You are on page 1of 2

Magandang Hapon po Ma’amVergara and Magandang

hapon kapwa ko kamag-aral.

Ang Ating tinalakay nung nakaraang Lunes ay Pa tungkol sa


PANGARAP AT MITHIIN

Ano ang pangarap?


Ang pangarap ay ang gusto ng isang tao ngunit siya ay na
nagpapantasya, nananaginip o dreaming kung ano ang gusto
niya sa buhay.

Ang pangarap ay nagsisilbing layunin, mithiin o tunguhin ng


isang tao na gustong maabot, makamtan at magkaroon ng
katuparan. Ang pangarap ang magsisilbi mong motibasyon para
magpatuloy sa iyong buhay, kung minsan rin ang pagkakaroon
nito ang magdudulot sa'yo ng saya at galak sa iyong puso.

Halimbawa:
• Ang isang babae ay nangangarap na kasalin sa simbahan na
maraming bulaklak at maraming saksi. Ito ay pangarap pa
lamang at walang katiyakan kung ito ba ay mangyayari o
magkatototoo.
• Ang mga bata noong sila ay maliit pa sila ay nangangarap ng
mga gusto nila pagdating nang sila ay tumanda na ngunit ito ay
nanatiling pangarap pa lamang. Wala itong katiyakan kung
talagang mangyayari o hindi.

Kahulugan ng Mithiin
Ang salitang mithiin ay binubuo ng hulaping -in at salitang ugat
na mithi. Ang kahulugan nito ay tumutukoy sa bagay na
ninanais makamit ng isang tao. Ito ang anumang pinapangarap
na maganap o makuha. Ang kasingkahulugan naman nito ay
ambisyon, pithaya, adhikain o pita. Sa Ingles, ito ay ambition o
ideal.
Mga Halimbawang Pangungusap
Gamitin natin ang salitang mithiin upang mas maunawaan ito.
Narito ang halimbawa:

Isa sa aking mithiin na magkaroon ng sariling bahay.

Ang makapunta sa ibang bansa ay isa sa aking mithiin mula


pagkabata.

Mithiin ng maraming babae ang maihatid sa altar ng kanilang


iniibig.

Ating Tatalakayin ngayong araw ay pa tungkol sa


"Pagsasagawa ng Pansariling Plano sa Pagtupad ng mga
Minimithing Kurso at Karera"

Opo dahil ang pagpaplano ang pinakamagandang daan upang


maisakatuparan mo ito.

mas madaling makuha Ang kurso kapag ikaw ay gumawa ng


plano.

You might also like