You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
CAMALIG, CITY OF MEYCAUAYAN, BULACAN

PANIMULA
Ang Panitikan sa Pilipinas ay mayaman na bago pa man din dumating ang mga
mananakop. Nagkaroon na tayo ng iba’t ibang sulatin na mula sa ibat ibang rehiyon ng bansa. Isa
sa mga ito ang tinuturing na Karunungang Bayan na nagsasabing naglalaman ng iba’t ibang
kaisipan at gabay sa mga tao noong panahon pa ng ating mga ninuno.
Sa Modyul na ito, iyong malalaman ang pinagmulan ng unang panitikan ng Pilipinas bago pa
man dumating ang mga kastila. Narito ang mga karunungang bayan na sawikain, salawikain,
bugtong at kasabihan. Ang mga ito ay nagbibigay paalala, gabay at impormasyon sa mga tao noon
na hanggang ngayon ay nagagamit pa.
Nasisiguro ko na dito mo makikita at mababasa ang mga salitang nababanggit ng iyong
magulang o mga lolo at lola na talagang makapagbibigay gabay sa iyo upang maging matagumpay
sa buhay.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


 Napaliliwanag ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang
napakinggan (F8PN-Ia-c-20)
 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan
sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22)
 Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan (F8PS-Ia-c-20)

PANAHON
Unang Markahan / Unang Linggo

LAYUNIN
Matapos basahin at aralin ang modyul na ito, inaasahang malilinang mo
ang mga sumusunod na layunin:
 Nabibigyang kahulugan ang karunungang bayan
 Naiisa isa ang mga uri ng karunungang bayan
 Naipapaliwanag ang kaisipan sa mga napakinggang karunungang bayan
 Naiuugnay ang mga karunungang bayan sa kasalukuyan
 Nakabubuo ng bugtong, salawikain, sawikain at kasabihan

Ang Modyul na ito ay kinapapalooban ng


mga kasanayan na makatutulong sa iyong
pag-unlad. Ito ay naglalaman ng mga paksa
at mga gawain na iyong bibigyang pansin. PANUTO SA
Marapat na sundin ang mga panutong MAG-AARAL
nakalaan para sa iyong pag-unlad.

NILALAMAN
KARUNUNGANG BAYAN (bugtong, sawikain, salawikain at kasabihan)

1
MGA SUSING PAKSA
Sa iyong pagsisiyasat sa araling ito, inaasahang matutunghayan at matututuhan mo
ang mga sumusunod na paksa na nakapaloob sa modyul na ito.
 Panitikan
 Karunungang Bayan
 Salawikain
 Sawikain
 Bugtong
 Kasabihan

SIMULAN NATIN
Kumusta ka! Alam kong handa ka ng tahakin ang panibagong yugto ng iyong buhay.
Kaya naman narito ang modyul na ito upang maging kaagapay mo sa iyong pag-unlad. Inaasahan
kong matutunghayan mo rito ang ilang aralin na iyong nakita at naunawaan sa nakalipas mong
baitang.
Para sa pagsisimula ng ating aralin, subukin natin ang iyong kakayahan sa pagbuo ng isang
salita.

Pagsasanay 1: Ayusin ang mga nakagulong letra na nasa kahon. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

A A S 1. SALAWIKAIN

W A I I

L K N

K I W A
2. SAWIKAIN
S I N

P N T I
3. PANITIKAN
I A N

K A

G G
4. BUGTONG
U O B

T N

A B A

K H N I 5. KASABIHAN

A S

Pagsasanay 2: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Balitang kutsero > hindi nagsasabi ng totoo
2. Bantay salakay > nagbabait-baitan
3. Taingang kawali > nagbibingi-bingihan
2
4. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. > chismosa
5. Kwarta na naging bato pa > pera na nagging bato pa
PAYABUNGIN NATIN
Upang iyong maunawaan ang mga salitang iyong nabasa sa unang pagsasanay, narito ang
maikling pagpapaliwanag sa mga ito. Basahin mabuti ang para sa iyong kaalaman.

Para sa Iyong Kaalaman:

Ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang pang-titik-an na kung saan ang panlaping pang- at
hulaping -an ay ginagamit. Ang salitang titik naman ay nangangahulugang literature. Ang panitikan ay
nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin
ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Nagsasalaysay din
ito sa pamahalaan, lipunan, pananampalataya at mga karanasan na may kaugnayan sa ibat ibang uri ng
damdamin.

