You are on page 1of 1

Pangarap ang bumubuo sa Buhay

Ang bawat tao ay dapat may pangarap. Ang pangarap ay ang nagmumulat sa ating tunay na
pagkatao. Ito ang bumubuo sa ating buhay, nagbibigay inspirasyon at nagsisilbing motibasyong
magpursigi. Ngunit bakit may mga taong walang pangarap? Kahirapan, takot, katamaran, korupsyon o
kawalan ng suporta. Ito ang mga ilan na pwedeng dahilan kung bakit namamatay ang isang pangarap.
Ngunit susuko ka ba dahil lang dito? Hindi mo ba ipaglalaban ang iyong pangarap?

Ano naman ngayon kung ito ay imposible, ano naman kung ito ay mahirap, ang pagkakaroon ng
pangarap ay libre at sabi nga nila sa bandang huli ang tunay na kawawa ay ang mga taong walang
pangarap sa buhay. Ang taong walang pangarap ay hindi magkakaroon ng pag-unlad sa buhay. Wala
itong maabot sapagkat wala silang layuning dapat maabot.

Pangarap ang nagsisilbing gabay ng bawat tao, ito rin ang nagbibigay lakas sa atin upang tayo ay
umangat at sumaya sa buhay. Ito ang nag-uudyok sa isang tao upang magkaroon ng direksyon at straktura
ang kanyang daan buhay. Natatakot ka ba na hindi mo matutupad ang iyong pangarap? Ito ba ang dahilan
kung bakit ayaw mong mangarap? Bigo o tagumpay, hindi ito ang dapat mong gawing pamantayan sa
pagkakaroon ng pangarap sa buhay. Ang importante ay ikaw ay may sinimulan at ito ang magsisilbing
una mong hakbang sa pag-unlad.

Sa buhay, mayroon talagang mga pangarap na abot kamay lang ngunit sa di inaasahan ito ay
biglang lalayo sa iyo. Sa ganitong mga sitwasyon huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ang pagkakaroon
ng pangarap ay walang limitasyon. May mga pangarap na hindi madali abutin kaya dito masusukat ang
ating tiyaga at diskarte sa pagabot dito.

Walang taong sumusuko sa isang taong nangangarap, hindi mo kailangan agad matupad ang
iyong pangarap. Ang pangarap ay pwedeng matupad paunti-unti, depende sa iyong sitwayson, kaya
naman wag tayong magpadala sa negatibong enerhiya na nanggaling sa ibang tao at sa atin.

Sa tamang panahon dadating at dadating din ang tamang opurtunidad, kaya naman wag tayong
mangamba, matakot o mahiya na magkaroon ng pangarap. Hindi masamang mangarap at wala ring bayad
ang pagkakaroon ng pangarap. Sama-sama tayo at sabay-sabay nating abutin ang ating mga pangrap.
Sabay-sabay tayong tumingin sa mga bituin habang sinisigaw ang ating mga pangarap na galling sa puso
at pagdating sa tamang panahon sabay-sabay din natin itong unti-unting abutin dahil ang pangarap ang
bumubuo sa ating buhay.

You might also like