You are on page 1of 7

BENGUET STATE UNIVERSITY

MASUSING PAARALAN SECONDARY LABORATORY BAITANG 7


BANGHAY ARALIN SCHOOL
GURO Lea Alvarez ASIGNATURA ESP
PETSA AT ORAS
NG April 11-12, 2022 MARKAHAN Ikaapat
PAGTUTURO

UNANG ARAW
I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaniyang mga pangarap at mithiin.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng kanyang mga
pangarap.

C. Mga Kasanayan sa Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon


Pampagkatuto ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap. EsP7PBIVa-13.2

D. Mga Tiyak na Layunin Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang pagkakaiba ng panaginip, pantasya, at pangarap.
b. Nahihinuha na ang mga pangarap ay batayan ng pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at
maligayang buhay.
c. Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon ng tamang
direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap.

II. NILALAMAN Modyul 13: Mangarap Ka!


III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 52-56
ng Guro
2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 75-89
Kagamitang
Pangmag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Mga Karagdagang Online (Laptop, cellphone, online applications)
Materyal (online, Modular (printed modyul)
atbp.)
http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
IV. PAMAMARAAN
A. Pagbabalik-aral o Paunang pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (gawin sa loob ng 5 minuto)(Reflective
Pagpapakilala ng Bagong Approach)
Aralin Paunang Pagtataya
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na katanungan.
1. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na
kinabukasan.” Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller?
a. Mahirap maging isang bulag
b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
c. Hindi mabuti ang walang pangarap
d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay

2. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?


a. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising
b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog
c. a at b
d. wala sa nabanggit

3. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap?


a. Ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing isip
b. Ang pagpapantasya ay pananaginip ng gising
c. Ang pagpapantasya ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya
d. a at b

4. Ano ang kahulugan ng bokasyon?


a. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo
b. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
c. a at b
d. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na suweldo o
pasahod
5. Ito ay pinakatunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa
hinaharap.
a. Pangarap
b. Mithiin
c. Panaginip
d. Pantasya

6. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMART A ay:


a. S-smart, M-manageable, A-attainable, R-relevant, T- time-bound, A-action- oriented
b. S-smart, M-measurable, A-attainable, R-refreshing, T-time-bound, A-action oriented
c. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A-action-oriented
d.S-smart, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-affordable

7. Ano-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?


a. Pangmatagalan at Panghabambuhay
b. Pangmatagalan at Pangmadalian
c. Pangmadalian at Panghabambuhay
d. Pangngayon at Pangkinabukasan

8. Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?


a. Makapasa sa Licensure Exams for Teachers
b. Maging guro sa aming pamayanan
c. Makatapos ng pag-aaral
d. Maging iskolar ng bayan

9. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?


a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
b. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
c. Napabibilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
d. Wala sa mga nabanggit

10. Alin sa sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?


a. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim
b. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
c. Ipagpasa-Diyos ang mga itinakdang mithiin
d. Isulat ang takdang panahon sa pagtupad ng mithiin

B. Paglalahad sa mga A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
Layunin ng Aralin a.Natutukoy ang pagkakaiba ng panaginip, pantasya, at pangarap.
b.Nahihinuha na ang mga pangarap ay batayan ng pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at
maligayang buhay.
c.Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon ng tamang
direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap.

C. Motibasyon B. Tingnan ang larawan at tukuyin kung ito ay panaginip, pantasya o pangarap.
Tumawag ng ilang mag-aaral at hingin ang kanilang opinyon hinggil sa tanong:
Paano mo masasabing may pangarap ang mga taong nasa larawan? (gawin sa
loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Mula sa larawang iyong sinuri, itala gamit ang spider web ang salitang may kaugnayan sa
pangarap. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Bakit mo itinuturing na may kaugnayan ang mga isinulat mo sa spider web?
2. Mula sa mga salitang isinulat, ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng pangarap?

