You are on page 1of 3

Learning Module in ESP 7

Quarter 4- Week 1

Pangalan: _______________________________________________ Baitang & Seksyon:______________ Iskor: _____________

MELC(s): Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang
mga pangarap.

Topiko: Mangarap Ka
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
 Nahihinuha na ang mga pangarap ay batayan ng pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at maligayang buhay;
 Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang
mga pangarap; at
 Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng misyon sa buhay ang tao.

Sanggunian: Sakdalan, D.P. et. al,(2017). Pagyamanin 7,The Library Publishing House, INC sa Unang Kabanata pahina 198-203.

Panimula
Maraming nagsasabi na libre lang raw ang mangarap. Kaya nga kung mangangarap ka, itodo mo na. Sabi nga ni Wency
Cornejo sa kanyang sikat na awit, :”Mangarap ka, simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi, at ito’y damhin; At itanim mo sa iyong
puso at ito ay lalaki; Ikaw rin ang aani.”
Tiyak na may mga pangarap ka sa buhay. Ang mga pangarap na ito ay sinisimulan mo nang tuparin. Hindi nga ba’t nag-aaral
ka ngayon para maabot ang mga pangarap na ito. Pero ang lahat naman talaga ng tagumpay ay nagsisimula sa pangarap. Tila nga ito
isang maliit na binhi na kinakailangan ng maingat na pagaalaga upang lumago at magbunga.
Sabi nga ni Helen Keller, isang bulag at bingi na naging matagumpay sa buhay, “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang
may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.” Sa pangarap nagsisimula ang lahat. Ang pangarap ay kakaiba sa panaginip.
Ang panaginip ay nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog. Kapag nagising ka na, natatapos din ito.
Ito ay ang pagbuo ng mga sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong kagustuhan. Masarap ang magpantasya dahil lahat ng gusto
mo ay posible. Ang pagpapantasya ay ginagamit ng marami upang takasan ang kanilang mga problema. Kaya siguro sikat na sikat
ang mga telepantasya. Subalit hindi nakatutulong ang mabuhay sa pagpapantasya. Kailangan nating harapin ang ating mga suliranin
at ang lahat ng mga nakababagabag na katotohanan sa mundong ating ginagalawan.
Lumilipas ang panahon kaya dapat kung mayroon kang pangarap ngayon, umpisahan mo nang magplano upang
maisakatuparan ito. Tandaan mo na ang taong may pangarap ay:

1. Handang kumilos upang maabot ito.


 Ang isang taong may pangarap ay handang magsumikap at magtiyaga upang marating ang mga ito. Siya ay
nagtatrabaho nang lubos. Maaga siyang gumising sa umaga at ginagawa ang nakaatang na gawain para sa kanya.
Sinusunod niya ang mga payo ng mga nakatatanda dahil alam niyang gabay ang mga ito sa pagtamo niya ng lubos
na tagumpay.
 Hindi siya nagpapadala sa mga tukso at pambubuyo ng iba dahil may tiwala siya sa kanyang sarili at alam niyang
mga balakid ito sa pagtamo ng kanyang mga pangarap.

2. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.


 Lubos na nadarama ng taong nangangarap ang pagnanasang matupad ang mga ito. Kaya sa
tuwing gigising siya sa umaga, masaya at positibo ang kanyang pananaw na matutupad ang
kanyang mga pangarap. Hindi siya nagdududa na matutupad niya ang mga ito.
 Ang ibang tao, sa sobrang pagnanasa sa pagtamo ng kanilang mga pangarap ay iginuguhit o
gumuguhit ng mga larawang nagpapakita ng kaganapan ng kanilang mga pangarap. Idinidikit
nila ito sa pinto ng kanilang silid o malapit sa kanilang higaan upang paggising nila, ito ang
inspirasyon nila sa maghapon nilang pagtatrabaho.

3. Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap.


 Ang paghahangad na makuha ang mga pangarap ay lubos para sa mga taong naniniwalang
kailangan nila ito sa kanilang buhay. Kaya nagsisikap sila nang lubos upang matamo nila ang
mga ito. Ibayong sakripisyo ang kanilang ginagawa matupad lamang ito dahil naniniwala silang
kailangan nila itong gawin.
 Halimbawa, ang isang ama na pumupunta sa ibang bansa upang magtrabaho ay nagsisikap na
makaipon nang malaki upang maipadala sa kanyang pamilya. Alam niyang ang perang
ipadadala niya ay gagamitin ng kanyang mga anak upang sila ay makatapos ng pag-aaral.
Ginagawa ito ng isang ama dahil alam niyang kailangan niya itong gawin upang maganap ang
kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak at magkaroon ng magandang buhay ang
mga ito.
4. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito.
 Ang pagkakaroon ng paniniwala na matutupad ang mga pangarap ang siyang malaking
kontribusyon sa pagsisikap ng tao. Dahil sa paniniwalang ito, lumalakas ang kanyang loob. Si
Pinky Sebastian ang batang-batang negosyanteng nagtatag ng bag ni Pinky. Naniniwala si Pinky
na ang kanyang tagumpay ay hindi lamang dahil sa kanyang angking talento sa pagdidisenyo o
paguhit. Lubos ang tiwala niya na biyaya ng Diyos ang lahat ng kanyang inaaning tagumpay.
 Para sa kanya ang pagtulong sa kapwa ay biyayang bumabalik din sa nagbigay nito. Naniniwala
siyang walang saysay ang buhay kung hindi ito gagamitin sa oagtulong sa kapwa. “Kadalasan
kung ikaw ay nanalangin para sa sarilli hindi ito pinagbibigyan dahil ito’y isang gawang makasarili. Suballi’t kung
mananalangin ka na gawing instrumento upang makatulong, ipagkakaloob ang iyong idinadalangin.”

