You are on page 1of 5

Totoo nga, "life is short" kaya bakit hindi pa natin gawin ang bagay bagay, hindi ba?

sa buhay natin
kapag masaya tayo, mas ginaganahan tayong gawin ang mga bagay na gusto at nagpapasaya sa atin,
hindi natin namamalayan na nakakalimutan na natin kung saan tayo nagsimula, kung kanino tayo
nanggaling at kung sino ang mga naiwanan natin habang abala tayo sa paggawa at pagkamit ng mga
bagay na masaya para s ating sarili. Hindi ako yung tipo ng anak na malapit sa lolo at lola dahil lumaki
kaming magkakapatid na malayo sa kanila, kaya naman tuwing bakasyon lang namin sila nakikita at
nakakasama.

Ang pelikulang Seven Sundays ay tungkol sa apat na magkakapatid na matapos mamatay ang kanilang
ina ay napagdesisyunan nilang bumukod at maghiwa-hiwalay. Nang malaman nilang na-diagnose na may
lung cancer ang kanilang ama ay nagkasundo sila na magkita kita tuwing linggo para sa kanilang ama. Ito
ay pinagbibidahan ni Mr. Ronaldo Valdez Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Christine Reyes at Enrique Gil
sa direksyon ni Cathy-Garcia Molina.

Ang simula ay tungkol sa kaarawan ni Capt. Manuel Bonifacio (Ronaldo Valdez). Maya-maya ay biglang
tumawag ang kanyang pangalawang anak na si Bryan (Dingdong Dantes) at sinabing hindi ito
makakadalo sa kanyang kaarawan sa kadahilanang madaling araw pa ang kanyang flight pauwi ng
Pilipinas. Sumunod naman na tumawag si Cha (Christine Reyes), ang kaniyang pangatlong anak, na hindi
rin ito makakadalo sa kadahilanang may biglaang meeting ito sa kanyang trabaho. Sumunod naman ay
dumaan si Capt. Manuel sa bahay ng kanyang panganay na anak na si Allan (Aga Muhlach) pagkatapos
nito bumati ay sinabi niya na hindi rin siya makakadalo sa salo-salo dahil sa kanyang asawa na nag-s-
spotting. Pagkatapos ng misa ay dumiretso na si Capt. Manuel sa puntod ng kanyang mahal na asawa at
sinabing walang tatalo sa spesyal na luto nitong pansit. Nasabi rin niya na kaya siguro hindi na
nagpupunta ang kanilang mga anak sa bahay ng ama ay dahil hindi na nila natitikman ng luto nitong
pansit.

Sa eksenang ito ay naging halo halo ang aking naramdaman, sa una ay masaya ngunit hindi kalaunan ay
nalungkot para kay Capt. Manuel at sa kanyang mga anak. Naiintindihan ko naman na may kanya kanya
na tayong buhay, maging ang kanyang mga anak pero ano ba ang isa o dalawang oras para madalaw o
mabisita natin saglit ang ating mahal sa buhay? Siguro dahil na rin sa may hindi pa nareresolbang isyu
ang bawat kapatid sa isa't isa kaya wala ni isa sa mga ito ang nagtatangka man na bumalik sa dati nilang
bahay at bumisita sa kanilang ama.

Si Allan ay may asawa't anak, gano'n din si Cha ngunit ang asawa nito ay manloloko, pero para sa mga
anak ay hinayaan lang niya. Samantalang si Bryan ay busy ang schedule sa trabaho at si Dex naman ag
may malaking problemang tinatakasan.

Matapos malaman ni Capt. Manuel ang tungkol sa kanyang sakit ay agad na pumunta ang magkakapatid.
Sila ay nag-usap usap at sinuggest ni Bryan na magpatingin sa second opinion (at sang-ayon si Cha rito)
para mas masiguro nilang totoong may sakit nga ang ama at hindi lang gumagawa ng kwento dahil hindi
nakadalo ang mga anak nito sa kanyang kaarawan. Ngunit ayaw ni Capt. Manuel na magpatingin pa ulit
sa doctor at sinang-ayunan din siya ni Allan sa kanyang desisyon kaya naman sinunod nalang nila ang
gusto ng kanilang ama na bisitahin ito tuwing linggo.
Sa eksenang ito hindi nagkasundo sundo ang magkakapatid, si Bryan at Cha ay paboe na magpa-second
opinyon ang ama ngunit si Allan at si Dex ay hinayaan na magdesisyon ang kanilang ama para sa sarili.
Dito palang mararamdaman na agad na may hindi pagkakasundo ang magkakapatid lalo na si Bryan at
Allan. Grabe ang nagagawa ng galit at pagkikimkim ng sama ng loob sa tao, kaya nitong kalimutan kung
ano ang halaga mo. At para sa akin ay masakit 'yon kasi magkapatid sila, kahit ano pa ang mangyari sa
buhay mo, sa pamilya ka pa rin tatakbo kapag may problema ka at kapag kailangan mo ng tulong. Mas
maiging dahan-dahanin mo yung sarili mo na mai-express mo yung frustrations mo sa isang tao kaysa
bitbitin mo habang-buhay ang galit na 'yun.

