You are on page 1of 4

ISANG BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Unang Baitang

Ni: Kyla A. Alicante

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng 40-minutong aralin, 90% ng mga mag-aaral sa unang baitang ay inaasahang:

a. naipapaliwanag ang kasapi ng pamilya;

b. makabuo ng sariling paniniwala sa kahalagahan ng bawat kasapi ng pamilya;

c. nailalarawan ang bawat kasapi ng sariling pamilya sa papamagitan ng pag guhit.

II. PAKSANG ARALIN

a. Paksa: Pagkilala sa kasapi ng Pamilya

b. Pagpapahalaga: Pagkilala sa bawat membro ng Pamilya

c. Sanggunian: Curriculum Guide, at

d. Kagamitan: Mga larawan

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain/ Pambungad na Gawain

a. Karaniwang Gawain

- Pagdadasal

- Pagbati sa mag-aaral

- Pagtatanong kung sila ba ay handa ng matuto ng bagong leksyon.

b. Pangganyak

Panuto: Lagyan ng tsek ang nag papakita ng isang pamilya.

B. Panlinang na Gawain

a. Paglalahad

Guro: Mayroon tayong babasahin na Tula na ang pamagat ay Ang Aking Pamilya na Akda ni
Cathyrin V. Bolanos
Ang Aking Pamilya

Akda ni: Cathyrin V. Bolanos

O aking mahal na ina,

Ikaw ay uliran at pinagpala.

Ilaw ka ng tahanan at tagapamahala

Inihahanda ang kailangan ng bawat isa.

Sa aking makisag na ama,

Masipag at matiyaga.

Pagod sa trabaho, ‘di alintana.

Maibigay lamang lahat sa pamilya.

Si kuya na tumutulong sa ama,

Si ate naman, gumagawa kapag wala ang ina.

Si bunso na lagging nag papasaya,

Kapag pagod si ina’t ama.

Ang pamilyang lagging nariyan.

Sa problema’t kasiyahan, lagging maaasahan.

Pamilya na hindi ka iiwanan

Sila’y ating mahalin at ingatan.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa binigkas na tula. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.

______ 1. Siya ang ilaw ng tahanan. (Ina)

______ 2. Siya ang laging nagpapasaya kapag pagod si ina’t ama. (Bunso)

______ 3. Siya ang gumagawa kapag wala ang ina. (Ate)

______ 4. Siya ang katulong ni ama. (Kuya)

______ 5. Siya ang pagod ngunit ‘di alintana. (Ama)

b. Pagtatalakay

Ang pamilya ay may iba’t ibang uri, ito ay ayon sa kasapi nito tulad ng two parent family,
single parent family, at extended family.

Ang karaniwang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Mayroon ding pamilya na
kasama ang mga lolo’t lola, tito’t tita at mga pinsan. Maitutring ding pamilya ang ina o ama lamang at
mga anak.
Two Parent Family

Binubuo ng nanay, tatay at isa o higit pang anak.

Single parent Family

Binubuo ng isang magulang lamang at isa o higit na anak.

Extended Family

Binubuo ng nanay, tatay, mga anak at kamag-anak tulad nila lolo, lola, tiya, tiyo, o mga pinsan.

c. Paglalahat

Guro: Sino-sino ang kasapi ng pamilya? Ano ang Iba’t ibang uri ng pamilya? Sino sa inyo
ang nakatira kasama ang inyong lolo’t lola? Kamusta naman ang iyong Karanasan?

C. Pagwakas na Gawain

a. Paglalapat

Guro: Nandito tayo ngayon sa mundo dahil sa ating mga magulang bilang pasasalamat sila’y
ating mahalin tulad ng pagmamahahal nila sa atin dahil ika nga nila nasa pamilya ang tunay na
pagmamahal na hindi mo kaylangang hingiin dahil ito ay nag kukusa.

b. Pagtataya

Panuto: Pagtambalin ang hanay Aat hanay B. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

A B

______1. A. Bunso

______ 2. B. Kuya
______3. C. Ina

______4. D. Ate

______5. E. Ama

IV. Kasunduan

Ilista sa malinis na buong papel ang iyong pamilya.

You might also like