You are on page 1of 12

\]]]]]

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

PANG-ARAW-ARAW NG TALA SA PAGTUTURO PARA SA EDUKASYON SA


PAGPAPAKATAO 7

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pag-aaral
bilang paghahanda para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang plano ng paghahanda para sa minimithing
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay batay sa
pamantayan sa pagbuo ng Career Plan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi tungo
sa makabuluhan at maligayang buhay, sa mga aspektong:a. personal na
salik na kailangang paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
(EsP7PB-IVa-13.1)

D. Tiyak na Layunin
a. Nauunawaan ang pagkakaiba ng panaginip, pantasiya, at pangarap.
b. Nabibigyang halaga ang pangarap, konsepto at kaugnayan nito sa
pagkakaroon ng makabuluhan at maligayang buhay.
c. Natutukoy at nasusuri ang mga personal na salik na kailangang paunlarin
kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal- bokasyonal,
negosyo o hanapbuhay.

II. NILALAMAN
Paksa: Pagpapaunlad ng mga Personal na Salik para sa Minimithing Pangarap

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagpapaunlad ng mga Personal na Salik para sa
Minimithing Pangarap
Unang Edisyon, 2020/DepEd - MIMAROPA Region
Other Learning Resources: Internet
Panturo: Laptop, Power Point Presentation, Worksheets

IV. PAMAMARAAN
Araw-araw na Gawain
Panalangin at Pagbati

1
Ang panalangin ay ang paraan ng pakikipag-usap sa Diyos. Ito ay isang uri ng
komunikasyon upang magpasalamat, humingi ng tawad, humiling, dumaing at
magpuri.

Ngayon, inaanyayahan ko si ______ upang manguna sa


ating panalangin.

Magandang araw sa ating lahat!

Bago magsi-upo, pakitsek muna ng paligid kung nasa ayos ang lahat, walang naka-
kalat na gamit o anu pa man na pwedeng makasagabal sa inyo.

Kamusta ang bawat isa? Maaari bang i-tsek ng ating sekretarya kung ilan ang liban
sa umagang ito?

Bagama’t wala ng naitatalang kaso ng COVID19 dito sa ating lugar narito ang ilan
sa mga paalala na dapat nating gawin para makaiwas tayo sa virus.
1. Magsuot palagi ng face-mask.
2. Madalas na paghuhugas o paglalagay ng alcohol sa kamay.

Ako ay masaya at nagagalak na muli kayong makasama ngayong araw. Bago tayo
mag-umpisa, inaanyayahan ko ang lahat na makinig, sumagot, at matuto ng
bagong kaalaman dito sa EsP, ika-7 baitang, tungo sa pagkakaroon ng matalinong
pag-iisip, mabuting puso at makataong pagkilos.

A. PAGBABALIK-ARAL
Ayon kay Max Scheler, ano-ano ang antas ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga?
Ang apat na antas ng Hirarkiya ng
Pagpapahalaga ay Pandamdam,
Pambuhay, Espirituwal at Banal

Alin sa apat na nabanggit ang nasa pinaka-mababang antas ng Pagpapahalaga?


Pangatwiranan.
Mula sa apat na nabanggit ang nasa pinakamababang antas pagpapahalaga ay
ang Pandamdam na mga Pagpapahalaga dahil ito ay ang mga pagpapahalaga sa
mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho ng isang tao

Magbigay ka nga Tricia ng isang halimbawa ng Pandamdam na Pagpapahalaga.


Ang ilan sa mga halimbawa po ng Pandamdam na Pagpapahalaga ay
katulad
ng bagong cellphone, bagong laptop at mga magagandang
sasakyan.

Mula sa apat na nabanggit, alin naman ang tumutukoy sa pinaka-mataas na


pagpapahalaga? Pangatwiranan.
Mula sa apat na nabanggit ang nasa pinaka-mataas na Pagpapahalaga ay ang
Banal na Pagpapahalaga dahil ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang
kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging
handa sa pagharap sa Diyos.

2
Sa mga sumusunod na Gawain, pagdarasal, paglalaro ng ML, pag-eehersisyo
alin sa palagay mo ang halimbawa ng Banal na Pagpapahalaga?
Mula sa tatlong gawaing nabanggit, ang pagdarasal ang tumutukoy
sa
halimbawa ng Banal na Pagpapahalaga sapagkat ang pagdarasal
ang isa sa mga paraan ng ating pakikipag-usap sa
Panginoon.

B. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN


Gawain: Musika-Suri

Pakinggan, umawit at damhin ang mensahe ng kantang mapapakinggan:


“Mangarap Ka” ng After Image Band.

Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi


At ito'y iyong dalhin
Itanim mo sa puso mo ito ay lalaki
Ikaw rin ang aani.
RefrainHayaan mong lumipad ang isip sa lawak
ng langit
Bitui'y umaawit at ito'y nagsasabing...
Mangarap ka, mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong dugo
Umahon ka, umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo.Simulan mo sa
pangarap ang iyong minimithi
At ito'y iyong dalhin.Mangarap ka, mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong dugo
Umahon ka, umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo.Bawat panaginip
na taglay ng yong isip
Palayain mo at ilipad tungong langit
Ang iyong tinig ay aawit. ...nagsasabing...

Manalig ka, manalig ka


Ang langit ay naghihintay sa 'yo...

1. Mula sa awiting “Mangarap Ka” ano sa palagay mo ang ibig pakahulugan ng


pahayag na “Dinggin ang tawag ng iyong loob”?
Ang ibig sabihin ng pahayag na ito ay kailangan natin pakinggan, unawain ang
tunay na kagustuhan ng ating sarili at kumilos ayon sa panloob na
kalagayan.

2. At ang panghuli, ano-ano ang magagandang kaisipan na ipinababatid ng awit?


Ang awitin ay nagbibigay ng mensahe na huwag matakot mangarap.
Ang pangarap ay hindi dapat nililimitahan dahil ito ay
walang limitasyon. Hayaan lang natin at ating isip
at puso na mangarap.

3
C. PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG
KASANAYAN #1
Gawain: 4 Pics 1 Word
Ang guro ay magpapakita ng ilang larawan na nagpapakita ng panaginip, pantasya,
at pangarap at tutukuyin ng mga mag-aaral kung ano sa mga ito ang tumutukoy sa
panaginip, pantasya o pangrap.

PANGARAP

PANTASYA

4
PANAGINIP

Pamprosesong Tanong :

1.Base sa mga picture na inyong nakita, ano sa palagay niyo ang ibig sabihin ng
panaginip?
Ang panaginip ay nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog
at
kapag nagising ka na, natatapos din
ito.

2. Ano naman ang kaibahan ng pantasya sa pangarap?


Ang pantasya ay likha lamang ng malikhaing isip. Ito ay ang pagbuo ng mga
sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong kagustuhan lahat ng gusto mo ay posible at
ginagamit ito upang takasan ang mga problema.Samantalang ang pangarap ay tumutukoy
sa ating mga naisin sa buhay na malayo pa sa ating kasalukuyang kalagayan.
Nagpapatuloy ito habang tayo ay may pag-asang magbabago ang ating pamumuhay mula
sa sating kasalukuyang sitwasyon.

3. Sa tatlong nabanggit, alin sa palagay mo ang malapit sa katotohanan at


magkakaroon ka ng makabuluhan at maligayang buhay? Pangatwiranan.
mula sa tatlong nabanggit ang pinakamalapit sa katotohanan ay ang
pangarap
dahil kapag sinamahan mo ito ng sipag, tiyaga at
pananampalataya
makakamit ay makakamit ko ang aking mga pangarap
na magdadala sa akin sa magandang
buhay.

D. PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG


KASANAYAN #2

Sa pag-abot ng inyong pangarap, marami kayong baitang na kailangan akyatin.


Pagtaas ng iyong pangarap, pagtaas din ng iyong kailangang akyatin. Kaya mabuti
5
na sa ngayon pa lamang ay umpisahan mo na ang pagpaplano sa bawat hakbang
na iyong gagawin upang makamit ito.

Batay sa awit na inyong napakinggan kanina, bakit kailangang mangarap ng isang


tao?
Kailangan mangarap ng tao upang makaahon sa putik o kahirapan ng buhay,
kailangang umpisahang mangarap ng tao dahil ito ay unti-unting lalaki
hanggang sa makamit at matupad niya ang kanyang gustong
marating sa buhay.

Kung kayo ang tatanungin, maaari ba na hindi maging matagumpay sa buhay ang
isang tao? Pangatwiranan.
Sa aking palagay, mayroon ang bawat tao na suliranin o pinagdadaanan
na magiging dahilan upang hindi niya mapagtagumpayan ang
kaniyang mga pangarap.

Sa pag-abot ng pangarap, bawat tao ay mayroong suliranin o pinagdadaanan sa


buhay na maaaring maging dahilan upang hindi niya ito mapagtagumpayan.

MGA PERSONAL NA SALIK NA KAILANGANG PAUNLARIN KAUGNAY NG


PAGPAPLANO NG KURSONG AKADEMIKO AT NEGOSYO

MITHIIN
Tumutukoy ito sa mga bagay o nais na pinapangarap o gustong makamit sa
hinaharap. Kabilang dito ang iyong pangarap. Maaaring ito ay karera, personal na
katayuan sa buhay at ikaliligaya ng iyong pamilya.

