Professional Documents
Culture Documents
ESP Gawain 1
ESP Gawain 1
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong itala ang mga masasaya at malulungkot na
karanasan na naranasan mo sa loob ng iyong pamilya? Natutuwa ako dahil kahit papaano ay may
naibahagi akong kwento tungkol sa mga pinagdaanan ng aking pamilya.
2. Kung pipili ka ng isang masaya at isang malungkot na karanasan kasama ang iyong pamilya,
anu- ano ito? Ipaliwanag.
Nung nagbakasyon kami sa aming probinsya at doon nag diwang ng pasko at bagong taon,
dahil nagkasama-sama at nagsalo-salo kami ng sabay sabay kasama ang iba pa naming kamag-
anak, kaibigan at kapitbahay.
Noong namatay ang aking pinsan sa sinapupunan ng aking tita, dahil grabe ang naramdaman
naming sakit at hindi manlamang naming sya nasilayan.
3. Anu-ano ang mga napulot mong aral sa mga karanasan na iyong naranasan kasama ang iyong
pamilya? Na hindi mo masusulusyunan ang mga problema na ikaw lang ang nagiisa.
4. Mayroon bang positibong impluwensya sa iyong sarili ang mga karanasan mo kasama ang iyong
pamilya? Bakit? Noon kapag ako ay nagkakaroon ng problema sumusuko ako agad at minsan
naman ay sinasarili ko lang ngunit sa paglipas ng panahon natutunan ko na dapat nating harapin
ang mga problema na at wag itong talikuran.