You are on page 1of 5

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG NILALAMAN

Ang mag-aaral ay…naipamamalas ang pagunawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya at mga kasapi nito at
bahaging ginagampanan ng bawat isa.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Ang mag-aaral ay…buong pagmamalaking nakapagsasaad ng kwento ng sariling pamilya at bahaging


ginagampanan ng bawat kasapi nito sa malikhaing pamamaraan.

C. Learning Competencies/Objectives

AP1PAM-IIa-1 Nauunawaan ang konsepto ng pamilya batay sa bumubuo nito.


AP1PAM-IIa-2 Nailalarawan ang bawat kasapi ng sariling pamilya sa pamamagitan ng likhang sining

II. NILALAMAN: ANG AKONG PAMILYA

A. KAGAMITANG PANTURO:
1. Mga pahina sa gabay ng guro: pahina. 51-53
2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral: pahina. 53-58
3. Gabay Pangkurikulum: pahina. 20-21
B. IBA PANG KAGAMITANG PANGTURO:
Larawan, Maliit na Bahay, Powerpoint Presentation, Puppet Stick, Tsart

INTEGRASYON: ESP, MAPEH (Music & Arts), Filipino (Buwan ng Wika), VAWC

III. PAMAMARAAN

A. BALIK-ARAL SA NAKARAANG ARALIN O PAGSISIMULA NG BAGONG ARALIN.

Awit :
“PAMILYANG DALIRI”

Amang daliri, amang daliri, nasaan ka?


Ako'y narito, ako'y narito, kumusta ka?
Inang daliri, inang daliri, nasaan ka?
Ako'y narito, ako'y narito, kumusta ka?
Kuyang daliri, kuyang daliri, nasaan ka?
Ako'y narito, ako'y narito, kumusta ka?
Ateng daliri, ateng daliri, nasaan ka?
Ako'y narito, ako'y narito, kumusta ka?
Bunsong daliri, bunsong daliri, nasaan ka?
Ako'y narito, ako'y narito, kumusta ka?
B. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN

MGA TANONG:

Ano ang pamagat ng ating kanta?


Sino-sino ang nabanggit sa kanta?
Ano ang tawag sa kanila?

C. PAG-UUGNAY NG HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN

May dalawang magkaibang bahay at magkaiba ang dami ng mga miyembro ng pamilya.
Anong bahay ba ang pipiliin mo?

Pamilya Mondragon Pamilya Bartolome

Kwento:

Balay? o Kalipay?

Adunay duha ka managlahing pamilya. Ang Pamilya Mondragon ug Pamilya Bartolome.


Ang Pamilya Modragon nagpuyo sa dakong balay. Ang inahan nga si Daniela, ang amahan
nga si Adrian ug ang ilang duha ka anak nga si Marga ug Ken. Dato kayo ang pamilya nila
tungod kay nagtrabaho si Daniela ug Adrian sa dakong kompanya. Apan adunay dakong
problema, ang ginikanan ni Marga ug Ken sige ug away. Naay mga higayon nga sumbagon
sa amahan ang ilahang inahan. Usahay bunalan ug kusog ang duha ka anak. Magul-anon
permi ang mag-igsoon tungod dili sila magkauban sa ilahang mama ug papa.
Ang Pamilya Bartolome nagpuyo sa gamay nga balay. Ang inahan nga si Romina, ang
amahan si Robert, ang mga anak nga sila Cassey ug Jino, kauban sila Lolo Tonyo ug Lola
Pasing. Pobre lamang ang pamilyang Bartolome, magtanom ra sila ug mga utanon aron
ibaligya sa merkado. Apan bisan pa sa ilang kawad-on , malipayon ug naghigugmaay sila.
Ang inahan ug amahan nagtinabangay sa trabaho. Ang mga anak nag-atiman pod sa
ilahang lolo ug lola.
Ikaw? Kinsang pamilya imong pilion? Pamilya nga dako ang Balay? o Pamilya nga puno sa
Kalipay?
D. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #1

Gamit ang Concept Map, isulat ang mga miyembro ng pamilya base batay sa napakinggang
kwento upang mabigyan ng kahulugan ang salitang pamilya.

CONCEPT MAP

PAMILYA

E. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #2

Tanong: Gamit ang Concept Map, paano natin bibigyan ng kahulugan ang salitang
pamilya?
Posibleng Sagot: Ang Pamilya ay isang grupo na nakatira sa isang bahay na binubuo ng mga
miyembro sina; nanay, tatay, ate, kuya, bunso at maaring kasama sina lolo at lola.

F. PAGLINANG SA KABIHASAN (Tungo sa Formative Assessment)

May apat na pangkat at sa bawat pangkat ay may nakaatas na gawain.

Group 1 – Family Reunion (Complete the puzzle)


Group 2 – Family Portrait (Color the Portrait)
Group 3 – Family Fingers (Make a Family Finger)
Group 4 – Family Tree (Cut and Paste Picture)
Group1 – Family Reunion
Panuto: Kompletuhin ang puzzle upang mabuo ang pamilya.

Group2 – Family Portrait


Panuto: Kulayan ang larawan ng pamilya.

Group3 – Family Fingers


Panuto: Gumawa ng Family Finger Puppet.

Group4 – Family Tree


Panuto: Gupitin at idikit ang mga larawan sa Family Tree.
G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW ARAW NA BUHAY

Magkakaiba tayo ng pamilya. May kaunti at may maraming miyembro ng pamilya.


Kayo bas a pamilya ninyo, kaunti o marami kayo?

H. PAGLALAHAT NG ARALIN

Ano nga ang pamilya?


Maaari bang magkasakitan ang mga miyembro ng pamilya?
Ano ang dapat ng pamilya upang parating masaya?

I. PAGTATAYA NG ARALIN

Iguhit sa loob ng bahay ang lahat ng miyembro ng inyong pamilya. Bilugan kung
saan ka.

J.KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG-ARALIN AT REMEDIATION

Isulat sa inyong assignment notebook ang mga pangalan ng mga


miyembro ng iyong pamilya.

Inihanda ni:
FERDINAND Q. ORIGENES
Teacher-III

You might also like