You are on page 1of 7

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PAGLIPUNAN

UNANG BAITANG
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga bata ay inaasahang:
a. Mabibigyan ng kahulugan ang salitang “pamilya”
b. Nailarawan ang bawat kasapi ng pamilya.
c. Nailalarawan ang bawat tungkulin na ginagampanan ng bawat kasapi ng
pamilya. Maipagmamalaki ang pamilya.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Ang Aking Pamilya
b. Kagamitan: Powerpoint presentation.
c. Sanggunian: Teaching Guide in Araling Panlipunan Grade One

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
Mga bata, inaanyayahan ko ang
bawat isa sa inyo na tumayo bago
tayo magsimula sa ating aralin at (Tatayo ang mga bata at susundan ang
tayo muna ay mananalangin. pagbigkas ng guro ng panalangin)

2. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po ma’am!

Kamusta kayo? Mabuti naman po ma’am

Mabuti naman kung ganoon.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo, pakipulot muna (Pupulutin ng mga bata ang mga
ang mga kalat sa ibaba ng inyong kalat)
upuan.

4. Pagtala ng liban sa klase


Maaari na kayong umupo.
Wala po ma’am.
Mayroon bang liban sa klase?

Magaling!

5. Balik aral
Mga bata, natatandaan niyo pa ba Opo.
ang pinag-aralan natin kahapon?
Tungkol sa sarili po ma’am
Tungkol saan ito?
Magaling! Sa nakaraang aralin,
natutunan ninyo ang kahulugan at
kahalagahan ng pagkilala sa inyong
sarili. Nalinang din ang inyong
kakayahan na maiguhit ng inyong
mga paborito at nakilala rin ninyo
ang inyong mga pangarap at kung
paano ito mapapaunlad.

6. Pagganyak
Ngayon naman, mayroon akong
ituturo sa inyong isang awitin at ito
ay pinamagatang “Tuloy po Kayo”.
Sundan niyo lamang ako at sabay- “Tuloy po Kayo”
sabay natin itong aawitin mamaya. Tuloy po kayo sa aming bahay
Narito si tatay at nanay
Sila ang aking mga magulang
Lagi ko silang iginagalang.
Tuloy po kayo sa aming hardin
Narito si ate at kuya rin
Lagi kaming nagbibigayan,
Sa gawain ay nagtutulungan
Ama, ina, ate, kuya at
Ako ang munting bunso
Ito ang aming pamilya
Mahal ko ng buong puso.
‘Pag lahat nagmamahalan
Masaya ang tahanan.

(Sabay-sabay na aawit)

Ang gagaling pala ninyong


kumanta! Palakpakan niyo ang
inyong sarili.

Base sa ating inawit, sino-sino ang


mga nabanggit? Maaari ka bang Tatay po ma’am
magbigay ng isa Sarah?
Nanay po ma’am
Magbigay ka nga rin ng isa Daniel.
Ate at kuya ma’am
Ano pa, Jacob?
Bunso po ma’am
May isa pa, Trisha, sino ito?

Magaling! Lahat ng inyong


binanggit ay tama.

Kung silang lahat ay pinagsama- Pamilya po ma’am.


sama, ano ang tawag sa kanila?
Tama! Napakahusay ninyo mga
bata.

Ngayon, bago tayo dumako sa ating (Babasahin ng sabay-sabay ang


aralin, basahin muna natin ng layunin)
sabay-sabay ang ating layunin sa
araling ito.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Presentasyon
Base sa inawit natin kanina, ating
pag-aaralan ngayon ang tungkol sa
Pamilya. Una nating tatalakayin ang
mga kasapi sa Pamilya at mga Opo, handa na po ma’am.
tungkulin nila.

Handa na ba kayo mga bata?

2. Paglalahad
(Magpapakita ng mga larawan)

Nagtatrabaho po ma’am.

Mga bata, ano ang ginagawa ng Nagluluto po ma’am.


tatay sa larawan?
Tinutulungan ang nanay ma’am.
Ano naman ang ginagawa ng nanay
sa larawan? Tinutulungan ang tatay ma’am
Ano naman ang ginagawa ng ate? Pinapasaya ang pamilya ma’am.
Ano naman ang gnagawa ng kuya?

Ano naman ang ginagawa ng


bunso?

Tama! Ang mga larawang ipinakita


ko sainyo ay ang mga kasapi o
miyembro ng pamilya. Ngunit ano
nga ba ang pamilya?
Mga bata, ang pamilya ay
itinuturing na pinakamaliit na yunit
ng lipunan. Binubuo ito ng mga
magulang at mga anak.
Ang bawat kasapi sa pamilya ay
mayroong tungkuling
ginagampanan sa tahanan na siyang
nagbubuklod sa matibay na
pagsasamahan at pagmamahalan ng
pamilya.

Ang tatay at nanay ay ang tinatawag


na mga magulang. Sila ang
nagsasakripisyo para sa ikabubuti
ng kanilang mga anak.

Ang tatay ay ang lalaking


magulang. Siya ang nagsisilbing
haligi ng tahanan. Siya ang
nagtatrabaho at nagtataguyod sa
pamilya para mabuhay ng maayos.

Ang nanay naman ay ang babaeng


magulang. Siya ang nagsisilbing
ilaw ng tahanan. Siya ang nag-
aalaga sa mga anak at gumagawa ng
mga gawaing-bahay.
Wala pa ma’am
Ang mga anak naman ay binubuo
ng tatlong miyembro. Ang kuya,
ate, at bunso.

Ang kuya ay ang nakatatandang


kapatid na lalake.

