bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.” -Helen Keller Tandaan mo na ang taong may pangarap ay: 1. Handang kumilos upang maabot ito. - Ang isang taong may pangarap ay handang magsumikap at magtiya- ga upang marating ang mga ito. Siya ay nagta- trabaho nang lubos. 2. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
Lubos na nadarama ng taong
nangangarap ang pagnana- sang matupad ang mga ito. Hindi siya nagdududa na matutupad niya ang mga ito. 3. Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap.
Ang paghahangad na makuha ang
mga pangarap ay lubos para sa mga taong naniniwalang kai- langan nila ito sa kanilang buhay. 4. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito. Ang pagkakaroon ng paniniwala na matutupad ang mga pangarap ang siyang malaking kontribusyon sa pag- sisikap ng tao. Dahil sa panini- walang ito, lumalakas ang kanyang loob. ACTIVITY TIME!!! LIFELINE… TAKDANG- ARALIN Sa isang papel, isulat ang iyong kasagutan sa tanong na ano ang pipiliin mo: Aklat o Kompyuter? Bakit? Sa ibaba nito, iguhit ang larawan ng iyong napili.