You are on page 1of 4

ANTAS 3 –PLANO SA PAGKATUTO

ENERO 21-25,2018

Unang araw

I.Introduksyon

Panimulang Gawain:

C - Cleanliness (kalinisan)

O - Orderliness (kaayusan)

P – Prayer (Panalangin)

A – Attendance (Pagdalo)

Balik-aral

 Sino ang makapaglalahad kung ano ang natalakay natin noong


nakaraan?

Pokus

 Ibong Adarna
- Saknong 7 - 27: Ang Mag-anak ni Haring Fernando
- Saknong 28 - 45: Nanaginip ang Hari
- Saknong 46 – 80: Naglakbay si Don Pedro
- Saknong 81 -109: Nakipagsaplaran si Don Diego
- Saknong 110 -161: Naglakbay si Don Juan

Mga Layunin:

1. Naibabahagi nang epektibo ang mga konsepto at ideyang


nalalaman sa tulong ng pagguhit.
2. Nabibigyang-linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na salita
mula sa akda
Pagganyak

 Nagkaroon ka na ba ng masamang panaginip?Ano ito? Ibahagi


sa klase

Dating kaalaman (APK)

 Naniniwala ka ba na nagkakatotoo ang panaginip o kabaliktaran


nito?

II. Interaksyon

A. Paglalahad ng Konsepto
 Pagkatapos makapaglahad ang mga mag-aaral, iugnay ito sa
paksang tatalakayin.
 Ang panaginip ay isang mental activity na nagaganap habang
ang tao ay tulog. Ito ay nagtataglay ng mga biswal na imahe na
may istorya. Bagamat ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ay nakalilito. Ang panaginip ay naiimpluwensyahan
ng mga panloob na bagay pampisikal katulad ng gutom,
pagkauhaw, o hindi natunawan. Maari rin na mga panlabas na
sanhi kagaya ng masidhing damdamin o kinimkim na damdamin
na mitsa ng pagkakaroon ng isang panaginip. Kadalasang
nakikita sa panaginip ang mga larawan o karanasan na hinango
sa nakaraan, sa kasalukuyan, o maaari ding inaasam para sa
hinaharap.

B.Gawain sa pagkatuto

 Gawain ng Guro
 Pagpapahanap ng kahulugan ng mga salitang hindi
pamilyar
 Pagpapaguhit ng palasyo
 Pagpapangkat sa lima upang sagutin ang mga gabay
naa tanong sa bahaging Pag-aani
 Papoproseso ng guro

 Gawain ng mga mag-aaral


 Paghahanap ng kahulugan sa mga salitang hindi
pamilyar
 Pagguhit ng palasyo
 Magpapangkat sa lima upang sagutin ang mga gabay
na tanong sa bahaging Pag-aani
 Papopreso ng guro sa mga mag-aaral

III. Integrasyon

(Pagpapalawak ng konsepto/Paglipat)

 Sabi ng marami, kung ano raw ang nakikita sa panaginip ay


kabaligtaran sa tunay na buhay. May mga tao na dahil sa hindi
magandang panaginip natutong maging maingat. Halimbawa,
kung laging napapaginipan ng isang tao na ang kanyang bag ay
may mahahalagang papeles, susi at iba pa ay lagging
ninanakaw, maaaring maging maingat na siya kapag lumalabas.
Kung siya naman ay natuklaw ng ahas, magiging maingat na
siya sa mga taong traydor o taksil sapagkat ang ahas ay
sumasagisag ng kataksilan. Mayroon din naming naidudulot na
kasiyahan ang panaginip tulad ng kung nakita niya ang kanyang
minamahal o hinahangaan sa panaginip. Ang epekto nito
pagkagising ay nakangiti at masaya na ang kanyang mukha.
Ebalwasyon/ Pagtataya

Formative Assessment
Panuto: Sagutin ang tanong sa isang kalahating papel.
 Ano ang napapaginipan mo sa iyong paggising at may nakuha
kang kabuluhan?

Pagbubuod

 Batay sa natunghayan, ang panaginip ay naihahayag sa


pamamagitan ng simbolo na ang tunay na kahulugan ay
natatago sa nananaginip. Halimbawa, ang isang masamang
higante sa panaginip ng isang bata ay maaaring simbolo ng
isang mapang-aping nakatatandang kapatid. Ang panaginip na
umaakyat sa hagdan ay maaaring pagnanais na magkaroon ng
promosyon sa trabaho dala ng kakapusan sa kasalukuyang
kinikita.
 Kung ikaw ay nanaginip ng isa kang hari/reyna, paano mo
iguguhit ang iyong kaharian?

Takdang Aralin

 Basahin at unawain ang saknong 7-161 sa pahina 288-302 ng


batayang aklat na Punla.

You might also like