Sa sumunod na eksena na ipinapakita na ang complicated schedules at personal problems ng


magkakapatid. Sa parte ni Cha, dahil nga may asawa itong manloloko at babaero ay galit na yung
dalawang kuya nito sa asawa niya, instead na lumayo mas pinili niyang manatili sa iisang bubong kasama
ang asawa para sa kanyang mga anak. Si Allan naman ay may problema rin sa ipinamanang store ng
kanilang ama sakaniya, medyo nalulugi na ito at pinagkakainterisan ni Mr. Kim para gawing parking lot
ng kanyang ongoing store, nag-resign na rin ang tauhan nito na si Mario dahil hindi na niya
napapasweldo nang maayos. Si Bryan naman ay mayroong anak sa dati niyong nobya, na hindi alam
kanyang ama maging ng kanyang kapatid. Si Dex ay kasalukuyang nasangkot sa isang event scam, dahil
hindi nila mahanap ang producer nung event ay si Dex ang kanilang idiniin kahit na promotor lang
naman siya ng event at hindi producer. Umuwi si Dex sa bahay ng kanyang ama dahil sa takot na mahuli
siya ng mga taong naghahanap sakanya.

Sa buhay natin hindi talaga palaging masaya lang, kasi kung palaging masaya ang nangyayari sa buhay
mo siguro ay wala kang natututunan, wala kang aral na napupulot, wala kang napapansin sa ugali mo o
iyong sarili na dapat mong baguhin. May mga problema tayo sa buhay na sa tingin natin hindi natin
malalampasan, pero as time goes by narrealize natin na nand'yan yung mga problema na 'yan, para mas
maging matatag tayo, para malaman natin sa sarili natin na problema lang 'yan, kahit gaano pa kahirap
kaya nating lagpasan. Pero hindi natin kinakailangang magmadali, hindi natin kailangan na ma-
solusyonan agad yung mga problema, hinay hinayin lang.

Unang linggo, naisip ng mga anak ni Capt. Manuel na mag-prepare ng late surprise para sa birthday nito.
Habang nag-aayos ay kitang kita na naman ang tensyon sa pagitan ni Allan at Bryan. Sa hapag-kainan ay
hinainan ni Allan at Cha si Capt. ng liempo at crispy pata ngunit umapela si Bryan at sinabing mas healthy
ang gulay para rito. Kalagitnaan ng party ay naisipan nilang maglaro ng basketball na nauwi sa pikunan.
Nag-aalala si Capt. Manuel sa kaniyang mga anak dahil ngayon pa nga lang na buhay pa siya ay hindi na
sila magkakasundo, paano pa kaya kapag nawala na siya. Nang bumaba si Jun (kasama at nag-aalaga kay
Capt. Manuel sa bahay) ay kinausap niya ang magkakapatid na para sa kapakanan ng kanilang ama ay
kung maaari isantabi na muna ang bubog sa isa't-isa.

Ang daming nangyari sa eksena na ito at sa parte ni Dex ako nalungkot. Yung pag-iisa na naramdaman
niya habang lumalaki, nakakalungkot. Walang umaalalay sakanya sa mga bagay na dapat niyang gawin o
hindi, sa mga bagay kung ano ang tama o mali. Sa murang edad naging independent siya. Yun ang
nakakamiss kapag tumanda, sa kadahilanang kailangan mong malaman agad ng mga bagay bagay para
makabuti sa iyong sarili ay nakalimutan mo na, na ikaw ay isa pa ring munting bata. Ikaw ay naging isang
bata na kakailanganin pa rin ng kalinga, pag-aaruga at pagmamahal.

Ikalawang linggo ay bumisita ulit ng magkakapatid at nangakong babawi sa kanilang ama. Sama sama
silang naghanap ng disensyo ng magiging kabaong ni Capt. Sa kung sino ang magmamaneho ng sasakyan
ay nagtatalo na namn ang magkapatid na Bryan at Allan ngunit sa huli ay si Cha nalang ang nagmaneho
para walang away. Kinagabihan ay nagkantyawan ang magkakapatid kung sino ang tunay na kamukha ng
kanilang ina at nasa likod lamang si Capt. nakangiti at masaya ng puso na nakikitang magkakasundo ang
magkakapatid.