Ang panahon bago dumating ang mga kastila ay mayroon na tayong sariling panitikan at isa na dito ang
tinatawag na Karunungang Bayan. Ang mga halimbawa nito ay sawikain, salawikain, bugtong at
kasabihan. Ang sawikain ay matatalinghagang salita na karaniwang ginagamit sa pang –araw-araw na
buhay. Ito ay karaniwang tinatawag na idyoma. Ang salawikain naman ay mga maiiksing pangungusap
na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang- araw araw na pamumuhay.
Ang kasabihan ay pangungusap na madalas na sinasabi ng mga tao at nagbibigay payo o impormasyon
at ang bugtong ang uso sa mga bata dahil ito ay mga palaisipan na ang mananalo o makakakuha ng
premyo ay ang makakahula ng palaisipan. Ilan lamang ito sa mga naipamanang panitikan sa atin ng
ating mga ninuno.

SAGUTIN NATIN
Inaasahan kong naunawaan mo ang
Simulan natin sa pagbasa ng isang kwento. Sana’y maging pamilyar ka sa mga karunungang bayan
na iyong makikita at mababasa.
SUBUKIN NATIN
Pagsasanay 3: Basahin ang maikling kwento. Isulat sa ibaba ang mga nakitang karunungang
bayan at bigyan ito ng kahulugan. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
Batang Mataas ang Pangarap
Sa isang malayong baryo ng Masinag, may nakatirang isang dalaga na nagngangalang Anita.
Si Anita ang panganay na anak nina Mang Ben at Aling Ani kaya’t siya ang inaasahan ng mag-anak
na mag-aalis sa kanila sa kahirapan. “Nagsusunog ka na naman ng kilay Anita, halika’t tulungan
mo muna ako rito “ ani Aling Ani. “ Inay naman, kailangan ko magsumikap, sabi niyo nga, kung
may tiyaga may nilaga” sagot ni Anita sa ina. Ilang sandali pa at dumating na ang kanilang ama na
pagod na pagod.
“ Hay naku, nandoon na naman sa kanto sila pareng Enteng at nagbibilang ng poste. Anita,
siguraduhin mo lamang na makalilipad ka ng mataas na parang isang ibon at hindi lalagapak sa
lupa. Bigla naman sumabat sa usapan ang ina at sinabing “makalilipad ka nga ngunit siguraduhin
mo lamang na hindi ka makalilimot. Ang hindi lumingon sa pinangalingan, ay hindi makararating
sa paroroonan tandaan mo yan anak”. “Tatandaan ko po inay at itay ang inyong mga habilin.
Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga.” Tugon naman ni Anita.
Kaya naman masaya nilang pinagsaluhan ang biyaya ng may kapal.
KARUNUNGANG BAYAN KAHULUGAN
1. Nagsusunog ng kilay Nag-aaral ng mabuti.

2. Kung may tiyaga may nilaga Kapag nag-aral ka ng mabuti at


nakapag tapos ka, makakahanap ka
ng magandang trabaho.
3. Nagbibilang ng poste Walang trabaho o walang
pinagkikitaan

3
4. Makalilipad ka nga ngunit Kapag nakamit mo na ang iyong
siguraduhin mo lamang na hindi ka pangarap lagi paring tatandaan na
makakalimot wag mong kakalimutan ang mga
tumulong sayo at gumabay sa iyo
upang makamit ang iyong pangarap.
5.Ang hindi lumingon sa Bigyan ng pagpapahalagaang muling
pinangalingan, ay hindi makararating pagtanaw sa kaniyang pinagmulan at
sa paroroonan pinag-ugatan.

Magaling! Natukoy at nabigyan mo ng kahulugan ang mga karunungang bayan. Subukan


naman natin ang iyong pang-unawa sa isang tula upang ikaw ay makabuo ng iyong sariling
karunungang bayan.
ISANG PUNUNGKAHOY
Ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


ako’y tila isang nakadipang krus; nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
sa napakatagal na pagkakaluhod, ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos. batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Organo sa loob ng isang simbahan Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
ay nananalangin sa kapighatian, natuyo, namatay sa sariling aliw.
habang ang kandila ng sariling buhay Naging kurus ako ng pagsuyong laing
magdamag na tanod sa aking libingan. at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Sa aking paanan ay may isang batis, Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
maghapo’t magdamag na nagtutumangis; panakip sa aking namumutlang mukha!
sa mga sanga ko ay nangakasabit Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, At iyong isiping nang nagdaang araw,


asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; isang kahoy akong malago’t malabay.
at saka ang buwang tila nagdarasal, Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,
ako’y binabati ng ngiting malamlam. dahon ko’y ginawang korona sa hukay