D. Pagtalakay sa Bagong Basahin at unawain ang liriko ng awit na Mangarap Ka! ng After Image Band habang
Aralin pinakikinggan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Mangarap Ka!
AfterImageBand
I. Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi
At ito'y iyong damhin
At itanim mo sa iyong puso at ito ay lalaki
Ikaw rin ang aani
Hayaan mong lumipad ang isip
Sa lawak ng langit
Ito'y umaawit
At ito'y nagsasabing

Koro:
Mangarap ka Mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong loob
Umahon ka
Umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo

II. Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi


At ito'y iyong dalhin
Bawat panaginip na taglay ng iyong isip
Palayain mo at ilipad tungo
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ayon sa awit, bakit mo kailangang mangarap? Ipaliwanag.
2. Ano ang ibig sabihin ng unang saknong?
3. Iugnay ang mensahe ng koro sa mga kabataang mababa ang tingin sa sarili o
walang tiwala sa sarili. Ano ang hamon nito?
4. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na: “Dinggin ang tawag ng iyong loob”? May
kaugnayan ba ito sa pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga sa pagtupad ng
iyong pangarap? Pangatuwiranan.
5. Iugnay ang mensahe ng huling saknong sa tunguhin ng isip. Batay dito, ano ang
konklusyong mabubuo mo tungkol sa pangarap?

E. Paglinang sa Kabihasaan Sagutin ang sumusunod na katanungan: (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
1. Paano mo aabutin ang iyong mga pangarap?
2. Sa kabuuan, ano ang kahalagahan ng pangarap sa buhay ng isang tao?

F. Paglalapat ng mga Paguhitin sa kuwaderno ang mga mag-aaral ng poster na may kinalaman sa kanilang pangarap
Konsepto sa Pang-araw- at ipaliwanag ito sa pamamagitan ng tatlong pangungusap. (gawin sa loob ng 15 minuto)
araw na Buhay
(Constructivist Approach)
Kraytirya
Kaangkupan ng 12
konsepto
Pagkamalikhain 9
Kabuuang presentasyon 9
Total 30/30
G. Paglalahat at Ang pangarap ay batayan ng pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at maligayang buhay.
Abstraksiyon Mahalagang mangarap ang tao para sa maganda at planadong kinabukasan.
Mahalagang matutunan na kailangan ang mithiin sa pagkamit ng pangarap. Ang mithiin ang
pinakatunguhin o pinakapakay na nais marating ng isang tao sa hinaharap.

H. Pagtataya ng Pagkatuto Tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap at kung mali, salungguhitan at ilagay ang
tamang pahayag sa patlang. (gawin sa loob ng 5minuto) (Reflective Approach)
Halimbawa: Ang mithiin at pangarap ay iisa. magkaiba
1.Lahat ng tao ay nanaginip. _______
2. Hindi lahat ng tao ay nangangarap. _____
3. Ang pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay kailangan sa pagtupad ng pangarap.____
4. Ang pangarap ang simulain ng bawat minimithi. _______

I. Takdang-aralin Magsagawa ng isang interview tungkol sa pagiging matagumpay ng isang tao sa inyong
barangay. Isulat sa papel ang buod ng pinag-usapan at ihanda ang sarili para sa pag-uulat.
(Maaaring isagawa sa pamilya o kung sino ang mga kasama sa bahay na naabot o naging
matagumpay sa kanyang buhay).

J. Karagdagang Gawain Tanong Unang Sagot Pangalawang Sagot


para sa Aplikasyon o
Remediation 1. Ang pangarap at mithiin Sa paniniwala ko ay….. Ayon sa naintindihan ko ay…
2. Ang salitang Bokasyon ay nanggaling sa salitang…. na ang ibig sabihin ay…
3. May pagkakatulad ba ang Para sa akin… Sa tingin ko ay….
pangarap at mithiin?
4. Ang pangarap ko ay gusto ko maging… upang…
5. Ang pamantayan sa para sa akin… sa tingin ko ay….
pagtatakda ng mithiin ay
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

Inihanda ni:Lea Alvarez


Sinuri nina: Eric Moore Abella; Daryl Balalong; Lyzel Oropesa; Brendon Lee; Mariko Estonanto

You might also like