Kahit anong hindi pagkakaunawaan ang mayroon ka sa iyong kaibigan o kapamilya, hindi pa rin talaga
nawawala sa loob loob natin na mahal natin sila at may pakialam tayo sakanila.

Kalagitnaan ng katuwaan ay biglang tumawag si doc at sinabing walang lung cancer si Capt. TB Infection
lang, nagagamot naman daw ito at hindi nakakahawa. Natatakot si Capt. na malaman ng mga anak niya
ang totoo dahil baka hindi na sila bumalik sa bahay ni Capt.

Ikatlong linggo, sila ay nag-swimming. gabi palang ay nag-iisip na si Capt. ng pwedeng games at nakita
nito ang lumang lata na may laman na mga sulat galing sa kanyang mga anak at sa kanyang asawa. Ang
mechanics ng laro ay bubunot si Capt. ng sulat, after basahin huhulaan nila kung sino iyon. Unang sulat
na nabunot ay kay Bryan, sumunod si Cha at si Dex at si Allan. Panghuli ay ang sulat ng kanilang ina na
may lamang "i miss you, tay".

Sa part ng guessing letter game, nalungkot na naman ako para kay Dex. kasi ang laman ng sulat niya ay
gusto niyang mag-ice cream pero wala siyang kasama. At bilang isang bata alam kong eksaktong
naramdaman niya no'n dahil sa tingin niya ay mag-isa nalang talaga s'ya sa buhay. Ngunit naiintindihan
ko naman yung rason kung bakit mag-isa lang si Dex no'n dahil parehong nasa school si Bryan at Cha
samantalang si Allan ay nasa ibang bansa at si Capt. ay nasa Barangay.

Review by Reygen Marie Urdas on Youtube Comments

"This is one of the best drama I've seen so far. Seven Sundays really taught me how important and
valuable our family is. This movie depicts the reality of an imperfectly perfect families that brings it up to
be an inspiring story. This drama reminds us that we should never forget our families, especially when we
already have our own family, and we should never forget our parents. I am so amazed how the actors
really portrayed their roles."

Kinabukasan ay niyaya ni Capt. si Dex na mag-ice cream. Pumunta sila sa sari sari store ni Allan, habang
sila ay nandoon ay biglang sumulpot na naman si Mr. Kim, at nalaman ni Capt. na nalulugi na nga ang
ipinundar na tindahan. Kinabukasan ay muntik nang matunton si Dex ng mga naghahanap sakanya
mabuti nalang at nalusutan ito ni Camille (kaibigan niyang babae na nakatira malapit kina Capt.). Kapalit
ng ginawa ni Camille ay kinwento ni Dex ang dahilan kung bakit siya hinahanap ng mga taong taga-
Manila, habang kausap si Camille ay nakita ni Dex ang babaerong asawa ni Cha saka ito sinuntok, umuwi
itong may bangas at nakita ni Cha. Tinanong niya ito kung anong nangyari sa blackeye ng asawa ngunit
hindi siya sinagot nito ng totoo. Tumawag si Capt. kay Bryan para ipaalam ang kalagayan ng kanilang
tindahan. Kinagabihan ay ibinahagi na Bryan kay Allan na mayroon itong anak at nakapag-usap sila na
tutulungan ni Bryan si Allan sa tindahan. Kinabukasan, nasa hospital ni Allan at ang asawa nito para
magpa-check-up nang biglang nakausap ni Allan si Doc at biglang kinamusta si Capt. sakanya, doon
nalaman ni Allan na walang sakit na lung cancer ang ama.

Kapag patuloy nating tinatakasan ng problema, patuloy tayong hahabulin nito. Kagaya nalang ng
sitwasyon ni Dex, imbis na makipag-areglo nalang sa mga tao na humahabol sakanya ay tinataguan pa
ang mga ito. Bilib ako sa tibay at pagsasama ni Bryan at Allan dito, natuwa ako na ni-push ni Allan si
Bryan para magkaroon ng lakas ng loob magpakilala sa sarili nitong anak. Hindi palaging sang-ayon ng
panahon sa magkakapatid na ito dahil isa dalawa sakanila ay may mabigat na problemang
pinagdadaanan at ang dalawa ay unti unti nang nagkakaayos. Kaya naman sana dahan-dahanin na
maayos yung problema nila kaso lang pinangungunahan kasi sila ng kanilang mga emosyon.