Pagsasanay 4: Talasalitaan: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
1. Kapighatian = Kalungkutan
Nakaramdam siya ng lubos na kapighatian noong nalaman niya na namatay ang kaniyang
alagang aso ng dahil sa sakit.
2. Nagtutumangis = nag-iiyak, nagdadalamhati, humahagulgol
Nagtutumangis ang bata sa kadahilanang nawawala ang kaniyang laruang sasakyan.
3. Namumutla = Namumuti
Namumutla ang mukha ng aking ama ng dahil sa sobrang pagod.

4. Panakip = takip, panakip


Ang ginamit na panakip sa silya ay telang puti.
5. Lambong = pantakip sa isang kabaong
Nag-iiyak na tinanggal ni Aling Bebang ang lambong sa kabaong ng kaniyang
pinakamamahal na asawa.
6. Malamlam = mapungay
Sadyang malamlam ang mga mata ni Rico.
7. Kinislap-kislap = patay sindi
Kinislap-kislap ang ilaw sa labas ng bahay nila Carlo.
8. Aliw = saya, ligaya
Halata sa kaniyang mukha ang aliw ng makita niya ang kaniyang lola.
9. Orasyon = dalangin, dasal
Araw-araw na nag oorasyon ang makapatid para sa kanilang ama na may sakit.
10.Nunukal = lalabas, lulutang, lilitaw, aagos

4
Nabitawan ng bata ang kaniyang lobo kaya ito ay nunukal paitaas.

Pagsasanay 5: Bumuo ng iyong sariling kasabihan, salawikain at bugtong batay sa iyong nabasang
tula. Isulat ang talahanayan at sagot sa iyong sagutang papel.
KASABIHAN SALAWIKAIN BUGTONG
1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

GAWIN NATIN
Nagustuhan mo ba ang tulang iyong nabasa? Alam mo ba na ang tulang iyon ay tungkol sa
buhay ng isang tao na inihalintulad niya sa isang punungkahoy.
Alam kong naging pamilyar ka na sa mga karunungang bayan kaya naman kailangan mong
alamin kung anong karunungang bayan ang mga nasa ibaba.
Pagsasanay 6: Isulat kung sawikain, salawikain, bugtong o kasabihan ang mga sumusunod na
pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Bugtong 1. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Salawikain 2. Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
Salawikain 3. Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
Bugtong 4. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sawikain 5. Di- makabasag pinggan
Sawikain 6. Halik ni hudas
Sawikain 7. Utak biya
Bugtong 8. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Kasabihan 9. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Kasabihan 10. Lahat ng gubat ay may ahas.
Bugtong 11. Isang prinsesa nakaupo sa tasa
Salawikain 12. Pag may tiyaga, may nilaga
Bugtong 13. Dadaan si Tarzan, nabiyak ang daan
Bugtong 14. Binili ko ng berde, kinain ko ng pula, niluha ko ng itim
Kasabihan 15. Masarap mamatay sa kamay ng kaibigan kaysa sa kamay ng kaaway.

