You are on page 1of 3

Pamagat: Seven Sundays

Director: Cathy-Garcia Molina


Tema: Pamilya
Pangunahing Tauhan:
 Ronaldo Valdez as Manuel Bonifacio
 Agah Muhlach as Allan Bonifacio
 Dingdong Dantes as Bryan Bonifacio
 Cristine Reyes as Cha Bonifacio
 Enrique Gil as Dexter Bonifacio
Maikling Buod:
Ang magkakapatid na Bonifacio, ay taon na nung huling nagsama-sama sa iisang bahay kasama
ang kanilang tatay na si Manue Bonifacio. Kahit birthday ng kanilang ama, ay hindi sila
nakakapunta simula pa nung namatay ang kanilang nanay. Ngunit, sila ay nagkasama sama ulit
sa iisang bubong ng pumutok ang balita tungkol sa sakit ng kanilang tatay na Lung Cancer. Kung
saan pinagtalunan pa ng magkakapatid kung ipapagamot ba ang kanilang ama o hayaan na lang
magpakasaya sa buhay.
Humiling ang kanilang ama na kung puwede ay sa kanila pumunta sa loob ng pitong (7) Linggo,
tutal ay iyon na ang nalalabi niyang linggo sa mundo at gusto niyang maksama muli ang
kaniyang mga anak.
At sa loob ng 7 linggo, ay unit-unting nanumbalik ang kanilang samahan bilang isang pamilya.
Sa unang lingo ay naghanda ang magakapatid ng sorpesa para sa naganap na birthday ni Manuel
na hindi nila napuntahan. Ngunit imbes na magkaisa, ay namuo ang tension sa mga
magkakapatid, particular sa mga lalaki na lalo pang nagkainitan at nagkasamaan ng loob nung
naglaro sila ng basketball. Imbes na mapsaya ang kanilang ama, lalo pa nia itong pinahirapan at
inabutan pa sila ng kutsilyo dahi dun din naman daw ang tungo nilang magkakapatid.
Napagkasunduan ng magkakapatid na isantabi ang mga sama ng loob para sa kanilang ama kaya
nang sumapit ang Ikalawang lingo, ay maagang dumating ang magkakapatid para saluhan ang
kanilang ama sa almusal at puntahan lahat ng gusting puntahan para lamang mapasaya ito.
Ngunit, nagkaroon ng onting alitang ang magkapatid na si Bryan at si Allan dahil sa kotseng
kanilang sasakyan. Ngunit agad naman itong nasolusyunan nang nagpresinta si Cha na siya na
ang magmaneho ng sasakyan ng kanilang ama.
Ngunit, nakatatanggap ng tawag si Manuel mula sa kaniyang doctor na kung saan sinabi sa
kanya na nagkamisdiagnose lamang siya sa Lung Cancer at TB talaga ang tunay na sakit nito.
Kahit gustuhin, hindi sinabi agad ni Manuel sa kanyang mga anak ang katotohanan, bakas sa
mukha ang takot nab aka magsialisan sila sa oras na malaman nila na waa talagang sakit ang
kanilang ama.
Sumunod na Linggo ay nag-bonding ang buong mag-anak sa isang beach kung saan nagsimula
nang magpanggap si Manuel dahil nakakahalat na ang iba na parang napakalakas at sigla nito.
Dito sa araw na ito ay puro matatamis na alalala ang kanilang nabuo.
Ngunit, agad na nalaman ni Allan ang sikreto ng Ama nang nakausap niya mismo ang doktor.
Nangako silang ililihim muna na nila bago ibunyag sa lahat. Nagkaproblema din si Allan sa
kaniyang tindahan na tinayo ng kanilang mga magulang at humingi ng tulong si Manuel kay
Bryan para masolusyunan ito. Dito naikuwento ni Bryan kay Allan na may anak na siya sa ex
niyang si Juliana. Nakita din ni Dexter kasama si Camille ang asawa ni Cha na may kasamang
ibang kolehiyanang babae.
Hindi lang problema ng tatlo ang lumabas. Pati na rin ang kay Dexter na nalaman ni Bryan na
kinakasuhan nap ala ang anyang kapatid. Dahil dito, ay nagusap ang dalawa ngunit di napigilan
ang tension hanggang mula sa dalawang nag-uusa ay lahat na sila ay nagsumbatan. Sinumbat
nila ang Kayabanagan ni Bryan, ang Pagkakamartytr ni Cha, ang pagiging Magaling ni Allan sa
lahat at ang pagbabapabaya ni Dexter. Naibunyag din ni Dexter ang katotohanang walang sakit
ang kanilang Ama.Ngunit ang sobrang naapketuhan ay si Bryan. Dahil akala ng lahat ang wala
itong pamilyang nabuo, pero sa totoo ay meron sadyang sinakripisyo niya ito para sa kaniyang
mga kapatid.
Pero, dugo pa din ang mas matibay kesa tubig. Kahit sila ay nagkalabasan ng sama ng loob,
nagkasumbatan, nagkasiraan at nagkalokohan, nagawa pa din nilang magbati-bati. Ngayon,
kasama na nila ang kanilang ama. Di lang dahil may sakit ito. Ngunit bilang isang buong pamilya
na may mas matatag na samahan kesa nung simula.

