You are on page 1of 13

Araling

Panlipunan
1
Modyul 1:
Mga Kasapi ng Pamilya
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mga


bumubuo ng pamilya. Ang batang katulad mo ay may
pamilyang itinuturing at pinahahalagahan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang


naipaliliwanag ang konsepto ng pamilya batay sa
bumubuo nito:

● Two parent family


Binubuo ng nanay, tatay at anak.

● Single parent family


Binubuo ng isang magulang lamang at anak.

● Extended family
Binubuo ng nanay, tatay, mga anak at kamag-anak
tulad nila lolo, lola, tiya, tiyo, at mga pinsan.
Subukin

Panuto: Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang nagpapakita ng isang


pamilya.
Aralin
Mga Kasapi ng Pamilya
1
Ang mga kasapi ng bawat pamilya ay mayroong
tungkuling ginagampanan sa tahanan na siyang
nagbubuklod sa matibay na pagsasamahan at
pagmamahalan ng pamilya. Ang pamilya ay binubuo ng
tatay, nanay at mga anak. May iba pang kasapi ng
pamilya tulad ng lolo, lola, tito at tita.

Balikan
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan. Kulayan ang
mga larawang pinapangarap o ninanais mo. Kung wala
sa mga ito ang nais mo paglaki, iguhit mo ito sa loob ng
kahon.

Maliban sa iyong
sipag at tiyaga,
maaari mo ding
maabot ang
iyong pangarap
sa tulong ng
iyong pamilya.
Tuklasin

A. Panuto: Bigkasin ang tula.

Ang Aking Pamilya


Akda ni: Cathyrin V. Bolaños

O aking mahal na ina


Ikaw ay uliran at pinagpala
Ilaw ka ng tahanan at tagapamahala
Inihahanda ang kailangan ng bawat isa

Sa aking masipag na
ama Masipag at
matiyaga
Pagod sa trabaho di alintana
Maibigay lamang lahat sa
pamilya Si kuya na tumutulong sa
ama
Si ate naman gumagawa kapag wala ang ina
Si bunso na laging nagpapasaya
Kapag pagod si ina’t ama.

Ang pamilya’y laging nariyan


Sa problema’t kasiyahan laging maaasahan
Pamilya na hindi ka iiwan
Sila’y ating mahalin at ingatan.
B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon
sa binigkas na tula.

1. Siya ang ilaw ng tahanan.


2. Siya ang laging nagpapasaya.
3. Siya ang gumagawa kapag wala ang ina.
4. Siya ang katulong ni ama.
5. Siya ay pagod ngunit di ito alintana.

Suriin
Ang pamilya ay may iba’t ibang uri, ito ay ayon sa
kasapi nito tulad ng two parent family, single parent
family, at extended family.

Ang karaniwang pamilya ay binubuo ng ama, ina


at mga anak. Mayroon ding pamilya na kasama ang
mga lolo’t lola, tito’t tita at mga pinsan. Maituturing ding
pamilya ang ina o ama lamang at mga anak.

Ano pa mang pamilya ang iyong kinabibilangan ang


mahalaga rito ay kayo ay nagmamahalan at
nagtutulungan sa lahat ng bagay.

Two-parent Single-parent
Extended family
Pagyamanin

A. Panuto: Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A B
A.ama
1.

B.ina
2.

C.kuya
3.

D. ate
4.

E. bunso
5.
B. Panuto: Gumupit o gumuhit ng larawan na hinihingi sa
bawat kahon sa ibaba at idikit ito.

Ang Aking Pamilya

lolo lola lolo lola

ama ina

kapatid ako kapatid


C. Panuto: Kulayan ng pula ang puso kung tama ang
pahayag at berde naman kung hindi.

A.Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina, at mga anak.


B.Kasama sa pamilya ang lolo, lola, tito at tita.
C.Ang tawag sa kapatid ng nanay mo na babae ay
tita at tito naman sa lalaki.
D. Ang isang magulang at isang anak ay
matatawag na pamilya rin.
E. Nakabubuti sa pamilya ang pag-aaway.

Isaisip
Ang pamilya ay may iba’t ibang uri. Ito ay ayon sa
kasapi nito tulad ng two parent family, single parent
family, at extended family. Ano man ang pamilyang
kinabibilangan mo, dapat mo itong pahalagahan
sapagkat ang pamilya ang siyang gumagabay,
nagtuturo ng mga mabubuting asal, nagbibigay ng
pangangailangan at nagmamahal ng walang kapalit.

Panuto: Punan ang nawawalang salita sa patlang. Mamili


ng sagot sa loob ng kahon.

1.Two parent family


lola - Binubuo
tatay ng nanay,
anak at mga
anak.
2. Single parent family - Binubuo ng isang magulang
lamang at .
3. Extended family - Binubuo ng nanay, tatay, mga
anak at kasama narin rito sina lolo at .

Isagawa
Isulat sa kahon ang pangalan ng kasapi ng iyong
pamilya.
Tayahin

Panuto: Pagtambalin sa pamamagitan ng guhit ang


larawan ayon sa gawain nito.
Karagdagang Gawain

Panuto: Maghanap ng dalawang kapitbahay at


tanungin kung sino sino ang kasapi ng kanilang pamilya.
Isulat ang kasapi ng kanilang pamilya sa bawat kahon.

Halimbawa
Pamilya Valdez

Ricky
Lorena
Cath
Ricardo
Rica Mae

Pamilya Pamilya

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Susi sa Pagwawasto

You might also like