KATAYUANG PINANSYAL (ECONOMIC STATUS)


Isa rin sa mahalagang salik na isinasaalang-alang sa pagpaplano ng kursong pang-
akademiko at hanapbuhay ay ang katayuang pinansiyal ng iyong pamilya. Ito ang
magtatalaga ng iyong kakayahan na makuha at maisakatuparan ang iyong
minimithi. Ang iyong mga gustuhin o naisin ay hindi makakamit nang libre, ito ay
nararapat na paghandaan at pagplanuhan.

Video Presentation (Pinamalayan)


Makikita natin sa isang video presentation na aking ibabahagi sa inyo ang ganda at
linis ng Bayan ng Pinamalayan.

6
https://fb.watch/j8VO-
qQAvG/

Makikita natin ang kagandahan, linis at lawak ng bayan ng Pinamalayan ngunit


masasabi ba natin na ang lahat ng naninirahan dito ay naging matagumpay sa buhay?

Tingnan naman natin ngayon ang Bar Graph na tumutukoy sa Poverty Threshold ng
Bayan ng Pinamalayan.

POVERTY THRESHOLD (PINAMALAYAN)

Sa inyong palagay, ano ang kahalagahan ng paggamit ng Bar Graph?

Mahalaga ang paggamit ng Bar Graph dahil makatutulong ang


mga ito upang madaling maunawaan at nagagawang
payak ang mga datos na inilalahad sa isang teksto.
Ayon sa 2014 CBMS (Community-Based Monitoring System), mayroong 40
porsyento ng mga kabahayan o katumbas ng 8,098 ay itinuturing na mahirap.

1. Base sa Bar Graph na nasa itaas, alin sa mga barangay ang may
pinakamaraming bilang ng kabahayan na itinuturing na mahirap?

Sa mga barangay na nasa Bar Graph, ang Papandayan ang may pinakamaraming
bilang ng mga kabahayan na itinuturing na mahirap na mayroong 700 na bilang.

2. Aling barangay naman ang nagtala ng pinakakaunting bilang ng kabahayan


na itinuturing na mahirap?
Sa mga barangay na nasa Bar Graph, ang Zone III ay may pinakamababang
bilang ng kabahayan na maituturing na mahirap.

3. Bilang isang Pinamaleño, maari mo bang tukuyin kung nasaang barangay ka


nabibilang? At base sa nasa graph at sa iyong sariling obserbasyon, masasabi

7
mo ba na madami ang bilang ng tao sa inyong lugar ang hindi naging
matagumpay sa buhay?

E. PAGLINANG SA KABIHASAHAN
Sagutin ang katanungan.
1. Sa kabuuan, ano ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng mga personal na
salik para sa minimithing pangarap?
Mahalagang maisakatuparan ang masusing pagpaplano dahil ito ay magiging
gabay sa pagkilala at pagsusuri ng sarili patungkol sa kukuning kurso sa
kolehiyo,maging trabaho o negosyo.

F. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


Gawain: Debate

Ang klase ay hahatiin sa dalawang grupo ayon sa kanilang hilig at interest. Bawat
grupo ay mayroong magkasalungat na panig tungkol sa partikular na paksa. Bawat
grupo ay bubunot ng kanilang magiging paksa.

Paksa 1 : Ang lahat ng taong may pangarap ay magtatagumpay kung ang kanilang
katayuang pinansyal ay nasa mataas na antas. (mayaman)

Paksa 2 : Ang lahat ng taong may pangarap ay maaaring hindi magtatagumpay


kung ang kanilang katayuang pinansyal ay nasa mababang antas. (mahirap)

Bibigyan ng ilang paalala ang mga mag-aaral bago magsimula ang aktibidad.

PAALALA :
1. Ang boses ng bawat batang sasagot ay dapat malakas at may kalinawan.
2. Bibigyan lamang ang bawat grupo ng 2 minuto para makapaghanda.
2. Ang bawat grupo ay bibigyan ng 6 na beses na pagkakataon upang
mapangatwiranan ang kanilang paksa na tatagal ng 30 Segundo.
4. Walang personalan, bawal ang pikon at BAWAL ANG MAGMURA.

Bawat pangkat ay bibigyan ng grado batay sa nakahandang rubric.

Pamantayan Puntos
Paksa/Kaisipan 20
Malinaw at maayos ang kaisipang naipahayag.
Pangangatwiran 30
May sapat na katibayang iniharap sa pangangatwiran.
Pagpapahayag/Pagsasalita 15
Maayos na maayos ang pagkakapahayag na may pang-akit sa nakikinig
ang boses o pagsasalita.
Pagtuligsa 25
May malinaw na pahayag tungkol sa ipinahayag ng kabilang panig.
Tiwala sa Sarili 10
Lubusang naipahayag nang malinaw at naipabatid ang katanggap-
tanggap na layunin ng panig.

