pangarap sa panaginip. Ang panaginip ay panandaliang karanasan habang ikaw ay
natutulog. Buo o putol at maaaring natatandaan o hindi ang napanaginipan kapag nagising ka. Sa kabilang panig,
ang pantasya ay gawa ng malikhaing isip habang ikaw ay gising. Bumubuo ka ng sitwasyon o pangyayari na
gustong-gusto mong laro-laruin sa iyong isipan. May dulot din na ligaya ang pantasya dahil lahat ng gusto
mong mailarawan sa diwa ay posible. Halimbawa, maaari kang magpantasya na ikaw ay isang astronaut, Miss
Universe' o maging katulad ni Bill Gates. Kaya lang, tulad ng panaginip, napuputol ito kapag bumalik ka na sa
realidad o katotohanan ng kasalukuyan. Kaya higit na mabuti at mahalaga ang mangarap o mag-ambigyon dahil
ito ay may maaasam na katuparan sa hinaharap.
Kaakibat ng pangarap ang mithiin sa buhay. Nagpapatindi sa katuparan ng mithiin ang pangarap o
ambisyon. Nagsisilbi itong pangganyak at inspirasyon upang kumilos at magsikap sa pag-abot ng iyong mithiin
sa buhay. Tumutulong ito sa pagpapasiya mo ng mga nararapat na hakbang tungo sa ikatutupad ng iyong
minimithi. Tila ba isa itong flyer sa pabalat ng isang kapana-panabik na nobela na nakikita mo ang maaaring
kabuuan ng kuwento.
Sa pangarap, matatanaw mo ang iyong kinabukasan. Kaya naman kailangang mangarap ka ng kongkreto
at makatotohanan. Halimbawa, tamang-tama sa iyo ang maging manggagamot kung (1) bukal sa kalooban mo
ang makatulong sa may karamdaman, (2) importante sa iyo ang maipadama sa kapuwa ang tunay na pagtulong
at pagmamalasakit, (3) mahusay ang mga grado mo lalo na sa Science dahil na rin sa angkin mong talino at
sipag sa pag-aaral, at (4) mayroon namang sapat na gastusin sa kursong medisina ang iyong mga magulang.
Kongkreto ang pangarap mo kapag napaglalapit mo ang sariling saloobin, kakayahan, pagpapahalaga at naisin
sa buhay. Kung alam mo naman kung paano maisasakatuparan ang iyong pangarap, malapit ito sa katotohanan.
Madali, masarap, at walang gastos ang pangarap.
Subalit kailangan mong magsumikap at kumilos para maabot ito upang hindi ka magsisi sa huli. May
pakpak ang oras, ika nga, at madaling lumipas ang panahon. Ang panahong lumipas ay hindi na mababawi pa.
Kaya kung mayroon kang pangarap ngayon, simulan mo nang magplano upang maisakatuparan ito.

(Halaw sa 2010 Kurikulum ng Edukasyong Sekondari E.P. l)

STUDENT ASSESSMENT QUESTIONS (SAQ). Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.


SAQ #1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng panqarap? (10%)
SAQ #2. Ano ang katangian na kailangan mong linangin/pagyamanin sa sarili upang maisakatuparan ang iyong
pangarap? (10%)
SAQ #3.Sa iyong palagay, ano ang maaaring maging hadlang sa pagsasakatuparan mo ng iyong pangarap?
Bakit? (10%)

IV. EBALWASYON
Bisitahin ang Facebook page ng Bicol Assembly. Manood ng JLS Online Worship Service sa darating
na Linggo (9:00 AM). Gumawa ng REFLECTION sa iyong kuwaderno patungkol sa iyong natutunan mula sa
preaching sa online service. Paano mo maikokonekta ang mga tinuro at natutunan mo sa iyong personal na
buhay- bilang kristiyano, estudyante at anak? (70%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp. 170-171.

You might also like