You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 1

Pangalan: __________________________________________________________

Baitang: _______________ Petsa: _____________________________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang masayang pamilya ni Rico. Ano ang tawag sa kanilang pamilya?

A. Two-parent family B. Single-parent family C. extended family

2. Alin sa mga larawan ang bumubuo sa two-parent family?

A. B. C.

3. Ang nanay lamang ni Lara ang kasama niya sa bahay dahil namatay na ang kaniyang
ama. Anong uri ng pamilya mayroon siya?

A. Single-parent family B. Two-parent family C. Extended family

4. Si Rico ay kabilang sa extended family. Paano ilalarawan ni Rico ang kanyang pamilya?

A. binubuo kami nina tatay, ate, kuya at ako


B. binubuo kami nina tatay, nanay, ate, kuya at ako.
C. binubuo kami nina tatay, nanay, ate, kuya, lolo, tiya at ako.

5. Ang mag-anak na Pilipino ay likas na magalang at mapagmahal sa Diyos. Paano mo


ipapakita ang katangiang ito?
A. magagalit kapag inuutusan
B. magdarasal nang samasama
C. magtutulog-tulogan kapag niyayang magsimba
6. Ito ang family tree o talaangkanan ni Dindo. Kanino maaring
nagmula ang kanyang pamilya?

A. kay bunso B. kina lolo at lola C. kina tatay at nanay

7. Si tatay ang haligi ng tahanan. Ano ang tamang larawan na nagsasagawa ng tamang
tungkulin sa pamilya?

A. B. C.
Note: ang mga larawan ay kuha sa google.com

8. Ang “ama o tatay” ang tinaguriang haligi ng tahanan. Paano niya maipapakita ang tama o
wastong tungkulin ng isang ama o tatay sa pamilya?

A. Naghuhugas ng plato
B. Nag-aalaga ng mga bata
C. Naghahanapbuhay para sa pamilya

9. Ang nanay o ina ang kaagapay ng ama sa pamilya. Bakit mahalaga ang isang nanay o ina
sa pamilya?

A. Ang nanay ang tumutulong sa paglilinis ng tahanan


B. Ang nanay ay tagapangalaga ng pamilya
C. Siya ang nagsisilbing haligi ng tahanan

10.Si Ana ay kasapi ng pamilya Mendoza. Siya ang panganay na anak nina Leni at Leo
Mendoza. Ano ang maaaring tungkulin ng panganay na anak sa pamilya?

A. Tagapag-utos sa mga gawaing bahay


B. Palaging sumama sa mga kaibigan para mamasyal
C. Tumutulong sa mga gawaing bahay kagaya ng paglilinis ng bahay

11. Pagkagising sa umaga, ano ang una mong gagawin para makatulong sa pamilya?

A. B. C.
Note: ang mga larawan ay kuha sa google.com
12.Paano mo maipapakita ang mabuting halimbawa ng isang ina upang makatugon sa
pangangailangan ng isang pamilya?

A. B. C.

13.Si Larry ay anak ng iyong Tita o tiya na kapatid ng iyong ina. Paano mo ipapahayag si
Larry sa iyong “Family Tree o talaangkanan?
A. aking magulang B. aking kapatid C. aking pinsan

14.Anong larawan ang maaari mong gamitin para makilala mo ang ibang miyembro ng
inyong pamilya?

A. B. C.

15.Tunghayan ang kwento ng pamilya mula sa timeline:


Taon 2008, ikinasal sina Tatay at Nanay. Ipinanganak naman si Ate noong taon 2010.
Sumunod naman si Kuya noong 2012 at tapos ipinanganak naman ako noong 2014. At
huling ipinanganak naman si bunso. Paano nagsimula ang aming pamilya?

A. noong ikinasal sina tatay at nanay


B. noong ipinanganak si kuya
C. noong ipinanganak ako

16.Ang tradisyon at kaugalian ng bawat pamilya ay nagbabago sa pagdaan ng panahon.


Anong pagbabago ang makikita mo sa larawan sa ibaba?

