You are on page 1of 3

PAN 2- Sinesosiyedad/Pelikulang Panlipunan

WEEK 3 ACTIVITY

Panonood at Pagsusuri ng Pelikula

Panuto: Pumili ng isang pelikula na inyong panonoorin, suriing mabuti ang pelikula ayon sa mga
sumusunod na elemento nito. Sundin ang mga gabay sa paggawa ng pagsusuri na nasa ibaba ng
panuto. Pagkatapos suriin ang pelikulang napanood sagutan ang mga katanungan sa ikalawang
bahagi.

Unang Bahagi

Uri ng Pelikula: Drama/Comedy

Pamagat ng Pelikula: Seven Sundays

Mga Tauhan ng Pelikula:

Ronaldo Valdez - Manuel Bonifacio

Aga Muhlach - Allan Bonifacio

Dingdong Dantes - Bryan Bonifacio

Enrique Gil - Dexter Bonifacio

Cristine Reyes - Cha Bonifacio

Donita Rose -Bechay Bonifacio

Ketchup Eusebio - Jun

Kean Cipriano - Jerry

Kakai Bautista - Baby

April Matienzo -Camille

Jeffrey Tam - Mr. Kim

Kyle Echarri - Marc Bonifacio

Iza Calzado - Juliana Smith


Ryan Bang - Mr. Kim

Edward Barber - Gian Smith

Tagpuan:

Bahay ni Manuel Bonifacio - sa tahanan ng pamilya Bonifacio kung saan nagsilaki ang
magkakapatid na Allan, Bryan,Cha, at Dex. sa bahay din na iyon sila nagkikita kita ng
pitong Linggo upang dalawin ang kanilang amang si Manuel na nagpanggap ng may sakir
ha kanser.

Buod ng Pelikula:

Ito ay tumatalakay sa pamilya Bonifacio. Si Manuel Bonifacio ang ama ng tahanan, isang
balo at dating kapitan ng kanilang Baranggay. Ang tanging kasama sama lang sa bahay
ay si Jun. Siya ay mayroong apat na anak na sina Allan, Bryan,Cha, at Dex. Sa kanyang
kaarawan ang mga ito ay di nakapunta. Malaking kalungkutan sa ama na hindi
makasama ang kanyang ma anak sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay, ngunit ano
ang kanyang magagawa may kanya kanya ng buhay ang mga ito. Isang gabi pumunta
ang kanyang kaibigan doktor. Dito ay napag-alaman niya na siya ay mayroong
malubhang karamdaman ( Lung kanser). Ito ay dagli nyang ipinagbigay alam sa kanyang
mga anak. Dumating ang kanyang mga anak at pinag-usapan ang problemang
kinahaharap. Hindi na pumayag si Manuel na siya ay ipagamot pa ng kanyang mga anak
kaya't siya ay humiling sa mga ito na sila ay magkasama-sama ng Pitong Linggo habang
siya ay nabubuhay. Pumayag ang mga ito, Ang mga anak at ang pamilya ng mga ito ay
pumupunta tuwing araw ng Linggo upang makapiling ang amang may sakit. Masalimuot
man ang naging umpisa ng kanilang pagsasama-sama ito ay naging maayos din kung
kaya't ang ama ay nanghihinayang na mawala ang masayang pangyayari sa kanyang
pamilya. Hindi nya maamin na nagkaroon ng pagkakamali sa naging resulta ng kanyang
medikal. Isang gabing di pagkakasundo ng kanyang mga anak, lumabas ang mga
hinanakit ng bawat miyembro sa bawat isa't isa. Dito napag alaman din na ang kanilang
ama pala ay walang malubhang karamdaman. Nagulat ang lahat at isa isang nagsi alisan
ang mga ito. Sa paglalabasan ng mga hinanakit napagtanto nila na sila ay mayroong
kamaliang nagawa. Kung kaya't pinasimulan g panganay na anak na si Allan na buuin uli
ang pamilyang binalot ng hinakit. Pinuntahan nya ang kapatid na si Bryan upang humingi
ng paumanhin at makipagkasundo dito. Nagkapatawaran ang magkapatid at
nagkasundo sila na puntahan ang iba pa nilang kapatid upang ayusin ang gusot sa
pamilya. At sa huli ang kanilang ama naman ang kanilang pinuntahan. Nagkaroon g
pagkakasundo sundo ang bawat isa. Kaya't ang sulirinanin kanilang kinahaharap ay
nalutas na. Nagtulungan ang bawat isa sa paglutas nito. Nagkaroon man g di pag
kakaunawaan sa pamilya ito kanilang inayos upang sila ay magkasundo sundo.
pagmamahal, pagkakaunawaan at pagkaka-isa ng bawat miyembro, ang siyang sulusyon
upang ang mabigat na suliranin ay malagpasan.
Ikalawang Bahagi

Ang Kaganapan sa pelikula na maihahalintulad ko sa tunay na buhay ay ang


pagpapanggap ng ama meron man itong sakit o hindi kahit sinong ama ay gustong
gustong makasama lahat ng kanyang mga anak lalong lalo na't napawalay ang iba dahil
sa meron na silang pamilyang iba. Kahit tayo rin ay gagawa at gagawa ng paraan para
makasama lamang natin ang ating buong pamilya, Kailangan nating tandaan na ang
pagmamahalan ang bumubuo sa isang pamilya.

Maihahambing namin ang aming karanasan sa pamamagitan ng paggalang naten sa


ating mga magulang at pagmamahal sa kanila dapat lagi nating tatandaan na kahit
meron na tayong pamilyang binubuhay hinding hindi natin dapat sila pabayaan dahil sila
ang dahilan kung bakit tayo lumaki ng may mararating sa buhay, kahit na tumatanda na
at nagkakasakit na sila dapat bigyan pa rin natin sila ng oras natin. Tandaan na dati rin
nila tayong inalagaan at minahal kaya habang may oras pa alagaan at mahalin natin ang
ating mga magulang na nagpalaki sa atin.

Ang aral na aming natutunan ay kahit na meron na tayong ibang trabaho o mga
Ginagawa huwag na huwag dapat tayong papaalipin sa mga ginagawa natin huwag papa
alipin sa trabaho natin bigyan natin ang oras ating mga sarili na makasama ang ating
mga magulang at pamilya. Huwag na huwag dapat natin ipakita na na nawawalan na
tayo ng oras sa ating pamilya ng dahil sa mga ginagawa natin o trabaho natin. Mahalin
natin ang ating pamilya dahil wala ang mga trabahong yan kung wala ang ating pamilya
na tumulung sa atin.

You might also like