Bilang tao ang katuparan ng ating pangarap ay nakatali sa ating pinipiling bokasyon. Nakasalalay dito ang pagtatamo ng
tunay na kaligayahan. Hindi tunay na magiging masaya gaano ka man kayaman o katanyag pagdating ng panahon kung hindi mo
isinaalang-alang ang plano ng Diyos para sa iyo.
Ang MISYON ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. Para sa iba, ito ay
pagtupad sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay, na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi. At tandaan, na sa bawat
misyon, dapat ay may kahandaan. Tulad din ng mga nakikita natin araw-araw sa mga taong nasa daan. Ilan sa kanila ay alam natin
ang kanilang destinasyon dahil nakikita natin ang kanilang kahandaan sa pamamagitan ng kanilang kagamitan at kasuotan na
naaayon sa kanilang mga patutunguhan.
Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng
Diyos sa atin. Sabi nga ng iba, ito ang iyong “calling” sa buhay.

Gawain 1: Tama o Mali


Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ikaw ay sumasang-ayon at MALI naman kung ikaw ay hindi sumasang-ayon sa bawat
pahayag sa ibaba.
_____1. Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa buhay.
_____2. May mararating ang tao kahit walang plano sa buhay.
_____3. Ang mag-aaral ay inaasahan ng guro na handa sa kanyang mga kagamitan.
_____4. Alam ng tao ang kakaharapin na balakid ng bawat misyon sa buhay.
_____5. Ang misyon sa buhay ay sarili lamang ang isinasaalang-alang.
_____6. Kabilang sa misyon sa buhay ang paglilingkod sa kapwa.
_____7. Isang sa aking mga misyon sa buhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral.
_____8. Kapag ako ay nabigo, tumitigil na akong makamit ang aking layunin.
_____9. Ang lahat ng ating nais makamit ay dumaan sa proseso ng pagpapasiya.
_____10. Maaaring magbago o mapalitan ang personal na misyon sa buhay.

Gawain 2: Pagpapahalaga
Panuto: Suriin at unawain ang kuwento at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Ipinapakita ni Pia Alonzo Wurtzbach sa mundo na kakaiba ang mga Filipino. Mahusay, maganda, kaakit-akit at matalino.
Pinatunayan ni Pia na kayang makipagsabayan ang mga Filipino sa anumang larangan. Nakita ito ng mundo sa katalinihang
ipinamalas ni Pia nang siya ang tanghaling Miss Universe 2015. Tinapos ni Pia ang matinding pagkauhaw ng Pilipinas sa korona ng
Miss Universe sa loob ng 42 taon. Si Pia ang ikatlong Miss Universe. Una ay si Gloria Diaz noong 19969 at si Margie Moran noong
1973.
Bagama’t nagkaroon ng kontrobersiya sa pagsasabi ng nanalong Miss Universe – unang nasabi si Miss Columbia- hindi iyon
naging hadlang para lalong magbunyi ang mga Filipino nang ihayag na si Pia ang Miss Universe 2015. Hindi makapaniwala si Pia sa
pangyayari hanggang ilipat sa kanya ang korona. Humingi naman ng paumanhin ang host na si Steve Harvey.
Nakilala na naman ang mga Filipino sa mundo sa pamamagitan ni Pia. Naidagdag ang kanyang pangalan sa mga Filipinong
nagbigay ng karangalan sa bansa. Hindi lamang sa larangan ng beauty competition nangingibabaw ang mga Filipino kundi pati sa
isports. Nakilala ang bansa dahil kay boxing champion Manny Pacquiao na nagpakita nang husap sa bawat laban.
Nakilala rin ang Pilipinas dahil sahusay ni Lea Salonga na tinanghal sa hisay sa pag-awit. Nakilala si Lea sa “Miss Saigon”.
Sino rin ang hindi makakakilala sa husay ni Allan Pineda o mas lalong kilala bilang Apl.de.Ap?
Pinaningning ni Pia ang Pilipinas sa ipinakita niyang husay sa katatapos na Miss Universe at naniniwala kami na dahil sa
kanyang ipinakita ay marami pang magagandang Pinay na tutulad sa kanya. Nagbigay ng inspirasyon si Pia sa maraming kababayan
lalo na ang mga naghahangad maging beauty queen. Tiyak na maami pang susunod sa yapak ni Pia.

Sanggunian: Filipino Star Ngayon


12-23-2015
Sagutin…
1. Paano ipinakita ni Pia Alonzo Wurtzbach sa mundo na kakaiba ang Filipino?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
2. Ano-anung mga katangian ni Pia ang nagbigay daan upang siya’y magtagumpay?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
3. Sino-sino pa at ano-anong taon nakamit ng Pilipinas ang korona ng Miss Universe?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
4. Ano ang naging kontrobersiya sa pagdedeklara ng nanalo sa Miss Universe 2015 pageant?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
5. Bilang isang kabataan na nangangarap makamit ang pangarap sa buhay, pagkatapos ng sampung taon, ano ang gusto mong
maging, at paano mo ito isasakatuparan?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________

You might also like