Noon Ngayon
A. pananampalataya
B. paraan ng paggalang
C. paraan ng paghahanda

17.Taon-taon ay umuuwi ang mga anak ng G. at Gng. Cruz upang sama-samang salubungin
ang bagong taon. Alin sa mga sumusunod na kaugalian ang hindi ginagawa ng kanilang
pamilya tuwing bagong taon?
A. Sama-samang pagsisimba.
B. Pagtatago sa loob ng kanilang bahay.
C. Paghahain ng mga bilog na prutas sa mesa.
18.Paano mo maipapakita ang kuwento ng iyong pamilya sa inyong mga kamag-aaral?
A. Ikukwento ko gamit ang family tree.
B. Makikipaglaro sa aking mga kaklase.
C. Sa pamamagitan ng pagsasayaw

19.Kung ikaw si Jose, paano mo ibabahagi ang mahahalagang pangyayari ng iyong pamilya?
A. Iguguhit sa isang malinis na papel at ibahagi sa harap ng klase.
B. Magtatago sa likod ng guro habang nagsasalita sa harap ng klase.
C. Ibigay sa kaklase ang ginawa at hayaang siya ang magbahagi sa harap ng klase.
20.Ang pamilya ni Mang Cardo ay masayang nagtutulong-tulong sa gawaing bahay tuwing
araw ng Sabado. Alin sa kwento ng pamilya ang may pagkakatulad sa kwento ng pamilya
ni Man Cardo?
A. Hindi nakakasama ni Monica sa pamamasyal ang pamilya dahil kasama niya
ang kanyang mga kaibigan
B. Minsan lamang magsama-sama ang mag-anak ni Jude sa pagsisimba dahil laging
may pasok sa trabaho ang kanyang ama.
C. Ang pamilya ni Joan ay masayang ginagampanan ang kanya-kanyang gawain sa
kanilang tahanan sa tuwing araw ng walang pasok

21.Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa iyong sariling pamilya?


A. Aalis ako ng bahay dahil darating ang aking lolo at lola.
B. Hindi ako tutulong sa gawaing bahay dahil nanonood ako ng palabas sa telebisyon.
C. Pipilitin ko na makadalo sa “Family Day” aking tatay, nanay at mga kapatid sa
aming paaralan

22. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin sa


pamilya?

A. B. C.

23. Humahalik at nagmamano sina Lora at Von sa kanilang tatay at nanay bago pumasok
sa paaralan. Anong batayan ng mga alituntunin ang kanilang natupad?

A. mayroong pananalig sa Panginoon


B. pagpapakita ng pagmamahal sa pamilya
C. pagsunod at paggalang sa mga nakatatanda

24. Magtatanghalian na at kailangang magluto ng pagkain para sa pamilya subalit may


sakit si nanay. Sino ang dapat magluto?
A. tatay B. bunso C. ate

25. Habang nanonood ng telebisyon si Rosa ay inutusan siya ng kanyang nanay na bumili
sa tindahan. Kung ikaw si Rosa, ano ang nararapat mong gawin?
A. Magdabog at sumimangot sa nanay
B. Magkunwari na hindi narinig ang utos ng nanay
C. Agad na tumugon sa nanay at sundin ang ipinagagawa

26. Masdan ang mga larawan. Kung ikaw ang nasa larawan, ano ang nararapat mong
gawin upang mapahalagahan ang iyong pamilya?

A. B. C.

27. Ano ang maaring mangyayari kung magkakasundo – sundo ang mga kasapi ng
pamilya?
A.Magiging masaya ang samahan.
B. Laging may gulo sa loob ng tahanan.
C. Magiging malungkot ang bawat kasapi.

28. Basahin at suriin ang talaan sa ibaba. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagkakatulad ng pagpapahalaga ng dalawang pamilya?

Pagpapahalaga sa Pamilya
Mabuting katangian na Pinahahalagahan
Ang Aming Pamilya Ang Pamilya ni Rona
Mapagmahal May pagkakaisa
May takot sa Diyos Matulungin sa kapwa
May pagkakaisa Mapagmahal

A. mapagmahal at may pagkakaisa


B. may takot sa Diyos at mapagmahal
C. matulungin sa kapwa at may pagkakaisa

29. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan ng sariling


pamilya sa ibang pamilya?
A. Hindi kami dumadalo sa mga pagdiriwang sa aming komunidad.
B. Sama-sama naming tinulungan ang bagong lipat na kapitbahay.
C. Nananatili kami sa loob ng aming bahay para makaiwas sa labis na ingay.