TIYAKIN NATIN
Sa pagkakataong ito, tiyakin natin kung naging pamilyar ka sa mga uri ng karunungang
bayan at ano ang mga halimbawa ng mga ito.
Pagsasanay 7: Hanapin sa mga pangungusap ang mga ginamit na karunungang bayan at bilugan
ito. Alamin kung ito ay sawikain, salawikain, bugtong o kasabihan at ibigay ang kahulugan nito.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. “Ang talagang matapang, nag-iisip muna bago lumaban.” Ito na lamang ang nasabi ni Aling
Nena kay Rio matapos nito makipag away kay Brando.
Salawikain, siya ay naging pisikal dahil hindi siya nag-isip at sumugod agad o lumaban.
Kung ito namn ay sa pag-iisip ang basehan kinakailangan ng tamang desisyon dahil
kailangang malaman niya ang dapat niyang gawin.
2. Ningas kugon naman yang si Ana. Hindi niya kayang tapusin yan.
Sawikain, panandalian o di pang-matagalan.
5
3. Maniwala ka lamang, nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.
Kasabihan, huwag puro dasal ang iyong gawin, kailangan mo ring matiyagang gawin ang
bagay na iyong ipinapanalangin.
4. Matataas ang mga nagiging grado ni Joan dahil siya ay nagsusunog ng kilay.
Sawikain, nag-aaral ng mabuti.
5. Ayoko tumabi sa iyo, amoy tsiko ka na naman. Sino na naman kaya ang mga kasama mo?
Sawikain, amoy alak.
PALAWAKIN NATIN
Mukhang napagtagumpayan mo ang pagsasanay sa pagkilala sa mga karunungang bayan.
Ngayon naman ay subukan mo i-ugnay sa tunay na buhay ang mga piling sawikain, salawikain at
kasabihan na nasa ibaba.
Pagsasanay 8: I-ugnay sa realidad ng buhay ang mga sumusunod na pangungusap na nasa ibaba.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Mahaba ang kamay- magnanakaw
2. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib- kung ano man ang lumabas sa bibig mo ito ay sumasalamin
sa nilalaman ng iyong kalooban
3. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo- taong nagkikimkim ng galit sa loob o galit na
ipapahayag lamang sa kaniyang isipin.
4. Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin- kung ano ang iyong ginawa ay siya itong
babalik.
5. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula- walang kasing saya ang madarama mo
kung ang isang bagay na tinatamasa mo ay tunay mong pinaghirapan, kung nanggaling ito
sa sarili mong dugo at pawis.
6. Ang maglakad ng matulin, kung matinik ay malalim- bawat desisyon natin sa ating buhay ay
kailangang pag-isipan dahil kung agad-agad magpapasya, baka mauwi sa disgrasya.
7. Ang tunay na anyaya sinasamahan ng hila- pag may tiwala at may mabuting loob sa
nagtatawag wag kang mag dalawang isip pa na ikaw ay pupunta.
8. Puri sa harap, Sa likod paglibak- pagkausap mo siya, ikaw ay pinupuri at ginagalang, ngunit
sa tuwing ikaw ay nakatalikod, ikaw ay pinagtatawanan at pinagpipintasan.
9. Ang tunay na karangalan ay nag-uumpisa sa paggalang sa mga magulang.
10.Ang batang malinis sa katawan, ay malayo sa karamdaman- paglilinis sa ating katawan ay
isa sa mga paraan upang tayo ay mapalayo sa mga sakit at maging malusog.
Pagsasanay 9: Bumuo ng dalawang (2) sariling salawikain, sawikain, bugtong at kasabihan na may
kaugnayan sa mga nangyayaring isyu sa bansa. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

SALAWIKAIN

SAWIKAIN

BUGTONG

6
KASABIHAN

TANDAAN NATIN:
Ang Panitikang Pilipino ay mayaman na bago pa man dumating ang mga mananakop. Isang
patunay na rito ang mga Karunungang Bayan. Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod:
 Salawikain na nagagamit sa araw-araw. Ito ay nasusulat na mayroong sukat at tugma.
 Sawikain na mas kilala sa katawagang idyoma.
 Kasabihan na laging nababanggit ng ating mga magulang gayudin ng ating mga lolo at lol
ana nagbibigay patnubay sa pang-araw -araw nating ginagawa at
 Bugtong na naglalaman ng palaisipan. Kitang kita sa bugtong na nakatago ang tunay na
kahulugan nito at gumagamit ng ibat ibang bagay upang maipaliwanag ang isa pang bagay.
TALASANGGUNIAN
Ki, Halimbawa Ng Karunungang Bayan: Kahulugan At Mga Halimbawa,
https://philnews.ph/2020/03/10/halimbawa-ng-karunungang-bayan-kahulugan-at-mga-
halimbawa/uploaded March 10,2020
Olson, V., Pagsusuri sa Tulang Isang Punungkahoy ni Jose Corazon de Jesus,
https://aubrey22.blogspot.com/2017/03/pagsusuri-sa-tulang-isang-punong-kahoy.html
uploaded March26, 2017
Roldan, K. Panitikan sa Panahon ng Katutubo, https://prezi.com/bwtfhh7mufyw/panitikan-sa-
panahon-ng-katutubo/uploaded june13,2017

Inihanda ni:

RALYN C. MAMARIL
Guro sa Filipino

Sinuri ni:

MARIBEL P. DE VILLA
Ulo ng Departamento II sa Filipino

Pinagtibay ni:

7
BENITA P. ESPE
Katuwang na Punong-Guro II – Junior High School

Binigyang-pansin ni:

ROSALINA G. SANTOS, Ed. D.


Punong-Guro IV

You might also like