8
Kabuuang Puntos 100

G. PAGLALAHAT NG ARALIN

Gawain : “ARAY NATIN NGAYON, TAGUMPAY NATIN BUKAS”

Narito ang maikling kwento ng Buhay ni Iah Seraspi, isang teacher. Tunghayan
natin kung papaano niya napagtagumpayan ang kanyang pangarap sa kabila ng
hamon ng buhay.

Base sa video na inyong napanuod, ibahagi sa klase ang mga pinagdaanan ni Iah
Seraspi sa kanyang buhay patungo sa tagumpay.

Ano-ano ang mga personal na salik na kanyang pinaunlad upang matupad ang
kanyang pangarap?

V. PAGTATAYA

9
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Unawain ang mga sumusunod na pahayag. Alin sa mga sumusunod na


pahayag ang naglalarawan sa pangarap?
a. Ito ay nangyayari lamang sa isipan ng tao habang natutulog.
b. Ito ay mga pangyayaring nasa isipan lamang ng tao habang gising.
c.Ito ay mga pangyayaring likha ng malikhaing isip at ayon sa iyong
kagustuhan.
d.Ito ay tumutukoy sa mga minimithi ng isang tao sa kaniyang buhay na
maaaring malayo sa kasalukuyang kalagayan.
2. Tumutukoy ito sa mga bagay o nais na pinapangarap o gustong makamit sa
hinaharap. Maaaring ito ay karera, personal na katayuan sa buhay at ikaliligaya
ng iyong pamilya.
a. Mithiin
b. Kakayahan
c. Pagpapahalaga
d. Katayuang Pinansiyal

3. Ang mga bagay na ito ay nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay
natutulog at kapag nagising ka na, ang lahat ng ito ay natatapos din.
a. panaginip
b. pantasya
c. goal o mithiin
d. pangarap

4. Tinutukoy nito ang mga bagay na likha lamang ng isip, ito ay ang pagbuo ng
mga sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong kagustuhan at lahat ng gusto mo ay
posible.
a. panaginip
b. pantasya
c. mithiin
d. pangarap

5. “Mas malala pa sa pagiging bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na
kinabukasan.” Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag?
a. Mahirap ang isang bulag.
b. Ang kawalan ng pangarap ay higit pa sa kawalan ng paningin.
c. Hindi mabuti ang walang pangarap.
d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin upang maging matagumpay sa
buhay.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Gumawa ng isang talata na nagpapakita ng inyong pangarap at ano ang mga
pwede niyong gawin upang unti-unti itong matupad. Itala ito sa inyong Dyornal.

VI. REMEDIATION

10
VII. PAGNINILAY
Ang pagkakaroon ng epektibong pagtuturo ay nanggagaling sa mga angkop na
mga tungkulin na ginagamit sa pagtuturo na naglalayon na masuportahan ang
ating mga layunin. Ang paggabay at paghubog sa pag-iisip at pag-uugali ng mga
mag-aaral ay napakalaking gampanin ko bilang isang guro.

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiya ng
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Prepared by:

DESIREE C. MANRIQUE
Substitute Teacher

Corroborated by:

OLIVIA U. TOLENTINO GRACE R. SALENDREZ


Teacher III Teacher II

KRIZZIA CAMILLE D. FONTECILLA


Teacher I

Observed by:
11
RONALD L. MISTIOLA
Master Teacher I

JEREME L. BENGUA NONATO R. MAGTIBAY


Head Teacher III Principal IV

My Philosophy of Teaching

A teaching philosophy is our beliefs, ethics and principles regarding


teaching. It has been developed over time through hands-on teaching
experience, education, and observations.

A skillful educator builds good relationships with her students based on


mutual respect and trust and sets the tone for a classroom community.
As a substitute teacher for 10 months and when I think about my role as a
teacher, the one thing that I constantly have focused on is the relationship that I
have built with my students. I believed that a good relationship with them is to
build on a strong foundation of mutual understanding, respect, and trust. In
order to effectively assess students’ wants and needs. I put myself to the position
of authority, but I don’t want to be an authoritarian.

My task is not just simply delivering my lesson inside the four corners of
the class but rather be second parents to my student who cares and love them
like my own. I could also be a guidance counselor, who will listen and correct the
mistakes that my student will commit, to make them realize their wrongdoing. I
do believe that all children are unique and have something special that they can
bring. It is my desire as an educator to help my student to meet their fullest
potential by believing in them as capable individuals and providing an
environment that supports risk-taking, and make my students to express
themselves by encouraging them to speak their mind and make them accept
themselves for who they are, as well as embrace their difference to other. My
philosophy is based on what I experienced at this point in my career. I am sure
that it will change as I learn more as a young professional and I am excited
about the opportunities that lie ahead.

12

You might also like