You are on page 1of 1

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Office of the Academic Affairs


Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

PANGALAN: Jobilyn P. Guerta                      PETSA: June 13, 2021


YEAR & SECTION: BSBA HR 2-F   PROPESOR: Prof. Cristopher Sobremesa

ANG KABALYERO NA SUSUPIL NG VIRUS


May isang virus na pinag-uusapan ng lahat. Naglalakbay ito sa buong mundo, nagbibigay ng
sakit sa mga tao, at naghahasik ng takot at pangamba. Mula sa isang tao, napakabilis na lumilipat
ng virus na ito patungo sa susunod na tao. Sa isang komunidad may isang pamilya ang
nangangamba dahil sa paglaganap ng sakit na ito, at ito ay ang pamilyang Cruz. At si John na
anak ng mag-asawang Cruz ay nagtanong ukol sa sakit na ito, at ipinaliwanag naman iyon ng
maayos kay John. Masaya si John sa sinabi ng kanyang ama na hindi masyadong delikado ang
virus na ito para sa batang tulad niya. Subalit nalungkot naman ng sabihin ng kanyang ina na ang
virus ay napaka-delikado para sa ibang tao, lalo na sa mga nakakatanda. Ngunit sinabi ng mga
magulang niya na lahat ay may maaaring makatulong upang supilin ang virus. Labis na natuwa si
John dahil mahilig siyang tumulong. Gusto niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang
makatulong. Nais niyang maging isang kabalyero upang masupil ang virus. At ito ay maraming
katanungang sa kanyang isipan katulad na lamang ng mga, ano ang maari niyang gawin upang
patigilin ang virus? Kailangan niya bang aralin ang pagtumbling sa hangin? Kailangan niya bang
ayusing mabuti ang kanyang iskedyul? Napasagot na lamang siya sa kanyang isipan na “
Salamat sa Diyos at hindi ko naman kailangang gawin iyon! Kailangan ko lang manatili sa bahay
hangga’t maaari; at gayundin ikaw, pati ang iyong mga kaibigan at pamilya. Kung kailangang
bumili ng pagkain, dapat panatilihin ang 1.5 na metrong distansya mula sa isa’t isa. Kung ito ay
magagawa ng lahat, mapipigilan natin ang paglalakbay ng virus.” Mukha siyang madali. Pero
mami-miss niya ang pakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Mami-miss niya ang pag-upo sa
hita ng kanyang lolo. Marami siyang bagay na mami-miss. Ngunit naisip niya kung gaano niya
kamahal ang mga miyembro ng kanyang pamilya. Naisip niya kung gaano niya kamahal ang
mga tao sa kanyang distrito, komunidad, at bansa. Sa totoo lang, mahal niya ang lahat ng tao sa
mundo. Ibabahagi niya ang kanyang pagmamahal sa lahat ng tao sa mundo. Makikita niyo! Mas
malayo ang mararating ng pagmamahal niya kaysa sa virus.

You might also like