Hinuha:
Sa pelikulang ito, doon ko napagtanto na walang perpektong pamilya. Lahat ay dadaan sa
panahon na mag-iiba, manghihina ang samahan. Ngunit magiging dahilan ito para tumatatag ang
samahan sa bawat isa.
Pinaparating din ng pelikulang ito ang importansya ng pagbibigay atensyon at pagmamahal sa
magulang. May sakit man o wala, Bata man o patanda palang. Dahil oras ang kalaban ng lahat
Hindi natin malalaman ung gaano katagal o gaano kabilis ang oras ng isang tao. Kaya habnag
alam nating matagal tagal pa ang panahon, ibuhos natin ang lahat lahat para sa ating mga
magulang na walang ibang ginawa kundi ang mahalin tayo at alagaan at igabay sa mabuting
kinabukasan.
Dahil din ditto, napaghinuha ko na hindi lahat ng matigas na tao ay masama. Minsan, sa sobrang
sakit, natuto na din silang maging manhid. Sa sobrang hirap ng kanilang pinagdaanan, natuto na
silang magtayo ng pader sa paigid nila tulad na lamang ni Bryan. Ngunit lahat tayo ay may
‘breaking point” at ganun din si Bryan, na kahit anong tibay na ng kaniyang pader, nasira at
gumuho pa din ito, naglalabas ng tunay niyang damdamin.
Sinaad din sa pelikula ang importansya ng pagtalikod at pagbaba ng pride ng isng tao. Dahil ang
Pride ay maaaring maging dulot ng kasiraan ng relasyon ng bawat isa. Walang masama kung
may pride ka dahil karapatan ng bawat isa yun. Ang mali ay pilit mo itong itinataas kahit
kailangan mon a itong ibaba at pilit mo itong binababa hanggang tintapakan ka na ng ibang tao.
Ang pamilya ang unang tutulong sayo at wala ng ibang makakaintindi sayo bukod sila. Ang
pagkakamali nilang magkakapatid ay yung samahan nilang madaming lihim. Na kahit maliit na
bagay, ay hindi nila kayang sabihin, Maliit na bagay ay hindi nila mapagkasunduan. Ang
pundasyon ng kanilang samahan ay parang toothpick na madaling mabali kaya ang tension ay
madaling mabuo.
Ang pagkakamali natin ang magpapatatag sa atin bilang isang tao. Walang taong nagkakamali at
walang mali kung ika’y magkakamali at mahuhulog. Ang mali ay hindi mo kayang amining mali
ka at wala kang ginawa upang mabago ang mali mo at imbes na maging aral, ay patuloy mo pa
ding ginagawa ang pagkakamaling iyon.

You might also like