You are on page 1of 15

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
PAGKAING PANGKAISIPAN

At siya’y nagsabi sa aking biyaya ay sapat na sa iyo:


sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging
sakdal sa kahinaan. Kaya’t bagkus akong
magmamapuri na may galak sa aking kahinaan
upang Manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni
Cristo.
2 Corinto 12:9
MANGARAP KA!
• Maraming nagsasabi na libre lang raw ang mangarap. Kaya nga kung
mangarap ka, itodo mo na. Sabi nga ni Wency Cornejo sa kanyang sikat na
awit, “Mangarap ka, simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi, at ito’y
damhin; at itanim mo sa iyong puso at ito ay lalaki; Ikaw rin ang aani.”

• Ang Pangarap ay kakaiba sa panaginip. Ang panaginip ay nangyayari lamang


sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog. Kapag nagising ka na, natatapos din
ito.
• Hindi rin pagpapantasya ang pangarap. Ito ay ang pagbuo ng mga
sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong kagustuhan. Masarap ang
magpantasya dahil lahat ng gusto mo ay posible. Ang pagpapantasya ay
ginagamit ay ng marami upang takas an ang kanilang mga problema.

• Lumilipas ang panahon kaya dapat kung mayroon kang pangarap


ngayon, umpisahan mo nang magplano upang maisakatuparan ito.

• Tandaan mo na ang taong may pangarap ay:


• 1. Handang kumilos upang maabot ito. Ang isang taong may
pangarap ay handang magsumikap at magtiyaga upang marating ang
mga ito.
• 2. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap. Lubos na
nadarama ng taong nangagarap ang pagnanasang matupad ang mga ito.
• 3. Nadarama ang pangangailangang makuha ang pangarap. Ang
paghahangad na makuha ang mga pangarap ay lubos para sa mga taong
naniniwalang kailangan nila ito sa kanilang buhay.
• 4. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang
gawing totoo ang mga ito. Ang pagkakaroon ng paniniwala na
matutupad ang mga pangarap ang siyang malaking kontribusyon sa
pagsisikap ng tao.
ANG MGA PAMANTAYAN SA
PAGTATAKDA NG MITHIIN
• Tiyak. Tiyak ang iyong mithiin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong
nais na mangyari sa iyong buhay.
• Nasusukat. Una, nasusukat mo ang iyong kakayahang kumuha ng kursong
nais mo. Pangalawa, nasusukat mo ang iyong mithiin.
• Naabot. Ang mithiin ay makatotohanan, maaabot at mapanghamon.
• Angkop. Kailangan mong timbangin ang bawat panig upang Makita mo
ang higit na mabuti para sa iyo, suriin mo ang iyong prayoridad; ang unang
mahalaga para sa iyo, sumunod ay ang pangalawang mahalaga para sa iyo.
Mabibigayan ng sapat na panahon. Isipin mo kung gaano katagal mo
kayang matupad ang ayong mithiin. Bigyang pansin ang haba ng
panahong gugulin mo bago matupad ang iyong mithiin at ang pakay
mo para rito.

• May angkop na kilos . Ang pagpapahayag ng mithiin ay kailangang


nasa pangkasalukuyang kilos. Nararapat ding ito ay mga bagay na
kaya mong gawin. Iwasan ding ipahayag ito sa negatibong paraan o
huwag magtakda ng mithiin upang pasakitan ang iba, gumanti sa
iba o higitan ang iba.
PANGKATANG GAWAIN

Panuto: Ibigay ang inyong mithiin para sa PAMILYA,


PAARALAN, at ,BUHAY-ISPIRITWAL gamit ang
batayang tanong:
1. Magbigay ng 2 mithiin para dito.
2. Ibigay ang konkretong paraan para makamit ito.
3. Pumili ng tagapag-ulat.
RUBRICS

PAMANTAYAN 20 15 10
PAANO INULAT
NILALAMAN
PAKIKIPAG-UGNAYAN
SA GRUPO
KABUUAN
PAGTATAYA NG ARALIN
Ipaliwanag ang sumusunod:
1. Ano ang pangarap mo?
2. Bakit mahalagang ikaw ay may
pangarap?
MARAMING SALAMAT!!!

You might also like