Lumipas ang isa pang linggo. Nagkasama sama ulit ang magkakapatid pati na ang mga apo. Habang abala
ang lahat sa pag-aayos ng tutulugan, nautusan si Dex na kunin ang mga unan ngunit hindi sinasadyang
narinig niya ang usapan ni Jun at ni Capt. tungkol sa katotohanang wala itong malubhang sakit. Sa
kabilang banda, tumawag ang head ng legal department sa trabaho ni Bryan at tinanong baka related
yung nang-scam sa anak ng boss nila at ang eksaktong tinutukoy ay si Dex at gustong magsampa ng kaso
nung magulang. Nagkasagutan si Bryan at Dez tungkol dito at nauwi sa hindi magandang pangyayari,
nagpasa pasa ang kinikimkim na galit, lungkot, sama ng loob sa isa't isa hanggang sa malaman nilang
walang malubhang sakit ang kanilang ama. Sa huli ay disappointed ang magkakapatid maliban kay Allan
na nauna nang nalaman ang totoo. Umuwi ng gabi ang lahat at mas lalong nalungkot si Capt. sa
nangyari, inihiling na sana totoong nagkasakit na lamang siya.

Ang sakit lang makarinig ng mabibigat na salita galing sa kapatid, nang hindi iniisip kung paano at bakit
mo nagawa yung bagay na 'yon. Madali lang magbitiw ng salita, lalo na kapag galit pero ang isa pang
disadvantage nito ay yung impact sa taong sinabihan natin. Hindi natin alam kung gaano nila dinidibdib
yung salitang 'yun, baka maisipan pa nilang gumawa ng hindi maganda dahil doon. Pero at some point
hindi natin masisisi yung mga taong nawalan na ng control na magbitiw ng salita kapag galit. Kasi ang
tagal nilang itinago yun sa sarili nila, marami silang ni-consider na bagay kaysa i-express yung galit na
yun. Kapag tapos na silang ilabas lahat ng galit nila, hayaan mo silang kumalma at kapag ayos na,
subukan niyong pag-usapan ang problema, mas madaling mauunawaan ang sinasabi kapag nasa tamang
wisyo at nakikinig ang kausap. Bukod dito, nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman ni Bryan, kasi
totoo. Yung mga middle child ang madalas hindi mapansin kaya kahit anong effort nila, hindi pa rin sila
yung pinapansin at ang sakit no'n bilang anak, na ginagawa mo naman yung best mo pero kahit anong
gawin mo feeling mo wala pa rin, wala lang. Nakakapagod kasi yung parang palagi kang may
pinapatunayan, yung palagi kang naniniwala na may mas ibubuga ka pa kaysa sa iba. Sa huli, mas
gugustuhin mo nalang na isawalang bahala na lahat, kung hindi mapansin edi hindi. Nakakapagod hingin
yung atensyon na parang napakahirap ibigay. Kahit simpleng appreciation lang, okay na sana kaso wala.
Matapos ang nakakalungkot na komprontahan, pinalayas na ni Cha ang kanyang babaerong asawa,
nagdadalawang isip si Allan tungkol sa tindahan, bumalik na si Dex sa dati niyang dorm na tinutuluyan at
nagpakabusy na sa trabaho si Bryan.

Matapos ang man-to-man talk ni Allan at ng kanyang panganay na anak na si Marc ay pumunta agad si
Allan sa condo ni Bryan para makipag-ayos at humingi ng sorry sa lahat ng nangyari gano'n din si Bryan.
Pagkatapos magkaayos ng dalawa ay pinuntahan na nila si Dex at Cha para samahan si Bryan na makita
ang kanyang matagal na niyang hinihintay na anak. Kinabukasan ay naiiyak na kinausap ni Capt. ang
puntod ng kanyang asawa at nagsisisi sa ginawa nitong pagsisinungaling nang biglang dumating ang mga
anak nito para sabihin na naiintindihan nila kung bakit nagawa iyon sakanila ng kanilang ama.
Nagkapatawaran ang isa't isa at sa huli ay nirenovate nila ang tindahan, imbis na "ABC" lang ito noon, ito
ay ginawa na nilang "ABCD".

Sa huli, sa pagpapatawad pa rin mapupunta ang lahat. Walang perpektong magulang sa mundo, gano'n
din sa anak. Kaya sana hayaan natin ang bawat isa na magkaroon ng kwarto para sa mga pagkakamali at
kwarto para mas mahasa pa natin ang ating sarili pagdating sa ating emosyon at sa pagdedesisyon sa
mga importanteng bagay. Tinuro ng pelikulang ito kung gaano kaimportante at kahalaga ang ating
pamilya sa ating buhay, ipinaalala ng pelikulang ito na hindi dapat natin kinakalimutan ang ating mga
magulang lalo na kapag nagkaroon na tayo ng sarili nating pamilya.

You might also like