You are on page 1of 1

PANGARAP NG BUHAY

Ang pangarap ay parang mapa na magiging direksyon na iyong tatahakin. Ito


ang bagay na magiging dahilan upang magpatuloy sa buhay, anuman ang mangyari.
Pinag-uukulan ito ng panahon, lakas at alaga nang sa gayon ay maging matatag na
kahit gaano kalakas ang bagyo di matutumba at sandigan ng lahat.
Si Bellyjoe sosa ay labing limang taong gulang na. siya ay nangangarap ng
mataas at pinagtsusumikapan niya itong maabot. Si Bellyjoe sosa ay nagmula sa
mahirap na pamilya na nakatira sa Santol. Marami siyang pinagkakaabalahan para
makatulong sa kaniyang pamilya. Kaya nag-aaral siya nang mabuti upang matupad ang
kanyang pangarap. Dahil sa kahirapan, nagpupursigi siyang mag – aral nang mabuti.
Para sa kanya kung mag – aaral ka nang mabuti matutupad ang iyong pangarap.
Bunga ng pagpupursigi niya mag-aral nang mabuti malapit na niyang maabot ang
kaniyang pangarap. Maraming mga balakid sa kaniyang buhay tulad ng kahirapan na
maaaring magpahinto at makasira sa kaniyang pangarap. Lahat ng bagay sa mundo
maaari mong makamit kung ito’s paglalaanan mo ng panahon.
Ang pangarap ay hindi lang isang salita ito ay isang hinahangad ng tao na
masasagot lamang ng kanyang gawa at pagsusumikap. Ang pangarap ay isa ding
matinding paniniwala. Paniniwala sa bagay na walang kasiguraduhan ngunit kailangang
panghawakan upang makamtan. Madaming balakid na makakaharap at dito masusukat
ang iyong katatagan at pananampalataya. Isip at imahinasyon ang kailangan upang
makita ang pangarap nungit pagsusumikap at aksyon ang kailangan upang makuha ito.

You might also like