30. Anong uri ng lipunan ang mabubuo sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan ng sariling
pamilya sa ibang pamilya?
A. magulong lipunan
B. maingay na lipunan
C. tahimik at payapang lipunan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 1

Talaan ng Ispesipikasyon
Antas ng Pagtatasa
Bilang ng Araw na

Bilang ng Aytem

Pamantayan sa Pagkatuto
Understanding
Remembering
Naituro

(Pag-unawa)

(Paglalapat)

(Pagtataya)
(Pagsusuri)
(Pag-alala)

Evaluating
Analyzing
Applying

(Pagbuo)
Creating

1. Naipapaliwanag ang konsepto ng pamilya batay sa


5 3 1-3 12.5%
bumubuo nito.
2. Nailalarawan ang sariling pamilya batay sa :
a. Komposisyon
b. Kaugalian at paniniwala
5 4 4-7 12.5%
c. Pinagmulan
d. Tungkulin at karapatan ng
bawat kasapi
3. Nailalarawan ang iba’t ibang papel na ginagampanan
ng bawat kasapi ng pamilya sa iba’t ibang 3 2 8-9 7.5%
pamamaraan.
4. Nasasabi ang kahalagahan ng bawat kasapi ng
2 1 10 5%
pamilya.

5. Nakabubuo ng kwento tungkol sa pang- araw- araw na


1 1 11 2.5%
gawain ng buong pamilya.

6. Nailalarawan ang mga gawain ng mag-anak sa


1 1 12 2.5%
pagtugon ng mga pangangailangan ng bawat kasapi.
7. Nakikilala ang “Family Tree” at ang gamit nito sa
1 1 13 2.5%
pag-aaral ng pinagmulang lahi ng pamilya.
8. Nailalarawan ang pinagmulan ng pamilya sa
1 1 14 2.5%
malikhaing pamamaraan.
9. Nailalarawan ang mga mahahalagang pangyayari sa
buhay ng pamilya sa pamamagitan ng timeline/family 1 1 15 2.5%
tree.
10. Nailalarawan ang mga pagbabago sa nakagawiang
3 2 16-17 7.5%
gawain at pinapatuloy na tradisyon ng pamilya.

11. Naipapahayag sa malikhaing pamamaraan ang sariling


3 2 18-19 7.5%
kwento ng pamilya.

12. Naihahambing ang kwento ng sariling pamilya at


2 1 20 5%
kwento ng pamilya ng mga kamag-aral.

13. Napahahalagahan ang kwento ng sariling pamilya. 2 1 21 5%


14. Naiisa-isa ang mga alituntunin ng pamilya. 1 1 22 2.5%
15. Natatalakay ang mga batayan ng mga alituntunin ng
1 1 23 2.5%
pamilya.
16. Nahihinuha na ang mga alituntunin ng pamilya ay
tumutugon sa ibat ibang sitwasyon ng pang araw- 1 1 24 2.5%
araw na gawain ng pamilya
17. Nakagagawa ng wastong pagkilos sa pagtugon sa mga
2 1 25 5%
alituntunin ng pamilya.
18. Naipakikita ang pagpapahalaga sa pagtupad sa mga
alituntunin ng sariling pamilya at pamilya ng mga 1 1 26 2.5%
kamag-aaral.
19. Nailalarawan ang batayang pagpapahalaga sa sariling
pamilya at nabibigyang katwiran ang pagtupad sa mga 1 1 27 2.5%
ito.

20. Naihahambing ang mga pagpapahalaga ng sariling


1 1 28 2.5%
pamilya sa ibang pamilya.

21. Natutukoy ang mga halimbawa ng ugnayan ng sariling


1 1 29 2.5%
pamilya sa ibang pamilya.
22. Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa mabuting
pakikipag-ugnayan ng sariling pamilya sa iba pang 1 1 30 2.5%
pamilya sa lipunang Pilipino.
Kabuuan 40 30 7 14 5 2 0 2 100%

Inihanda:
Dr. Toribia B. Coz-Calatagan

Pinansin:
Pinagtibay:

ROLANDO S. CASANOVA
Pansangay na Tagamasid – Araling Panlipunan MARIO B. MARAMOT
Tagapagpaganap, Hepe ng CID

You might also like