Mayroon na bang kuya sa inyo?

Balang araw, ang ilan sa inyo ay


magiging kuya. Ang kuya ang Wala pa ma’am.
siyang tumutulong sa tatay sa
paggawa ng mga mabibigat na Meron ma’am
gawain.
Tumutulong sa gawaing-bahay
ma’am.
Ang ate naman ang nakatatandang
kapatid na babae.

May ate na ba sa inyo?

May ate ba kayo?

Ano ang kanyang tungkulin sa loob


ng bahay ninyo?
Tama, siya ang tumutulong sa
nanay sa mga gawaing-bahay tulad
ng pagluluto, paglilinis, at
paglalaba.
Opo ma’am.
Samantalang ang bunso ay ang
pinakabata sa pamilya. Siya ang
nagbibigay-aliw sa loob ng tahanan.

Mayroon din sina lolo at lola na


gumagabay at nagbibigay ng payo
sa nanay at tatay upang maalagaan Tatay po ma’am.
at mapalaki ng maayos ang pamilya.

Naunawaan ba mga bata? Ilaw ng tahanan ma’am.

3. Paglalahat
Ngayon, ating subukin ang inyong Kuya po ma’am.
kaalaman kung naintindihan ba
ninyo ang ating aralin.
Tumutulong sa nanay sa mga
Mga bata, sino ang haligi ng gawaing-bahay ma’am.
tahanan?

Tama! Kung ang tatay ang haligi ng Bunso po ma’am.


tahanan, ano naman ang nanay?

Tama! Sino ang tumutulong sa tatay


sa mga mabibigat sa gawain?

Kung ang kuya ang tumutulong sa


tatay, ano naman ang tungkulin ng (nagtaas ng kamay)
ate?
Dahil ang pamilya po natin ang
Tama! Sino naman ang tumutulong sa bawat problema natin
nagpapasaya at nagbibigay ng aliw ma’am.
sa pamilya?

Magaling mga bata!

Sa tingin niyo, bakit kailangan


nating pahalagahan ang ating
pamilya? Sinong gustong sumagot,
itaas ang kamay.

Sige Lyka maaari ka nang sumagot.

Opo ma’am.

Wala na po ma’am.
Tama. Ang ating pamilya ang ating
katuwang sa buhay. Sila ang
pinakamagandang regalo na
ibinigay ng Diyos sa atin. Sa kanila
natin nararamdaman ang tunay na
pagmamahal at pag-aalaga. At
nabanggit din sa awit natin kanina
na kapag ang buong pamilya ay
nagtutulungan at nagmamahalan,
magiging masaya ang buong
tahanan.

Naiintindihan ba mga bata?

Mayroon pa ba kayong katanungan?

Mabuti naman kung ganoon.

4. Paglalapat (Pangkatang Gawain)


Ngayon naman, bibigyan ko kayo
ng isang gawain. Papangkatin ko
kayo sa limang grupo.

(Pinangkat ang mga mag-aaral)

Bawat grupo ay guguhit ng isang


miyembro ng pamilya. Tatay sa Opo ma’am.
unang grupo, nanay sa pangalawang
grupo, kuya sa pangatlo, ate sa
pang-apat, at bunso sa huling grupo.
Pagkatapos ninyong gumuhit ay
bibigyan ko kayo ng popsicle stick
at ididikit ninyo rito ang iginuhit
ninyong larawan upang makabuo ng
isang halimbawa ng “puppet”.
Gamit ang ginawa ninyong puppet,
isalaysay ninyo sa harap ang bawat
tungkulin ng kasapi ng bawat
pamilya.

Bibigyan ko kayo ng sampung


minuto upang gawin ito.

Maliwanag ba mga bata?

Kung ganon, maaari na kayong


mag-umpisa.

(Pagkatapos ng Gawain)

Mahusay mga bata! Nakakatuwa


ang ginawa ninyong mga puppet.
Palakpakan ninyo ang inyong sarili.

IV. PAGTATAYA

Iguhit ang masayang mukha kung ikaw ay sang-ayon sa ipinapahayag ng


pangungusap at malungkot na mukha kung hindi ka sang-ayon.
_______1. Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina, at mga anak.
_______2. Si tatay ang haligi ng tahanan at nagtatrabaho upang maibigay ang
pangangailangan ng pamilya.
_______3. Nagluluto si nanay sa kusina at napakarami pa niyang huhugasang pinggan.
Nakita ito ni ate ngunit ipinagpatuloy lamang niya ang panonood ng TV.
_______4. Nakita ni kuya na nagkukumpuni ng sirang mesa si tatay kaya tinulungan niya ito.
_______5. Lumabas ang mga magulang ni Sarah upang mamalengke. Nakita niyang marumi
at makalat ang bahay ngunit hinayaan lamang niya ito.
_______6. Si ate ang tumutulong kay tatay sa paggawa ng mga mabibigat na gawain.
_______7. Si kuya ang ilaw ng tahanan.
_______8. Nagdadabog si Joshua sa tuwing inuutusan siya ng kaniyang nanay.
_______9. Mahalaga ang pagtutulungan at sama-samang paggawa ng pamilya sa tahanan
upang mamuhay ng matiwasay at masaya.
_______10. Mapapasaya mo ang iyong pamilya kung ikaw ay mag-aaral nang mabuti at
maging masunuring anak.

V. TAKDANG ARALIN
Gamit ang inyong papel, lapis, at pangkulay, gumuhit ng isang bahay at iguhit ang
iyong pamilya sa loob nito.

Prepared by:

Lea Mae S. Macabangon


BEED-2A

You might also like